Lahat ng Kabanata ng The Monster CEO's Twins: Kabanata 41 - Kabanata 50
127 Kabanata
Chapter 31
Third Person’s P.O.V Pagkababa niya sa kaniyang sasakyan matapos itong iparada sa garahe sa loob ng kaniyang property ay kaagad siyang pumasok sa malaking bahay. Habang papasok ng bahay ay hinawakan niya ang kaniyang batok at inikot-ikot ito upang maibsan man lang ng kaunti ang pagod at pagkirot ng kaniyang likod dahil sa maghapong pagkakayuko dulot ng paglalaro ng golf. Hindi naging madali ang araw niya ngayon dahil grabe rin ang ginawa niyang pakikisama sa isang malaking tao na kilala rin katulad niya sa industriya at larangan ng pagnenegosyo.  Nakikipagkaibigan siya sa taong ito dahil sa hinaharap ay panigurado na magagamit niya ang taong ito sa kaniyang kompanya. Ganoon naman talaga sa mundong ginagalawan niya. Kaibigan ka kung may kailangan sa ’yo. Hindi lamang kasi basta kilala lang ang taong ito kundi mayroon na rin itong limang pinatayong bagong
Magbasa pa
Chapter 32
Ava’s P.O.V Halos hindi ko maigalaw ang aking pagkain dahil sa tensyong nararamdaman ko sa aking paligid. Hindi ko alam kung ano ba ang mararamdaman ko. Hindi ko masabi-sabi. Sa buong buhay ko ay tila ngayon lamang ako naloko ng ganito katindi. Hindi ko alam na ang kasama ko sa buong limang taon na pagtakas sa taong kinatatakutan ko noon ay pinsan pala ng taong tumulong sa akin, na naging kaibigan ko at inaama pa ng aking anak. Sa kaniya ko ibinuhos ang lahat. Sa kaniya ko sinabi lahat-lahat maging ang mga karanasan at paghihirap ko, pagkatapos ngayon ay malalaman kong dumadaloy rin pala sa kaniya ang dugo ng pamilyang kinamumuhian ko? Paano niya ako naloko? Pare-parehas lang sila! “I really like sea foods!” wika ng anak kong si Herald na nagpabaling ng aking atensyon sa kaniya. Nakaupo siya sa gitna namin ni Jem
Magbasa pa
Chapter 33
Hinayaan niya na ako hanggang sa makababa ako ng sasakyan. Buhat-buhat si Herald ay tinungo ko ang elevator. Gusto ko na ring magpahinga. Gusto ko ng matapos ang araw na ito. Nagkaroon na nga ako ng pagkakataon na makasama ulit si Hera, ngunit kaagad naman itong nadagdagan ng panibagong isipin at problema. Nagulat na lang ako ng may humawak ng aking balikat at nang mapahinto ay lumantad na lang sa harapan ko si Jemuel. Mabilis niyang kinuha sa akin si Herald at naunang naglakad. Ang buong akala ko na hahayaan na niya akong makapasok ng matiwasay ngunit mukhang nagkamali ako. Nagpakawala na lang ako ng marahas na buntong-hininga at sumunod sa kaniya. Hindi na ako nagtaka pa. Ganito talaga si Jemuel, kapag siya na ang nagkasala ay nangungulit at hindi ka basta na lang hahayaang makalayo hangga't hindi natatapos ang isipin at problema, ngunit kapag ikaw naman an
Magbasa pa
Chapter 34
Ava’s P.O.V “Para po kay Miss Ramirez.” Natigilan ako sa paglilimbag sa harap ng kompyuter nang marinig ko ang pekeng ginagamit kong apelyido. Maya-maya lang ay sumilip si Lianna at Veronica sa pintuan ng aking cubicle. “Bakit?” nahihiwagahan kong tanong. Sa halip na sagutin nila ang tanong ko ay maloko nila akong nginisian. Nagawa pang itaas-baba ni Lianna ang kaniyang mga kilay. Tamad akong napabuntong-hininga. “Bakit nga?” tanong ko ulit, ngunit natigilan na lang ako nang lumantad sa aking harapan ang isang malaking bouquet ng magkahalong pula at puting rosas, at isang box na nakabalot. Hindi ko napigilan ang mapataas ng kilay.
Magbasa pa
Chapter 35
Ava's P.O.V Matapos kong hawakan ang kamay ng aking anak na iniabot niya sa akin ay lumabas kami ni Herald sa aming unit at tumungo sa elevator. Binuksan ko naman iyon nang pakiusapan ako ng aking anak na buksan ito. “Mom, can you click the thirtieth floor?” turo ni Herald sa mga pindutan nang makapasok kami sa loob. Hinayaan ko na lang ang anak ko sa kung ano ang mga inuutos niya sa akin. Wala naman akong magawa dahil kahit ako ay gustong malaman kung ano ang mayro’n. Diniin ko ang hintuturo ko sa pindutan na may nakalagay na tambilang na ‘tatlumpu’. Ibig sabihin lamang nito ay patungo kami sa tuktok ng gusali. Nasa ika-siyam na palapag kasi naroroon ang tinutuluyan naming unit dito sa gusaling ito. Nang tumunog ang elevator senyales na narito na kami ay bumukas ang dalawang magkasalubong na pinto nito. Kaagad n
Magbasa pa
Chapter 36
Ava’s P.O.V ‘Life must go on’, ika nga. Kaya kahit marami na ang nagdaang unos ay tuloy lang sa pagsagwan sa buhay. Parang kailan lang ay waring ang bigat ng bawat paghakbang ko sa lupa, ngayon ay gumagaan na. Kahit papaano ay nakaya ko ring lampasan basta lapatan lamang ng tapang at tiyaga. Nang malampasan ko ang trabaho sa umaga at trabaho sa gabi, ang malaking proyekto na ibinigay sa akin ni Mr. Fonteverde at ang sarili kong proyekto, ang pagkawala ng oras kay Herald, ang pangungulila kay Hera, at pumasok pa sa eksena ang hindi ko inaasahang katotohanan na darating sa akin at iyon ay ang malaman na magpinsan pala sina Jemuel at Mr. Fonteverde, na isa rin siyang Fonteverde. Ang lahat ng iyon ay parang sa isang iglap lang naganap. Nakagagaan ito sa puso lalo pa’t maayos na kami ni Jemuel ngayon. Sa kabila ng katotohanan na iyon ay mas lalong tumatag ang pagk
Magbasa pa
Chapter 37
Ava’s P.O.VDahil nasiraan ako ng sasakyan sa daan ay nag-commute na lamang ako patungong Fonteverde Corporation. Pagkababa ko ng sinakyan kong dyip ay tumakbo ako patungo sa pedestrian lane upang makatawid papunta sa kabila. Nang magpula ang ilaw na senyales na puwede ng tumawid ang mga tao sa bawat gilid ng kalsada patungo sa kani-kaniyang ruta ay sabay-sabay kaming nagsitawid. Pagkarating sa kabila ay lakad-takbo ako, lumiko ako. Ang harapan kasi ng kinatatayuan ng gusali ay nasa likod kung saan ako binaba ng sinakyan kong dyip kanina. Nang makarating sa harap ng gusali ay may iilang taong nakatumpok at tumitingin sa malayo. Napahinto ako at sinundan ko kung saan sila nakatingin at doon ay nakita ko si Mr. Fonteverde na may kaharap na matandang gusgusin. Binubulyawan niya ang matanda na aking ikinasingkit ng mga mata.
Magbasa pa
Chapter 38
“Hey, Mom!” kaagad na bungad sa akin ni Herald nang ibigay sa kaniya ng Tito Jemuel niya ang selpon.“Hi, Son. How's your meeting with Tito Jemuel's mother?” I asked as I smiled because even though I couldn't see him, I could still hear my son’s joy on the other line. Sadyang gusto ko lang tanungin upang makumpirma ito.“Lola Helin cooked me ginisang bangus for breakfast and I love it. She is good as you are in cooking, Mommy,” masayang pagkukuwento niya.“Really? I’m glad to hear that. Are you enjoying their companion?” Tumungo ako sa hardin nang may nakita akong paruparo na nakadapo sa isang bulaklak na rosas. At nang tuluyang makalapit ay doon ko napansin na marami pala sila.Narito ako sa malaking bahay ng m
Magbasa pa
Chapter 39.1
Pagbukas ng elevator na aking kinalululanan ay may pumasok na tatlong babae sa ikatlong palapag nang bumukas ito. Base sa kanilang uniporme ay isa sila sa mga empleyado ng gusaling ito. Para silang  bulateng-lupa na sa tuwing hinahawakan mo ay kumakawag-kawag. “Nakita ninyo ba si Mr. Fonteverde na pumasok kanina? Napakapogi niya sa suot niyang eyeglasses,” sambit ng isa sa kanila na naka-ponytail ang buhok at hindi pa nakuntento dahil niyugyog pa ang kasamang may pantay na buhok ngunit mababa lamang na babae.Kapagdaka'y biglang natuon ang mga tainga ko sa kanila at bahagyang napataas ang aking kilay dahil sa narinig. “Oo nga. First time kong nakita siyang may salamin sa mata. Hindi ko tuloy mapigilan ang titigan siya kanina lalo na sa tuwing nagkakasalubong ang kaniyang mga kilay,
Magbasa pa
Chapter 39.2
PATUNGO ako ngayon sa departamento namin pagkatapos kong makaharap si Mr. Fonteverde. Para akong nakalutang sa mga ulap dahil sa sobrang sayang nararamdaman. Hindi ako makapaghintay na ibalita sa kanila ang good news na natanggap ko sa araw na ito. Pag-apak ko ng aking mga paa sa bukana ng aming departamento ay nagulat ako sa biglang pumutok.“Congratulations, Astrid!” sigaw nilang lahat na nagpalaki ng aking mga mata dahil sa gulat.Doon ko lang nalamang confetti pala ang pumutok dahil sa pagbagsak ng iba’t ibang kulay ng mga piraso sa aking kinatatayuan. Naroon silang lahat at may banner pa na nakalagay na ‘Congratulations, Miss Ramirez!’ Halos hindi ko alam kung saan ko ilalagay ang kagalakang nararamdaman ko ngayong araw. Now I feel how to be promoted even this is not my field
Magbasa pa
PREV
1
...
34567
...
13
DMCA.com Protection Status