Lahat ng Kabanata ng GAME OF LOVE: Olivia Reid: Kabanata 81 - Kabanata 90
290 Kabanata
CHAPTER 80
“LONG time no see Gabriel,” bati ng anak ni Don Ignacio  nang magkita sila sa golf course kasama ng mga kaibigan niya, “After ng lumabas na mukha natin sa mga newspaper, hindi ka na ulit nagpakita ah.”            “Medyo naging busy lang.”            “Just because our plans did not pursue, tinapos mo na rin ang whirl wind romance natin ng gabing iyon,” makahulugang sabi nito sa kanya.            “Wala namang romance na nangyari.  Namis-interpret lang ng media iyong pagiging gentleman ko.” Sagot niya rito.            “Really?” nanunukso ang mga ngiti nito sa kanya, “Wala nga ba?”          
Magbasa pa
CHAPTER 81
MAINIT ANG mga mata ni Elise kay Gabriel.            The more na nagpapakipot ito sa kanya, the more na mas lalo siyang atat. It makes her thirst for more.            Very intruiging para sa kanya ang pagiging mysterious nito. Bukod tanging ito lang ang lalaking hindi gaanong nagbibigay ng importansya sa kanya.  Gusto niya itong lubos na makilala. Gusto niyang malaman kung sinu-sino ang mga nakarelasyon nito at kung sino ang karelasyon nito sa kasalukuyan.            Ito rin ang paraan nya upang tuluyan na niyang makalimutan si Dave.  Nag-iinit ang ulo niya tuwing naalala ang lalaking iyon.  Hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa kanyang mga alaala ang pinagdaanan niya sa Amerika.            God, ayaw na n
Magbasa pa
CHAPTER 82
KAAGAD na nakatawag ng pansin ni Olivia ang cover ng isang fashion magazine.  Hindi niya makakalimutan ang mukha ng babaeng iyon dahil iyon ang babaeng kasama ni Gabriel sa isang interbyu nuon na pinagselosan niya ng husto.  Binayaran niya iyon kasama ng yogurt na ipinabili sa kanya ni Stacey pagkatapos ay lumabas na sila ng Family Mart na nasa ibaba lang naman ng kanilang condominium.            Nasa elevator pa lamang sila ay binasa na niya ang magazine.  Ilang beses siyang napabuntong hininga ng malalim, ang layo-layo ng agwat nila ng Elise Ignacio na ito.  Ito ang klase ng babaeng siguradong gusto ng mga magulang ni Gabriel para dito.            “Olive?”            Pag-angat niya ng mukha, nakita niya si Don Miguel nakangiti sa kanya.  Hin
Magbasa pa
CHAPTER 83
NAPAKUNOT ang nuo ni Gabriel nang makita sa ibabaw ng kama ang isang fashion magazine kung saan cover ang anak ni Don Ignacio.            Binili ba ito ni Olivia dahil ito ang cover or nagkataon lang?            Hindi na niya maalala kung napag-usapan ba nila nuon ang tungkol dito.  Para sa kanya ay hindi naman big deal ang paglabas nilang dalawa sa tv at diyaryo na waring may ‘romance’na namumuo sa kanila dahil wala namang katotohanan iyon kaya di na niya maalala kung napag-usapan ba nila ito ni Olivia nuon.            Siguro’y nagkataon lang na ito ang cover ng magazine.            Napalunok siya nang lumabas ng banyo si Olivia.  Nakatapis lamang ito ng kulay rosas na tu
Magbasa pa
CHAPTER 84
HINDI makapaniwala si Elise sa naikwento sa kanya ni Samantha. Si Gabriel Craig na napakasuplado at napakahirap kunin ng attention, may ka-live in na prostitute?            Oh My God, parang ang hirap paniwalaan pero mukhang nagsasabi naman ito ng totoo lalo pa nga at na-confirm na niyang pinsan nga itong talaga ni Gabriel.            Curious tuloy siyang makilala kung sino ang babaeng iyon.            Tinawagan niya si Gabriel.            Nasa mood siya para maglaro.            Masarap maging project ang isang gaya ni Gabriel.  Mas nakaka-challenge para sa kanya ang kagaya nito na may pagka-isnabero. Idagdag pang take na pala ito. At ng isang prostitute ha?&nb
Magbasa pa
CHAPTER 85
“SIR, ANG KULIT PO EH,” Mahinang sabi ng kanyang sekretarya nang pasukin siya nito sa kanyang pribadong opisina, sa likod nito ay nandoon si Elise Ignacio, “Hindi ako tigilan gang di ko dinadala sa inyo. Pasensya na Sir,” natatakot na sabi nito sa kanya.            Tumango siya at senenyasan si Miss Albufera na lumabas na ng kanyang kuwarto. Siya na ang bahala kay Elise.            Nagmamadaling lumabas ang kanyang sekretarya.            Lumapit si Elise sa kanya, naupo sa ibabaw ng mesa niya at sinadyang e-expose ang mahaba at maganda nitong legs sa harapan niya.            “Gusto ko ng mapikon saiyo, Gabriel. Tinanggihan mo ang dinner invitation ko saiyo kagabi.  Ngayon naman, gusto mo akong pagtagu
Magbasa pa
CHAPTER 86
Nagulat si Gabriel nang makatanggap ng tawag mula kay Edward. “Pasensya na pare sa nangyari. Wala akong intensyong guluhin kayo. Pumunta lang ako para humingi sana ng paumanhin kay Olivia sa nagawa kong kasalanan. . .”            “Sana ako ang una mong nilapitan kung talagang yun ang intension mo,” pormal na sabi niya sa nasa kabilang linya ng telepono.            Wala na siyang tiwala kay Edward at hindi na niya papayagang maulit pang muli ang nangyari.            “I know,” anang lalaki, dinig niyang napabuntong hininga ito ng malalim, “Hindi ko alam kung magiging okay pa tayo, Gab. Pero sana ituring mo pa rin akong kaibigan. I know, hindi naging maganda ang pagtatapos ng relasyon namin ni Samantha pero huwag naman sanang pati pagkakaibigan natin masira n
Magbasa pa
CHAPTER 87
So this is where he keeps his lady? Sabi ni Elise sa sarili nang ibaba siya ng kanyang driver sa isang first class high rise condominium sa Makati.  Pumasok siya sa loob ng lobby, tiyak na mahigpit ang security sa loob niyon kaya hindi niya alam kung anong drama ang kailangan niyang gawin para makapunta siya sa unit nina Gabriel.            For sure, pagsusupladuhan lamang siya nito.  Hindi rin naman niya sigurado kung eentertain siya ng Olivia na iyon kapag ito ang hinanap niya.            “Elise?” anang isang boses sa tabi niya.  Ang gulat niya nang paglingon niya ay makita si Don Miguel, isa sa mga kaibigan at kasosyo sa negosyo ng father niya.            “Tito Miguel,” hindi makapaniwalang sabi niya. Biglang nagningning ang kanyang mga mata nang
Magbasa pa
CHAPTER 88
NAKANGISI si Elise nang huminto sa tapat niya ang kanyang sasakyan. Kumaway pa siya kay Don Miguel bago tuluyang sumakay sa kotse, “Nice talking to you Tito Miguel. Wag kayong mag-alala. Your secret is very safe with me,” pagbibigay assurance niya dito bago isara ang pinto ng kotse.            Tawa siya ng tawa nang tumatakbo na ang sasakyan.            Ginalingan talaga niya ang acting niya at mukhang napaniwala naman niya ang matanda na talagang desperado siyang mabalik sa kanya si Gabriel.  And that she was pregnant three years ago pero napilitan siyang ipa-abort iyon sa Amerika dahil ayaw siyang panagutan ni Gabriel.            Well, totoo namang nagpaabort siya sa Amerika three years ago. Iyon nga lang, hindi si Gabriel ang tatay ng batang dinala niya.  Kailangan niyang
Magbasa pa
CHAPTER 89
“ANO BA IYONG NAPAKAHALAGA mong sasabihin at tinawagan mo ko ng dis oras ng gabi?” Tanong ni Elise nang puntahan niya si Samantha sa Manila Peninsula.  Ayaw na ayaw niyang naiistorbo kapag nagpapahinga na siya and yet makulit si Samantha kaya napilitan siyang makipagkita dito, “Just make sure hindi ako nagsasayang ng oras dito,” me pagkasupladitang sabi niya saka naupo sa tapat nito.            Ngumiti si Samantha, iniabot ang isang brown envelop sa kanya.            Kunot-nuo niyang kinuha ang laman ng brown envelop.  Mga larawang kuha ni Don Miguel kasama ng isang magandang babae.            “Three years ago pa ang mga pictures na yan.  Nakuha ko sa private investigator na kakilala ko na nagkataong inarkila nuon ni Gabriel para magmatyag sa mga kilos
Magbasa pa
PREV
1
...
7891011
...
29
DMCA.com Protection Status