Lahat ng Kabanata ng Ang Lihim ni Anastasia : Kabanata 81 - Kabanata 90
108 Kabanata
Chapter 5 - Who is Soleen Marasigan
Hindi maiwasan ni Ashton ang kabahan sa unang beses niyang makipagkita sa babaeng pumatay sa kanyang pinakamamahal na nobya. Habang naglalakad papasok ng police station kung saan nakakulong ang babae, nakaramdam s'ya ng kunting habag. Hindi n'ya maintindihan kung bakit parang natatakot siya at nalulungkot. Kasama n'ya si Luis ang kanyang assistant. "Good afternoon, Mr. Enriquez." bati sa kanya ng hepe. Si Mr. Melchor Reyes. Tumango lang s'ya. "Nais po namin siyang makita, Hepe." sabi ni Luis. "Okay, sumunod kayo sa akin." tugon naman ng hepe at iginiya sila papasok. Hindi mabasa ang expression sa mukha ni Ashton habang naglalakad sa pasilyo. Mayamaya at nakarating na sila sa isang kwarto. Pinaupo sila sa dalawang bakanteng upuan sa harap ng mesa. Ilang sandali lang ay pumasok ang nakaposas na babae. Matamlay ang mukha nito at namumutla. Halos dalawang linggo na ito sa loob ng kulungan. Ngayong muli niya itong nakaharap walang salitang lumabas sa bibig ni Ashton. Nanatili siy
Magbasa pa
Chapter 6 - Amber's simple life
5 years laterGinising si Amber ng isang yugyog sa balikat. Dahan-dahan siyang napamulat kahit na antok na antok pa ang kanyang pakiramdam. Madaling araw na kasi siya nakatulog dahil sa sakit ng kanyang ngipin. "Jaypee, anong kailangan mo?" inaantok niyang tanong sa kapatid. "A-ate g-gutom po a-ako, p-please." utal-utal na pakiusap ni Jaypee ang may kapansanang kapatid ni Amber. Mabilis siyang bumangon saka sinulyapan ang orasan sa dingding. Alas singko palang ng umaga. Inaasahan na ito ni Amber dahil kagabi hindi raw kumain ng hapunan si Jaypee dahil busog daw ito sa kinaing tinapay nang gabi na pinasalubong ng kanyang kaibigan na si Jessie galing sa kabilang Bayan. "Okay, ipaghahanda kita. Maupo ka na muna, okay?" utos niya sa kapatid at agad naman itong tumalima dahil alam niyang food is life talaga ito. Kahit gaano ka hirap ang kumita ng pera pero pinipilit ni Amber na matustusan ang lahat ng pangangailangan nilang magkapatid maging ng kanyang anak. Oo isa siyang dalagan
Magbasa pa
Chapter 7 - FLASHBACK
FLASHBACK Bagong buhay, bagong pag-asa. Pangalawang araw nina Amber at Jaypee kasama ang kaibigan n'yang si Jessie dito sa siyudad ng Maravilis. Maluwag-luwag naman ang kanilang apartment na tinitirhan pag-aari rin ng pamilya ni Jessie. Kinabukasan agad na inayos ni Amber ang mga papel ni Jaypee para maipasok niya ito sa isang center ng mga autism. Nais niya ring matuto ang kapatid dahil may mga speech and behavioral therapist ang center. Para lang din itong nag-aral dahil susunduin n'ya rin ang kapatid pagsapit ng hapon. Hindi lang papel ni Jaypee ang inayos niya kundi maging sa kanya. Nag-ikot-ikot s'ya sa mga malalapit na establishment na malapit sa kanilang apartment ngunit walang bakante na pwede niyang mapasukan. Ayaw niyang panghinaan ng loob dahil alam niyang marami pa riyan na pwede niyang mapasukan matyaga lang siyang maghanap. Aminado siyang mahirap maghanap ng trabaho sa ganito kalaki ang siyudad. Sa pang-apat na araw niyang pag-iikot halos mabasa na siya ng pawis sa kak
Magbasa pa
Chapter 8 - Long time no see
Araw ng pagpupulong. Habang nakaupo sa maliit na sala sa kanilang bahay ay hindi n'ya alam kung ano ang gagawin. Hindi sigurado si Amber kung dadalo ba siya o hindi. Sa isiping makikita niya ang taong may pakana sa kanyang paghihirap noon para na siyang napanghina. Hindi niya alam na ang lalaking iyon pala ang CEO ng VM Group kung hindi n'ya pa nalaman sa kaibigan. Agad niya pa iyong hinanap sa internet. Kaya laking pagsisisi niya na hindi s'ya naging updated sa mga sikat na tao sa lipunan. Ang taong sa una palang niyang nasilayan ay bumihag na sa kanyang puso. Ngunit pilit niya iyong iwinaglit sa puso't isipan dahil sa sakit na dinulot nito sa kanya. Dinala niya ang kanyang anak sa bahay ng mga magulang ni Jessie at doon muna iniwan maging ang kapatid n'ya. Tuwang-tuwa si Jessiebel ang ina ni Jessie dahil makakasama nito ang kanyang bibong anak. Pupunta siya sa pagtitipon pero hindi s'ya magpapakita. Mula noong nakalaya siya sa kulungan halos ayaw na niyang lumabas ng bahay. Kung h
Magbasa pa
Chapter 9 - The trending news
Halos gabi-gabi na ata si Ashton sa Infinite Club na siyang pinangasiwaan ng kanyang kaibigan na si Clyde. Mula noong nabasa n'ya sa list ng mga taong nakatira sa lupaing bibilhin nila para sa bagong project ng kompanya ang pangalan ni Amber Lie De Asis ay hindi na siya pinatahimik nito. Sa halip nag-volunteer pa nga na s'ya mismo ang haharap sa mga taong naninirahan doon upang makitang muli ang dalaga. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit masyado siyang intresado sa babaeng 'yon. Ngunit sa tuwing naiisip naman n'ya ang dating nobya ay umusbong na naman ang poot sa kanyang dibdib. Lagi n'ya kasing isinisiksik sa kanyang isipan na kaya lang ito nakalaya ay dahil magaling ang abogadong nakuha ng kanyang ina. Hindi niya kasi maamin sa sarili na nagkamali rin s'ya sa pagbintang dito at maraming masasakit na salita ang kanyang binitawan sa harap mismo ng babae. Inaamin niyang nalungkot din s'ya nang mapawalang-sala ito dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin nabigyan ng hustisya ang
Magbasa pa
Chapter 10 - Amber's unexpected visitor
Months had passed so fast. Naninibago man sa bagong pamumuhay na meron sila, ngunit patuloy pa rin si Amber sa hamon ng buhay. Masakit man isipin na iniwan nila ang lugar kung saan nakatanim ang mga magagandang alaala niya sa mga magulang ay wala siyang choice kundi talikuran iyon. Alam naman niya sa sarili na kahit kailan ay hindi nawala sa kanyang puso't isipan ang mga alaalang iyon. Hindi niya alam kung paano magpasalamat kay Ashton sa magandang bahay na handog nito sa kanilang lahat. Halos magkakapareho ang design ng mga bahay dito sa subdivision na kinaroroonan nila. Karaniwan sa kanilang mga kapit-bahay noon ay pinili ang bahay na dalawang palapag dahil sa marami silang miyembro ng pamilya. Hindi n'ya ma-imagine kung bakit ganito kagalante ang kompanya ng mga ito. Ayun pa kay Jessie, marami rin daw silang foundation. Kaya siguro pinagpala sila dahil sa kabaitan ng pamilya nito.Hindi man makapaniwala sa mga nangyayari sa kanyang buhay. Mas minabuti niyang kalimutan ang nakaraan
Magbasa pa
Chapter 11 - They argued
Ilang minuto nang nakatayo si Amber sa harapan ng matayog na VM Tower. Hindi n'ya akalain na makakabalik siyang muli sa lugar na ito. Maraming tao ang labas pasok sa building. Para tuloy siyang nagbibilang habang nakamasid lamang sa karangyaan ng building. Masyadong makintab ang bawat salamin na pader nito. Napahalukipkip s'ya sa tabi ng malaking poste at nag-iipon ng lakas para pumasok. Mayamaya ay dahan-dahan siyang humakbang papasok. Sumalubong sa kanya ang mabangong refresher at lamig na nanunuot sa kanyang kalamnan. Kung hindi lang dahil sa kanyang cellphone ayaw n'ya sanang bumalik sa lugar na ito. Para kasi siyang nanliit sa kanyang sarili dahil sa simpleng suot na jeans at yellow t-shirt na nagpatingkad sa kanyang kaputian. Maputi siya, kaya dahil sa kanyang balat binansagan siyang ampon ng karamihan sa nakakilala sa kanila dahil s'ya lang daw ang may kakaibang kulay sa kanilang pamilya. Pagpasok n'ya ay dumiretso s'ya sa receptionist. Mukha atang nakilala pa s'ya ng mga ito
Magbasa pa
Chapter 12 - Unexpected questions
"D*mn it!" napamura si Ashton nang makalabas si Amber sa kanyang opisina. Hindi iyon ang balak n'ya ngunit taliwas ang nangyari. Gigil na sumalapak siya ng upo sa sofa ng kanyang opisina. Naikuyom niya ang kanyang kamao at hindi maiwasang mapatingin sa mukha ni Julianna sa kanyang harapan. "I'm sorry to fail your request." bulong niya. Hindi kasi niya maintindihan kung bakit iyon ang huling hiling nito sa kanya bago ito binawian ng buhay sa kanyang mga bisig. Bakit kailangan niyang tulungan ang babaeng 'yon. At saka dumagdag pa itong l*ntik n'yang puso. Bakit nakaramdam s'ya ng selos pagkabasa sa pangalan ni Lucas? Paano nagkakilala ang dalawa? Sunod-sunod na tanong sa kanyang isipan na hindi niya alam ang kasagutan. "Boss, okay ka lang ba?" nagulat pa s'ya sa biglang pagsulpot ni Luis sa pintuan. Umiling s'ya. "Nakita mo bang mukha akong okay?" singhal n'ya rito. "Sorry, boss. Handa na nga pala ang conference room at naghihintay na rin sila sa iyo." tukoy nito sa mga
Magbasa pa
Chapter 13 - What happened to Avegail?
Hindi mapakali si Amber sa kanyang higaan dahil sa pag-iisip kung paano n'ya makuha ang cellphone kay Ashton. Ang mali talaga lang talaga n'ya ay wala siyang copy sa lahat ng importanteng contacts na naka-save roon. Kailangan niya talagang makuha iyon dahil yun ang number na pinakamatagal na niyang gamit mula pa noong nasa high school pa s'ya. Napabangon s'ya bigla ng maalala ang tanong nito tungkol kay Lucas Enriquez. Her childhood friend. Paano nito nalaman ang tungkol kay Lucas? Matagal na panahon na siyang walang balita roon. Hindi niya alam kung bakit bigla nalang itong nawala at ni, goodbye ay wala siyang narinig. Teka, hindi kaya ay tumawag siya sa number ko? Mga tanong sa isip n'ya. Mag-alas diyes nang gabi pero hindi parin s'ya dinadalaw ng antok. Sinulyapan n'ya ang kanyang anak na mahimbing na natutulog sa kanyang tabi. Magkatabi sila ng kanyang anak matulog si Jaypee naman ay nasa kabilang kwarto. Proud s'ya sa kanyang kapatid dahil malaki ang pinagbago nito sa loob ng
Magbasa pa
Chapter 14 - The Revelation
Humahangos na dumating sina Amber at Anastasia sa The Hope General Hospital. Agad silang nagtungo sa emergency room kung saan naroon ang kanyang anak. Wala na siyang pakialam kung makita man ng Ginang ang kanyang anak, basta ang importante sa kanya ay gumaling ito. "Miss, saan ba ang emerge…" "This way, iha. I know the way." singit ng Ginang. Napahinga siya ng maluwag dahil mapadali ang kanilang pagdating doon. O baka pag-aari rin ng pamilya nila ang hospital na ito. Sa isip n'ya. Ka pangalan kasi ng hospital na ito ang shelter na pag-aari rin nito. Ah basta hindi na mahalaga iyon, sa ngayon nais niyang makita ang anak. Napahikbi siya lalo dahil sa inaalalang baka maraming nawala na dugo rito. Iyan ang kanyang problema sa anak dahil sa tuwing nagkakasakit ito ay bumababa ang hemoglobin. "This way, iha."Lumiko sila sa isang pasilyo. Nang mabasa n'ya ang nakasulat na emergency room para siyang naglalakad na kaluluwa. Nangangatog ang tuhod at hilam sa luha ang mga mata. Sa laba
Magbasa pa
PREV
1
...
67891011
DMCA.com Protection Status