Lahat ng Kabanata ng Still You : Kabanata 21 - Kabanata 30
64 Kabanata
Chapter 20
DUMATING ang araw ng charity game na ilang beses ding na-reschedule. Hindi na sana magpa-participate si Lance dahil sa naging pag-aaway nila ni Ethan. Bukod doon ay halos kalahati ng miyembro ng barkada nila ay galit sa kanya. Kinumbinsi lang siya nina Jay-Jay at ng iba pa na mag-participate sa basketball dahil para sa foundation ang dahilan ng paglalaro niya at hindi sa ibang tao. Nagulat si Lance nang malamang kasali rin sa basketball ang sikat at ubod ng yabang na PBA player at teammate nina Troy at JD na si Ram Salas. Ang alam kasi niya ay bawal sumali sa “ligang labas” ang mga PBA player kaya hindi nagawang mag-participate nina Troy at JD. Hindi pinayagan ang mga ito ng liga at ng team ng mga ito nang magpaalam kahit pa para sa charity ang paglalaruan ng mga ito. Malapit na rin kasing magsimula ang PBA at nag-aalala ang management ng team na ma-injure ang dalawa. Pareho pa namang mahalaga sa team sina Troy at JD. Naging teammate ni Ethan si Ram. Sandali l
Magbasa pa
Chapter 21
One year later ABALA si Laura sa pag-eedit ng mga picture sa computer nang biglang pumasok sa kanyang home office si Tamara. “I’m getting married!” masayang-masayang anunsyo nito. Natawa si Laura. Itinigil niya ang ginagawa at hinarap ang kaibigan. “I know, friend. I know.” Mula sa London ay patagong dumating sa Pilipinas kagabi si Tamara para dumalo sa high school reunion at sorpresahin ang nobyong si Ethan. Pero si Tamara pala ang masosorpresa dahil nag-proposed ng kasal si Ethan sa mismong reunion na kaagad namang tinanggap ng kaibigan niya. Bago matapos ang reunion ay tinawagan siya ni Tamara at masayang ibinalita ang ginawang proposal ni Ethan. Ang totoo ay ilang linggo na ring alam ni Laura ang tungkol sa proposal dahil pasikreto siyang kinausap ni Ethan nang huli nitong bisitahin si Tamara sa London. “You’re the most important person in Tammy’s life… aside from me,” nakangiti pero halatang kinakabahan na sabi sa ka
Magbasa pa
Chapter 22
“WHAT happened to you, Kuya Lance?” tanong ni Kirsten. Sandaling tumingin si Lance sa kaibigan at itinuturing na nakababatang kapatid bago ibinalik ang tingin sa screen ng laptop. “What do you mean?” tanong niya.Kasalukuyan silang nasa Jason Paradise. Isang semi private island resort sa Palawan na pag-aari ng pamilya nina BJ. Naroon sila para dumalo sa kasal nina Ethan at Tamara sa isang araw at magbakasyon na rin. Abala siya sa pagsagot sa mga comments at inquiries sa social media accounts ng Y.O Landscape and Interiors, ang kompanyang itinatatag nila ng kanyang pinsang si Ate Francine mahigit isang taon na ang nakararaan. The business was successful. Ginamit nilang magpinsan ang social media sa promotion ng business nila. Mga natapos nilang proyekto at mga tips sa interior decoration at landscaping ang majority na laman ng mga video na makikita sa social media accounts ng firm na may milyong subscribers and followers na. Milyon na rin ang followers at
Magbasa pa
Chapter 23
NAUPO sa four-seater table si Laura nang makapasok sa Frances’. The bakeshop was located in the ground floor of Alegre Building II in Mandaluyong kung saan din matatagpuan ang opisina at shop ni Kate. Nitong mga nakaraang buwan ay mas dumalas pa ang pag-uwi ni Laura sa Pilipinas dahil sa trabaho. Nagsimula iyon nang maging replacement photographer siya sa kasal na in-organized ni Kate sa Antipolo mahigit isang taon na ang nakalilipas. Marami ang nagkagusto at humanga sa kinalabasan ng trabaho niya kaya siya na rin ang kinuhang photographer ng mga naging kliyente pa ni Kate. Pero marami-rami rin kinailangan niyang tanggihan dahil hindi na kaya ng schedule niya. Ang mga ka-meeting ni Laura ay kliyente din ni Kate. Alam niya na wala pa ang mga ito dahil tumawag ang mga ito sa kanya kanina at sinabing baka ma-late ang mga ito ng dating dahil kasalukuyang naiipit sa traffic. It was okay with her. Hindi siya mainiping tao. Maraming siyang mapaglilibangan habang naghihin
Magbasa pa
Chapter 24
“YOU MADE IT.” Nakangiting salubong kay Laura ni Kate nang dumating siya sa Monteclaro Mansion. Hindi nakatanggi si Laura nang imbitahan siya ni Kate sa birthday celebration ng asawa nitong si Jay-Jay. Ginanap ang selebrasyon sa bahay na kinalakihan ni Jay-Jay ilang blocks lang ang layo sa bahay ni Laura imbes na sa bahay ng mag-asawa sa Corinthian Gardens. “Ang sabi mo kasi magtatampo ka kaya pinilit kong makapunta. Nasaan si Jay-Jay at ang baby mo?” “Nasa library si Jay-Jay kausap si Daddy. Pero palabas na rin siguro sila. Si Frankie naman kasama ni Mommy sa kuwarto.” “Kumain na muna tayo. Hindi pa rin ako kumakain. Hinihintay talaga kitang dumating.” Hinawakan siya ni Kate at hinila patungo sa buffet table. Pero bago pa sila makarating sa buffet table ay ilang beses muna silang huminto dahil marami ang bumati sa kanya na mga miyembro ng barkadahan nina Kate at Ethan na naging kaibigan na rin niya. Kapag kasi may get together ang barkada
Magbasa pa
Chapter 25
MAKALIPAS ang mahigit isang oras na pananatili sa party ni Jay-Jay ay nagpaalam na si Lance sa kaibigan. Iyon ang unang pagkakataon na dumalo siya sa birthday celebration ng isa sa mga kaibigan niya matapos nilang mag-away ni Ethan mahigit isang taon na ang nakalilipas. Iilan na lang ang galit sa kanya sa barkada nila kabilang sa mga ito ang mga kapatid at mga pinsan ni Ethan pero sinadya talaga niyang idistansya ang sarili sa mga kaibigan dahil bukod sa naging abala siya, nagui-guilty siya sa nagawang patatraydor. Bukod doon, may maaga siyang client meeting bukas kaya hindi siya nagtagal sa party. Si Jay-Jay lang kasi mismo ang nag-imbita sa kanya at hindi niya nagawang tanggihan. Isa ang kaibigan ang nakaunawa sa kanya sa ginawa niyang pagtatraydor. Habang nasa party ay naging abala naman siya sa pakikipag-usap sa cell phone sa isang referred client kaya hindi rin niya nagawang makihalubilo sa mga kaibigan. Kanina ay nagulat siya nang makita si Laura sa party. An
Magbasa pa
Chapter 26
Three months later….NAGHAHANDA na sa pagtulog si Laura nang tawagan siya ni Tamara sa cell phone. Matapos ang mga commitments ni Tamara sa Europe ay nag settle down na nga ang kaibigan niya sa Pilipinas. Pansamantalang nagpahinga muna ito sa pagtugtog. “Hello, Tam?” sabi ni Laura. Humikab siya pagkatapos. “Ang aga pa inaatok ka na?” “Sorry. Maghapon kasi akong nagtrabaho today.” Nakapag-settle down na rin si Laura sa Pilipinas. At noong nakaang linggo lang ay binuksan na sa publiko ang studio at gallery niya. Napabilis ang pagse-settle down niya sa Pilipinas dahil sa walang tigil na pangungulit sa kanya ni Tamara na tuparin niya ang kasunduan nila. Tatanggap pa rin siya ng trabaho abroad pero mas priority na niya ang mga magiging trabaho sa Pilipinas. Wala namang naging problema si Laura sa pagse-settle down sa Pilipinas. Tinupad nina Kate at Francine ang ipinangako nitong tulong sa kanya. Lubos namang sinuportahan ng pamilya niya an
Magbasa pa
Chapter 27
Patakbong tinungo ni Lance ang banyo mabilis na naligo at nagbihis.He was getting late to his meeting with Triple Play. Alas-nueve na ng umaga. Alas-diyes ang appointment niya. Past midnight na kasi nang makauwi siya mula sa dinaluhang event kagabi kaya tinanghali siya ng gising. Kung alam lang niya na tatanghaliin siya ng gising. Sa condo unit na lamang niya sana siya umuwi kagabi at hindi sa bahay ng kanyang mga magulang sa White Plains. Nasa Ortigas kasi ang condo unit niya at ilang blocks lang ang layo mula sa Triken Building. Ilang sandali pa ay nagda-drive na si Lance patungo sa Triken Building kung saan matatagpuan ang opisina ng EJ & T Enterprises. Triple Play was one of those leading sports apparel and merchandise stores in the Philippines that have branches in every famous malls in the country. At isa lamang ang Triple Play sa mga negosyong under ng EJ & T Enterprises na pag-aari ni Ethan. His best friend was a good businessman at idolo niya ito.
Magbasa pa
Chapter 28
NAKITA ni Laura ang disappointment sa mukha ni Lance nang hindi ito pansinin ni Trisha. She was feeling sorry for him. Umaasa siya na darating ang araw na manunumbalik ang magandang relasyon ni Lance sa lahat ng mga kaibigan. Matapos ang sandaling chikahan nila ni Trisha ay lumabas na siya ng building. Nakita naman niya kaagad si Lance na guwapong-guwapong nakasandal sa sports car nito. Tila hindi naman nito dinamdam ang nangyari. Nakangiting kumaway ito sa kanya. Bigla niyang naalala na masama nga pala ang loob niya sa binata.“Hey, hindi na ko makakapunta sa restaurant. Nakalimutan ko, may kailangan pala akong gawin sa office,” aniya rito nang makalapit. Ayaw niyang makasama sa lunch si Lance kaya nagsinungaling siya at nagdesisyon na hindi na magpunta sa restaurant. Tatawagan na lang niya si Tamara mamaya. Sandaling nagsalubong ang mga kilay nito. Tila hindi naniniwala sa kanya. “Really?”“Yes. I gotta go, magtataxi na lang ako papunta sa office.” Tinalikuran na niya ito
Magbasa pa
Chapter 29
“REALLY, pinadalhan ka ni Lance ng a dozen of yellow roses?” amused na sabi ni Tamara kay Laura nang ikuwento niya rito ang ginawa ni Lance nang tawagan siya nito. “Yes. Pinadala niya sa studio kaninang umaga.” Bumuntong-hininga si Laura. “Why it has to be yellow?” “What’s wrong with yellow? Red roses ba ang gusto mo? Hoy, babae. Hindi s’ya nanliligaw. Peace offering lang ‘yon. Huwag mong lagyan ng ibang meaning.” “Oo naman. But you knew I love yellow!” “And so?” tanong ni Tamara. Isang mahabang buntong-hininga ang isinagot niya rito. “Wait, magsabi ka nga sa akin ng totoo. Type mo pa rin si Lance, ‘no?” Hindi siya nakasagot. “I knew it! Laura, umayos ka nga. I don’t want him for you.” Nagulat si Laura sa narinig. “Why not? Okay na naman kayo ni Ethan, ah. Kasal at magkakaanak na rin.” “Dahil kay Celine. Yes, makikipag-break na siya kay Celine. Pero hindi pa rin kayo pwede.”
Magbasa pa
PREV
1234567
DMCA.com Protection Status