All Chapters of BROKEN SERIES 1 Zarina Montes [SEDUCTION]: Chapter 21 - Chapter 30
54 Chapters
KABANATA 21
TUNOG NG CELLPHONE ang nagpagising sa natutulog na diwa ni Zarina. Pupungas-pungas na iminulat ang mata at dumako ang tingin niya sa cellphone na nakapatong sa nightstand. Bagaman na inaantok pa siya at nasa kaisipan na hindi kaniya ang cellphone na 'yon kaya dapat hindi niya pakikialaman 'yon. Pero dahil dala ng kuryosidad at pagiging mosang niya ay kinuha niya iyon para tingnan kung sino ang tumatawag sa lalaki. HON? Takang tanong sa isip niya. Kunot-noo niyang binalingan ng tingin ang lalaking mahimbing na natutulog sa tabi niya kapagkuwan sa cellphone na hawak. HON CALLING... Bigla nanlalaki ang mga mata niya at napatuptop pa siya ng bibig dahil sa realisasyon na pumasok sa isip niya. His fiancé? Mabilis na pinindot ng kamay niya ang gilid ng cellphone para matigil ang pagtunog. Bigla ay para pa siyang natatarantang itinago 'yon sa ilalim ng unan nang pumihit si Antoine paharap sa gawi niya. Napahinga siya nang malalim at napalunok. Kahit malamig ang buong kuwarto pakiramda
Read more
KABANATA 22
PAKIRAMDAM NI ZARINA tila siyang isang Diyosa na naglalakad sa Enchanted Forest. Ang roba na kulay puti na nakasabit sa gilid ng banyo ay basta na lang niya ‘yon kinuha at ipinatong sa balikat. Tumayo siya sa gilid ng lagoon kung saan nakahilera ang ilang swimming lounge chair. Ang roba na nakapatong sa balikat niya ay basta na lang niya ‘yon inilapag sa upuan.Kapagkuwan tumingala pa siya sa kalangitan at itinaas pa ang isang kamay habang ang mata ay nakapikit. Ang init ng araw ay hindi direktang masakit sa balat kahit na pasado alas dos pa lang ng mga oras na 'yon. Marahil malaking naitutulong ng mga puno na nakapaligid sa buong Enchanted Forest kaya ang init ay hindi gaya sa Manila na masakit sa balat.Kung maghubad kaya siyang maligo?Biglang napangiti si Zarina sa naisip kapagkuwan ay basta na lang niya inalis ang suot na one-piece swimsuit. She isn't sure, but she wants to swim in the water without any clothes. She can do whatever she wants in the Enchanted Forest. Katwiran niy
Read more
KABANATA 23
ISANG MALAKAS NA TAWA ang pinakawalan ni Zarina sabay hila ng isang unan na malapit sa kaniya.“What the—” Mabilis ang mga reflexes ni Antoine na walang ano man na nasalo nito ang unan na binato niya. Naningkit ang mga mata nito na inilapag ang unan sa dulo ng kama. “Shhh. Bawal magmura, Kuya Antoine.” Natatawang saway pa niya sa lalaki na halos magsalubong na ang kilay. “That's not a good sign. That would be better if you didn't say it directly to me. It is not an appropriate example.” Umiiling pa siya ng kaniyang ulo na kunwari nadi-disappoint siya sa lalaki, ang mga braso niya ay nakahalukipkip sa tapat ng dibdib. “Ano na lang sasabihin ni Daddy Anton kapag nalaman niya na ang Unico Hijo niya na bukod sa babaero ay palamura pa. Tsk! Alam ba ni Daddy Anton na ganiyan ang ugali mo?” Nagpakawala pa siya ng isang maharot na tawa na ikinaningkit ng mata nito.“I didn’t—" Tila idedepensa pa nito ang sarili na agad niyang pinutol."Shhh... I won't tell Daddy Anton. I'll keep whatever I k
Read more
KABANATA 24
MAANG na nakatingin si Zarina sa papalayong kabayo sakay ang lalaking tila may pinapasan na malaking suliranin sa buhay. Hindi niya alam kung ano ang nagawa niyang kasalanan kung bakit hindi siya nito pinapansin at parang iwas na iwas ito sa kaniya. Ni hindi rin siya nito nagawang hintayin man lang o ‘di kaya isakay sa kabayo gaya ng magpunta sila rito kahapon. Sa halip ay isang kotse ang naghihintay kaniya para maihatid siya sa hacienda. Naniningkit ang mata niya sa inis habang paliit nang paliit ang tingin niya sa papalayong kabayo. "Señorita, aalis na po ba tayo? Wala na po ba kayong nakalimutan na gamit sa itaas?" isang tanong ang nagpabalik sa naiinis niyang diwa. Nilingon niya ang lalaki na sa tingin niya ay kaedaran lang niya o mas bata nang kaunti sa kaniya. Kapagkuwan ay napakunot-noo pa siya habang mataman niya itong tinitingnan dahil parang pamilyar sa kaniya ang mukha nito. Yumuko siya at napahawak sa baba habang iniisip kung saan at kailan niya ba nakita ang lalaki. Nan
Read more
KABANATA 25
LAMPAS dalawang oras na sila ni Remington sa ilog at kanina pa siya kinukulit nito na bumalik na sila sa mansyon pero kanina niya pa rin ito ‘di pinapakinggan. Nagbingi-bingihan siya sa sinasabi nito. She does it for a reason. ‘Yon ang makaganti sa ginawa ni Antoine na pag-iwas at pag-iwan sa kaniya sa Enchanted Forest. Kung akala nito na mananahimik lang siya sa ginawa nito. Puwes, lintik lang ang walang ganti! Nangingiti siya. Ibabalik niya ang lahat ng inis at buwisit na nararamdaman niya kanina. Ito naman ang iinisin niya. Pag-iisipin kung nasaan siya at kung anong ginagawa niya ngayon! Naniningkit ang mata niya sa tuwa. Sisirain niya rin ang umaga nito gaya ng ginawa nito sa kaniya. Kung iniwan siya nito ng walang pasabi kanina. Mamumuti naman ang mga mata nito kakahintay sa kaniya kung oras siya babalik sa mansyon. Natatawa siya na napapailing ng ulo dahil sa kapilyahan na naiisip, habang ang mga mata naniningkit sa tuwa. Alam niya sa mga oras na 'to ay hindi na 'yon
Read more
KABANATA 26
HINDI pa man tuluyan nakakalayo si Antoine ay binilisan na ni Zarina ang pagdampot sa mga natitirang bato at inilagay sa kaniyang damit. Kung kanina ay binagal-bagalan niya ang pagkilos para inisin ito. Ngayon, ay hindi na niya pinili kung ano ang iiwan at dadalhin niya. Basta na lang niya pinaglalagay ang lahat ng bato habang ang mga mata ay nakatuon sa lalaki.Shit! Pagmumura niya nang makita ang malalaking hakbang na ginawa ni Antoine na para bang balak talaga na iwanan siya. Ni hindi ito lumilingon sa likuran, basta naglalakad lang ito ng dere-diretso.Lakad-takbo ang ginawa niya para lang makahabol sa lalaki. Hindi rin alintana ang mga naglalakihan na bato na halos magkatisod-tisod pa siya sa mga natatapakan para lang makahabol sa lalaki. Pag-akyat niya sa itaas nakita na niya ang maong na short at sapatos na nakatabi sa gilid, marahil ay itinabi na lang ‘yon ni Remington. Tinakbo na niya agad 'yon at dinampot sa damuhan. She didn't bother to wear it. Naka-cycling naman siya ng
Read more
KABANATA 27
DAIG PA ni Zarina ang natuklaw ng ahas na hindi magawang maigalaw ang katawan sa kinatatayuan. Awtomatikong napatingin ang mata niya sa maputing pang upo ni Antoine na ikinatuyo pa ng lalamunan niya. Hindi niya maalis-alis ang tingin sa lalaki na kasalukuyan nakatalikod sa kaniya at ibinababa ang boxer short na suot nito. Wala na rin itong damit pang itaas kaya kitang-kita niya kung gaano katipuno ang katawan nito.“OMG!” Hindi niya maiwasan na maibulalas nang malakas na ikinalingon ng lalaki sa gawi niya.“Geez! Zarina, what the hell are you doing here?” pagalit na tanong ni Antoine na nagmamadaling iangat ang boxer short.Humarap ito sa kaniya na salubong ang kilay. Napalunok si Zarina at bumaba ang tingin niya sa suot nitong boxer na halata ang malaking umbok nun.Galit na ba 'yan?“Eyes up, Zarina! You didn't come here to examine my body, did you? What do you need? Hindi ka ba marunong kumatok sa pinto?”Napaangat kaagad siya ng tingin sa mukha ng lalaki imbes sa boxer short nito
Read more
KABANATA 28
BAGAMAN ILANG GABI na rin walang sapat na tulog si Zarina ay sinikap pa rin niyang magising ng umagang ‘yon. Pasado alas sais pa lang ng umaga at alas nuwebe pa ang pasok niya. Wala naman talaga silang klase ng araw na ‘yon pero kailangan pa rin nilang pumasok para dumalo sa taunang sportsfest. Gaganapin ang sportsfest sa malaking quadrangle ng Sullers University kung saan siya nag-aaral bilang freshman student. Gusto man niyang sundin ang inuutos ng katawang lupa niya na magbabad na lang maghapon sa malabot at malaki niyang kama. Ngunit wala naman siyang choice kung hindi ang bumangon at pumasok sa eskwelahan. Dahil bukod sa isa ‘yon sa pagkukuhanan ng kanilang grado ay isa na rin ‘yong way na makapaglibang man lang siya. Buong akala niya kasi buhat nang makabalik siya mula sa La Union ay makakalimutan na ng parents niya ang one-month grounded niya. Akala niya pala niya ‘yon! Dahil noong isang araw na nagpa-late siya ng uwi at dumaan sa mall ay kinagalitan siya. Ang one-month lan
Read more
KABANATA 29
Halos hating-gabi na nakauwi si Antoine dahil sa rami na kailangan niyang pag-aralan at ayusin sa Savic Avionics Corporation. Marami siyang kinakausap na mga bagong supplier para mag-supply ng mga kagamitan na kakailanganin sa pag-aayos ng eroplano. Bilang kilala ang kanilang business na Savic Avionics Repair and Maintenance ay kakailanganin niya ng maraming supplier na makakapagbigay sa kanila ng dekalidad na may mababang halaga. Kakailanganin rin niya ng maraming supplier dahil pansin niya na ‘yong supplier na kinuha ng ama niya ay delayed magpadala ng kagamitan kaya sila minsan ang nasisira sa kliyente. At 'yon ang iniiwasan niyang mangyari sa pamamahala niya. Marami na rin siyang natatanggap na complaint dahil halos inaabot ng ilang buwan ang pag-aayos nila sa eroplano. Karamihan na rin sa mga loyal client nila ay lumipat sa kalaban na kompanya gawa sa mataas ang singil nila kumpara sa kalaban. Ang supplier nila ay mataas ang singil kaya mataas din ang singil nila sa mga Airlines
Read more
KABANATA 30
PANAY ANG SIPAT ni Zarina sa suot niyang relo habang pinapaikot niya ang ballpen na hawak sa kamay. Pasado alas kuwatro y media na ng hapon at dapat tapos na ang klase nila kanina pang alas kwatro. Kung hindi lang sa walang sawang kakatanong ng mga kaklase niya dapat ng mga sandaling ‘yon ay nakauwi na siya. Huminga siya nang malalim at sinapo ang noo na kunot na kunot na dahil sa pagkainip. Kapagkuwan bored na tumingin kay Prof. Legista na nakatayo at magiliw na nakangiti sa harapan dahil masaya sa tinatakbo ng discussion. Napabuntong-hininga siya at napakamot sa batok.Gustong-gusto na niyang tumayo at sabihin na sa lunes na lang ituloy ang Q&A nila para makauwi na sila pare-pareho.Napahilamos siya ng mukha at isa pang buntong-hininga ang pinakawalan niya. Mayamaya ay tumingin muli siya sa suot na relo. Pakiramdam niya kainip-inip ang bawat segundo na tila hindi nadadagdagan. Wala sa discussion ang isip niya, dahil kating-kati na siyang umuwi lalo pa’t nakatanggap siya ng tawag
Read more
PREV
123456
DMCA.com Protection Status