All Chapters of CONTRACTED WITH THE MILLIONAIRE (TAGALOG): Chapter 11 - Chapter 20
48 Chapters
CHAPTER 10
“Saan ba tayo pupunta?" Hindi pa rin ako mapakali, nilakasan ko ang loob para tanungin si Zeke na ngayo'y nakatuon ang pansin sa pagmamaneho, saglit niya akong tinitigan. “You're stressed and you are missing something." bahagyang tumaas ‘yung isa sa mga kilay ko, totoo naman na nai-stress na ako sa mga pinagggagawa namin pero alam ko namang parehas lang ang nararamdaman namin, wala akong karapatang magreklamo. Pamilyar ‘yung mga dinaraanan namin, nanlalaki ang mga mata ko nang makitang muli ‘yung mga dati kong dinaraanan. “Here, alam kong nami-miss mo na ang mga kapatid mo, Bri." Napangiti ako sa kaniya, ma-awtoridad na kumilos ang katawan ko para yakapin siya, natutuwa ako sa kaniya dahil sa kabila ng mga kasungitan niya dati'y mayroon pala siyang tinatagong kabaitan. “Go see them, hindi tayo pwedeng magtagal dito." Nakita kong bahagya siyang ngumiti sa akin, “Hindi ka ba sasama sa akin sa loob? Kilala ka naman na ‘di ba?"  “Kila
Read more
CHAPTER 11
“Bes, kanina ka pa nakatulala. Okay ka lang ba?" Ang pamilyar na boses ay nanggagaling kay Cindy. Nagpakawala ako nang mabigat na paghinga matapos siyang lingunin. Marahan akong ngumiti, ”Oo naman, maayos ako.” kasabay no'n ang pagkindat ko sa kaniya. Hindi pa rin ako mapakali sa kaiisip tungkol roon sa sinabi ni Zeke sa akin kahapon. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil anlaki na nang ipinagbago niya o dapat bang sumakay na lang ako sa gusto niyang mangyari. Baka isa lang ‘yon sa bagong plano niya.  “Oh kung gano'n, mauna na muna ako ha. Hindi ka ba talaga sasama sa hasyenda?” Ngumiti ako matapos ay marahang nagpa-iling-iling. “Hindi, may gagawin pa ako.” Nagpatango-tango muna siya bago tumalikod sa akin. Pinagmasdan ko siyang makalayo sa kinaroroonan ko. “Tama, baka isa lang ito sa mga plano niya.” Mahinang bulong ko sa sarili, lumagok ako ng isang basong tubig matapos no'n. Isang plano na dapat kong sakyan.&
Read more
CHAPTER 12
“How's your relationship with my dearest son?” Bahagya akong napahinto sa kinakain kong pasta. Mariin akong napalunok, napako ang paningin ko sa mapang-husga niyang mga mata. “Maayos naman po. In fact, we're planning to marry each other." Napangiti ako.  Nakita ko namang ngumiti si Zeke sa akin nang magtama ang paningin naminh dalawa. “Well, I hope that plan goes well.” Marahan akong napatango. Elizabeth ang pangalan nang babaeng nasa harapan ko ngayon. Halatang mataas ang estado sa buhay at maganda ang pinag-aralan. Ngayon pa lang ay kinakabahan na ako. Mukha siyang masungit. Hindi pa naman ako magaling mangilatis ng isang tao. “Oh, there she is!” Napatingin ako kung saan siya nakatingin.  Iniluwa nang pintuan ang isang magandang babae, katulad ko'y isang magarang bestida din ang suot-suot niya. Isang mestisang babae ang lumapit kay Mrs. Elizabeth. Sa batian at yakapan nila'y halatang magka-cl
Read more
CHAPTER 13
“Hindi ka pwedeng sumuko nang gano'n-gano'n na lang, Brielle. Marami pa tayong dapat gawin, isandamakmak pa na problema ang darating sa misyong ito. Naiintindihan mo ba?" Ma-awtoridad na aniya.  Tumaas ang tono ng kaniyang pananalita na para bang isa lamang ako sa mga tauhan niyang maaari niyang utos-utusan at sigaw-sigawan kahit kailan niya gusto.  Teka nga, gano'n ba ang tingin niya sa akin? Isang tauhan na hindi pinapahalagahan? Isang tauhan na susundin ang lahat ng gusto niya? “Pero, Zeke. Naguguluhan na ako sa mga nangyayari. Ibig kong sabihin, hindi mo ba napapansin ang trato sa akin ng nanay mo?" “She's not my mother." Nahinto ako sa sinabi niya. Anong ibig sabihin niya? Ang sabi ni Mrs. Elizabeth kanina'y anak niya raw siya? Teka, ang gulo! “A-ano?" “She adopted me when I was a kid. They gave me everything but, that everything is not enough. Tinanggalan nila ako ng karapatan sa maraming bagay.
Read more
CHAPTER 14
“Ganito naman talaga ako.” Mabilis siyang humarap sa akin. Hawak-hawak ang kopita, kaagad niyang ininom ang lahat nang laman no'n. Tumaas ang kaniyang kilay nang muli niya akong titigan. “You shouldn't be caring about my attitude, masanay ka na. We should talk about your siblings and your decisions instead.” Pinilit ko pa ring lumunok kahit pa nahihirapan. “Now, ano na ang desisyon mo?” Nakapako pa rin ang titig ko sa kaniya kasabay no'n ang malalim na paghugot ko nang hininga. Matapang ko siyang tinitigan sa kaniyang mga mata. Siguro tama siya. Ayokong mapalayo sa kanila pero kung hindi ako papayag sa inaalok ni Zeke ay baka ako pa ang maging dahilan para hindi nila maabot ang kanilang mga pangarap. Ayokong maging kontrabida. Siguro kailangan din nilang mas masanay na mapalayo sa akin para mas makapag-isip ako. Hindi ko kasi alam ang sasabihin sa kanila kapag nalaman nilang hindi ko kaibigan si Zeke, kapag nala
Read more
CHAPTER 15
Mahigit alas-syete na nang umaga nang magising ako. Naririto ako ngayon sa kusina, nagtitimpla ng kape. Martes ngayon, kaya mayroon na naman akong pag-aaralan kasama si Ms. Azalea. Ang sabi ni Manang Ester ay umalis ang alaga niyang si Zeke. Hindi namin alam kung saan nagpunta, ganoon naman talaga ‘yon. Hindi nagpapaalam at kusa na lang aalis na parang bula. Mabuti't pumayag siyang gamitin ang opisina niya para sa pag-aaral ko. “Good morning bes! How's your day?”  Kaagad akong humarap kay Cindy nang marinig ang matinis niyang boses. “Good. Wala ka bang alam kung saan nagpunta si Zeke?” Takang tanong ko. Ewan ko ba kung bakit naitanong ko pa ang tungkol sa kaniya. Wala naman akong pakielam kung saan siya magpunta at sigurado rin akong parehas lang kami nang nararamdaman. “Hmm. Siguro nasa meeting lang ‘yon o di kaya'y may inaasikaso.” Ngiting sambit niya. “Teka nga muna. Bakit ang blooming mo today?” Nakikit
Read more
CHAPTER 16
“Brielle Isabella..." Nabigla ako nang mayroong mainit na hangin na dumampi sa aking leeg. Mahigpit itong yumakap sa beywang ko habang ang ulo nito't nakapatong sa balikat ko. Mula sa paghinga niya'y naaamoy ko ang matapang na amoy ng alak sa kaniya hininga. Hindi ako makagalaw sa higpit nang pagpalupot ng kaniyang mga braso sa beywang ko. Hindi ko alam. Bakit ko siya hinahayaan? Bakit hindi manlang ako makapagreklamo? “How are you, Brielle?” His husky tone made it sexier even more. “O-okay naman ako.” Utal ko sa kaniya.  Mula sa kinatatayuan ko'y malaya kong nakikita ang hasyenda mula sa hindi kalayuan. “Is my wife okay with these shits?” He said. Para siyang batang nagtatanong sa akin.  “Hindi, Zeke. Lasing ka na, matulog ka na.” Ma-awtoridad kong sabi, pilit kong tinanggal ‘yung mahigpit na pagkakayapos niya sa akin. “What if I won't?” Seryoso ang pagkakatitig niya sa akin nang magta
Read more
CHAPTER 17
Napatingin ako sa kaniya. “Bakit mo pala ako hinahanap?” Takang tanong ko.   “Binilin kasi ni Sir Zeke sa akin na ilibot ka sa hasyenda.” Nagkunot ako ng noo. Nanatili pa ring nakapako ang titig ko sa kaniya.  “Oh ba't parang nagtataka ka? Hindi ba binanggit sa ‘yo ni Sir Zeke ang tungkol doon?” Mataas ang tono ng kaniyang pananalita nang sabihin iyon. Umalingaw-ngaw na naman sa buong lugar ang matinis at masakit sa tengang boses niya. Nagpa-iling-iling ako. “Hindi pa, siguro nakalimutan lang niya.” Pilit akong ngumiti. Hindi nga niya sinabi pero alam kong gagawin niya ang mga ito, siya kasi ‘yung tipong tao na laging gusto ay preparado. Iyung ayaw na napapahiya at nagkakamali. Hindi kasi naging maganda ang unang punta ko sa hasyenda niya lalo pa't may mga narinig akong usap-usapan. Iyung hindi pa nga nila ako ganoong nakikilala gano'n na ang trato nila, ano pa ‘yung malaman nila na hulog na hulog na sa akin ang amo nilang si Ze
Read more
CHAPTER 18
Kanina pa kami naririto sa opisina niya. Wala pa ngang limang minuto nang mag-usap kaming dalawa kanina. Nakasimangot na naman siya. Seryoso na naman ang ibinibigay niyang ekspresyon. Hindi na ako magtataka dahil ganito naman lagi ang ginagawa niya kapag walang nakakakita. Wala naman siyang sinabing pag-uusapan namin, hindi na rin ako nagtanong. “Anyway, ngayon ang flight nang mga kapatid mo." Nagtama ang paninhin namin nang mapatingin ako sa kaniya. Sa puntong ito, nagpakawala ako nang isang malalim na paghinga. Mukhang hindi pa ako handang mas mapalayo sa kanila. Ayoko rin naman maging hadlang para matupad nila ang kanilang mga pangarap. Pero, gusto ko silang makita bago sila mapalayo nang tuluyan sa akin. Magsasalita na sana ako nang bigla siyang magsalita muli. “Don't worry, they're on their way here.” Seryoso ang tinig niya. Nakatuon pa rin ang pansin niya sa isinusulat. Hindi na ako muling kumibo pa, mahigit isang
Read more
CHAPTER 19
Sa bilis nang pagpapatakbo niya'y kaagad kaming nakarating sa paroroonan.  Napakunot ako ng noo nang makita ang mga dati kong katrabaho rito sa hasyendang sinasabi niya. Dito ako dating nagtatrabaho. Dito din ‘yung lugar na tinitirahan namin. Teka nga, bakit kami nagpunta rito? Para saan? Para kanino? Awtomatikong bumukas ang bibig ko sa mga naisip na tanong. “Anong ginagawa natin dito, Zeke?” Tama ba ang naiisip ko? Napako na naman ang titig ko sa kaniya. “This is yours now, napag-desisyunan kong ito na lang ang bilhin dahil sigurado naman akong mabilis paki-usapan ang mga tao rito. Isa pa, kilala ka na rin dito.” Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Tama nga ang naiisip ko! Anong sasabihin ko sa kanila kapag tinanong nila kung paano ko nabili ang ekta-ektaryang lupa gayong pare-parehas lang naman kaming hasyendero noon? Nanalo sa lotto? Nagtrabaho sa isang malaking kompanya?  Napalunok ako
Read more
PREV
12345
DMCA.com Protection Status