All Chapters of Montefalco Series 2: One Night Mistake: Chapter 21 - Chapter 30
50 Chapters
Chapter 21
“Malaking pera ang utang ko sayo kaya hindi ako lalayo,” iyon nalang ang taging nasabi ko dahil nalulunod ako sa mga titig niya. Saglit siyang natigilan at nangunot ang noo. Kumikibot ang kanyang mapulang labi bagaman hindi niya maisatinig ang kanyang nais sabihin. Umiwas ako ng tingin at pinagpatuloy ang paghugas ng mga plato. Bakit kailangan niyang magmakaawa? Hindi ko naman siya pagtataguan. Ang akin lang dumistansya siya sa akin dahil ayaw ko ng issue. Alam ko rin na medyo nakakahalata na ang mga kasama ko pero hindi lang sila nag komento. “Nakaharap dito ang CCTV.”Doon lang siya natinag. Ako naman ang natigilan nang kuhain niya ang mga plato na tapos ko ng sabunan at binanlawan iyon. Umawang ang labi ko. May saltik yata siya sa utak. “A-Ako na. Ano ka ba!?”“Nakaharap dito ang CCTV,” pang gagaya niya nang akma kong agawin sa kanya ang plato na hawak niya. “Bilisan mo mag sabon. Ang bagal mo.”Napasinghap ako ng malakas. Aba’t feeling close ang gago! Nagpapa-empress, akala
Read more
Chapter 22
Ang tanga ko… Ang laki kong tanga at nagpadala na naman ako sa bugso ng damdamin ko. Gumaganti ako sa halik niya, pinapalunod ang puso sa sandaling saya. I have Zaylon now. Sa kanya lang dapat umiikot ang mundo ko, sa kanya lang sana ako pero ano itong katangahan na ginagawa ko sa buhay ko?Nagmulat ako ng mata. Nakapikit ang mga mata niya, hinahalikan ako ng mapusok. . . Halik na may pananabik at ayaw iyon tigilan. Gusto kong itanong kung sino ang iniisip niya habang nakapikit ang mata na hinahalikan ako. Kung ako ba o ang girlfirend niya. Hindi ako naniniwala na wala siyang girlfriend, siguro ganito siya sa akin dahil wala ang tunay na pagmamay-ari niya. Nang maramdaman ko ang paglakbay ng palad niya sa likod ko, buong lakas ko siyang tinulak. Hindi ko siya hinayaan na makapagsalita, tumalikod ako at mabilis na lumabas sa office niya. Nagtataka na sinalubong ako ng tingin ni Valerie ngunit hindi ko siya pinansin at malaki ang hakbang na nilisan ang lugar.Patakbo akong umakyat
Read more
Chapter 23
Hindi ako nag iinarte. Hindi ako nagpapakipot kay Ethan. Sadyang hindi lang talaga kami pwede sa isa’t isa. Siguro kung yaman niya ang habol ko, ako na mismo ang lumandi sa kanya. Ako na ang gagawa ng way para maging malapit kami sa isa’t isa, pero hindi kasi iyon ang habol ko. I mean..wala akong habol sa kanya maliban nalang sa pera na gusto kong bayaran.Wala naman siyang sinabi sa akin noon na bayaran ko iyon. Tulong niya raw iyon kay nanay. Ako lang talag itong mapilit sa sarili na babayaran ko siya pagdating ng panahon na mag cross ang landas naming dalawa. Pero napa aga ang pagkita namin..ay mali..hindi napa aga ang pagkita naming muli, sadyang hindi ko pa talaga na buo ang pera na binigay niya sa akin noon kaya hanggang ngayon hindi ko parin iyon maibabalik sa kanya.Gusto ko ng matapos ‘to. Ang ugnayan naming dalawa. Ang pangako ko sa sarili ko na isauli ko ang pera niya. Ayaw ko na siyang makita. Balak kong mag resign kapag nasauli ko na sa kanya ang pera
Read more
Chapter 24
Biglang nag iba ang atmosphere dahil sa sagot ng anak ko. Hindi ako makatingin ng diritso sa tatlong tao na nasa harapan ko. Sinuklian ko ng keming ngiti si nanay ng lingunin niya ako. Bakas sa kanyang mga mata ang lungkot at awa sa kanyang apo. Masakit. Kasi ganyan rin ako noon kapag tinatanong nila ako tungkol sa tatay ko. Ang palagi kong sagot;wala akong tatay. Kinain ko lang rin ang mga sinabi ko noon na hindi ko hahayaan na magaya sa akin ang anak ko, pero ano ngayon ang kalagayan niya, inulit ko lang sa kanya na lumaki siya na hindi nakilala ang ama.Lumaki siya na matalinong bata. Siguro nang magka isip niya naintindihan na niya kaagad kung bakit hindi namin kasama ang tatay niya. Ni minsan hindi siya nag tanong sa akin kung sino ang tatay niya, kung ano ang pangalan niya, kung bakit hindi namin siya kasama, kung bakit ang pamilya niya hindi katulad ng ibang mga bata na mayroong tatay.Hindi rin naman ako manhid para hindi makita at maramdaman na gusto niyang malaman ang tung
Read more
Chapter 25
What the fuck is he saying? Inignora ko ang sinabi niya. Umiwas ako ng tingin at sapilitang binaklas ang braso ko na hawak niya. Laglag ang kanyang balikat sa ginawa ko. Puno ng emosyon ang kanyang mukha, nagmamaka-awa ngunit wala siyang naring na sagot mula sa akin. Pinatili kong maging kalmado, huwag magpakita ng kahit anong emosyon kahit pakiramdam ko mahihimatay na ako sa kinatayuan ko. He tried to reach my hand pero umiwas ako. A strong emotion crossed his eyes. Agad na tinalikuran ko siya at pumasok sa loob ng banyo. Ini-lock ko kaagad iyon nang makapasok ako.Nanghihina na dumausdos ang katawan ko sa likod ng pinto. Impit akong napahikbi sa samo’t saring emosyon. Masaya, nasasaktan, nalilito ngunit lamang ang takot sa puso ko. Natatakot sa lahat na mangyari pagkatapos nito. Ito ang pangyayari na hindi ko pinaghandaan dahil hindi ko naman inakala na magkita sila ng anak ko.Tumayo ako at inayos ang sarili. SInikap kong taposin ang trabaho ko kahit gusto ko ng tumakbo palabas. N
Read more
Chapter 26
Alas nuwebe ng umaga. Kakagising ko lang dahil napuyat ako kagabi sa kakaisip kay Ethan..I mean sa mga nangyari kahapon. Hindi ako ginising ni nanay dahil alam niyang rest day ko ngayon. Pag labas ko ng kuwarto, wala sila, siguro nagsimba. Linggo ngayon at kagawian na nilang mag lola na magsimba ako lang itong mabilang sa daliri kung ilang beses palang nakapasok sa simbahan.As usual, chopsoy na naman ang ulam. Nag timpla ako ng kape pampagising sa tulog ko pang diwa. Nag prito rin ako ng tuyong isda at talong. Habang hinihintay na maluto, gumawa ako ng sawsawan. Suka na may maraming sili. Sa sawsawan palang natatakam na ako. Kaya nang maluto na ang lahat nilantakan ko na iyon." Good morning, mamay. Kakagising niyo lang po?” ang mahinahon na boses ng anak ko ang sumalubong sa akin paglabas ko ng kusina. Nilayo ko ang kamay ko na may hawak ng kape ng yakapin niya ako at humalik sa aking pisngi. “Hala! Nanay Cel, si mamay amoy pritong tuyo at suka.”Nanakbo siya palayo sa akin ng ambah
Read more
Chapter 27
Kontento ako ngunit may kulang sa pagkatao ko. Dala ko ang apelyedong Sandiego ng tatay ko pero hanggang doon lang, wala na akong ibang impormasyon tungkol sa kanya. Kagaya ng naramdaman ng anak ko, nahirapan din ako na lumaking walang tatay. Tinutukso ako ng mga kaklase ko. Naiinggit ako tuwing family day dahil ako lang ang hindi kompleto ang pamilya. "May kaibigan ako dati.. nag iisang kaibigan, at dito sa kina upuan natin, dito kami nakatambay. Tuwing hapon nagkikita kami dito, nag ku-kwentuhan, food trip, pero iniwan ko siya, kasi kailangan," humugot siya ng isang malalim na paghinga at nilibot ang tingin rito sa park." Kagaya mo, hindi ko rin na enjoy ang pagiging dalaga ko, hindi dahil na buntis ako ng maaga, kundi dahil sa buong maghapon ako na nagtatrabaho. Maliit palang ako namulat na ako sa pagtatrabaho upang may makain ako, para mabuhay dahil mag isa na lang ako. Kaya malaki ang pasasalamat ko sa kaibigan ko dahil nakilala namin ang isa't isa. Nang dahil sa kanya hindi
Read more
Chapter 28
"’Bat ganyan mukha mo?” nagtataka na tanong ni nanay nang pumasok ako sa kanyang kwarto. Sumandal ako sa likod ng nakasaradong pinto. "Nagseselos ka dahil hindi na ikaw ang ginaganyan ng anak mo? O, baka nagseselos ka dahil may kaagaw ka na sa tatay niya?""Nay naman… " nakanguso na saway ko." Pinapatawa lang kita,” tumayo siya at inayos ang higaan niya. “Intindihin mo muna ang anak mo.. nasasabik pa yan sa tatay niya. "Iyon naman ang ginagawa ko. HIndi ko lang maiwasan na masaktan ng slight dahil pakiramdam ko wala na akong halaga sa kanya. Dumating lang tatay niya, wala na akong good morning, walang yakap, halik, at walang I love you. Eh, dati-rati nagtatampo pa siya kapag nakaligtaan kong gawin iyon sa kanya.I sigh. Dapat sanayin ko na ang sarili ko na hindi na sa akin umiikot ang mundo ng anak ko. KUng noon, si nanay lang ang kahati ko sa kanya, ngayon pati na ang tatay niya. Hindi ako pwede maging selfish, na ang nararamdaman ko lang ang masusunod dahil hindi lang ako ang maha
Read more
Chapter 29
My eyes widened in shock nang makitang nasa aming dalawa ang tingin ng lahat na narito sa canteen. Agad akong nagbaba ng tingin at inignora iyon. Si Ethan sa aking tabi, prenteng naka upo na para bang walang ibang tao sa paligid na malisyosong nakatingin sa amin.Parang dinaanan ng multo ang paligid sa subrang tahimik. Parang hindi nila ako pinagtsismisan kanina nang wala pa si Ethan dito. Pinaparinggan pa ng masamang salita at walang katotoran. “May paper plate ka pa ba?” ang kanyang baritonong boses ang nagpa angat ng ulo ko.“Ha? Ah, wala na. Nakalimutan ko maglagay kanina,” humina ang boses ko nang makita si Rose na nagpipigil ng ngiti. Tinaasan ko siya ng kilay. Umiiling na umiwas siya ng tingin. Nilapag ni Ethan ang tupperware na baunan gitna namin. Binuksan niya iyon pati ang tupperware na pinaglagyan ng ulamm. “Kumain ka na,” aniya at sumandok ng ulam, inilagay niya iyon sa ibabaw ng kanin. Isubo na sana niya iyon nang mapansin niyang nakatingin ako sa kanya. Binitawan niya
Read more
Chapter 30
I heaved a deep sigh when he gave me a warm smile. Bahagyang nagsalubong ang kanyang kilay nang tanguan ko lang siya at hindi ginantihan ang matamis niyang ngiti na nagpatunaw ng agam-agam sa puso ko."Anong gusto mong kainin?" Tanong niya sa bata nang makalapit. Tinuro ni Zaylon ang pizza. Tumingin siya sakin. "What do you want to eat?" he asked."Busog ako," mahinang usal ko. " At oras ngayon ng trabaho."Tumaas ang sulok ng labi ko nang talikuran niya ako at bumuli ng pizza. Habang naghihintay, kausap ko si Zaylon. Bigla siyang natahimik nang makita ang seryoso kong mukha."Bakit hindi ka nagsabi sa akin? Kung hindi pa ako tinawagan ng teacher mo hindi ko malaman."Napayuko siya ng ulo. Alam niyang galit ako kahit pa mahinahon ang pagsalita ko. Kanina ko lang nalaman na napa away siya kahapon nang tawagan ako ng teacher niya, kaya kanina pa mainit ang ulo ko dahil doon. Hindi siya sumagot sa akin. Nanatili lang na nakayuko ang kanyang ulo hanggang sa bumalik si Ethan sa kinatayuan
Read more
PREV
12345
DMCA.com Protection Status