All Chapters of AFTER ALL "Changed of Destiny" (Book 1): Chapter 41 - Chapter 50
141 Chapters
THE FREEDOM OF LOVE
CHAPTER 40: I Want To Set Her Free, But My Heart's Never Will._Kanina pa hindi mapakali si Joaquin sa loob ng kanyang kwarto. Kaya naisip niyang magpahangin muna sa Veranda. Doon natanawan niya si VJ na nasa ibaba at matiyagang naghihintay kay Angela. Tila ba wala itong ganang maglaro ngayon, nakaupo lang ito sa isang stool na nasa playground, habang katabi nito ang yayang si Didang. Kahapon siya ang sumundo dito sa school. Ayaw pa sana nitong sumama sa kanya, dahil hinahanap nito si Angela pero wala itong choice. Mabuti na lang kasama na niya noon si Russel at ito ang matiyagang nakipag-usap dito. Hanggang sa napapayag na rin nila ito.Marahil tulad din niya ito ngayon na sobrang nag-aalala at gustong-gusto nang makita si Angela. Subalit pareho lang silang walang magawa dahil pareho lang sila na hindi p'wedeng magpunta sa ospital sa magkaibang kadahilanan.Ah! Gusto niyang magwala, gusto niyang ibalibag ang lahat ng mahahawakan niya at gusto rin niyang suntukin lahat ng makita niy
Read more
THE STRANGE FEELINGS
CHAPTER 41: _Mula noong araw na iyon hindi na sila nakapag-usap ni Joaquin. Naging napaka-ilap na nito sa kanya. Tila ba naglagay ito ng pader sa pagitan nila. Kahit nasa paligid lang ito parang ang layo layo nito sa kanya. Lately hindi na n'ya ito maintindihan, hindi talaga! Kung tutuusin dapat nga matuwa pa s'ya sa kusang pagdistansya nito sa kanya. Pero ano ba itong nangyayari sa kanya? Bakit ganito ang nararamdaman n'ya? Pakiramdam n'ya lalo lang s'yang nahihirapan. Hindi nga ito umalis ng bansa pero para din naman itong wala. Madalas umaalis ito ng bahay kasama si Russel. Nalaman n'ya na nagtatrabaho na ito ulit at pumupunta ito kung saan saan. Pero nanatiling sa Pilipinas pa rin ito nakabase. Naging mas maasikaso din ito pagdating kay VJ. Palagi itong gumagawa ng paraan upang mapalapit sa anak. Kapag dumarating na ito galing sa trabaho. Palagi itong may pasalubong kay VJ, talagang bumabawi ito ng husto. Gusto sana n'yang matuwa, dahil nagpapaka-ama na ito kay VJ. Kaya lang
Read more
AMANDA
CHAPTER 42: The Jealous Son_Mula sa Cebu hanggang Manila, bumaba sila ng eroplano sakay ng domestic flight. Ilang sandali pa ang lumipas lulan na sila ng taxi patungong Alabang.Dahil sa mahabang byahe nakatulog na ang dalawang taong gulang n'yang anak. Nakahiga ito at nakaunan sa kanya at tila mahimbing na natutulog. Mas pinili nilang maupo sa likurang upuan, habang nasa harap sa tabi ng driver ang kasama nilang si Yolly.Habang pinagmamasdan n'ya ang anak hindi n'ya maiwasang hindi makaramdam ng awa dito. Napakabata pa nito para makaranas ng sama ng loob kaya gagawin n'ya ang lahat maging masaya lang ito."H'wag kang mag-alala anak, ngayong pareho na tayong malapit sa Daddy mo. Sisiguraduhin kong makikita at makikilala mo na rin s'ya at hindi na 'yun magtatagal anak, pangako ko 'yan sa'yo!" Bulong n'ya sa sarili, habang hinahaplos ang noo at buhok nito.Hanggang sa makarating sila ng Alabang at huminto sa lugar na ibinigay n'yang address sa sinasakyan nilang taxi. Pinahinto n'ya i
Read more
THE CHANCES
CHAPTER 43: _Kasalukuyan nag-uusap sa Veranda si Joaquin at Russel, katatapos lang kasi nilang mag-almusal. Nakahanda na rin si Russel paluwas ng Manila. Subalit naisip n'yang kulitin muna ang binatang amo."Boss, Sigurado ka ba talagang hindi ka na sasama sa akin paluwas ng Manila?" Tanong ni Russel kay Joaquin, kahit pa nahuhulaan na niya kung bakit ganu'n na lang ang ikinikilos nito. Kanina pa kasi niya napapansin na masaya ito at tila naka-plaster na ang ngiti sa labi.Gusto sana niyang matuwa sa kasiglahan nito ngayon pero kasabay nito nais rin niyang kabahan sa maaaring iniisip nito ngayon. Lalo na at wala dito ang kuya nitong si Joseph. H'wag naman sana itong makaisip ng kapilyuhan."Kaya mo na 'yun binigyan na naman kita ng instructions hindi ba?" Sagot naman ni Joaquin dito."Pero Boss alam mo namang mas kailangan na nandoon ka. Bakit ba kasi gusto mo pang magpaiwan? Gayung umuuwi naman tayo tuwing weekend. Ngayon nga dalawang beses pa tayong umuwi. Ano ba talaga ang gagawi
Read more
BEHIND THE TRUTH AND LIE'S
CHAPTER 44:_Mariella's Fashions Boutique Hotel near in Alabang Town Center. Kung saan isang Fashion show event ang kasalukuyang nagaganap nang gabing iyon. Eksaktong ika-pito na ng gabi ng pasimulan ang programa. Dinaluhan ito ng mga kilalang tao mula sa alta sosyedad. Kagaya na lang ng mga kilalang celebrities, politicians at mga negosyante. Mula sa middle class, hanggang sa upper class community. Halos hindi na magkamayaw ang pagkislapan ng mga kamera sa paligid. Gamit ng mga kilalang magagaling na photographer. Sinusundan nila ang bawat galaw at pagrampa ng mga modelo. Habang lumalakad ang mga ito sa pahabang entablado, kasabay ng nakakaindak na tugtugin na sadyang ibinagay sa naturang okasyon. Every model has their full participations to be part of the parades of different types of clothing. From casual wear to different types of gown and suit. Lalo na at Millennials ang tema ng konsepto.Ang lahat ay kakikitaan ng paghanga at pagkamangha sa nakikitang husay at galing ng de
Read more
THE BROTHERS IN ONE SOUL
CHAPTER 45: _"Hey... Bro! Nandito ka lang pala, bakit ka ba nagkukulong?" Bigla siyang napalingon sa pinanggalingan ng tinig upang tingnan ito. Si Joshua at kasama nito si Arvin ang dalawang nakababata niyang pinsan, habang lumalakad ang mga ito palapit sa kinaroroonan niya. Kasalukuyan pa rin kasi siyang nakaharap sa computer ng oras na iyon. May mga idinadagdag pa siya sa format ng susunod nilang project. Pinili niyang sa Condo na lang ito gawin. Malaking tulong din ang modern technology para sa kanilang trabaho. Dahil dito maaari na silang magconduct ng task gamit ang computer.Kasalukuyan niyang ginagawa ang construction plan at sinusubukan niyang gawan ito ng rendition gamit ang computer. Nasa Condo siya ngayon na pag-aari ni Joaquin at dahil hindi na dito tumutuloy ang binata kaya naman mag-isa lang siya dito. Kung nandito lang si Maru' kahit paano may kasama sana siya ngayon. Hindi pa rin kasi ito bumabalik hanggang ngayon.Matagal na ring hindi dito tumutuloy si Joaquin
Read more
THE STRANGE ACT
CHAPTER 46:_Gulat at hindi siya makapaniwala sa kanyang nasaksihan ng mga oras na iyon. Saglit niyang iniwan si VJ sa Sala para sana ikuha ito ng maiinom. Subalit pagpasok pa lang niya sa pintuan ng dining nalanghap na niya ang mabangong amoy ng nilulutong dessert. Kaya alam na niyang nagbi-bake na nang cake si Angela. Naisip niyang silipin muna ito bago siya kumuha ng maiinom. Pero pagpasok pa lang niya sa baking section nito iba na ang kanyang nasaksihan. Si Joaquin habang sinusubukan nitong halikan si Angela mula sa likuran. Kailan pa ito naging bastos kumilos? Naitanong niya sa sarili. Dahil sa pagsulak ng galit bigla niya itong sinigawan. "Joaquin?!" Malakas na sigaw ni Liandro sa anak na si Joaquin. Nagulat naman si Angela at napalingon sa pinanggalingan ng tinig. Agad itong nabahala at nakaramdam ng kaba pagkakita nito kay Liandro na tila galit. Lalo na nang makita si Joaquin sa kanyang likuran. Naisip niya ang posibleng mangyari.Nang marinig naman siyang sumigaw ni
Read more
THE DADDY'S LOVE
CHAPTER 47:_"Hindi na ba natin hihintayin si Daddy na bumaba?" Saglit na natigilan si Angela sa tanong ng anak.Sa kanyang palagay unti-unti nang nakukuha ni Joaquin ang tiwala at pagmamahal ng kanyang anak. Pero bakit ba siya nakakaramdam ng pag-aalala?Saglit pa silang nagkatinginan ni Liandro pero siya na rin unang nagpaliwanag sa anak. "May ginagawa pa kasi ang Daddy mo anak. P'wede mo rin namang sabihin na lang sa kanya mamaya pagkatapos nating kumain. Kaya sabihin mo na lang muna kay Lolo mo, okay?""Sige po..." Nakangiting humarap muna ito sa abuelo bago muling nagpatuloy sa pagsasalita. "Lolo, alam mo ba sabi ni titser very good daw ako..." Saglit pa itong dumikit kay Liandro at kunwari bumulong. "Kasi ako daw ang first honor, Lolo!" "Ohh! Talaga ba?" Nakangiting bumaling muna ito ng tingin kay Angela at muli rin na ibinalik ang tingin sa apo. "Wow! Good work Iho ang galing... Ang husay ng apo ko." Tuwang tuwang pahayag nito.Pagtingin nito sa kanya, tinanguan naman niya
Read more
THE PAST 1
CHAPTER 48: ANSELMO DOMINGUEZ _Sta. Barbara, Iloilo cityAng nakaraan sa Hacienda Caridad..."Hanggang ngayon ba nagmamatigas pa rin sila? Hindi ba ang sabi ko gumawa ka ng paraan at wala akong pakialam kahit anong paraan ang gawin mo! Magbayad ka o pumatay ka, wala akong pakialam! Basta ang gusto ko mapunta sa'kin ang lahat ng kung ano man ang meron sila, naiintindihan mo!"Malakas na bulyaw ni Anselmo sa kanyang tauhang si Gido. Si Gido ang pinagkakatiwalaan ni Anselmo sa lahat, ito rin ang pumapapel bilang kanyang kanang kamay."Pero ayaw talaga nilang ipagbili ang lupa nila Boss at patuloy pa rin silang nagmamatigas! Lalo na ang Darius na 'yun! Akala mo kung sinong magsalita, Boss?" Pangangatwiran ni Gido lalo pa nitong ginatungan ang nakitang nagbabadyang galit ng sariling amo."Kaya titigil ka na at hahayaan mo na lang sila ganu'n ba?" "Hindi naman po sa ganu'n Boss! Humahanap lang po kami ng t'yempo!" Muling paliwanag nito.Matagal nang gustong bilhin ni Anselmo ang lupain
Read more
THE PAST 2
CHAPTER 49: DARRIUS RAMIREZ _Bang... Bang!Bang!Sunod-sunod na putok ng baril ang pumailanlang sa paligid. Kasabay nito ang malakas na pagtawa ni Anselmo at ng mga kasama nito... Ito ang lalong nagpatindi ng pagkaligalig sa katauhan ni Darius. Subalit hindi siya maaaring sumuko, hindi ngayon! Kailangan silang makaalis ng Hacienda, makarating hanggang sa dulo...Mahigpit niyang hawak ang kamay ni Annabelle habang patuloy lang sila sa pagtakbo. Patuloy namang nagpaputok si Anselmo, hindi pa ito nasiyahan. Pinasundan pa nito sa mga tauhan ang mag-asawang Darius at Annabelle."Sige sundan n'yo sila h'wag n'yo silang titigilan hangga't hindi sila nakakalabas ng Hacienda. Ang gusto ko manginig sila sa takot sa akin. Hanggang sa hindi na nila ako magawang tingnan sa mata. Maswerte sila kung makakalabas pa sila ng buhay."Kahit pa ramdam niya ang sobrang sakit ng katawan sa kabila ng mga tinamong sugat at bugbog sa katawan. Hindi siya maaaring sumuko, hindi sila dito mamatay. Ito ang b
Read more
PREV
1
...
34567
...
15
DMCA.com Protection Status