All Chapters of TRAPPED WITH HIM: Chapter 51 - Chapter 60
64 Chapters
51. TWH
[Pamela] ISANG buwan na ang matulin na lumipas. At tatlong buwan na rin ang kanyang tiyan. Kung titingnan ay para lang siyang busog. Nakangiti na hinimas niya ang tiyan sa harap ng salamin ng makarinig siya ng katok.Napairap siya sa hangin. Sigurado siya na si Rob ito. Simula ng malaman nito na magkapitbahay lang sila ay palagi nalang itong nagpupunta sa bahay niya."Ano na namang kailangan mo?" Agad niyang tanong ng mapagbuksan ito ng pinto."Sungit mo naman, buntis. Ang aga- aga para magsungit. Sige ka, gusto mo ba maging kamukha ko iyang anak mo?" Pang aasar nito sa kanya.Sinipa niya ito sa binti na kina-aray nito."Brutal mo—ahhh sakit!" Tinalikuran niya ito at sumunod naman ito sa kanya. Kahit ganito naman ang tratuhan nila ay masasabi niya na isang kaibigan na ang tingin niya rito. Alam na rin nito ang tungkol sa pagbubuntis niya. Hindi nga lang niya sinasabi ang nangyari sa relasyon nila ni Alaric. Hindi pa siya handa na magkwento sa iba tungkol sa nangyari sa kanya."Hinat
Read more
52. TWH
[Pamela] NANG magising siya ay nasa hospital siya. Tinakpan niya ng kamay ang bibig habang umiiyak.'Your baby is safe for now. Pero sa sunod na duguin ka ulit ay hindi namin masisigurado kung maililigtas pa namin ang anak mo'Iyan ang sabi ng Doktor sa kanya kaya naman hindi niya maiwasan ang makaramdam ng takot. Ngayon ay hindi na siya maaaring pumasok ng trabaho dahil kailangan niya mag- bed rest para sa ikabubuti nila mag ina.Kaya takot na takot siya. Paano kung pati ang anak niya ay mawala sa kanya? Paano na siya? Tiyak na hindi niya kakayanin ang mabuhay pa. Dahil ito nalang ang dahilan niya ngayon para lumaban."Stop crying, Pamela." Ani Rob. "Narinig mo naman ang sinabi ng Doctor, hindi ba? You need to take care of yourself."Pinahid niya ang luha at pilit na ngumiti rito. "Salamat, Rob." Mabuti at nadala agad siya nito sa hospital kay ligtas siya ng anak niya.Pareho silang natigil sa pag uusap ng makarinig ng katok. Nang bumukas iyon ay bumungad sa kanya ang mukha ng nag-
Read more
53. TWH
[Pamela] TINAWAGAN ni Alaric ang isa sa inutusan niyang bantayan ang asawa niya. Gusto niyang makausap si Pamela. Hindi na niya matiis na hindi ito mayakap.Halos maglabasan ang ugat niya sa leeg sa sobrang galit ng makita na nakalapit si Zoren sa babaeng mahal niya. Nagawa pa nito na kausapin ang asawa niya!Nang makita niya ang takot sa mukha sa asawa niya ay mas lalo lang siyang nagalit kaya agad na sinuntok niya si Zoren ng makalapit siya.Binugbog niya ito hanggang sa hindi na ito makatayo. Gusto niya itong patayin sa sobrang galit niya.Tumingin siya sa pinagkakatiwalaan niyang tao ng lumapit ito sa kanya."Follow her." Nginuso nito ang asawa niya na naglalakad na palayo.Isang malakas na sipa pa ang pinakawalan niya bago sinundan si Pamela. Gusto niya itong makita at mayakap. Hindi na niya kaya ang tingnan lang ito mula sa malayo.Mababaliw na siya! [Pamela] "PAM." Tumigil siya sa paghakbang ng marinig ang boses ni Alaric. Shocks! Parang sasabog ang dibdib niya marinig palan
Read more
54. TWH
[Pamela] HINDI niya maiwasan na isipin ang mga salitang binitiwan ng kapatid niya. Sino si Arem? Ito ba ang anak nito?Kumuyom ang kamay niya. Napakawalanghiya talaga ng kapatid niya. Maging ang sariling anak nito ay magagawa nitong gamitin makuha lang ang gusto! Wala itong puso!Nakaramdam siya ng awa sa bata. Siya ang nasasaktan para rito dahil nagkaroon ito ng ina na katulad ng kapatid niya. Tumulo ang luha niya ng maalala ang kulay berdeng mata ng batang lalaki. Pakiramdam niya kasi ay napakalungkot nito at nakita niya iyon sa mga mata nito. Sa murang edad ay bakas na agad ang lungkot sa mga mata nito.Pinahid niya ang luha.Maawa man siya rito ay wala siyang magagawa pa. Ang pagpapalaya lang kay Alaric ang tanging magagawa niya para maging masaya ito.Tiyak siya na ito ang Arem na tinutukoy ng kapatid niya.Tumayo siya ng may kumatok. Kumunot ang noo niya ng mapagbuksan si Rob na may mga dalang plastic bag."Ako na ang namili para sayo, buntis." Nagpahid ng pawis sa noo si Rob. "
Read more
55. TWH
[Pamela] MALAKAS siyang napasigaw sa gulat ng makarinig na ng magkakasunod na putok ng baril. Nagmamadali siyang tumakbo papasok ng kwarto habang nakahawak sa kanyang tiyan. Nagsimula ng manginig ang katawan niya dahil sa takot, hindi lang para sa sarili niya kundi para sa anak niya.Magkakasunod pa na putok ng baril ang kanyang narinig, kaya naman nagtakip siya ng tenga. Hindi nagtagal ay nakarinig siya ng malakas na katok sa mismong pinto ng kwarto niya, kaya nadoble ang takot na nararamdaman niya ngayon.Hindi niya magawang magsalita dahil sa takot na marinig siya ng taong kumakatok sa pinto. Kulang nalang ay pigilin niya ang kanyang paghinga.Malakas siyang napatili ng marinig ang pagsipa ng kung sino sa pinto na halatang balak pang wasakin ito. Dinampot niya ang lampshade para magamit niya panghampas sa kung sino man ang papasok."Pamela!" Si Rob!"W-Wag kang lalapit, Rob!" Aniya habang hawak ng madiin ang lampshade. Hindi siya dapat magtiwala rito. Naalala niya ang baril na naki
Read more
56. TWH
[Pamela] NANG magmulat siya ng mata ay agad na kinapa niya ang tiyan. Tila tubig na rumagasa sa isip niya lahat ng nangyari kaya agad siyang bumangon mula sa pagkakahiga. Hindi rin niya mapigil ang panginginig ng kanyang katawan dahil sa takot.Sigurado siya na si Zoren ang nagdala sa kanya sa lugar na ito.Nanginginig man ang katawan ay pinilit niyang tumayo para alamin kung bukas ang pinto, pero katulad ng inaasahan niya ang nakasara iyon. Hindi naman niya kayang akyatin ang isang maliit na bintana na may kataasan dahil bukod sa mataas iyon ay wala siyang mapatungan dahil tanging kama lang at wala ng ibang kagamitan na makikita sa loob ng kwarto.Nanlulumo na napaupo siya sa kama. Hindi niya alam kung nasaang lugar siya dinala ng baliw na si Zoren. Hindi niya rin alam kung ano na ang kalagayan ni Rob, pero sigurado siya sa isang bagay—hindi maganda ang lagay nito.Naihilamos niya ang nanginginig na kamay sa mukha. Ano ang plano ni Zoren sa kanya? Balak ba siyang patayin nito? Kung t
Read more
57. TWH
[Pamela] TUMINGIN siya sa pagkain na dala ng tauhan ni Zoren. Hindi man niya gusto na kainin iyon ay hindi naman maaari lalo na at buntis siya. Kailangan niya ng lakas para sa kanila ng anak niya.Mabilis niyang tinapos ang pagkain niya. Hindi nagtagal ay nakarinig siya yabag at humahangos na pumasok si Zoren sa kwarto at agad na nilapitan siya at saka hinigit ang braso niya. Nang hilahin niya ang braso pabalik ay lalong humigpit ang hawak nito sa braso niya. Napansin niya na masama ang timpla ng mukha nito."Aray ko naman, Zoren! Dahan-dahan naman!" Reklamo niya."Shut up, Pamela!" Singhal ni Zoren.Wala siyang nagawa kundi ang magpadala dahil baka magalit pa ito sa kanya at saktan na naman siya. Habang naglalakad sila ay napapaligiran sila ng tauhan ni Zoren na mukhang hindi gagawa ng mabuti.Dinukot ni Zoren ang cellphone sa gamit ang isang kamay nito."Damn you! Bakit ba ang tagal mo? Natunton na nila kami pero hanggang ngayon ay wala ka pa rin! Aalis na kami sa lugar na ito at m
Read more
58. TWH
[Alaric] "NAKAHANDA NA BA ANG LAHAT?" Tanong ni Zandro sa mga kalalakihan na makakasama nila sa pagligtas kay Pamela."Yes, Sir!" Agad na sagot ng mga ito.Galit na galit siya sa sarili niya. Naunahan na naman siya ni Zoren sa paghahanap sa asawa niya. Halos mamuti ang kamao niya sa diin ng pagkakakuyom niya. "That bitch! Kung hindi dahil sa kanya ay nailigtas ko na si Pam!" Kapag naaalala niya si Kyle ay nanggigil talaga siya sa sobrang galit. Napakatuso ng babaing ito at nagawa pa na malaman ang plano nila dahil inakit nito ang isa sa tauhan nila! Ginamit nito ang katawan para malaman ang susunod nilang hakbang!"Tara na." Hinagisan siya ni Zandro ng isang klase ng baril. "Let's go and save your wife, Alaric. Wala tayong dapat sayangin na oras." Dagdag pa ni Zandro.Nagmamadali silang sumakay ng sasakyan. Tama si Zandro, walang dapat sayangin na oras.[Pamela]KANINA pa siya gising at nakaupo sa gilid ng kama at tahimik na umiiyak. Nang magising kanina ay narito na siya sa isang
Read more
59. TWH
[Pamela] MAY sampung minuto na siyang naghihintay sa pagbabalik ng dalawa, pero hanggang ngayon ay wala parin ang mga ito. Bawat usad ng oras ay hindi niya mapigilan ang makaramdam ng takot na baka bigla nalang sumulpot sina Zoren at ate Kyle sa harapan niya at gawin na ang masamang balak sa anak niya.Nagmamadali siyang tumayo ng makarinig ng yabag. Nakangiti na lumapit siya sa pinto ng marinig ang pagbukas nito."Mabuti at dumating na kayo—" Natigil siya sa pagsasalita ng bumaha ang liwanag sa kwarto. Si Zoren ang nasa harapan niya!Napaatras siya.Nagsimulang kainin ng takot ang puso niya. Bakit narito ito ngayon? May balak ba ito sa anak niya?"Bakit para kang nakakita ng multo, Pamela? Kanina lang ay nakangiti ka, tapos ngayon nakasimangot ka na?" Lumapit si Zoren sa kanya kaya umatras siya uli. "A-Anong kailangan mo?" Nginig ang boses na tanong niya.Nilapag ni Zoren ang dalang pagkain sa ibabaw ng kama. May dala pala itong tray ng pagkain, hindi niya napansin iyon, at saka wal
Read more
60. TWH
[Pamela] MUNTIK siyang mapatalon sa takot ng makarinig ng putok ng baril. Hindi niya alam kung tatakbo ba siya habang karga si Arem, o mananatili sa pwesto niya. Napalunok siya ng makarinig ng magkakasunod na yabag. Pati yata ang kilikili niya ay namamawis na sa sobrang kaba dahil ang mga yabag ay papalapit sa pwesto niya.Pumikit siya habang nagdadasal na sana ay wag silang makita ng mga tauhan ni Zoren. Gusto man niyang tumakbo ay hindi niya magawa dahil sa takot na marinig ng mga ito ang yabag niya. Nasa bente minuto na pero wala parin sila Grigor at Kanor. Gusto niya ng takbuhin ang daan palabas, pero maraming mga tauhan na naroon kaya naman wala siyang pagpipilian kundi ang hintayin ang dalawa na makuha ang susi.Nakahinga siya ng maluwag ng makalayo ang yabag sa pwesto niya. Pero para saan ang putok ng baril na narinig niya? "Hanapin niyo! Malilintikan tayong lahat sa katangahan niyo!" Malakas na sigaw ng isang lalaki.Shocks! Ibig sabihin ay alam na ng mga ito na nakatakas s
Read more
PREV
1234567
DMCA.com Protection Status