All Chapters of The Monster CEO's Twins: Chapter 11 - Chapter 20
127 Chapters
Chapter 9
Hanggang kailan ba tayo matatakot? Hanggang kailan natin ikukulong ang sarili natin sa takot? Minsan tinuturuan natin ang ating sarili na maging matapang, ngunit isang katok lang sa atin ng mga bagay na ating kinatatakutan ay babalik na naman tayo sa pagiging mahina.Minsan din kapag magapi natin ang takot lalo na sa isang taong nakagawa ng bagay na ikinatatakot natin ay napapalitan din ng galit at pagkamuhi. Bakit? Dahil ginawa nilang miserable ang buhay natin. Namuhay tayo sa takot nang dahil sa kanila. Itong galit na ito o pagkamuhi ay magdadala rin sa atin sa kapahamakan kung tayo man ay naging padalos-dalos sa desisyon natin sa buhay.Kaya saan tayo lulugar? Ano ang dapat nating gawin?Basta ang alam ko lang ay ang harapin ang takot at isantabi ang galit para maisakatuparan lamang ang hinahangad ng puso.
Read more
Chapter 10
Third Person P.O.V “Tito Jemuel, when are you going to visit us?” Herald asked him on the other line. Ilang araw na ba siyang hindi nakapupunta sa condo unit ng mag-ina? Two? Three? Four days? Hindi niya na alam. At wala siyang plano dahil maliban sa abala siya para sa papalapit na pagbubukas ng klinika niya ay hindi pa niya kayang harapin si Ava. He already did everything, but why does it seem to be not enough to her? He was upset because of the woman's decision. Hindi man lang siya sinama sa naging plano ng babae. Tila wala siyang naitulong at basta na lamang  itinapon. Kausap niya ngayon ang inaanak niya sa kabilang linya. Kinonekta lamang niya sa aparatong nilalagay sa tainga ang tawag sa selpon dahil nagmamaneho siya ngayon ng kaniyang sasakyan. “I can't sa
Read more
Chapter 11
Kabababa ko lamang sa tricycle na sinakyan ko papasok sa subdivision kung saan matatagpuan ang malaking tahanan ng mga Fonteverde. Nang ibigay sa drayber ang pamasahe ay kaagad akong dumako sa maliit na gate para mag-doorbell. Hindi ko pa nadiin ang kamay ko sa pulang bilog na pindutan ay bigla nalang bumukas ang malaking gate sa gilid nito. Lumabas ang isang itim at tinted na SUV. Dahil sa pagkabigla ay napatalikod ako. Hindi ko alam kung nakita ako ng kung sinong tao na nasa loob ng sasakyan, pero kahit naka-tinted ang salamin ay sigurado akong si Alas Fonteverde ang nasa loob nito. Nang makalayo na ay saka lang ako humarap at tinanaw ang sasakyan hanggang sa lumiit ito sa aking paningin. Hindi ko akalaing maaabutan ko siyang paalis ng kanilang bahay. Sabado ngayon kaya kahit sabado ay hindi ito nawawalan ng trabaho. Mga kawawang nilalang. Masyadong ginugugol ang sarili sa pagpapayaman. “Astrid, and’yan
Read more
Chapter 12
Ava’s P.O.V Kumawala ako mula sa pagkakayakap ko kay Hera. “Do you want to go outside?” I ask her. Gusto ko lang subukang yayain siya ulit kahit alam ko na ang isasagot niya. Napayuko siya.  “Do you think daddy will get mad at me when I go outside without his permission?” she asked. Hinawakan ko ang dulo ng kaniyang baba at itinaas ito upang magkasalubong ang aming paningin. Tumingin siya sa akin at nagkatinginan kami. Nagawa nga rin niyang ngumiti sa akin, ngunit kababakasan naman ng kalungkutan. Ramdam ng bawat ina kung ano ang nararamdaman at pinagdadaanan ng kanilang mga anak kahit hindi ito sinasabi sa kanila. Malinaw sa kilos at sa matang hindi marunong magsinunga
Read more
Chapter 13
Third Person P.O.V “Kids, excuse me for a while. The principal called me on the faculty. I know I can trust you all. Please be quiet and you are free to do what you want on your chairs,” the kindergarten’s teacher announced to the kids. Hawak-hawak niya ang cellphone kung saan ay nabasa niya ang mensahe ng kanilang Principal “Yes, Teacher!” kids chorus. Nang umalis ang guro ay nagsiingay ang mga bata. Samantalang si Hera ay kinuha  ang dalang sketch pad at lapis sa kaniyang bag. Nagsimula na siyang gumihit nang may tatlong batang babae ang lumapit sa kaniya. Napatingala si Hera sa mga ito.  Nakahalukipkip ang mga kamay ng mga bata at taas kilay na nakatitig kay Hera. Kahit na ganoon ay nginitian ni Hera ang kaniyang mga kaklase. Alam niyang aawayin na naman
Read more
Chapter 14
Nang matapos siyang kumain ay hindi ko na pinatagal pa ang dapat kong sabihin. “Son, can mommy talk to you after I wash the dishes?” tanong ko sa kaniya. Hinintay ko ang sagot niya hanggang sa tumango siya ng dalawang beses. “Go to the bathroom first and bathe yourself while mommy washes, okay?” habilin ko sa kaniya. Tumango ulit siya at tahimik na umalis. Hindi ko napigilan ang mapabuntong-hininga. Hindi talaga ako sanay na tahimik si Herald. Ito ang palagi kong iniiwasan noon pa man dahil minsan ay mahirap siyang kausapin. Alam kong magseselos siya sa gagawin kong paglapit kay Hera. Kaya noong sisimulan ko pa lang ang plano ay nakapag-isip na ako, kung itutuloy ko ang paglapit sa batang babae ay baka sasamá ang loob sa akin ni Herald at magkakaroon ng komplikasyon
Read more
Chapter 15
Ava’s P.O.V Halos paliparin ko ang sasakyan patungong paaralan ng aking anak nang tumawag ang principal at sabihing nakipag-away raw si Herald sa kaklase niya. Noong una ay hindi ako makapaniwala. Mahirap itong paniwalaan dahil hindi ganoon ang pagkakakilala ko sa kaniya lalo na at hindi ko siya pinalaki sa ganoong paraan. Nang tuluyan nang maiparada sa parking lot ng campus ang sasakyan ay kaagad din akong lumabas at lakad-takbo patungong Principal's office. Mabuti na lang ay naka-flat shoes ako ngayon kaya hindi mahirap at masakit sa paa. Pagkabukas ng pinto ay kaagad na hinanap ng aking mga mata ang aking anak at kaagad ko ring nakita dahil kaharap lamang siya ng pintuan na aking binuksan. Pero bago iyon ay nahagip na ng paningin ko ang Principal na nakaupo sa kaniyang upuan at ang batang babae na nakatalikod
Read more
Chapter 16
“E, ano ang tawag sa‘yo? Manggagamit? Manlilinlang? Mga p***! Kilalang-kilala ko na ang mga kilos n’yo!” matigas na ani niya na nagpakulo ng aking dugo. Halos natigalgal ako sa kaniyang mga sinabi. Wala itong preno at kung ano lamang ang haka-haka niya ay siyang paniniwalaan niya. Kaya kahit sinong taong may ipupuna ay ang kaniyang kayabangan dahil wala siyang ibang pinakikinggan kundi ang kaniyang sarili. Wala rin siyang ibang kinikilala kundi ang kaniyang sarili. Kinulang yata ito sa aruga ng kaniyang ina noong bata pa siya. Kaya ito ang naging bunga. Bakit pa tayo lalayo kung sa ama pa lang ay nakikita na ang ebidensya, hindi ba? Totoo ngang kung ano ang puno, siya ang bunga. Natawa ako sa isiping iyon. Hindi ko tuloy napigilang mapangisi sa kaniyang sinabi. May p
Read more
Chapter 17
Third Person’s P.O.V Masayang sinalubong ng nanny ni Hera na si Manang Olivia, na noon din ay ang nag-alaga kay Alas, nang makita niya ang mag-amang pumasok sa malaking bahay. Hindi niya akalain na magkasama ang mag-ama sa pag-uwi dahil hindi talaga ito nangyayari noon pa man nang magsimulang pumasok sa paaralan ang bata. Ngunit kaagad din itong kumupas nang makita ang kalagayan ng bata. Punong-puno ito ng luha at ngayon ay tahimik na umiiyak. Doon na lamang niya napansin ang seryosong mukha ni Alas na hindi niya napansin. “Ano ang nangyari?” buong pag-aalala niyang tanong. Hindi siya sinagot ni Alas at dirediretso itong tumungo sa hagdanan patungong ikalawang palapag. “Nanny,” pagmamakaawa ni Hera sa kaniyang tagapag-alaga na tulungan siya at kunin sa kamay ng kaniyang ama na ngayon ay tila kinakaladkad siya paitaas. “Ace, ang bata. Bitawan mo! Ace, nasasaktan ang anak mo!” halos magmakaawa na rin si Manang Olivia. Nagsisigaw na rin siya dahi
Read more
Chapter 18
Third Person P.O.V Halos lahat ay nakapagtago na sa kani-kanilang cubicle nang marinig na naman ang tumataas na boses ng kanilang boss. Uminit na naman kasi ang ulo nito sa isa nilang ka-workmate na palpak ang ginawang trabaho. Kapag ganito ang kanilang boss ay paniguradong kani-kaniya na talaga sila ng tago dahil kung sino ang makita nito’y paniguradong madadamay. “I'm not paying you to give me trash. Even a child can do what you did!” Napapikit na lang ang lahat nang sumigaw ito. Dahil hindi nakasara ang pinto ay rinig na rinig nila ang mga sinasabi nito sa kawawang katrabaho nila. “I’m sorry, Sir. Nagkaroon kasi ng sakit si inay. Wala siyang ibang inaasaha—” “Whatever the rationale is, it won’t compensate for the time wasted. It's not my fault if you had a problem
Read more
PREV
123456
...
13
DMCA.com Protection Status