Lahat ng Kabanata ng AFTER ALL "Changed of Destiny" (Book 1): Kabanata 21 - Kabanata 30
141 Kabanata
MISS RUSH HOUR
CHAPTER 21: The Wrong Thought_ Maagang gumising si Angela para ihanda ang sarili sa pagpasok. Dahil kailangan kasing makarating siya sa Hotel bago mag-ala sais ng umaga. Ngayon kasi ang unang araw ng kompitisyon at halos tatlong araw din nila itong pinaghandaan. Nakakaramdam siya ng konting kaba, pero nakahanda na siya sa mga mangyayari. Manalo man o matalo okay lang naman sa kanya, basta ibibigay niya ang best niya sa kompitisyong ito. Gagawin niya lahat ng makakaya niya bahala na atleast naman lumaban siya kahit pa hindi siya ang manalo. Kung papalarin naman siya, malaking bagay talaga ito sa kanya. Ito pa lang kasi ang p'wede niyang ipagmalaki na nagawa niyang mag-isa. Hindi lang naman ito para sa sarili niya, higit sa lahat para sa kinikilala niyang pamilya. Lalo na kay VJ dahil gusto niyang maipagmalaki siya nito na may achievement siya kahit paano. _____ Pagbaba niya ng taxi deretso na siyang naglakad patungo sa gilid na bahagi ng Hotel. Dito dumadaan ang lahat ng mga em
Magbasa pa
MUTUAL FEELINGS
CHAPTER 22: I Love You, More Than You think..._Matapos ang pagtitipon agad na siyang tumayo, pagkaraang magpaalam ni Miss Francesca. Nagsilabasan na rin ang lahat sa loob ng function hall. Kaya nakisabay na rin siya sa mga ito. Pupunta na siya ng locker room upang maghanda na sa pag-uwi. Subalit bigla siyang natigil sa paglalakad ng makarinig ng mga nagsasalita."Iba talaga kapag malakas ano?" "Magiging masaya ka bang manalo kung alam mong hindi ka naman talaga karapat-dapat?" Kunwaring pag-uusap ng tatlong babaing dumaan sa kanyang harapan. Kahit batid naman niyang pinariringgan talaga siya ng mga ito. Sinikap pa rin niyang pigilin ang sarili kahit nakakaramdam na siya ng matinding inis. Subalit muling nagsalita ang mga ito na tila gusto talaga siyang inisin.."Pagmakapal ang mukha hindi na talaga nahihiya no?" Sadyang inilakas pa nito ang boses paglagpas ng mga ito sa kanya."S'yempre ang importante lang naman 'yung ma-impress si jowa." "Grabe no, ano kaya ang pinakakain niya
Magbasa pa
THE EXPECTATIONS
CHAPTER 23: THE DEBUTANTE BALL_Ang pagdiriwang na pinakahihintay ng lahat, lalo na nang pamilya Lorenzo. Dahil ngayong araw magdiriwang ng ikalabing-walong kaarawan ang nag-iisang anak na babae ni Prime Minister Flavio Lorenzo. Ang kanyang bunsong anak na si Giovanna Lorenzo.Hindi birong pagdiriwang ang magaganap, mga kilala at nabibilang sa alta sosyedad ang mga magiging pangunahing bisita. Ang lahat ay naka-formal attire, modern white gown para sa mga kababaihan at black tuxedo naman para sa mga kalalakihan. Lalo na sa mga kasali sa cotillion.Ang Hotel Grande and Restaurant ang napili ng pamilya upang pagdausan ng isang mahalagang pagdiriwang na ito para sa kanilang anak. Dahil kilala sa magandang serbisyo at masarap na pagkain na maipagmamalaki ang Hotel Grande. Dahil na rin sa maayos at magandang proposal ng manager at founder ng Hotel. Kaya sila ang napiling Hotel na mag-accommodate ng naturang okasyon.Kilala din kasi ang buong Italia pagdating sa masarap at kakaibang pagk
Magbasa pa
UNEXPECTEDLY
CHAPTER: 24: PLEASE DON'T CRY_Nakahinga lang sila ng maluwag ng magpalakpakan ang lahat with standing ovation. Nang simulan na itong i-present sa lahat nang walang bad comments siyang narinig. Ngayon masasabi niyang nagawa niya ito ng maayos. Hindi nasayang ang pagsisikap nila ng mga nagdaang araw.Masaya siya dahil na-itawid niya ito sa tulong ni Allegra at iba pang mga kasamahan at sa pag-alalay ng kanilang butihing mga Chef. Na-ipagdaop pa niya ang kanyang mga palad dahil sa pasasalamat at napayakap din siya kay Allegra dahil sa tuwang nararamdaman, tuwang-tuwa rin ito sa mga nangyari. Makalipas ang ilang sandali, pagkatapos ng lahat ng mga kailangan nagpasya na silang bumalik na sa kitchen. Hindi na nila tinapos ang buong seremonya. Ang makitang na i-present ito ng maayos at walang naging problema ay sapat na para sa kanya okay na siya du'n! Babalik na sila sa kitchen para tulungan naman ang iba. Nagawa na niya ang parte niya, kaya p'wede na siyang huminga. Nagawa niya ito s
Magbasa pa
SCENTS OF LOVE
CHAPTER 25: A Kinds of Love _Napaka-bilis ng mga pangyayari, wala siyang kamalay-malay ng dahil sa sama ng loob at kaabalahan ng isip. Nakarating na pala siya sa driveway, kung saan dumadaan ang mga sasakyan ng papasok at palabas ng parking area. Ang pagtama ng headlights ng sasakyan sa kanyang mukha at ang malakas at nakabibinging busina nito. Ang nagpatigil at gumising sa abala niyang diwa. Subalit ng mga sandaling iyon, naunahan ng takot at pagkalito ang kanyang isip at pakiramdam. Hindi niya magawang i-angat ang kanyang mga paa. Mariin niyang ipinikit ang mga mata at hinintay na lamang ang mga susunod na mangyayari. Hanggang sa.. Tunog na lang ng nagngangalit na gulong ng isang sasakyan ang sumunod na narinig... Dahil sa malakas at bigla nitong pagpreno. Nang muli niyang imulat ang mga mata, nakasalampak na siya sa sahig at yakap nang... Huh' sinong? Bahagya niyang naramdaman ang pananakit ng kanyang tuhod at balakang. Marahil dahil sa kanilang pagbagsak pero sigu
Magbasa pa
ONE METER'S AWAY
CHAPTER 26: Don't Look Back_Maaga pa kaya paikot-ikot lang si Angela sa loob ng Hotel. Hindi pa naman oras ng shift niya, may 15 minutes pa siya para magtanong.Maaari pa siyang mag-ikot at makibalita sa nangyari kahapon. Sinimulan na niyang magtanong sa mga guards kung dumating na ba si Mr. Dawson.Ngunit iisa lang ang sagot ng mga ito, hindi pa bumabalik ang binata at may isang nagsabi na nasa Ospital pa ito.Subalit walang nakakaalam kung ano na nangyari dito. Nahihiya naman siyang magtanong sa mga head opisyals.Ngayon niya na-realized na napaka-pribado ng buhay nito.Tila ba ingat na ingat ang lahat na pag-usapan ang lalaki. Kahit pa marahil may alam ang mga ito.Ngayon lang din niya naisip na wala pa talaga siyang gaanong alam tungkol sa lalaki. Maliban lang sa pangalan nito na Jeremy Dawson at isa daw ito sa Founder ng Hotel.Hindi pa niya ito kilala ng husto at hindi rin naman siya nagkaroon ng pagkakataon na tanungin ang lalaki.Hanggang sa naisip niyang.."Ano kaya kung mag
Magbasa pa
THE UNKNOWN MESSAGES
CHAPTER 27: JOSEPH SECRET MESSAGES _ San Luis, Batangas. "Pa, bakit hindi pa rin tumatawag si Angela? Hindi pa rin kaya tapos 'yun competition nila sa Hotel?" Wika ni Joseph, kakikitaan ito ng pagkabagot. "Hindi pa nga anak, ikalawang araw pa lang naman na hindi siya nakatawag. Baka busy lang talaga, hintayin na lang natin." Sagot ng kanyang Papa. "Pero Pa, kilala ko si Angela. Napapaisip tuloy ako, noong nandito lang siya kahit anong busy niya, hindi niya nakakalimutan ang pagtawag o kahit ang magparamdam man lang lalo na kay VJ." Aniya, sabay tanaw sa bata na kasama ni Maru sa playground, habang naglalaro ng basketball malapit sa Garden waiting shed kung saan sila nag-uusap na mag-ama. Madalas dito sila tumatambay tuwing umaga para magkape. Ito rin ang paboritong tambayan ni Angela. Pinasadya ito ng kanyang Papa 3 years ago para kay VJ at Angela. Hindi ito pangkaraniwan, sadyang pinalakihan ito na tila balkonahe sa gitna ng Garden upang maging pahingahan na rin kung nais nil
Magbasa pa
THE REVELATION
CHAPTER 28: Who is really you?_Hatid pa rin niya ng tanaw ang papalayong si Angela, hanggang sa tuluyan na itong mawala sa kanyang paningin. Ang sarap ng kanyang pakiramdam, parang napawi ang sakit ng kanyang katawan at kirot ng tinamo niyang sugat kagabi. Dahil sa paghabol niyang mailigtas ito sa kapahamakan. Kapag pala mahal mo ang isang tao, makakagawa ka ng imposible. Kaya mo nga palang daigin kahit pa nga si Superman, dahil ang pakiramdam niya lumipad siya kagabi maabot lang niya ang dalaga. Ngayon alam niyang magagawa niya ang lahat mahalin lang siya ni Angela. Hindi niya ito nagawa kay Liscel noon at hindi rin niya naramdaman ang ganitong uri ng pakiramdam. Kaya mas naging bukas na ngayon, ang puso at isip niya sa pagpapatawad. Ngayon lang din niya naisip at natanggap ang naging pagkukulang niya noon kay Liscel. Kaya marahil nagawa siya nitong pagtaksilan noon. Ang buong akala niya, sapat nang gusto mo ang isang tao. Dahil siya ang pangarap mong makasama, dahil siya ang
Magbasa pa
DINNER DATE
CHAPTER 29: I LOVE YOU, MY LOVE_"Boss, kawawa naman nitong mga karne, kailan mo ba sila titigilan?" Nanlulumong tanong ni Russel, kasalukuyang kasi siyang nakikipaglaban sa lutuan. "Hangga't hindi sila nakikisama sa akin." Aniya, pinangatawanan na talaga niya ang pagluluto gaya ng sabi niya kanina. "Patay tayo d'yan Boss, ang alam ko sa steak pinalalambot hindi pinatitigas pero tinusta mo na ito" Hinawakan pa nito ang isang piraso ng karne. "Order na lang kaya tayo ng steak sa ibaba o kaya baligtarin na lang natin ang sitwasyon? Tayo na lang ang magrequest kay Miss Angela, na ipagluto tayo mamaya para sumarap naman ang hapunan natin, ano sa tingin mo Boss?" Tanong nito. "Overtime ba? Kaya ko nga siya gustong ipagluto para ma-relax siya at ma-feel niya na siya naman ang ipinagluluto ko. Tapos may request ka pang nalalaman." Aniya. "Eh, Boss hindi ka naman marunong magluto. Nakikita mo ba ang itsura mo ngayon? Baka wala ng chicks na magkagusto sa'yo n'yan, malamang ako na ang l
Magbasa pa
THE TRUTH
CHAPTER 30: Because Of You_Tigagal at gulat na gulat si Joaquin sa tinamong sampal. Hindi dahil nasaktan siya, kun'di dahil hindi niya inaasahan na magagawa ni Angela na sampalin siya. Bakit ba siya nito sinampal, ano bang nagawa niyang mali, mali ba na mahal niya ito kaya niya ito nagawang halikan?Galit ba ito dahil sobrang naging mabilis siya? Sinunod lang naman niya kung ano ang kanyang nararamdaman.Hawak pa niya ang pisngi ng muli siyang magsalita. Dahil kung hindi siya magtatanong wala siyang makukuhang sagot."B-bakit mo naman ako sinampal?" Pautal na tanong ni Joaquin, subalit sa klase ng tingin ni Angela sa kanya. Tila walang pagsisi siyang nakikita. Ano ba ang problema nito sa kanya? Sigurado naman siyang nasarapan din ito sa halik na iyon!Subalit may mas titindi pa pala sa sampal na tinamo niya."Dahil sinungaling ka, Mr. Joaquin Jeremy Alquiza!" Sana paulit-ulit na lang siya nitong sinampal kaysa ang makita ang mga mata nito na puno ng galit.___Hindi pala niya ka
Magbasa pa
PREV
123456
...
15
DMCA.com Protection Status