Lahat ng Kabanata ng Chasing The Guy Who Saved Me: Kabanata 41 - Kabanata 50
60 Kabanata
CHAPTER 41
Inilibot ko ang aking tingin sa kabuuan ng apartment na siyang inuokupahan naming dalawa ni Jam. Hindi ko akalaing magagawa naming matagalan ang pagtira sa isang maliit na apartment."Galunggong nanaman ang ulam natin?"Napairap ako sa tanong na iyon ni bebs saka na naupo sa kaharap niyang upuan."Pagtiyagaan mo na lang. Hayaan mo kapag nakaluwag tayo lechon na uulamin natin."Nagawa ko pang tumawa para pagaanin ang pagitan naming dalawa pero nakasimangot pa rin siya. Kaya napangiti ako nang makaisip ng ideyang makakapagpasaya sa kanya."Tingnan mo kapag hinati ko ito sa dalawa, hindi na ito galunggong."Nakapangalumbaba naman niya akong tinitigan saka nangunot ang noo niya. "Gaga ka. Galunggong pa rin 'yan.""Hindi kaya. Kapag hinati ko ito sa dalawa magigi na siyang two na. Means tu-na."Napailing-iling lang naman siya sa biro ko. "Gaga
Magbasa pa
CHAPTER 42
We will gonna have a retreat today. 5 days and 4 nights. Dapat talaga two days lang ang retreat pero nakiusap ang mga ibang section tutal naman daw ay malapit na ang pagbubukas ng second semester. Kumbaga parang short vacation na rin namin ito para makapag-unwind na pinayagan ng president ng universiy namin.This is a good thing to me especially that this remaining days is my last moment to be with Josh."In the second day of our retreat, we will be having an activity and that is by group, class. It will be a secret for the meantime. I already assigned the groups. The group leaders that I choose please come to me," may kahabaang litanya ng dean namin.Hindi na ako nagtaka nang isa si Jam sa napiling leaders. Seryoso naman kasi ang babaeng iyan pagdating sa pag-aaral. Nawawala lang talaga sa katinuan kapag may kalokohan kaming naiisip na dalawa."Group leaders, take roll call and get your group on the bus,"
Magbasa pa
CHAPTER 43
Nagising ako mula sa mahimbing na pagkakatulog nang maramdaman kong parang may kumukuha sa amin ng litrato. Idadagdag pa ang parang mabigat na bagay sa ulo ko, na ulo pala ni Josh. Kahit kinikilig ako ay ginising ko na siya nang mag-announce ang dean namin na puwede na kaming bumaba.Hindi ko na tuloy nagawa pang i-appreciate ang ganda ng lugar na ito dahil sa kilig na nararamdaman. Si Josh kasi iyon eh. Tapos nakasandal pa ang ulo niya sa ulo ko kanina.Maya-maya pa ay napahawak ako aking noo nang biglang pitikin iyon ni Josh. "Masakit ha. Bakit ba?""Pumikit ka na.""Ha?" naguguluhan kong tanong ngunit bigla na lang namula ang pisngi ko dahil sa naisip. Is he gonna kiss me?Napasinghap ako nang ilapit niya ang mukha niya sa tenga ko, "Ipikit mo na iyang mga mata mo kasi magdadasal na raw tayo. Kung ano-ano kasing pumapasok sa isip mo."Kaagad umakyat ang init ng
Magbasa pa
CHAPTER 44
Unti-unti kong binuksan ang aking mga mata. Inilibot ko ang tingin at natagpuan ko ang sariling nandito pa rin sa loob ng storage room. Sapo ko ang aking noo nang bumangon ako.Kaagad ay naibaling ko ang tingin ko nang bumukas ang pinto at iniluwa no'n sila Dwight at Lumi. Kitang-kita ko ang pag-aalala na nakarehistro sa mukha ng huli. Ramdam ko ang sinseridad niya sa lahat ng kanyang sinabi kanina. Alam kong hindi siya magsisinungaling sa bagay na sinambit niya."Alam kong naguguluhan ka sa kung sino ang dapat paniwalaan. Kaya pakinggan mo na lang itong plano namin, Lex," panimula ni Dwight at naupo sa tabi ko.Nakita ko pa ang pag-aalinlangan ni Lumi na maupo rin sa sofa kaya tumayo lang ito sa tabi ni Dwight."I-I want to hear it, Dwight. What are your plans?"Nagkatitigan silang dalawa ni Lumi bago siya magsimulang ipaliwanag sa akin ang lahat ng plano niya.Sana lang
Magbasa pa
CHAPTER 45
Suot ang jacket na ipinahiram sa akin ni Dwight kanina ay naglakad na ako papunta sa dalampasigan. Mukhang mas nauna ako sa usapan namin ni Eunnice. Inabala ko na muna ang aking sarili sa pagmasid ko sa kagandahan ng mga bituin sa kalangitan. Habang dinarama ko naman ang malamig na simoy na hangin dito sa dalampasigan. Pilit kong kinakalma ang aking isipan kasabay ng panunuod ko sa paghampas ng alon habang hihintay ko siya.Maya-maya lang ay naramdaman kong may tumabi sa akin. Nang ibaling ko ang tingin ko sa kanya ay matamis niya akong nginitian."May problema ba?""Wala naman. Gusto lang kitang makausap."Naglaho bigla ang kanyang ngiti at napalitan iyon ng pag-aalala. "Tungkol saan?"Napaiwas ako ng tingin saka pinagmasdan muli ang paghampas ng alon. "Nakausap ko na si Lumi, Eunnice."Kahit hind ko siya tingnan ay ramdam ko na bigla siyang hindi mapakali sa pwesto niya.
Magbasa pa
CHAPTER 46
Masyadong maraming nangyari sa buhay ko na hindi ko akalaing mararanasan ko. Ngunit dahil sa mga bagay na ito, mas pinipili kong magpakatatag at ipagpatuloy ang aking buhay.Walang espasyo para sa mga negatibong bagay sa buhay ko. Dahil kahit ang masasamang bagay na nangyari ay may malaking gampanin sa parte ng pagkatao ko. Sadyang may mga bagay lamang talaga na mararanasan natin para maging malakas at matatag tayo bilang tao.Dahil sa nangyaring rebelasyon kahapon ay mas naramdaman ko ang pagbabantay at pagprotekta sa akin ng mga kaibigan ko. Lalo na sila Josh at Dwight. Kulang na lang ay bantayan nila ako 24/7 sa labas ng kuwarto namin. But our dean and professor assured me na safe ako. They also assured me na hindi na kailanman makakalapit muli sa akin si Eunnice.I really appreciate how Josh cared for me. How he wanted to protect me. Ngunit dahil sa alam na ni Angelie ang bagay na kinatatakutan kong malaman ng iba ang
Magbasa pa
CHAPTER 47
Nagising ako na walang tao sa tabi ko. Kaagad kong hinanap si Josh sa nurse na nagbabantay sa loob ng clinic ngunit ang sabi neto ay umalis din si Josh pagkadala niya sa akin dito sa clinic.Napabuntong-hininga na lang naman ako saka na lumabas ng clinic. Balak ko na sanang hawakan ang suot-suot kong kwintas na ibinigay pa sa akin ni mommy ngunit hindi iyon natagpuan ng kamay ko sa aking leeg. Kaagad dumaan ang kaba sa aking dibdib dahil mahalaga ang bagay na iyon para sa akin. Iyon kasi ang regalo sa akin ni mommy nang tumuntong ako ng ika-walo kong kaarawan. Matagal na iyon sa akin dahil pinangangalagaan ko iyon tapos ngayon pa nawala.Kaya kaagad akong nagbalik sa dorm namin. Nagbabakasakaling mahanap ko ito roon. Ngunit bago pa ako tuluyang makapasok sa kuwarto namin ay may narinig na akong nag-uusap sa loob."Saan mo itinapon ang kwintas niya, Ange?"Napahigpit ang pagkakahawak ko sa seradura ng pinto
Magbasa pa
CHAPTER 48
Pareho kaming nagulat ni Jam nang paglabas namin ng kuwarto ay nakaabang na sa amin sila Ethan at Josh. Nagkatinginan kami ni bebs saka parehong napailing na lang. Bahagya pa akong natawa nang biglang hilain ni bebs si Ethan paalis."J-josh, g-gusto ko lang magpasalamat tungkol sa kahapon. S-salamat din sa pagsauli netong kwintas ko," aligaga ko pang ipinakita sa kanya ang suot-suot kong kwintas.Hindi ko maintindihan pero ngayon pa ako nakaramdam ng pagkailang matapos ng ilang buwang paghahabol ko sa kanya.Napasinghap naman ako nang bigla niya akong akbayan saka sabay na kaming naglakad papunta sa bonfire na ginawa nila malapit sa dalampasigan. Hindi ako makapaniwala sa ginawa niya. Tila ibang Josh ang nakaakbay sa akin ngayon.Nang makita kaming sabay na naglalakad na dalawa ni Josh habang papalapit sa puwesto nila at nakaakbay pa siya sa akin ay nandyan na naman ang panunukso nila sa aming dalawa na naging dahilan ng pamumula ng aking pisngi.M
Magbasa pa
CHAPTER 49
Maya-maya lang ay bumitaw na siya sa pagkakayakap. Parang tanga pa akong pinagmasdan lang siyang maupo sa buhanginan. Ngunit maya-maya rin ay inutusan niya akong maupo sa pagitan ng kanyang dalawang binti na siya ko namang ginawa.Naramdaman ko na lang ang paglapat ng dibdib niya sa likod ko at ang pag-ikot ng kanyang dalawang kamay sa beywang ko para yakapin ako."Sinagip mo ulit ako," bigla ay pahayag ko.Kahit hindi ko siya tingnan ay alam kong naguguluhan siya ngayon sa sinabi ko."Sinagip mo ako mula sa pagkakahulog ko sayo. Akala ko one sided na lang talaga itong nararamdaman ko. Akala ko ako lang ang tuluyang nahuhulog na, mabuti na lang at nagawa mo akong saluhin," dugtong ko.Naramdaman ko naman ang pagbaon niya ng kanyang mukha sa aking leeg."Ganito pala ang kiligin," bulong niya saka napamura pa.Napakagalpak naman ako ng tawa dahil sa sinabi n
Magbasa pa
CHAPTER 50
"Lex."I immediately wipe away my tears, saka ko na tuluyang hinarap si Dwight."D-dwight.""Mukhang kayo na," aniyang mababakas ang pait sa boses.Sinubukan niya ulit ngumiti ngunit hindi iyon umabot hanggang sa kanyang tenga. Hindi iyon ang totoong ngiting ibinibigay niya sa akin noon.Napatango lang ako saka na napayuko. Naramdaman ko na lang na lumapit siya sa akin saka ginulo-gulo ang buhok ko."Masaya ako para sa inyong dalawa. Huwag mong hayaang masira ang kasiyahan mo ng ibang bagay. Kung iniisip mo si Tamara, sumuko na siya kay Josh. Nagpaubaya na sayo ang pinsan ko."Nanlaki ang mga mata ko at kaagad na napatingin sa kanya. Hindi dahil sa sinabi niyang sumuko na si Tamara."P-pinsan mo si Tamara?"Tipid lang naman siyang ngumiti saka tumango. Lalo lang akong nagu-guilty dahil hindi ko pa rin talaga lubos na kilal
Magbasa pa
PREV
123456
DMCA.com Protection Status