Lahat ng Kabanata ng My Beautiful Stranger: Kabanata 31 - Kabanata 40
101 Kabanata
KABANATA 31
Literal na napalunok ng laway si Yvonne sa lamig ng boses ni Margarita at sa talim ng mga mata nito. Parang diniderekta nito sa kanya na hindi na siya aabutin ng bukang liwayway o sisikatan ng araw pa. Aba naman! Biktima lang din siya no! Si Alaric dapat ang sumalo sa lahat ng galit nito."Tingin mo, meron bang third party, Miss Yvonne?" Ngumisi ito bago sumimsim sa tasa nito.Agad siyang napaiwas ng tingin. Nag-lock yata ang panga niya at hindi makasagot. Kailangan pa niyang tumikhim nang malakas para lang bumalik ang boses niya."U-hm, b-aka wala naman. H-indi naman mukhang magloloko si Sir Alaric—""Babaero siya, Dear. Hindi ko nga mabilang sa daliri ko kung ilan ng babae ang lumapit sa akin para lang sabihin na nabuntis sila ni Alaric. Lahat iyon naikama niya," naiiling na kwento nito.Napakurap siya't napaatras. Ganoon ba kagrabe si Alaric sa mga babae?"B-akit naman sa'yo sinasabi? Bakit hindi sa kanya?" naguguluhang usisa niya.Binaba nito ang tasa at tinaas ang kilay, "Simple
Magbasa pa
KABANATA 32
Nahigit ni Yvonne ang hininga at bago pa man makaharap si Alaric ay agad na siyang tumalikod.Nahiya siya bigla. Para siyang suman na binalot sa dress niya pero pagdating kay Margarita ay para lang nitong minomodelo ang damit. Sinadya ba nitong magkapareho sila? Bumili talaga ito ng dress na binigay lang naman sa kanya? Kung alam niya lang ay ibang damit na lang sana ang sinuot niya.Napailing siya at muli sanang susulyap, iyon nga lang ay napaatras niya matapos na may humapit sa bewang niya."Are you lost, Baby girl?" bulong pa nito dahilan upang magtaasan ang mga balahibo niya."Don't scare her, Gueco. Bisita ko siya."Nakahinga siya nang maluwag matapos marinig ang boses ni Mayu. Agad din naman siyang binitiwan ng lalaki at nagtaas ito ng mga kamay bago mahinang tumawa. Pag-angat ng tingin niya ay hindi niya mapigilang puriin ang buhok nitong naka-man bun at tila pusang mga mata."He's harmless, Yvonne. He's Alaric friend," bulong ni Mayu."I'm Gueco, and you are?" pakilala nito at
Magbasa pa
KABANATA 33
Nanlaki ang mga butas ng ilong ni Yvonne, "G*go ka ba? Bakit mo naman pupunitin?! Edi nagfiesta ang mga mata nila.""That's right. Nagfiesta talaga. Have you seen how many men are out there checking you out?! Kulang na lang h*baran ka!" galit na sermon pa nito muli.Napakurap siya. Bakit parang kasalanan pa niya?"Tss. Hindi naman sila nagnanasa, ang chubby ko kaya—Sandali nga! Kanina ka pa hila nang hila!" Nagpumiglas siya noong muli siya nitong hilahin patungo sa likod. Sa mas maraming halaman.Nalayo sila sa maraming tao. Bahagya na lang ang ingay sa pwestong iyon pero umaabot pa roon ang sinag ng neon lights. Kinabahan nga siya noong maaninag ang galit na tingin ni Alaric."Hindi sila nagnanasa? Do you even know what's running inside their minds?!"Umismid siya, "Aba naman, hindi ako manghuhula no! Tsaka, bakit ba ako lang ang pinapagalitan mo? Iyong fiancée mo kaya pareho kami ng suot. Pagalitan mo rin!"Umirap siya at humalukipkip. Disaster party pala ang napuntahan niya. Gulo n
Magbasa pa
KABANATA 34
Napapikit si Yvonne matapos umikot ang malapad na palad ni Alaric sa kanyang tiyan. Pinakawalan din nito ang bibig niya dahilan upang suminghap siya ng hangin."Do you trust me?" biglaang tanong nito.Akmang haharap siya at sasagot ngunit pinirmi nito ang bewang niya."Huwag dito, ang d-aming tao," mabigat niyang sagot pero napapikit siya noong maramdaman ang kamay nitong humawak sa line ng underwear niya."Sh*t, huwag mong pupunitin—G*go, bakit mo pinunit?!" mahina niyang ngawa."Sagabal," bulong lang nito.Gusto pa niyang magprotesta ngunit nakagat niya ang labi noong dumapo ang mga labi nito sa h*bad niyang balikat. Dumoble ang bigat ng paghinga niya. Halaman lang ang nagtatago sa kanila, kung may lalapit ay makikita sila kahit sa dilim."You can moan, but without.... a sound," paalala nito noong maglakabay ang palad nito sa pagitan ng mga hita niya.Pumikit siya nang mariin. Pinipigilan ang ungol at daing na kumawala sa bibig niya noong maglaro doon ang palad nito."P-wede pang um
Magbasa pa
KABANATA 35
Malakas na tinulak ni Yvonne si Alaric. Gumulong ito pababa sa sahig at dinig pa niyang umaray pero wala siyang pakialam! Mas uunahin niyang itago ang sarili. Walang tigil sa pagkabog ang puso niya at kahit alam niyang hindi siya kasya sa ilalim ng kama ay pinagkasya niya ang sarili doon. Nasilip pa niya ang pagtayo ni Alaric, hawak hawak nito ang balakang. Mukhang napuruan ang Lolo niyo!Umusog pa siya sa gitna pero halos hindi makahinga noong muling humiga sa kama si Alaric. Balak pa yata siyang patayin sa timbang nito!Naipit sa lalamunan niya ang pagrereklamo matapos makita ang pagpasok ng tatlong pares ng paa. Ang naka-heels ng mataas ay siguradong kay Margarita. Ang nakasuot ng kumikinang na leather shoes ay kay Don Frederick. Iyong naka-tsinelas ay baka si Apollo."Where is your girl?!" dumagundong ang boses ng matanda pero mukhang hindi naman tinablan si Alaric. Dinig pa niyang humikab ito."Nagtago—I mean, I'm alone here," naiinip nitong sagot."Liar! Hindi ka na ba magbabago
Magbasa pa
KABANATA 36
Naikuyom ni Levi ang mga kamao matapos marinig mismo sa Lolo niya ang balak ni Michael Montenegro sa kanya. Alam naman niyang gusto talaga nito siyang maging manugang upang may mag-manage sa kumpanya nito. Pero ang malaman na gagawin lang siya nitong utusan at galamay ay nagpapa-init ng ulo niya."So you're saying that I will inherit his company?" litong tanong niya sa kanyang Lolo.Nasa opisina sila at pinatawag nito para lang sabihin iyon. Minamadali kasi ni Michael Montenegro ang kasal nila ni Margarita samantalang wala naman silang relasyon ng anak nito."Not inherit. Bibigyan ka niya ng share sa kumpanya, but he will still own it. Most of the profit will go to him," paliwanag ng kanyang Lolo bago sumandal sa swivel chair nito."In short, gagawin niya akong utusan? For what? So he could live a stress free life and let me suffer handling his company? Siya at ang pamilya niya ay maglulustay ng pera na pagpapaguran ko? No way, Lo. I won't accept it—""Alaric! Think about it. Malaki p
Magbasa pa
KABANATA 37
"You want me to get my wife pregnant?" mahinang tanong ni Levi kay Aldo.Gusto nitong mambuntis siya ng dragon na g*go lang ang alam na itawag sa kanya? Tss."That's the only way, Alaric. You can stop the evilness of Frederick Castellanos once you give him a great-grandchild."Napatigil siya sa pag-inom. Gusto naman talaga niya ng anak. Ang problema ay kung papayag kaya si Yvonne? Baka bumuga iyon ng apoy."Pero kailangan mong magmadali kung susundin mo iyon. Matagal ang nine months, Alaric. Kailangan mong mag-umpisa agad," paalala pa nito.Napangisi siya. Matagal na siyang nag-umpisa. Hindi nga lang sigurado kung may nabuo na.Tumikhim siya, "How? I mean, how to make that sure?""Be a sharp shooter, don't pull out," suhestiyon nito bago tapikin ang balikat niya.Maliit siyang nanguso. Nakaalis na ang Kuya Aldo niya pero iyon pa rin ang nasa isip niya. He's not sure if Yvonne is ready to be a mother. Tatanggapin ba talaga sila ni Frederick Castellanos kapag may nagka-anak na sila?Nap
Magbasa pa
KABANATA 38
"Ano ba, Alaric! Bitiwan mo nga ako! Ano bang pakialam mo kung gusto kong kausapin si Michael Montenegro ah?!" Pumiglas si Yvonne mula sa mahigpit na hawak ni Alaric sa kanya. Hindi niya naman alam na nandoon ito. Nagulat na lang siya sa tanong nito kanina. Ni hindi pa siya nakasasagot ay hinila na lang siya nito basta palabas. Hindi tuloy siya nakapag-schedule ng appointment para makausap ang ama niya."What the hell are you doing here?!" may diing tanong nito muli noong makarating sila sa parking lot."Mag-a-apply ng trabaho. Bakit ba? Gusto kong magtrabaho sa kumpanya niya," pagsisinungaling niya.Hindi naman niya pwedeng sabihin ang totoong pakay niya. Baka ikagalit pa nito kapag nalaman nitong anak siya ni Michael Montenegro."You don't need to work. May coffee shop ka. Iyon ang asikasuhin mo," mariing sagot nito bago siya pinapasok sa sasakyan nito at mabagsik pang sinara ang pinto.Napairap siya't nagsuot ng seatbelt."If you want, sa akin ka magtrabaho. Bawat halik, may bayad
Magbasa pa
KABANATA 39
Totoo ngang sineryoso nito ang aircon dahil pagpasok ni Bea sa kwarto ay niyakap siya ng lamig. Iniwang bukas iyon ni Alaric."Geez," bulong niya dahil sa lamig. Pinagkalakas-lakas yata ni Alaric iyon.Kinagat niya ang labi at umupo sa kama. Ang upo niya ay naging higa. Parang gusto na lang niyang matulog. Ang sarap sa pakiramdam at nakakaantok ang lamig. Hinila niya ang kumot at binalot ang sarili roon. Pero noong muling maalala na malakas ang aircon sa kuryente ay napabalikwas siya ng bangon."G*go talaga, pagbabayarin pa ako ng mahal sa kuryente," bulong-bulong niya bago pinatay iyon.Dapat pala ay binilang niya ang bawat hininga niya kanina para pinabayad niya kay Alaric. Tutal ay iyon naman ang sinabi nito kanina.Nakatayo pa siya sa harap ng aircon noong tumunog ang cellphone niya. Nangungunot ang noo niyang kinuha iyon at agad na sinagot matapos makitang si Alaric iyon."Gusto mo na ba ng yakap, My aber? Nilalamig ka na ba?" bungad na tanong nito.Napairap siya, "Pinatay ko na
Magbasa pa
KABANATA 40
"Estella? The hostess?" walang tuwang tanong ni Michael Montenegro sa kanya.Kumuyom ang kamao ni Yvonne. Confirm na kilala nito ang nanay niya pero bakit parang wala naman itong pakialam?"Nakilala niyo po siya sa club—""And you are her daughter?" putol muli nito sa sasabihin pa niya.Pilit siyang ngumiti. Huwag mong sabihing itatanggi siya nito? Humigpit ang pagkakakuyom ng kamay niya dahil sa naisip."And I am your daughter, Mr. Montenegro," walang kurap na bigkas niya.Umawang ang mga labi nito. Kitang-kita niya ang wrinkles nito noong biglaang manliit ang mga mata nito sa kanya."Gaano ka kasigurado na anak nga kita? Iba-iba ang lalaki ni Estella, baka isa sa mga iyon ang ama mo, Hija," kalmadong tugon nito.Nagtagis ang mga ngipin niya. Sabi na nga ba't itatanggi siya nito! Nasayang lang ang oras niya."Isa ka rin po sa mga naging lalaki niya. Posibleng kayo ang ama ko—""Posibleng ako, posibleng hindi rin ako," may diing sabat na naman nito.Nanggigil na siya na hindi siya nit
Magbasa pa
PREV
123456
...
11
DMCA.com Protection Status