All Chapters of Love Me Again: Chapter 21 - Chapter 30
42 Chapters
Chapter 21
AWANG-AWA si Reese sa kalagayan ng kaibigan niya na simula kahapon ay patuloy lang ito sa pag-iyak. Naabutan nila si Ellie na basang-basa ito ng ulan nang pinuntahan nila ni Mark sa bahay ni Uno. Hindi matanggap ni Ellie ang dahilan ni Uno. Hindi man lang niya nasabi kay Uno ang dapat niyang sabihin na buntis siya dahil naunahan na siya nito ng ibang balita.Sa condo na ni Reese dinala nila si Ellie. Sinubukan nilang tawagan si Uno ngunit nabigo lamang sila. Si Ellie rin ang nagsabi na umalis na si Uno kasama ang buong pamilya nito at si Sandra dahil buntis ito.Parehas na hindi naniniwala sina Reese at Mark dahil saksi sila kung gaano kamahal ni Uno si Ellie simula noong college pa lamang sila.“Ellie, tama na iyan. Makakasama sa baby mo ang ginagawa mo.”Nakahiga lang si Ellie at hindi pa rin bumabangon para kumain ng agahan. “Hayaan mo na ako, Reese. Kahit ngayon lang, please?” She knew she needed to release all the pain that she's feeling right now. Pagkatapos no'n ay susubukan n
Read more
Chapter 22
5 YEARS LATER“SUSUNDUIN ko na si Mikhaela, hon. Huwag ka na dumaan sa flower shop. Naisip ko kasi na dumaan muna kami sa mall bago umuwi. May bibilhin akong gamit para sa event ko next week," saad ko kay Judah sa kabilang linya habang naglalakad ako patungo sa room ni Mikhaela. May bago kasi kaming client na nagorder ng flowers para sa restaurant niya sa Tagaytay. Next week ay magkaroon din kami ng meeting dahil gusto niyang makipatie-up sa amin. Nagca-cater kasi sila ng food para sa mga events at mas madami raw talaga silang clients na wedding ang events. Naisip ng may-ari ng restaurant na eexpand ang business niya. Hindi naman na nabanggit ni Ma'am Celestine ang ibang details ng expansion ng business ng boss niya pero ang sabi niya ay magbubukas na rin ang function hall na pinapaayos pa para sa event.Kahit ako ay na-excite dahil hindi pa naman malaki ang shop namin ni Reese pero may magandang opportunity na agad ang nagbukas para sa amin. Napag-usapan na namin ito kanina ni Reese
Read more
Chapter 23
ELLIE"ARE YOU sure na hindi ko na kayo ihahatid ni Reese?" Tanong sa akin ni Judah habang nag-aayos ako ng dadalhin ko sa Pampanga.Birthday ng mommy ni Celestine at kami ang maglalagay ng flower decorations at sa amin na rin siya kumuha ng souvenir. Personal na kasama kami sa pagdedeliver dahil ininvite rin kami ni Celestine. Ika-60th birthday kaya surprise ito ni Celestine sa kaniyang mommy. Napakasweet talaga nitong si Celestine. Sa maikling panahon na nagkakilala kami at nagkasama sa mga events ay masasabi kong napakabuti niyang tao. Wala akong maipipintas sa kaniya dahil bukod sa mabait na ay napakaganda pa. Simple lang siya kung manamit pero effortless ang kaniyang ganda. Chinita si Celestine at mahaba ang kaniyang itim na itim na buhok. Lalong lumilitaw ang kaniyang kagandahan dahil maputi pa siya at napakaamo ng mukha. Para siyang anghel.Huminto ako sa paglalagay ng maliit kong bag sa back seat at sinara ang pinto ng kotse saka humarap sa kaniya. Ikinawit ko ang kamay ko sa
Read more
Chapter 24
ELLIELUMABAS MUNA ako ng reception area at nagpahangin dito sa garden. Maingay na sa loob dahil madaming bisita sina Celestine. Naging busy na rin si Celestine kaya hindi na rin namin siya makausap. Hindi pa namin nakikilala si Sebastian. Wala rin akong napansin na lalaki na kasama niya kanina pero may kausap siya sa phone. Niyakap ko ang sarili ko habang nakatingin sa langit na punong-puno ng bituin. Ramdam na ramdam ko ang lamig ng hangin. Bigla akong nakaramdam nang lungkot. May naalaala lang ako habang nakatingin sa langit.Lumingon ako dahil parang may nakatitig sa akin. My lips parted in surprise. Pakiramdam ko ay tumigil ang pag-ikot ng mundo ko sa mga oras na ito habang nakatingin sa kaniya. Walang nagbago. He is still the man that I used to know. Ang pananamit niya, ang kaniyang buhok, at kung paano siya tumitig sa akin na nakakapanglambot ng tuhod.Ano'ng ginagawa niya rito? It's been six years since he left me. Pero malinaw na malinaw pa rin sa isip ko ang araw na iyon k
Read more
Chapter 25
ELLIE"MA'AM?" tawag sa akin ni Malou kaya napatigil ako sa ginagawa ko sa harap ng laptop at nag-angat ng tingin sa assistant namin ni Reese. Wala ngayon si Reese dahil may lakad silang dalawa ni Mark. Napakunot ang noo ko habang nakatingin kay Malou na sinasara ang pinto ng office. May bitbit siyang bouquet of flowers?Malapad ang pagkakangiti niya at kumikending pa habang naglalakad na tila rarampa habang bitbit ang bouquet. Nagtataka ako dahil hindi naman ganoon ang ayos ng bouquet na ginagawa namin na nakadisplay sa labas. Hindi naman ganoon kalaki ang shop namin pero mayroon kaming maliit na office. "Para kanino iyan at saan galing?" Nagtatakang tanong ko. Imposible naman galing kay Judah. Though, sinusurprise naman ako palagi ni Judah na bigyan ng bulaklak pero hindi pa niya ginagawa ang magpadala ng bulaklak dito sa shop.I remember one person who always did this. He always sends flowers to my office before. I shook my head. Imposible. Hindi na niya gagawin iyon at walang r
Read more
Chapter 26
ELLIE“NAKU MA'AM, baka naman may... ehem! beer.”Sinimulan na naman ako hiritan ni Malou ng beer. Hindi pa nga kami tapos sa paglalabas ng mga souvenirs sa sasakyan, heto at humihirit na agad. Sinulyapan ko siya. "Tirik na tirik ang araw, Malou, beer agad ang nasa isip mo. Mabuti buo pa iyang kidney mo kakainom mo. Ikaw, maghinay-hinay ka nga sa pag-iinom. Ano, ginawa mo ng tubig ang beer?" panenermon ko sa kaniya habang naglalakad kami patungo sa function hall at nag-aayos ng mga souvenirs. Madami ang order sa amin, nasa mahigit 500 pcs. Si Reese ay kausap ni Andrea, iyong wedding coordinators. Sumakit din ang paa ko kakabalik-balik naming maghakot ng souvenirs. Mabuti na lang at last na batch na itong bitbit namin ni Malou."Kaya nga masarap ang uminom ng malamig na beer ngayon, Ma'am dahil mainit."Inismiran ko lang siya at kinuha ang phone ko sa bulsa. Hindi pa rin nagrereply message ko si Judah. Tatlong araw na simula noong nakita niya kami ni Uno sa opisina. Si Mikhay lang ang
Read more
Chapter 27
"I'M SORRY, hon. I didn't mean to hide things from you. Nagkataon lang talaga na pumunta sa shop si Uno. I was surprised to see him again, actually."Pinagpatuloy lang ni Judah ang ginawang paghahanda ng kanilang almusal. Maaga pa lang ay pumunta na siya sa bahay nina Ellie upang ipaghanda ang mag-ina niya ng pagkain. Hindi rin naman niya kayang tiisin nang matagal si Ellie. Naunahan lang siya nang pangamba.He turned around to see Ellie's face. Nag-init ang kaniyang pakiramdam habang nakatingin sa kabuuan ni Ellie. Nakasuot pa ito nang manipis na pantulog na natatakpan ng robe nito na bahagyang nalihis kaya nasisilip niya ang bandang dibdib ng dalaga.He swallowed hard. Muli na lang niyang tinuon ang atensiyon sa ginagawa. He respected Ellie. Ayaw niya itong pilitin na gawin ang isang bagay na hindi nito gusto. There were so many times that he was tempted to do it. He's a man with needs, but he can wait.Lumapit si Ellie kay Judah at niyakap ang kasintahan mula sa likuran. "I'm sorry
Read more
Chapter 28
ELLIEHindi ako mapakali habang gumagawa ng report sa harap ng laptop ko. Kinakabahan ako sa sinabi ni Uno na pupunta nga siya rito sa shop bago mag-alas dose ng tanghali.Naisip kong tawagan si Judah at yayain na kumain sa labas. Inabot ko ang phone at dinial ang number ni Judah pero saglit akong napatigil at napaisip. Kapag niyaya ko si Judah, paano kung totohanin nga ni Uno na pupunta? Siguradong mag-aaway na ang dalawa.Binaba ko ang phone na hawak at halos pabagsak na nga rin ang ginawa ko na pagsara ng laptop dahil hindi ako makafocus sa kakaisip. Hinilot ko ang sintido at naginhale exhale upang pakalmahin ang sarili para naman makapag-isip ako ng tama. Kanina pa lutang na lutang ang isip ko.Tumayo ako at lumabas ng opisina. Nasa labas kasi si Reese at nag-aayos ng bulaklak.Simula kaninang umaga pagdating namin sa shop ay hindi na ako lumabas ng opisina. Baka kasi hindi naman umalis si Uno. Glass wall ang shop kaya kita ang loob. Ang opisina lang namin ang hindi glass wall par
Read more
Chapter 29
ELLIEBUMALIK NA naman si Uno sa shop. Ang kulit! Napataas ang isang kilay ko at napakagat ng labi habang nakatingin kay Uno sa labas ng shop namin. He crossed his arms while standing outside his car looking at me. He looked like a boss watching over his staff—standing proud.Umangat ang dulo ng labi niya nang nagtama ang paningin namin na dalawa. Natuwa yata siya dahil tiningnan ko siya. Ang babaw niya. As if naman madadaan niya ako sa mga ginagawa niya ngayon."Kanina pa diyan si sir Uno. Kawawa naman, madam. Baka gusto mong yayain dito sa loob para makaupo. Mukhang hindi pa naman siya ang tipo na pinaghihintay," saad ni Thine habang nakatingin din kay Uno sa labas.Inismiran ko si Thine. Naalala ko tuloy noong bagong magkakilala pa lang kami ni Uno. Nakaabang na iyon sa labas ng building kung saan ako nagtatrabaho noon sa isang private company. Araw-araw niyang ginagawa iyon. Nauuna siyang pumupunta sa trabaho ko at sa bahay. Noon ay natutuwa at kinikilig ako kapag ginagawa niya i
Read more
Chapter 30
ELLIE"ANO?! PAANO nangyari na nawawala si Mikhay? Nasaan sina Julius?" Napatayo ako sa kinauupuan ko nang marinig ang sinabi sa akin ni Yvette sa kabilang linya. Nawawala ang anak ko! Umiiyak si Yvette at putol-putol na halos ang pagsasalita dahil mukhang kanina pa umiiyak."Ma'am mabilis po ang pangyayari. May kumausap daw po kina Julius sandali kanina tapos paglingom po nila hindi na nila makita si Mikhay. Kinuha ko lang din po iyong naiwan na notebook ni Mikhay sa loob ng silid niya. Iyon nga po pagbalik ko, hinahanap na nina Julius si Mikhay. Ma'am, sorry po talaga..."Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Para akong tinakasan ng hininga sa pag-aalala kay Mikhay. Sobra akong natatakot para sa anak ko. Hindi ko kakayanin kung may mangyaring masama sa kaniya. Ikakamatay ko!"Bakit niyo kasi iniwan ang anak ko? Hintayin mo ako diyan!" Napaiyak ako sa pinaghalong takot at galit dahil sa nangyari. Sino naman kaya ang kukuha sa anak ko? Hindi naman ako mayaman at lalong wala akong kaaway.
Read more
PREV
12345
DMCA.com Protection Status