All Chapters of BACHELOR SERIES #2: AXE FINN DEL FUENTE: Chapter 61 - Chapter 70
100 Chapters
Chapter 58
Nang matapos siyang maligo ay dumiretso siya sa kaniyang kama. Nakasuot pa lamang siya ng roba at hindi pa nakakapagbihis ng lumapit siya sa kaniyang bintana upang tumanaw sa labas.Medyo dark ang kulay ng kaniyang kurtina at isa pa ay ang bintana siya sa kaniyang silid ay salamin kung saan tinted ito. Hindi kita sa labas kung may tao ba sa loob kaya malaya niyang nakikita ang tagpo sa labas. Hinawi niya ang bintana.Sa tapat ng kaniyang bahay ay may isang tindahan kung saan may isang lalaking nakamasid sa kaniyang bahay. Idagdag pa na patingin- tingin ito sa kaniyang cellphone.Biglang nagtagis ang kaniyang mga bagang habang nakatitig rito. Isa ba itong espiya?Bigla niyang binuksan ang kaniyang closet at inilabas doon ang isa pa niyang laptop at ni- review ang kuha ng kaniyang cctv sa harap ng kaniyang bahay nitong mga nakalipas na araw.Doon niya nakita na halos bente kwatro oras na naroon ito. Napakuyom ang mga jamay niya dahil sa kaniyang nakikita. So pinapabantayan siya?O tao
Read more
Chapter 59
Pagkatapos niyang makausap ni Baxter ay lumabas na siya sa kaniyang library upang kumain na. Gabi na ng mga oras na iyon at nasisiguro niyang gutom na ang anak niya.Paglabas nga niya roon ay dumiretso siya kaagad sa katabing silid ng kaniyang library kung saan doon ang silid pansamantala nito.Kaagad naman siyang nakarating sa tapat ng pinto at pagkatapos ay kumatok. Pagkatapos niyang kumatok ay pumasok na siya kaagad sa loob. Naabutan niya si Vin na naka- headset at tila nanunuod dahil nakatutok ito sa cellphone nito.Ni hindi nga rin nito napansin ang pagpasok niya sa silid nito. Tanging nang umuga lamang ang kama nito dahil umupo siya ay tyaka lamang ito nag- angat ng tingin sa kaniya.Nagulat pa nga ito ng makita siya pagkatapos ay tinanggal ang pagkakakabit ng headset niya sa kaniyang cellphone upang marinig din niya ang pinapakinggang nito.Bigla niyang tiningnan kung ano ang pinapanuod nito. Naglalaro ang pinapanuod nito habang nagsasalita at doon niya na- realize na isa itong
Read more
Chapter 60
Sa labas pa lang ng punerarya ay madami ng mga tao. Ang iba nga roon ay mga pulis na noong makita siya ay kaagad na sumaludo ang mga ito sa kaniya.Tinanguan niya naman ang mga ito bilang pagbigay galang pagkatapos ay nilapitan siya ng isa sa mga ito."Magandang gabi Mayor." Bati nito sa kaniya."Nasaan ang pamilya ng biktima?" Tanong niya rito habang naglalakad. Itinuro nito ang daan papasok sa punerarya."Nandiyan sila sa loob Mayor." Sagot nito at nauna ng naglakad papasok.Napatingin siya sa kaniyang dadaanan dahil may mga naka- display pang kabaong. Ano nga ba ang inaasahan niya sa isang punerarya? Alangan namang mga gamot ang makita niyang naka- display doon diba?Naipilig na lamang niya ang kaniyang ulo dahil sa mga pumapasok sa kaniyang isip.Ilang sandali pa ay nakarating na sila sa malapit sa loob ng morgue ngunit doon pa lamang ay rinig na rinig na niya ang mga pagtangis. Pagtangis na puno ng sakit ang pagdadalamhati na alam niyang siya ang may kasalanan.Kung hindi sana ni
Read more
Chapter 61
Hanggang sa natapos itong embalsamuhin ay hindi siya umuwi. Sinamahan niya ang pamilya nito roon. Isa pa ay siya rin ang sumagot sa lahat ng gastos nito simula sa kabaong hanggang sa service nito sa libing.Hiyang- hiya siya sa pamilya nito sa totoo lang. Kaninang tinatanong ang misis nito kung bakita daw ba kase ito naroon sa tindahang iyon ay hindi ito makasagot dahil hindi naman daw ito nagsabi kung saan ito pupunta. Ang paalam lamang daw nito ay may kailangan daw itong taong kailangang manmanan.Bagamat nagpaalam nga ito ay hindi naman nito nasabi sa asawa nito kung sino ba ang nag- utos rito at alam niya sa sarili niyang siya iyon.Dahil sa kaniya ay pinatay ito. Dahil sa kaniya ay nawalan ng asawa ang misis nito at higit sa lahat ay dahil sa kaniya ay may dalawang paslit na nawalan ng ama.Bigla siyang napapikit. Wala siyang lakas ng loob para umamin rito. Hindi niya alam pero tila ba nahihiya siya dahil kasalanan niya. Ngunit ipinapangako niya sa sarili niya na bibigyan niya ng
Read more
Chapter 62
Hindi nga niya nasunod ang paggising niya ng umaga dahil napuyat siya kagabi at masarap ang tulog niya.Nang imulat niya ang kaniyang mga mata ay mataas na ang sikat ng araw ngunit himbing na himbing pa rin ang tulog ng katabi niya. Napangiti siya ng makitang tulog na tulog pa rin ito pagkatapos ay hinagkan niya ito sa kaniyang labi.Ilang sandali niya muna itong tinitigan bago siya tuluyang bumangon sa kama at dumiretso sa banyo. Kailangan niyang makipagkita sa mga taong kinausap niya para na rin maisagawa nila ang isa niyang plano.Naligo muna siya at paglabas niya ng banyo ay nakita niyang gising na rin si Lizette at kasalukuyang nakasandal na ito sa headboard ng kama.Nang makita siya nito ay kaagad siya nitong nginitian na akala mo ay walang nangyaring hindi maganda sa pagitan nila kahapon. Isa pa ay nangako na siya rito kagabi na hinding- hindi na niya ito sasaktan basta tulungan lang siya nito sa kaniyang plano katulad noong una.Agad naman itong sumang- ayon sa kaniya.Dahil s
Read more
Chapter 63
Nang makaligo nga si Lizette at makabihis na ay lumabas na sila. Ang gamit nilang sasakyan ay ang sasakyan nito at hindi siya ang nag- drive kundi si Lizette. Siya ay sumakay sa likod ng sasakyan upang kapag may kakilala si Lizette na masalubong nila ay mabilis siya makakapagtago sa lapag ng sasakyan.Hinayaan niya itong nag- drive at tahimik na umupo lang siya sa likod ng sasakyan. Kailangan pa nitong mag- withdaw dahil kailangan niya ng pera para sa mga taong kikitain niya.Mabutin na lamang at hindi na nagtanong pa si Lizette kung saan sila pupunta bagkus ay kaagad itong sumakay ng sasakyan. Sinabi naman na niya rito kung bakit kasama niya ito dahil kailangan niya ng pera nito.May pera rin naman siya ngunit mas gusto na niyang gugulin ang pera ni Lizette dahil galing naman iyon sa foundation kung saan bigay ito ng isang taong nasa abroad para sa mga batang walang pang aral.Siya muna ang gumamit nito dahil sinabi niya naman ritong papalitan niya din iyon sa oras na manalo siya. S
Read more
Chapter 64
Umuwi siya kaagad sa bahay ni Lizette pagkatapos niyang ibigay ang pera sa mga taong iyon. Sigurado naman siyang maaasahan ang mga ito dahil nasisiguro nilang malalagot ang mga ito kapag hindi nila nagawa ang pinapagawa niya lalo pa at napakalaking halaga ang ibinigay niya sa mga ito.Siguro naman ay hindi na papalpak ang mga ito dahil napakadali lang naman nang iniuutos niya. Palalabasin lamang ng mga ito na bumibili si Axe Finn ng boto at isang simpleng video lamang ang kailangan niya.Isa pa ay kailangan niyang alamin kung sino ang kukuhanin nitong operator sa gagawin nitong campaign rally niya dahil doon niya ipapalabas ang video na iyon dahil siguradong puro mga taga- suporta nito ang lahat ng nandoon sa campaign rally nito.Kapag nalaman ng mga taong bumibili siya ng boto para manalo siya ay tiyak na madidis- appoint ang mga ito sa kaniya. Isa pa ay sa araw na iyon ay doon ns niya isasagawa ang plano niyang paghihiganti.Napangiti siya ng maisip niya iyon. Malapit na niyang mais
Read more
Chapter 65
Nagising siya dahil may naririnig siyang nag- uusap sa sala. Hindi niya kaagad iminulat ang kaniyang mga mata at hinayaan lang ang kaniyang sarili na makinig sa taong nag- uusap doon.Mahina lamang ang mga tinig ng mga ito ngunit nagawa pa ring umabot sa kaniyang pandinig ang boses ng mga ito.Bigla siyang napamulat ng kaniyang mga mata. Kahit mahina ang boses nito ay kilalang- kilala niya ang nagmamay- ari ng tinig na iyon at hindi siya pwedeng magkamali.Si Axe Finn iyon. Bigla siyang nabuhayan ng pag- asa. Andito si Axe Finn! Sigaw ng isipan niya. Gusto niyang magtatalon sa tuwa dahil rito. Hindi siya makasigaw dahil nga naka- tape ang bibig niya kaya ang ginawa niya ang bumaba siya sa kama pagkatapos ay binangga ang pinto para makagawa siya ng ingay.Umaasa na marinig siya nito at tulungan siya nito upang tuluyan na siyang makaalis doon.Ibinuhos niya ang buo niyang lakas para banggain ang pinto. Kumalabog ito at kumalansing din ang mga kandado nito sa labas.Nabuhayan pa siya l
Read more
Chapter 66
Nang masiguro na ni Vince na nakalabas na si Lizette at si Vince ay kaagad siyang lumabas mula sa pinagtataguan niya sa maids room na halos na tabi lang ng kusina at ilang hakbang lamang sa silid kung saan nakakulong si Jazz.Kaagad niyang kinuha ang susi sa kaniyang bulsa at mabilis na binuksan ang mga kandado.Pabalandra niyang binuksan ang pinto dahil inis na inis siya. Paano ba naman ay binangga- bangga ni Jazz ang pinto at pagkatapos ay narinig niyang lumapit doon si Axe Finn malapit sa pinto.Narinig niya ang pag- igik ni Jazz dahil nakaharang pala ito sa pinto.Kaagad niyang isinara ang pinto dahil baka bumalik pa ang Axe Finn na iyon sa loob at makita pa siya ay magkakanda- leche leche na ang mga plano niya."Sa tingin mo maririnig ka niya ha?" Sabi niya rito pagkatapos ay hinawakan niya ang pisngi nito at pinisil.Nakita niya ang pagtulo ng isang butil ng luha nito sa mga mata ngunit wala siyang pakialam. Naiinis sita rito dahil malapit na silang mabuking ni Axe Finn dahil sa
Read more
Chapter 67
Hindi na nag- aksaya pa si Vince ng oras. Alam niya na hindi rin mag- aaksaya ng oras si Finn. Kailangan niya lang na unahan na ito. Magiging wais na siya.Mabuti na lamang at hindi na nanlaban pa si Jazz ng buhatin siya ng isa niyang tauhan at inilagay sa loob ng kahon. Ngunit nang mailagay ito sa kahon ay kaagad nila itong pinaamoy ng pang- patulog. Para na rin hindi ito kumawag- kawag kapag inilabas nila ito. Ayaw din naman nilang makakuha sila ng atensiyon kapag isinakay nila ito sa kotse ni Lizette. Kaagad naman itong nakatulog at ilang sandali pa ay naipasok na nila ito sa loob ng kotse na walang kahirap- hirap."Aalis na kami." Sabi niya kay Lizette pagkatapos ay pumasok na rin sa loob ng kotse. "Ipapaiwan ko ang isa kong tauhan. Ipaayos mo ang silid na iyon at tambaka mo ng mga gamit para maniwala siyang stock room talaga iyon." Dagdag pa niya rito.Alam niya kaseng magiging sigurista ito. Isa namang tango ang naging sagot sa kaniya ni Lizette.Ilang sandali pa ay umalis na
Read more
PREV
1
...
5678910
DMCA.com Protection Status