Lahat ng Kabanata ng THE BLIND BILLIONAIRE: Kabanata 81 - Kabanata 90
149 Kabanata
Chapter 80
AT KUNG saan medyo komportable na si Ffion sa Villa, ay siyang pagbisita naman ng isang panauhin na hindi niya inasahan sa araw na iyon. Isang buwan na ang dumaan at inasahan niya na matatagalan siya sa Villa, pero ang hindi niya inasahan ay ang pagdating ni Ivony!Wala ang dalawang kasam-bahay na si Joy at Helen, sumama ang mga ito kay Manang Minda para bumili ng groceries para sa loob ng isang buwan supply.Si Anna naman, sandali itong nagpunta sa kusina. Nasa veranda siya nang mga sandaling iyon, nagpapahangin. Nakaupo sa rocking chair."Masarap ba mamuhay ng mala-prinsesa, Ffion?"Nahigit niya ang hininga nang magsalita ang tunay na nagmamay-ari kay Audric. Kaagad niyang nasapo ang tiyan."I-ivony...?""Yeah, it's me. Ivony Bustamante! Nakalimutan mo agad ang pangalan ko? Oh yeah, hindi na pala ako dapat magtaka. Bulag ka. Bulag ka dahil binigay mo ang mata mo sa asawa ko, right?""A-asawa?" Tila may kung anong bumikig sa lalamunan ni Ffion."Asawa. Wife. Totoong may bahay ni Audr
Magbasa pa
Chapter 81
"I'm sorry, Ffiona. I'm sorry!" Halos durugin ni Lucas ang sarili sa nararamdaman galit. He's damn fucking mad!Kung hindi siya nadisgrasya at naratay sa Hospital ng ilang linggo at walang malay, wala sa ganitong sitwasyon ang babae. Wala sa loob ng Hospital na ito si Ffion habang nag-aagaw buhay ngayon.Nakatayo lang siya sa labas ng ICU. Nanalangin na sana ay makaligtas si Ffion at ang anak nitong si Gabriella.Kahit medyo hilong-hilo pa siya at hindi pa okay ang kaniyang pakiramdam, pinilit ni ni Lucas na pumunta ng Villa nung sinabi ng dalawang kasam-bahay na wala si Ffion sa Baguio. Pinakuha niya raw ito sa isang gwapong driver at alam niya agad kung sino ang pinupunto ng kasam-bahay.Kakagising lang niya nung isang linggo. Wala naman siyang natamong bone fractured or malalang sugat. Na-comatose lang siya ng ilang linggo at konting galos lang.Dapat nung nakaraan linggo niya pa tawagan ang babae, pero dahil inisip ni Lucas na baka mag-alala si Ffion at hindi nakakabuti sa anak ni
Magbasa pa
Chapter 82
Kahit hinang-hina, pinakiusapan niya si Lucas na dalhin sa kaniya ang anak na si Gabriella. Gusto niya itong mayakap. Gusto niyang damhin ang anak niya. Nagdalawang isip ito nung una, pero sinunod pa rin nito ang pakiusap niya.Pinilit ni Ffion na kumalma pero ang hirap talaga pakalmahin ang sarili. Ne hindi man lang siya binigyan ng pagkakataon na makita ang magandang mukha ng kaniyang anak. Magpapaopera pa siya, eh. Magpapaopera pa siya para maalagaan ito mismo. Magpapaopera pa siya para makita ang kagandahan ng kaniyang anak! Pero ano ngayon? Asan na? Asan na?!"Ffiona, nandito na si Gabriella."Napahikbi siya lalo nung marinig niya ang boses ni Lucas. Parang pinipiga ang puso niya sa bawat hakbang na ginawa nito papalapit sa kaniyang gawi.Kalong ni Lucas ang anak niya ngayon. Anak niya na hindi man lang siya binigyan ng pagkakataon na maging Ina nito. Pigil niya ang hininga habang papalapit sa kinauupuan niya ang binata.Ngayon niya naisip na sobrang dilim. Sobra ng dilim ng kani
Magbasa pa
Chapter 83
NAKAHARAP SI FFION sa malaking salamin sa lobby at pinagmamasdan ang kaniyang sarili. Gumuhit ang ngiti sa kaniyang labi kasabay ng pagtaas ng isang kilay niya.Nasa loob siya ngayon ng LaGrande. Hinihintay ang kaniyang amain- no. Hindi amain, kundi ang lalaking umangkin sa kompanya ng kaniyang Ama. Maniningil lang naman siya."Ffion?" Gulat na napahinto sa paglalakad ang lalaki at napatingin sa kaniya."Hi, Tito Pol. Kumusta kayo?" Ngumiti siya nang harapin ito pero hindi ito abot sa kaniyang mata. "Nagulat yata kayo sa biglaan pagbisita ko rito. Don't worry Tito Pol, nandito lang ako para tingnan ang KOMPANYANG binuo ng aking totoong Ama bago ito pumanaw. And now I see it getting bigger and I thank you for that. Napalago mo ang kompanya ng Ama ko. But, mayroon kulang Tito Pol. This company is not yours. Akin ito. But don't be surprised yet Tito, hindi ko pa ito kunin ngayon-ngayon agad. Babalik ako months to claim what's mine.""Are you nuts! Anong kompaniya mo ang pinagsasabi mo?!"
Magbasa pa
Chapter 84
Nanatili pa siya ng isang oras sa sementeryo saka siya nagpasyang nagpaalam kay Gabby at umalis. Hindi siya pwedeng manatili roon ng matagal. Dahil baka bumalik na naman ang lahat-lahat ng sakit sa puso niya at mahirapan na naman siyang bumangon.Ilang buwan din siyang nanatili sa Hospital, o sa madaling salita; Psychiatric Hospital. Nagkaroon siya ng PTSD o Post-Traumatic Stress Disorder nung mawala ang anak niya. Hirap siyang tanggapin ang pagkawala nito.Naging tulala siya, nagmumukmok sa kwarto at hindi na rin siya kumakain. Panay rin ang kaniyang iyak na halos umabot na sa puntong sinasaktan niya na ang sarili sa labis na pagdadalamhati.Doon nagdesisyon si Lucas na dalhin siya sa Psychiatric Hospital at nagpapasalamat siya kay Lucas dahil diyan. Natanggap niyang wala na si Gabriella pero sa puso niya, nakabaon ang matinding galit. Maghaharap sila ni Ivony, at ni Audric. Maniningil siya.After her treatment, umayos ang kaniyang pakiramdam. Namalagi siya ng ilang linggo sa Baguio
Magbasa pa
Chapter 85
Nang gabing iyon, sabay silang umuwi ni Lucas pagkatapos nilang kumain dalawa. Ang totoo niyan, may sarili siyang condo na inuuwian at paminsan-minsan ay natutulog doon si Lucas sa kabilang room.Pero hindi na nagpaunlak pa si Lucas na samahan siya sa loob, hinatid lang siya nito sa may elevator at bumalik din ito agad sa parking lot. Maaga raw ito bukas para sa gaganapin hearing ng kasong hawak nito.Pumasok siya sa loob ng unit niya at deretsong tinungo ang mahabang sofa saka humiga roon. Grabe! Ngayon lang niya naramdaman ang pagod sa araw na ito. Pero nakakabuti iyon sa kaniya. Ibig-sabihin niyon, buhay na buhay ang kaniyang sistema at katawan.Nakipagtitigan siya muna saglit sa chandelier saka siya bumangon para tanggalin ang suot na 6 inches stilettos. Hinubad niya rin ang suot na coat at damit, ang tanging natira ay ang dalawang piraso ng maliit na tela na nakatabing ngayon sa katawan niya.Sandali niyang hinaplos ang tiyan at dinama iyon pero kaagad niya rin winakli ang mapait
Magbasa pa
Chapter 86
Kung darating ang araw na magkikita sila, hindi niya alam kung ano ang kaniyang magiging reaksyon. Kung magagalit, mawawalan ng paki, maawa o ano. Hindi niya alam kung ano pero kung sakali man na magkikita sila, hinding-hindi niya kukunin ang anak nila. Alam niyang nasa Pinas lang ang babae, alam niyang nasa paligid lang ito pero hindi niya ito gagambalain na. Kay Ace muna ang kaniyang atensyon, sa kaniyang negosyo, at sa kaniyang sarili.Uuwi next week si Ivony at nag-iisip pa siya kung susunduin niya ito sa airport. May importante raw itong sasabihin sa kaniya na hindi nito gustong sabihin sa kaniya sa tawag. Napabuntung-hinga si Audric. Para kay Ace, susundin niya ang gusto nito. Ina pa rin ito ng kanilang anaKapagkuwan ay tumawag ang pribadong nurse ni Ace. Kaagad niya itong sinagot na may seryusong boses. "How's Ace"Good evening, Mr. Villanueva. Tulog na si Ace. Tapos na rin namin siyang painumin ng kaniyang gamot at mahimbing na siya ngayon na natutulog"Good. Wala naman probl
Magbasa pa
Chapter 87
NAPANGISI si Ffion habang pinagmasdan ang dalawang love birds sa airport. Mantakin ba naman na makikita niya rito si Audric? Ah, 'di niya ito agad inasahan. Paano ba naman kasi, si Ivony ang pakay niya at nagsadya talaga siyang pumunta ng airport para tingnan ang mukha nito— sa malapitan. Nag-iisip siya kung ano ang gagawin dito oras na pumerma ito sa kanila. And yeah, alam niyang peperma ito ng contract sa Beauty Potion, ang laki ba naman ng offer ng company niya.Para itong isang inosenteng babae na kung tingnan ay parang walang bahid ng dugo sa kamay, na wala itong sanggol na pinatay! Naglaho ang kaniyang ngisi at napalitan ito ng pagngingitngit. Inayos niya ang suot na sunglasses at tumalikod na. Kulang ang kulungan para kay Ivony Bustamante! Hindi dapat dito ang rehas, masyadong mababaw ang kaparusahan na iyon. Kayang bayaran nito o ni Audric ang batas kapag nangyari iyon pero siya? Ibang pamamaraan ang gagawin niya. Ibang rehas ang hihimasin nito, rehas na kung saan sarili na ni
Magbasa pa
Chapter 88
MABILIS na tinapos ni Ffion ang nakatambak na trabaho sa araw na iyon at may coffee date sila ni Lucas. It's Friday and dadalawin niya rin mamaya ang anak niya sa sementeryo after ng coffee date nila ng lalaki. "Okay, I'm almost done! Hit send." Nakahinga siya nang maluwang matapos i-send sa email sa bago nilang mga client ang bagong product ng Beauty Potion. Maraming gustong mag-invest at humihingi ng sample thru email at pwede naman ang mga tauhan niya na ang gumawa nito pero kung kaya naman niyang gawin, why not. Email lang naman ito. Sinulyapan niya ang wall clock at bandang alas-dos na ng hapon. Pwede na rin. Kaagad niyang dinampot ang blazer at sinuot iyon saka kinuha ang susi sa ibabaw ng desk niya at bag. Mauuna na siya sa coffee spot nila ni Lucas sa araw na iyon. Nung nasa loob na siya ng kaniyang sasakyan, saka niya tinawagan si Lucas para sabihin na papunta na siya.Binaybay ng kaniyang sasakyan ang daan papuntang coffee shop nang may mapansin siyang isang sasakyan na su
Magbasa pa
Chapter 89
PAGKATAPOS nilang bisitahin ang anak niya, kaagad din silang umuwi ni Lucas. 'Yong sasakyan na itim, hindi niya na ito napapansin na sumunod sa kaniya, siguro nagkataon lang talaga na sumunod ito. Inaasahan niya na magkukrus ang landas nila ng mga taong nanakit sa kaniya at nararamdaman niya na ito. Konti na lang, konti na lang talaga at magsisimula na siya."Ffiona?""Hmm?""May out of town ako next week, gusto mo ba sumama? Um, you know... break saglit sa work? Unwind?"Sandali siyang natigilan at nag-isip. Mukhang kailangan nga niya ng break saglit at matinding labanan ang mangyayari ngayon nandito na si Ivony. Tumingin siya sa binata at tumango. Kahit kasal pa ang yayain nito, pero huwag muna ngayon. "Yeah! Sama ako. Wala naman akong gagawin na masyado ng week na iyan.""Great! Sige pasok ka na. Hindi na kita ihahatid sa loob ng unit mo at babalik pa ako sa office, may tatapusin lang ako."Tumango siya at hinalikan muna ito sa pisngi bago siya bumaba sa sasakyan nito. Nagulat ito
Magbasa pa
PREV
1
...
7891011
...
15
DMCA.com Protection Status