All Chapters of LOVE GAME WITH THE CRIPPLED ZILLIONAIRE: Chapter 81 - Chapter 90
323 Chapters
CHAPTER 81 - THE TRUTH (GEMMA)
Abala si Rihanna sa pag-tipa ng mga codes laptop niya, ng biglang bumukas ulit ang pintuan ng kanyang opisina at ini-luwa ang fresh na fresh na mukha ng kanyang asawa. Nakakunot ang noo niya ng makita ito.“Luv, bakit ka nandito?”Napangiwi si Dustin dahil sa bungad na tanong ng asawa niya. “Luv, talaga bang ganyan ka? Sa tuwing pumupunta ako rito ‘yan kaagad ang tinatanong mo? Your my wife, hindi pa ba sapat na dahilan ‘yan kung bakit ako nandito?”“Dustin, alam mo parang ikaw na yata ang naglilihi ngayon, isang tanong lang iyong akin, dami mo nang sat-sat.” Doble na yata ang bunganga mo ngayon.” sermon ni Rihanna habang patuloy sa pagtipa sa laptop niya.Pumunta si Dustin sa kanyang likuran at hinalikan ang batok niya, dahilan upang panayuan siya ng balahibo.“Dustin ano ba, nawawala ako sa focus.” saway niya rito.Tiningan ni Dustin kung ano ang ginagawa niya, nagtataka itong nagtanong. “Bakit kaninong system na naman ba ‘yang kinakalkalikot mo?”“Kay Kuya Drake, nagresign kasi siy
Read more
CHAPTER 82- THE NEW SMITHCOM CEO
“Gemma, Gemma, anong nangyari sa ‘yo?” umiiyak na tanong ni Myrna. Almost thirty five years na hindi sila nagkita ng kaibigan at ngayon, hindi niya inaasahan na makita niya ito sa ganitong kalagayan.Nakasalubong ang dalawang kilay ni Drake, na tiningnan si Myran na bigla na lang yumakap sa kanyang ina. Napalingon siya sa mga kasamahan nito na nakatayo mula sa pintuan. Nakita niya ang malamlam na mga mata ni Rihanna habang nakatingin sa kanya, at sa likuran naman nito si Dustin na umaalalay rito. Sa tabi naman nito ay si King Rhiannon at Mommy Alice niya na panay ang pahid ng mga luha habang nakatingin sa kanya. Waring hindi alam ng mga ito kung paano magpaliwanag.“Ku..Kuya, ang daya mo..’’ sinugod siya ng yakap ni Rihanna habang umiiyak. Hindi na niya kailangan pang hulaan kung ano ang nangyari, bakit napa-sugod ang mga ito sa lugar niya.Gumanti rin siya ng yakap kay Rihanna at hinaplos-haplos ang buhok nito. “Sinasabi ko na nga ba, sanggang-dikit tayo, kaya pala gusto kong lagi kit
Read more
CHAPTER 83 - ANNIVERSARY GALA
Maingat ang mga hakbang ni Dustin na pumasok sa loob ng silid nila ni Rihanna. Dahan-dahan siyang humiga sa tabi nito, at agad naman itong napayakap sa kanya. Masuyo niyang hinalikan ang noo nito, at pinahiga ang ulo sa kanyang bisig. Tila naramdaman naman ni Rihanna ang ginawa niya kaya agad itong nagtanong.“Luv, ano oras na, ngayon lang ba kayo nakauwi ni Kuya?” nakapikit nitong tanong.“Yes Luv, may pinag-usapan lang kami,” sagot ni Dustin, inayos niya ang kumot at hindi sinasadyang napadapo ang kanyang mga mata sa maliit na envelope na nakapatong sa bedside table malapit sa hinihigaan niya. Nasisinagan ito ng ilaw na galing sa lampshade kaya malinaw sa kanya kung anong klaseng sobre iyon. Inunat niya ang kanyang kabilang kamay upang maabot ang sobra mula roon. Napakunot ang noo niya ng makita na isa itong invitation galing sa Middleton Families ng West City. Kilala niya ang Middleton Families, dahil matagal na ng mga itong gustong makilala ang CEO ng DC Bank Corporation, ngunit w
Read more
CHAPTER 84 - BLACK CARD
“Oo, kamukha mo talaga iyon, at isa pa, sino ba namang hindi maniniwala na hindi ikaw iyon eh, may dala siyang black card na i-pinresenta sa akin, galing daw ‘yon sa papa love niyang si Dustin Crawford. Kaya naniwala naman ako, kasi nga di ba na kwento mo si papa dustin sa akin noon?” Sabay tingin niya kay Dustin at biglang tumili ng makita niya ang kagwapuhan nito. “Aaay… siya na ba si papa Dustin? Ay bonggagaitan ka day, ang gwapo niya.. Pahiram ng isang gabi..” Kahit pa nakakatawa ang joke ni Sophie, hindi na magagawa pa na tumawa ni Rihanna, umuusok na ang ilong niya na tumingin ng matalim kay Dustin. Akala niya siya lang ang binigyan nito ng Black Card, ngunit tila hobby na nito ang magbigay ng card sa kahit sino. Porket mayaman ito at hindi na alam kung paano gastusin ang pera, panay na ang bigay nito ng card, abah, matinding lalaki, samantalang sa kanya, pina close account nito, nakaraan. Tila nahulaan naman ni Dustin ang mga galit na tingin ni Rihanna kaya bigla siyang kinab
Read more
CHAPTER 85 - RIHANNA'S TRAP PART 1
Di na sila nagtagal pa sa La Belles Boutique. Matapos bumili ni Dustin ng kanyang sariling black suit na susuotin rin para mamaya, agad na rin silang bumalik ng kotse. “Saan ang next plan mo? tanong niya Dustin nang makapsok na sila sa loob ng kotse. “Sa Facet Avenue,” tipid niyang sagot, dahilan upang magkunot ang noo ni Dustin habang nakatingin sa kanya. “Facet Avenue? Hindi ba pabrikahan iyon ng mga gumagawa ng mga pekeng mukha ngunit kung titingnan parang totoo? Anong gagawin mo roon?” takang tanong nito. “Mahal, akala ko narinig mo na kanina ang sinabi ko na gagayahin ko ang mukha ni Celine, bakit ka pa nagtatanong?” sagot niya. Nakasalubong ang dalawang kilay ni Dustin dahil sa narinig, hindi siya sang-ayon sa pinplano ng asawa niya. “Luv, kailangan pa bang gawin mo ‘yan?” nag-aalangan na tanong niya. Hinaplos ni Rihanna ang mukha niya at ngumiti. “Mahal trust me, okay? Kailangan kong gawin ‘to.” Walang nagawa si Dustin kundi ang suportahan na lang ang asawa niya. Akmang
Read more
CHAPTER 86-RIHANNA'S TRAP PART 2
"Princess Rihanna, won't you at least introduce us to your husband? You are really fortunate to have him; he is the CEO of DC Bank Corporation, and his wealth is enormous. Even if you add up the total net worth of all the wealthy people in Wales, it is still insufficient in comparison to your husband's wealth. "Well, his money is 30x of billions, it's really crazy, if you just give the number and add it up, you have endless zeros, he is literally a Golden Zillionaire." Halos luluwa ang mata ng isa, habang binibida ang yaman ni Dustin. "Psst..shut up, Princess Rihanna's husband might hear you, he doesn't want to announce who he is,” bulong ng isang kasamahan nilang babae. Ngumiti lang si Celine dahil sa naging takbo ng pag-uusap ng mga kasamahan niya sa mesa. Pakiramdam niya bumalik ang eagerness niya sa sarili, na muling mabawi si Dustin kay Rihanna. Natikman na niya ang karangyaan ng sobra-sobra noong siya pa si Trina sa buhay ni Dustin, ngunit sinira ni Rihanna ng bumalik ito. Naku
Read more
CHAPTER 87- TRAITOR
“Dustin, anong nangyari kay Rihanna?” nag-aalala na tanong Donya Alice ng makita si Dustin na nagmamadaling umakyat ng hagdan habang karga si Rihanna. Nakita kasi nito na maraming talsik ng dugo ang damit ni Rihanna kaya akala nito may masamang nangyari na sa anak niya. Pumunta lang ang mga ito sa anniversary gala, at ngayon umuwi ang anak niya na ganito na ang itsura. Binalingan ni Dustin si Donya Alice. "Huwag po kayong mag-alala mom, walang nangyaring masama kay Rihanna, saka na ho kami magpaliwanag, dalhin ko na lang muna siya sa silid namin upang makapagpahinga.” saad ni Dustin, saka idinagdag. “Si Rhayan po?” “Ah, kanina pa natulog, katabi ng lolo niya, alam mo naman ang anak mong yan, masyadong spoiled sa lolo niya,” sagot ni Donya Alice. “Ganun po ba, sige ho dalhin ko na muna si Rihanna sa 'taas.” paalam ni Dustin. Pagpasok sa kanilang silid, pinaupo muna niya ang asawa sa couch at pinainom ng maligamgam na tubig. “Kamusta na ang pakiramdam mo?” Hinawakan niya ang kamay n
Read more
CHAPTER 88 - MICROCHIP
Samantalang sa loob ng barko, matalim na nakatingin si Soleil kay Blood Claw at sa kasama nitong Dragon Knights. Napag-alaman niya mula kay Scarlet Blade na si Blood Claw ay tauhan ni Hollow Flash—isa sa leader ng kanilang Master sa Black Dragon. Kaya galit na galit si Scarlet Blade kanina dahil natuklasan niyang si Blood Claw pala ang traidor sa kanilang grupo kaya laging nanganganib ang buhay at pamilya ng master nila. Kung tutuusin, kaya nilang patumbahin ang mga ito kanina, sa katunayan, halos kaunti na lang sa mga ito ang natira dahil naubos na nilang patumbahin ang iba. Ngunit hindi nila inaasahan na gagamitan sila ng Taser Gun ng mga ito—Isang Electromagnetic Device na kapag kinuryente ang iyong katawan, agad kang makaramdam ng pamamanhid at pansamatalang pagkaparalisa ng iyong mga kalamnan, puso at utak, kung hindi mo ito makayanan. “Tangina, bakit boss ang tawag mo sa kanya? Magdududa iyon, alam mo naman na master ang tawag ng lahat sa kanya,” naiinis na tanong ni Blood Claw
Read more
CHAPTER 89 - GWEN
"Lady S, anong nangyari? Nagreport sa akin ang blue Python, hindi raw natuloy ang pag tawid ng M/V Christina na pinasundo ko! 'Wag mong subukan ang pasensya ko, dahil alam mo kung paano ako magalit!" Galit na bungad nito ng sagutin ni Shane ang telepono."Python Queen, humihingi ako ng pasensya dahil sa kapalpakan ng mga tauhan ko, ngunit hindi lang din naman ikaw ang na-perwisyo, malaki rin ang nawala sa Dragon Knights. Halos na ubos na silang lahat ng mga tauhan ni Dust…""Bullshit!" Mura nito sa kanya dahilan upang tumigil siya sa pagsasalita. "Ang sabihin mo, dahil palpak ka kapag nagplano!" Singhal nito sa kanya."Python Queen, hayaan nyo po, gagawin ko ang lahat upang mabawi ang microchip mula sa kamay ni Dustin," saad niya."Tanga ka ba!? Noong kay Celine pa ang microchip, hindi mo nga ginagampanan ang trabaho mo, ngayon sasabihin mo, babawiin mo kay Dustin!? Nagpapatawa ka ba? Pinahiya mo ako kay Nahkimurah, alam mo bang bukas na dapat ang negosasyon?" Galit nitong sagot."Big
Read more
CHAPTER 90 - HIDDEN PLAN
Dahil sa ginawa ni Rihanna na pag subsob ng mukha ni Gwen sa plato ng adobong pusit, galit na galit itong gumamit ng kanyang martial arts technique. Mabilis nitong hinawakan ang kamay ni Rihanna at malakas na sinipa ang tiyan niya, dahilan upang tumilapon ito sa sahig. Mabuti na lang at mabilis na tumalon si Dustin mula sa kinauupuan niya at sinuportahan ng katawan niya ang katawan ni Rihanna, kaya hindi ito masyadong napuruhan. Dalawa sila, ang napa-semplang sa ilalim ng kabilang mesa."Luv, okay ka lang? May masakit ba sa'yo? Puno ng pag-aalala ang boses ni Dustin. Nakita niyang hawak ni Rihanna ang tiyan niya, kaya lalo siyang nag-alala. Galit niyang binalingan si Gwen, akmang tadyakan muli nito si Rihanna ng agad niyang hinarangan at hinawakan ang paa nito dahilan upang ito naman ang natumba sa sahig.Dahil sanay lumaban si Gwen, alam ni Dustin na mas lalong lumakas ang babae ngayon dahil sa bilis at liksi ng mga kilos nito. Mabilis itong tumayo ay naghanda ng sunod na pag-atake n
Read more
PREV
1
...
7891011
...
33
DMCA.com Protection Status