All Chapters of Still You : Chapter 31 - Chapter 40
64 Chapters
Chapter 30
Madilim pa nang gumising si Laura nang sumunod na araw para maglinis. Matapos kumain ng almusal ay sumabak na siya sa paglilinis. Makalipas ang ilang oras, habang nagpupunas siya ng mga muwebles ay biglang tumunog ang buzzer sa gate. Without minding her looks, tinungo niya ang inner gate at binuksan. Inaasahan na niya na ang maid ni Tamara na magdadala sa kanya ng pagkain o ang ipinadala nitong hardinero ang darating. Pero nagulat siya nang si Lance ang dumating imbes na ang inaasahan niyang mga tao. “Lance!” gulat na bulalas niya. “Hi, Laura.” Itinaas nito ang isang paper bag at iniabot sa kanya. “Padala ni Tam.” Tinanggap niya ang paper bag. “Thank you sa pagdadala. Pasok ka.” Nilakihan niya ang bukas ng gate at pumasok ang binata. “And these are for you.” Itinaas ni Lance ang kaliwang kamay na may bitbit na mga boxes mula sa Frances’. “My favorites,” aniya nang makilala ang box ng ensaymada at puto cake.”
Read more
Chapter 31
EKSAKTO alas-otso ng umaga nang bumalik si Lance sa bahay ni Laura kinabukasan. Bukod sa binata, tatlong lalaki pa ang kasama nito sakay ng isang pickup na may logo ng Perfect Petals. Isang kilalang flower shop ang Perfect Petals na pag-aari ng mommy ni Lance at pinsan nitong si Frances. “Sorry, napaaga yata kami. Ngayon lang kasi sila available. Kailangan nilang bumalik sa farm before lunch,” apologetic na sabi ni Lance nang makababa ito ng kotse. “It’s okay. Pero bakit naman mga tauhan ng farm n’yo ang isinama mo? Puwede namang kahit ‘yong hardinero n’yo na lang sa bahay.” “On call na lang din pala ang hardinero namin sa bahay. Nagpapatawag lang si Mommy ng gardener mula sa farm kapag may mabibigat na gagawin. Pero kung wala naman, siya lang ang nag-aayos ng garden. Pinasama sila ni Mommy nang magsabi ako na may gagawin ako sa garden mo. And this is for you.” Itinaas ni Lance ang hawak na box ng cake. “Ipinabibigay ni Mommy. Siya mismo ang nag-bake.”
Read more
Chapter 32
MULING ni-review ni Laura ang mga shot niya kay Lance habang nasa itaas ito ng  climbing wall at ginagawa ang iba’t-ibang climbing techniques. Nang makuntento ay ipinakita niya ang mga iyon sa representatives ng Triple Play na kasama nila sa pictorial.          Ginanap ang photoshoot sa indoor wall climbing gym ng Friend Jungle. Pero nasa isang area lang sila dahil kasalukuyan pang nire-renovate ang lugar. Pagkatapos ng renovation ay babalik doon si Laura upang kumuha ulit ng litrato para sa promotion.          “Okay ang mga shot mo, Miss Laura. Marami na kaming mapagpipiliin dito. Puwede na kayong mag-pack up,” nasisiyahang sabi ng isa sa mga representatives matapos mag-usap-usap ng mga ito.          “Okay. Thank you.” Mabuti naman at maagang natapos ang pictorial kaysa sa inaasahan niya.  &nb
Read more
Chapter 33
“Kakainin mo pa ba ‘yan?” tanong ni Tamara habang nakatingin sa kinakaing ice cream ni Laura. Ubos na nito ang kinakain.          “Sa ‘yo na wala akong gana.” Inilapit niya rito ang pint size avocado ice cream.Kaagad namang iyong kinain ni Tamara.           Napailing na lang si Laura sa kaibigan. Palibhasa buntis kaya grabe ngayon ang katakawan ng kaibigan niya. Kumain na rin sila ng isang pan ng lasagna kanina na halos ito ang umubos bago sila nag-ice cream.          Ilang sandaling pinanood niya ito sa maganang pagkain bago muling nagsalita. “So, anong gagawin ko?”          “Saan?” tanong ni Tamara habang patuloy pa rin sa pagkain.          “Sa problema ko. I need a
Read more
Chapter 34
HAPON na nang makauwi si Lance mula sa pagbabasketball kasama si Ethan at mga kaibigan nila. Napatingin si Lance sa hawak na cell phone nang biglang tumunog iyon nang makababa siya ng kanyang sasakyan. Dondie was calling him. Dati niyang kasama sa pagmomodelo si Dondie at itinuturing na matalik na kaibigan.           Nilapitan muna niya ang kanyang mommy na abala sa mga halaman nito sa garden at hinalikan sa pingi bago sinagot ang tawag.          “Hello, pare? Kumusta?” tanong ni Lance at naglakad na papasok sa main door.          “Okay lang, pare. Ikaw pare kumusta? Napanood ko ‘yung isang vlog mo  kagabi. Grabe,  five hundred million views na. Wala akong masabi. Ang galing mo!”          Natawa si Lance. “Thank you, p
Read more
Chapter 35
HAPON na ng magising si Laura. Hindi pa sana siya babangon dahil inaantok pa siya pero naalala niya ang date nila ni Ram. Kakauwi lang niya kaninang umaga nang tawagan siya nito niyayang lumabas. Pumayag siya kaagad dahil kailangan nilang mag-usap at sabihin ang napagdesisyunan.            Mabilis na kumain ng light meal at naligo si Laura. Kalalabas lang niya ng banyo nang tumunog ang kanyang cell phone. Nang makitang si Daena ang tumatawag ay kaagad niyang sinagot ang tawag.          “Hi, Daena. What’s up?” masiglang bati niya sa kaibigan.          “Hi! Are you free to meet today? May importante lang akong sasabihin tungkolkay Ram.”          Napakunot-noo siya. “Ano ‘yon?”      
Read more
Chapter 36
 “MRS. DANNA OCAMPO?” pag-uulit ni Laura sa sinabi ng assistant na si Argeline naghahanap sa kanya.          “Yes, Ma’am. She requested to see you. Haharapin n’yo po ba?” tanong ni Argeline. Usually, si Argeline ang humaharap sa mga walk-in customer ng studio at si Jio naman ang photographer.           “Of course.” Binitiwan niya ang hawak na camera at tumayo. Malalaki ang hakbang na nagtungo siya sa reception area para harapin ang mommy ni Lance.    “Hi, Laura,” nakangiting bati ni Mrs. Ocampo nang makita siya.          “Hello, Tita,” nakangiti ring bati niya.          “I’m sorry, I came unannounced. Do you have time for me?” t
Read more
Chapter 37
SABADO ng hapon. Nasa Friend Jungle ulit si Laura para kumuha ng larawan para sa ilalabas na promotional poster at billboards ng newly renovated na indoor wall climbing gym ng Friend Jungle. Sa susunod na linggo ay io-open na iyon sa publiko.           Abala si Laura sa pagkuha ng mga larawan nang biglang may magsalita sa likuran niya.                    “Hi, Laura!”          “Lance!” bahagyang nagulat na sabi niya nang malingunan ang binata. “Ano’ng ginagawa mo dito?”          “Hmm… actually, sa fitness gym ang punta ko. Nakita ko lang si Jio at sinabi n’ya na nagtatrabaho nga kayo dito. I just want to say ‘Hi’”       &nbs
Read more
Chapter 38
“GUSTO mo bang dalhin kita sa ospital?” tanong ni Laura matapos magamot ang mga sugat ni Lance sa braso. “Baka kailangan kang i-x-tray o i-ct scan. Baka may internal bleeding na pala sa katawan mo hindi pa natin alam.          Natawa si Lance. “Gasgas lang ang mga sugat ko, Laura. Para lang akong nakipag-agawan ng bola sa basketball. Wala ‘to.”          Kasakuluyan pa ring nasa Friend Jungle sina Laura at Lance. Nasa parking lot sila at nasa loob ng kotse ni Lance. Walang sugat sa mukha si Lance pero marami siyang nakitang gasgas at mga sugat sa mga braso nito.  Pinilit niyang magamot muna ang mga sugat nito bago suli umalis nang makakita siya ng dugo. Mabuti na lamang at may medicine kit si Lance sa kotse.          “Bakit mo ba kasi biglang sinuntok si Ram. May g
Read more
Chapter 39
“ARE YOU, OKAY?” nag-aalalang tanong ni Laura kay Tamara nang bigla itong humawak sa balikat niya habang nagkukuwentuhan sila.          “Medyo nahihilo ako,” tugon ni Tamara.          “You should take a rest. Pinupuyat mo ang inaanak ko. Uuwi na rin ako,” sabi ni Laura.           Tinawag ni Laura si Ethan at sinabi ang kondisyon ni Tamara.          Nang magsabi si Laura na uuwi na ay nagkasundo na rin ang mga natitirang bisita na umuwi. Bukod sa mga kapatid at pinsan ni Ethan, dumalo rin sa anniversary dinner ang ilan sa mga barkada ni Ethan kasama ang mga asawa ng mga ito.          “Hatid na kita, Laura,” boluntaryo ni Lance habang palabas na sila ng bakuran.    &n
Read more
PREV
1234567
DMCA.com Protection Status