All Chapters of My Little Trophy : Chapter 31 - Chapter 40
97 Chapters
Chapter 17.2
  "Tadoooo!" Umalingawngaw ang malakas na pagtawag ni Amber sa loob ng silid. Muli siyang napasigaw nang maramdaman niya ang paghilab ng kanyang tiyan.  Maya-maya lamang ay bumukas ang pintuan ng kanyang silid. Mula roon ay pumasok ang humahangos na si Tado. "Miss!" Kitang-kita ang pawisan nitong noo na tila ba galing sa malayong pagtakbo.  "Sumasakit ang tiyan ko." Nakangiwing humawak si Amber sa kanyang tiyan. "Manganganak na yata ako." Nataranta naman si Tado sa sinabi nito.  "Tawagin ko lang si Doc, Miss." Kumilos ito palabas ng silid ngunit natigil siya nang tawagin siya ni Amber at ituro ang intercom na nasa loob.    Hindi na mawari ni Amber kung anong sumunod na nangyari . Hindi na niya kasi malaman ang gagawin dahil sa paghilab ng kanyang tiyan.  Dalawang araw na siyang nasa sa hospital para lamang hintayin  ang pagdating ng kanyang due date.Makailang ulit siyang n
Read more
Chapter 18.1
"Tagay na! Woohhh!" Itinaas ni Amber ang basong hawak niya bago niya iyon itungga."Woohhhh! Isa pa please." Muli nitong itinulak ang kanyang kopita sa harap ng bartender. Muli namang sinalinan ng bartender ang baso nito.  Kaagad rin iyong kinuha ng babae ngunit mabilis na nahawakan ni Indigo ang kanyang kamay upang pigilan. "Lasing ka na, Amber."Inalis naman ng dalaga ang kamay nitong nakahawak sa kanya at mabilis na itinungga ang kanyang baso."Tama na 'yan, lasing ka na." Mahinahong saway nito sa kanya. "Hindi pa ako lasing." Umiling-iling Ito. "Kung lasing na sana ako, edi sana limot ko na si tanders."Napabuntong-hininga na lamang si Dark Indigo. Hindi niya alam kung anong nangyari, basta nang kumatok ang babae sa kanyang silid at nagyaya itong uminom ay para siyang tuod na pumayag. Nagyaya itong mag-bar sila na hindi naman niya tinanggihan.Hindi niya nagawang mag-usisa habang nasa biyahe sila ngun
Read more
Chapter 18.2
 "Sino ka ba?" Nakakunot-noong tumitig si Amber kay Ashton Blumentrint habang pangko-pangko siya nito. "Sinakay mo ako sa kotse mo tapos hindi ka man nagpakilala."Nang hindi pa rin umimik ang lalaki ay gigil niya itong idinuro sa dibdib."Bigla mo na lang akong inilayo sa kasama ko."Nailing na lamang si Ashton Blumentrint."Baka magalit 'yon at 'di na niya ako pakasalan." Nakanguso itong sumubsob sa matipunong dibdib ng lalaki. "And you think I will let him marry you?"Lalong namang siniksik ng dalaga ang mukha nito sa kanyang leeg. "Gusto ko siyang pakasalan."Parang sinaksak ang puso niya sa tinuran niyang iyon."Pagkatapos, happy family na kami kasama si Hyde."Napabuga na lamang ng hangin si Ashton. Aniya, kung alam sana nito gaano siya nasasaktan sa mga sinasabi niya.Nanatili lamang siyang  walang imik. Nagpatuloy ito sa pagpasok sa loob ng house of Blumentrint. Maya-ma
Read more
Chapter 19.1
Bago pa makahuma si Amber sa sinabi ni Ashton ay mabilis na tinawid ng bata ang kanilang distansya at mahigpit na niyakap ang kanyang binti. Lalo tuloy siyang natigagal."Mommy." Napaawang na lamang ang kanyang bibig. Para siyang nananaginip, mahigpit ang pagkakayakap sa kanya ng batang kamukha ni Hyde. Yakap siya nito na tila ba labis na nanabik. At ang matindi ay tinawag siya nitong mommy.Gusto sana niyang kurutin ang kanyang sarili baka sakaling magising siya kung isa iyong panaginip ngunit tila naestatwa na siya habang nakatitig sa bata."You're finally home, mom." Maluha-luhang tumingala ang bata sa kanya. Para siyang robot na napalingon kay Ashton Blumentrint. Gumuhit sa mga mata ng dalaga ang pagkalito."A-Ashton--" Hindi na niya nagawang naituloy ang gusto niyang sabihin. Tila wala na siyang maapuhap na salita subalit tila naintindihan naman siya nito.Umupo ito upang pantayan ang batang nakayakap sa kanya. Maraha
Read more
Chapter 19.2
Mabilis na kinarga ni Amber ang bata pagkatapos ay agad rin siyang tumayo. Tila bigla siyang nakaramdam ng pagkabalisa sa sinabi ng bata na dapat siyang halikan ni Ashton. Bigla kasing rumagasa sa alaala niya ang ginawang paghalik sa kanya nito noong nasa resort sila. "Uwi na tayo. Puntahan na natin si Hyde." Taranta niyang turan. Nagpatiuna na rin ito ng paglabas ng silid. Ni hindi na  rin niya nagawang lingunin si Ashton Blumentrint, pakiramdam niya kasi ay pulang-pula na siya dahil sa tumatakbo sa kanyang isip. Napabuntong-hininga naman si Ashton na sumunod sa kanila dahil sa inasta nito.  Nang magsimula silang bumiyahe ay itinuon na ni Amber ang kanyang atensiyon kay Hade. Pakiramdam tuloy ni Ashton ay para siyang hangin na hindi nakikita ng dalaga. Naramdaman ni Amber ang paninitig ni Ashton sa kanyang ngunit tinatagan niya ang sariling huwag lingunin ito. Itinuon niya ang kanyang buong atensiyon sa mga kwento ni Hade. Nagkwento
Read more
Chapter 20.1
Tila sinaksak ang puso ni Ashton Blumentrint nang iwanan siya ni Amber Velez. Walang kalingon-lingon itong lumapit sa mga batang naglalaro. Napabuntong-hininga na lamang siya. Mabigat ang kanyang dibdib na sinundan ng tingin ang babae. Aniya sa sarili, ano bang dapat niyang gawin upang mapatawad siya nito.Nang makita niya kung paano ito kasaya habang kalaro ang dalawang bata ay pinili na lamang niyang tumalikod. Aniya, ayaw niyang sirain ang araw nito.Nahagip naman ng paningin ni Amber ang paglabas ng silid ni Ashton Blumentrint. Palihim na lamang siyang nag-ikot ng mata. Nang tuluyang makalabas ang lalaki ay itinuon na niya ang atensiyon niya sa mga bata. Sinamahan niya ang mga ito sa paglalaro. Maligaya siya. Sa labis na ligaya ay hindi na niya namalayan ang paglipas ng oras. Kung hindi pa sila hinatiran ng pagkain ng katulong ay hindi nila maiisip ang gutom. Sobra niyang na-enjoy ang araw na iyon. Ma
Read more
Chapter 20.2
"Alam niyo, mabuti pa tulog na tayo. Gabi na."  Pilipit maghikab ni Amber para ipakitang inaantok na talaga siya. Bago pa makahuma ang mga bata ay muli siyang nagsalita. "Antok na ako."Nang madako ang tingin niya kay Ashton ay hindi niya naiwasang magtaas ng kilay. "At ikaw naman, tanders. Magbihis ka na. Masyado ka ng rated-SPG sa harap namin."Ilang sandali pa siya nitong tinitigan kaya lalo siyang napasimangot. "Alis na!"Nang tumalikod si Ashton Blumentrint patungo sa walk in closet ay saka siya bumaling sa dalawang bata na nakahiga sa kanyang tabi. "Tulog na para maaga kayong magising bukas dahil papasyal tayo." "Together with daddy, mommy?" Hindi na niya nagawang sumagot nang makita niyang bumalik si Ashton. Nakasuot na ito ng sando at boxer short. Dumeretso itong binuksan ang lampshade. Matapos iyon ay pinatay na nito ang ilaw"Let's sleep now kids. Tomorrow we will go somewhere
Read more
Chapter 21.1
Pagkababa nila sa sinakyan nila ay kaagad na iginala ni Amber ang paningin. Sa 'di kalayuan ay makikita ang dalawang swimming pool. Sa mas maliit na swimming pool ay may mangilan-ngilang nagsisilangoy. Karamihan sa kanila ay mga batang nasa grade school na. May mga open cottage rin sa paligid. Ang ilan roon ay okupado na. "We will be staying here overnight. I already rented a room for us." Walang kangiti-ngiting turan ni Ashton Blumentrint. "Papa, mag-swim ba tayo ulit?" Kumilislap ang mga mata ng bata, kitang-kita ang excitement. "Mamaya, son, pahinga muna tayo ng konti." Mahinahong saad ni Ashton kasabay ng paghaplos niya sa ulo ng bata. "Tara na muna sa cottage natin." Sunod nitong turan matapos niyang panandaliang sulyapan si Amber. Hindi niya tuloy mawari kung sa kanya niya iyon sinasabi o sa mga bata. Hindi rin alam ni Amber kung galit ba ito sa kanya. Matapos kasi ang binitiwan niyang masakit na salita ay walang pasabi niyang iniwan ang lalaki sa silid. Magkakasabay s
Read more
Chapter 21.2
Kumabog ang dibdib ni Amber sa sinserong titig ni Dark Indigo. Tila tumagos iyon sa kanyang puso. "Payagan mo akong ligawan ka, please." Tila nag-echo iyon sa pandinig niya.Napakurap na lamang si Amber. Hindi siya makapaniwala sa narinig. "Gusto akong ligawan ni Dark Indigo Villacorda?" Ugong ng kanyang isipan."Mommy!"  Tila bumalik si Amber sa reyalidad sa pagtawag na iyon mula kay Hade. Mabilis siyang bumitaw mula sa pagkakahawak sa kanya ni Indigo."T-tinatawag na ako ng anak ko."  Kandautal niyang saad. Gumuhit ang kiming ngiti sa labi ng dalaga bago umatras ang kanyang mga paa."Next time na ulit tayo mag-usap."Bago pa makaimik si Dark Indigo ay mabilis nang tumakbo si Amber patungo sa park. Wala na siyang nagawa. Napabuntong-hininga na lamang siyang hinatid ng tingin ng babae. Hindi na nagawa pang lingunin ni Amber si Indigo. Basta nagpatuloy lamang ito sa paglayo. Humihingal siya nang makar
Read more
Chapter 22.1
 Bago pa makaimik si Amber ay dumapo na ang malakas na suntok sa mukha ni Dark Indigo. Sa lakas ay bumagsak ang lalaki sa sahig. Hindi pa nakuntento si Ashton sa pagsuntok, marahas niyang hinatak ang damit ni Indigo. Nang maitayo niya ito ay umamba ulit ito ng suntok. Kitang-kita ang panggagalaiti sa mukha nito."Tama na!" Nagawang mahawakan ni Amber ang kanyang kamay kaya natigil ang padapo ng kamao nito sa mukha ng kanyang pamangkin. Hindi niya gusto ang ginawang paghalik sa kanya ni Dark Indigo ngunit hindi naman niya maaatim na makita itong sinasaktan ni Ashton."Huwag mo na siyang saktan."Matalim naman ang titig ni Ashton Blumentrint na bumaling sa kanya. Tila dismayado rin itong umiling. Pagkatapos ay marahas nitong ipiniksi ang kanyang kamay."Hindi pa tayo tapos, Indigo! Hindi ko mapapalampas ang ginawa mong 'to!" Mariing saad ni Ashton Blumentrint kasabay ng marahas na pagtulak niya sa kanyang pamangkin. Muntikan
Read more
PREV
123456
...
10
DMCA.com Protection Status