“I’m formally asking her hand, Sir, before she arrives here.” Buo ang aking boses kahit na kabado ako. Tonight, I decided to spend the rest of my life with her. I wanted to be with her. I want her to remain in my arms. Hindi na ako papayag pang malayo siya sa ‘kin. It took me some time to finally realize I’m afraid of losing her. Umupo si Mayor Anton sa couch kaya’t umupo rin ako sa pang-isahang couch. “Alam mo, Alas, alam kong wala akong karapatang sabihin sa ‘yong alagaan mo siya katulad ng ginawa ko.” He sighed. “Ang dami kong pagkukulang bilang isang ama niya, nila ng mga kapatid niya. Ang laki ng nagawa kong pagkakamali sa kanya na naging dahilan kung bakit mahirap para sa kanya na patawarin ako.” “It’s fine, Sir. You’re her father. Normal lang ibilin mo ang anak mo sa taong hihingiin ang kanyang kamay, Sir.” He looked ay me. “Nagkakamali ka roon, hijo. Normal lang ‘yan sa mga ama na ginagampanan ang pagiging ama nila. E, ako? Kahit kailan ay hindi ako nagpakaama sa kanya.”
Magbasa pa