All Chapters of Playing with Lies: Chapter 21 - Chapter 30
60 Chapters
Chapter 21
EliezahNALIGO ako ng mabilisan at saka nagpalit agad ng damit. Cargo pants and isang gray t-shirt ang sinuot ko. Ah! I feel refreshed!Lumabas ako sa banyo at lumapit sa tatlo na seryosong nakaupo sa sala. Parehong tutok na tutok sa screen ng laptop ni agent 00099. "Oh tapos na ba?" Tanong ko ng makaupo sa tapat nilang tatlo. "Tinawagan na namin si General at tayo na raw ang bahala para sirain ito." Tugon ni agent 00099 habang nakatutok parin sa laptop niya. "How about you Mr. Clinton? You are the one who made that thing. Maybe you knew how to destroy that." Seryoso na sambit ko. "Yeah, I-I knew..." pabulong na sagot niya. Hindi ko maintindihan kung ano ang iniisip niya kasi hindi maipinta ang ekspresyon ng mukha niya. Madilim na ewan. Inusod ni agent 00099 ang laptop niya kay Mr. Clinton. Hinila ni Mr. Clinton ang CD ROM Drive at tinanggal mula roon ang disk at may kung ano siyang ginawa roon na hindi namin malaman. Lahat kaming nanonood sa kanya ay namamangha sa ginagawa niya.
Read more
Chapter 22
EliezahSUNDAY ng umaga ay nagpunta ako sa bahay namin. Hindi pa sumisikat ang araw ay umalis na ako. Tulog pa si Mr. Willis nang umalis ako at hindi ko nalang siya ginising kasi alam kung pagod siya kagabi. Niyaya kasi siya ng ibang kasamahan na sumama sa maliit na party sa ibaba kasi celebration daw dahil isa na siyang ganap na agent. Hindi na ako sumama sa kanya nang yayain niya ako kasi pagod rin naman ako sa byahe namin kinaumagahan ng araw na iyon. Pagkarating ko sa gate ng bahay namin ay bahagyang nakabukas iyon. Nasa loob na marahil si Manong Jorgie. Nasabi ko kasi sa kanya na ipapalinis ko ang buong bahay at nag-boluntaryo siyang siya na ang maglilinis, maghahanap nalang rin daw siya ng makakatulong niya. Naisip ko kasing dito na ulit ako titira. Tanggap ko na ang nangyari and all I can do is to take care of those memories. Iyon nalang ang meron ako. Pinapasok ko ang motor ko at naabutan ko si Manong Jorgie na nagwawalis sa mga tuyong dahon sa medyo may kataasan ng mga damo
Read more
Chapter 23
Eliezah"ALAM mo bang unang kita ko palang sa'yo, nabihag mo na agad ang puso ko?" Masuyong sambit niya. Mas lalong nagkagulo ang sistema ko lalo pa nang maramdaman ko ang kamay niya sa bewang ko. "These hazel brown eyes,..." He traced my eyes. "evertime I look at these beautiful eyes I felt like I'm going to have an heart attack in any moment. " He continued. Gulat na gulat ako sa mga pinagsasabi niya. Tinakpan ko ng kunot ng noo ang pagkagulat ko. I never knew that he's this straightforward. The Mr. Willis I knew was now an another man. "Will you be shock if I tell you that the first time I saw you I fell inlove with you?" He said. Umawang ang bibig ko. Is he confessing his love to me? Or he's just playing around? "Aish! I guess I'm right." Sambit niya matapos ang ilang sandali na hindi ako makapagsalita. I don't know what should I feel at this moment because I'm too shock with his words. I'm confused! I couldn't gather myself. He smiled after a while and he let me go. "Don'
Read more
Chapter 24
EliezahNAG-IWAS ako ng tingin. Naiilang ako sa titig niya. Tumalikod ako at kunwari bubuksan ang pinto ng verandah."Bakit mo ako hinahanap?" Nanayo ang balahibo ko sa batok ng maramdaman ko ang mainit niyang hininga roon. Never ever came in my mind that I would feel like this in my entire life. He made me feel like this."H-hindi kita hinahanap." Tugon ko sa pilit na pinatatag na boses."Hmm..." Tumango tango siya at lumampas sakin. Sumandal siya sa hamba ng pinto.Binuksan ko ang pinto. Sumalubong ang hanging panghapon na. Inayos ko ang mga rattan chairs at naupo. Pinuno ko ng hangin ang baga ko at malalim na huminga. How I missed this place."Nakita ko sa kwarto mo..." Lumitaw sa harap ko ang isang puting sobre.Nagtatakang kinuha ko ito.Binuksan ko ang sobre at may nakatuping papel sa loob nito. Kanino kaya to galing? Tiningnan ko ang sobre kung may nakalagay bang address or ano pero wala. Kinuha ko mula sa loob ng sobre ang papel na nakatupi ng bigla nalang may humablot noon. N
Read more
Chapter 25
Eliezah"DO you really mean what you said the last day?" Tanong ko ng nasa elevator na kami. Naisip ko lang na baka pinaglalaruan niya lang ako at iyon ang pinaka hindi ko gusto, ang paglaruan ako. He turn his head to me and smiled. "Why? Nagdududa ka ba?" Nakangiti bagamat may bahid ng kaseryosohan. I pursed my lips. "I don't know. Malay ko ba na pinaglalaruan mo lang pala ako?" Hinawakan niya ako sa kamay. "Wala naman akong rason para paglaruan ka. Maraming beses mo na akong niligtas at kinupkop mo ako," he paused. "Trabaho ko ang panatilihin kang ligtas, Mr. Willis." "Alam ko. Pero hindi ko parin mapigilan ang sarili kong mahulog sa'yo..." usal niya. Sinalubong ko ang titig niya. He slowly leaned closer and I couldn't stop myself from closing my eyes and waited for his lips to touch mine but before that happened...Bumukas ang pinto ng elevator. "Oh My Gosh!" Agad na nagmulat ang mga mata ko at gulat na gulat na tumingin sa pinto ng elevator. Naroon si Kieran nakatayo habang
Read more
Chapter 26
EliezahISA lang ang masasabi ko sa pagkain ng restaurant ni Joyce. Napakasarap. Pang world class ang dating. "Okay lang ba ang pagkain?" Tanong niya ng nasa kalagitnaan na kami sa pagkain. "Yes. Siya ba ang nagluto nito?" "Oo knowing na nandito ako. She barely cook. She only cook for her family pero sa iba ay nag-ha-hire siya ng international chef para roon to make sure that the food is not contaminated. Nong bata kasi iyon ay nakakain siya ng kontaminadong pagkain at muntik niya ng ikamatay iyon." Sagot niya. Tumango ako. "She's thoughtful for her family." Sambit ko at nagpatuloy sa pagkain. "She is." Sang ayon niya. Nang matapos kami sa pagkain ay namataan ko si Joyce na naglalakad papunta sa gawi namin. "Joyce's coming," usal ko habang nakatingin palagpas sa kanya. Lumingon siya at pinindot ang button sa may armrest niya. Dahan dahang bumaba ang tabing sa taas namin na siyang pagdating naman ni Joyce sa table namin. Nakangiti siya. "Pwede ba akong maupo? Or nakaka-istorb
Read more
Chapter 27
EliezahILANG araw ang nagdaan magmula ng mamatay ang lalaking impostor ay naglabas na ng resulta ang mga taga Forensic affairs. At base sa resulta sa isinagawang pagsusuri ay lason ang ikinamatay nito. May nakuha sila mula sa katawan ng bangkay na parang isang karayom na isang pulgada lang taas at sadyang napakaliit nito na maihahalintulad sa buhok. Kung hindi susuriing mabuti ay hindi makikita ang naturang bagay na sadyang nakakapagtaka. Bakit siya may ganon? At sino ang gumawa no'n sa kanya? Ayon sa Forensic ay inilubog sa lason ang naturang bagay at maaring ibinaril iyon ng suspek sa biktima. At ang spekulasyon na iyon ang labis na nakakapagtaka dahil sino ang maaring gumawa ng bagay na iyon gayong mahigpit ang security sa building ng NBI. Paano nakalusot ang suspek sa mga security na nagbabantay? Isa kaya sa tauhan ni Fergie Morgan ang pumatay sa biktima? O isa sa kasamahan namin sa ahensya? Pero bakit naman gagawin ng kasamahan namin ang krimen na iyon? Anong makukuha niya?
Read more
Chapter 28
EliezahNAGISING ako bandang mga alas tres ng madaling araw. Inikot ko ang paningin ko at nandito na ako sa kwarto ko. Naalala ko ang nangayari kagabi. Bumangon ako at nakita ko si Mr. Willis na nakaupo sa love seat sa may malapit sa bintana habang nakapikit ang mga mata. Nakatulog yata siya sa pagbabantay sa'kin matapos akong mahimatay sa bisig niya kagabi. Nagtataka rin ako kung bakit ako nahimatay kagabi. Kumuha ako ng kumot sa tokador ko at marahan na kinumutan si Mr. Willis na naka-cross-arms. Matapos ko siyang kumutan ay inikot ko ang paningin ko. Nagugutom ako dahil wala akong dinner kagabi at sigurado akong wala nang bukas na tindahan ngayon kasi madaling araw pa. Nahagip ng mata ko ang isang paper bag na may tatak ng MCDONALD. Linapitan ko ang paper bag at tiningnan ang laman niyon at ng makitang may pagkain sa loob ay nilabas ko ang mga ito at kinain. Gutom na gutom na ako. Pagkatapos kung kumain ay niligpit ko ang mga pinagkainan ko at itinapon ang basura sa trashbin. U
Read more
Chapter 29
EliezahPAGKATAPOS namin sa arcades ay nanood kami ng sine. Nakipagbangayan pa siya sa'kin kung alin sa dalawa ang panonoorin namin. Romantic ba o action. And of coarse, ako yung nasunod. Marvels ang napili ko. Natawa nalang ako sa busangot niyang mukha. Nakanguso at salubong ang kilay habang pinapanood akong nag-e-enjoy sa palabas. "Ang saya mo," bulong niya sa tabi ko. "Alam mo, kung hindi mo gusto ang palabas pwede ka namang sa kabila ka manood. I won't mind. " I answered without looking at him. "Tss." Umayos siya ng upo at nagpokos sa palabas. Wala na kaming kibo hanggang sa matapos ang palabas. Hindi niya ako pinapansin kahit nong nakalabas na kami sa sinehan. Nauna siyang naglakad kaya patakbo akong humabol at hinila ang kamay niya sabay takbo papunta sa booth ng ticket na gusto niyang palabas. "Dalawa po." Bumili ako ng ticket. Nang makuha ko na ang ticket ay humarap ako sa kanya. "Bibili ka bang popcorn or ano?" Tanong ko sa kanya. Umismid muna siya bago tumingin doon
Read more
Chapter 30
EliezahNAGISING ako na sobrang sakit ang likod ko at ang balikat ko. Mabigat ang pakiramdam ko. Iminulat ko ang mata ko at unang nakita ko ang puting kisame. Inaaninaw ko ang paligid. Akmang hahawakan ko ang ulo ko ng mapaigik ako sa sakit. Ibinaba ko ang tingin ko sa kamay ko. Nakacast ang kamay ko. Gumala ang tingin ko sa paligid. Walang tao sa loob ng kwarto. Inalala ko ang nangyari. Nabaril nga pala ako at nahimatay ako sa bisig ni Mr. Willis. Lumipad ang tingin ko sa pinto ng biglang bumukas ito. Mula roon ay pumasok si Mr. Willis kasama ang doktor. Nang makita ako ni Mr. Willis na gising na ay agad siyang dumalo sa'kin. "Elie! Oh God! Thank God you're finally awake!" Napaigik ako ng niyakap niya ako. "Zykiel, masakit..." Bulong ko. "Ow sorry! Masaya lang ako na nagising ka na!" Sagot niya. "Doc," bumaling siya sa doctor. Lumapit ang doctor at sinuri ako at wala na naman daw akong iba pang injury maliban sa natamo ko pero kailangan pa nila akong i-undergo ng iilan pang
Read more
PREV
123456
DMCA.com Protection Status