Lahat ng Kabanata ng The Cold Billionaire's Secret Wife: Kabanata 21 - Kabanata 30
68 Kabanata
Chapter 21
MGA personal na gamit lang ang hinakot ni Liza. Iniwan na niya kay Aniza ang kaniyang naipundar na appliences at ibang gamit. Uuwi pa rin naman sila roon. Nasorpresa si Liza na ang condominium na katabi ng hotel ni Midnight ay pag-aari pa rin nito. Dalawang condominuim ang malapit sa hotel, at inakala niya na iyong ten story lang ang pag-aari nito. Twelve story ang condominium na pinuntahan nila kung saan naglalagi si Midnight. May hiwalay na parking lot si Midnight na eksklusibo lamang dito. May personalize elevator din ito na automated ang security at hawak nito ang monitor. Kaya hindi na kailangan ng taong magbabantay roon. Hawak lahat ni Midnight ang access. Saka lang may darating na security personnel sakaling magtawag ito ng emergency. Nasa pinakatuktok ang puwesto in Midnight, ang buong rooftop. May five hundred square meters ang lawak ng rooftop, at meron itong Olympic pool, garden, function area. At ang bahay ni Midnight ay salamin ang palibot na may tatlong kuwarto. Mataas
Magbasa pa
Chapter 22
DAGLING pinulot ni Liza ang kaniyang cellphone at na-off ito. Nabubuksan pa naman ito ngunit basag na ang screen. Nabasag din kasi ang tempered glass nito. “What happened?” curious na tanong ni Midnight. “Uh, nabagsak ang cellphone ko at nabasag,” aniya. Kinuha ni Midnight sa kamay niya ang cellphone at tiningnan. “It’s not safe to use. Palitan mo,” sabi nito. Ibinalik din nito sa kaniya ang cellphone. “Anyway, this is Aunt Patty. She will be Samara’s nanny,” pagkuwan ay pakilala nito sa kasama. Ngumiti naman siya sa ginang. “Hello po! Magandang gabi,” naiilang niyang bati sa tiyahin ni Midnight. “Magandang gabi rin sa ‘yo, iha. Ikinagagalak kitang makilala,” anang ginang. Nilapitan pa siya nito at niyakap. “Daddy, sino po siya?” tanong ni Samara sa tatay nito. “She’s you’re nanny and Lola Patty.” “Lola Patty?” “Yes. She will live here with us.” Nginitian ni Samara si Aleng Patty. “Hello po! My name is Samara Saavedra, five years old!” pakilala ni Samara. Hindi napigil ni L
Magbasa pa
Chapter 23
HUWEBES ng umaga pagpasok ni Liza sa hotel, saka lang niya naalala ang huling conversation nila ni Richard sa cellphone. Napabili siya ng bagong cellphone at inilipat ang files niya roon.Ang aga-aga’y pinag-initan na naman siya ni Rita. Dahil tatlong araw siyang wala, inasa nito sa kaniya ang trabaho sa kitchen stock inventory, bagay na ayaw na ayaw niyang gawin. Nauubos kasi ang oras niya rito at nanghihina siya. Mas gusto niya iyong palakad-lakad at gumagalaw nang mabilis.Nasa stock room siya ng kusina nang biglang maligaw roon si Richard. “Welcome back, Liza!” bungad nito.As usual, naka-suit si Richard. Ito madalas ang suot nito na iba-ibang kulay. Napagkakamalan itong may-ari ng hotel dahil mas desente pa minsan kay Midnight. Sa tuwing pumupunta roon si Midnight, kadalasan itim na polo ang suot. Nagsusuot lang ito ng suit kung may paperwork sa main office o kaya’y may meeting.“Hello!” bati niya. Sinipat lang niya ito at itinuloy ang pagsusulat sa inventory sheet.“Why are you
Magbasa pa
Chapter 24
“I will replace Rita,” sabi ni Midnight na bumasag sa katahimikan.Marahas na napatingin si Liza sa asawa. “B-Bakit?” bulalas niya.“She’s abusing her position.”“Pero matagal na siyang nagtatrabaho sa hotel. Kawawa naman kung papalitan mo.”“Hindi ako tumatambay sa hotel noon kaya hindi ko namo-monitor ang ugali ng mga staff. I won’t base it on how long the employee has worked for my company. I am looking at their performance and the department's status. Walang nagtatagal na kitchen staff ng hotel dahil sa ugali ni Rita.”“At sino naman ang ipapalit mo sa kaniya?”“You,” walang abog nitong sabi.Nanlaki ang mga mata niya. “Nagbibiro ka ba? Bakit ako?” Umangal na siya.“You have potential as a good leader, Liza. Marunong kang makisama sa mga empleyado.”“Hindi puwede! Mas lalong magdududa ang mga tao lalo na si Richard.”“Why?”“Kasi kabago-bago ko lang ‘tapos ilalagay mo ako sa mataas na posisyon? At saka kawawa si Rita. Kailangan niya ng trabaho.”“Kung ayaw mo, sa bahay ka na lang
Magbasa pa
Chapter 25
MAAGANG nagising si Liza kaya may oras siyang maasikaso ang kailangan ng kaniyang anak. Tulog pa si Midnight nang iwan niya sa kuwarto. Nauna na silang kumain ni Samara. “Mommy, tulog pa si Daddy po?” tanong ni Samara. “Uh-” Hindi pa siya nakapagsalita’y dumating si Midnight, nakabilis na ng black suit. “Daddy! Let’s eat na po!” ani Samara. Tulalang napatitig si Liza kay Midnight. Ang bilis naman nitong nakaligo. Masarap pa ang tulog nito nang iwan niya. Kung sa bagay, may isang oras na rin ang nakalipas nang magising siya. “Hi, baby! How’s your sleep?” tanong ni Midnight sa anak matapos halikan sa pisngi. “Mabuti naman po. Ikaw po?” “Hm, great.” Tinabihan na nito si Samara at kumuha ng pagkain. Napabilis ang pagsubo ni Liza sa pagkain. Mamaya’y sinipat siya ni Midnight. “Bilisan mo at maligo ka na. Idadaan kita sa hotel mamaya,” sabi nito. Tumango lamang siya. Inubos niya ang kaniyang pagkain saka uminom ng tubig. Maglalaba pa sana siya ng uniform pero hindi na lang. Mabili
Magbasa pa
Chapter 26
ISA-ISANG pinangalanan ni Midnight ang mga napili nitong umupo sa mga puwesto. Rotation lang naman ang appointment at binabase rin nito sa performance at ability. Wala nang thrill para kay Liza ang desisyon dahil may ideya na siya. Pero ang mga kasama nila ay nawiwindang. Ang may rotation lang naman sa mga posisyon ay ang nasa departments at mababa sa General Manager. Si Richard lang ang hindi napapalitan sa puwesto, at siyempre, ang CEO at chairman na si Midnight. “My selection was based on the employees’ opinion and my observation regarding the records. What ever the result is, please respect,” ani Midnight. Sinimulan na nito ang pagtawag ng mga pangalan at kung ano ang posisyong ibibigay. Huling binanggit ni Midnight ang kitchen department.“Since we had two positions vacancies, I will appoint an employee from a lower position,” dagdag pa nito. Inalis na ni Midnight si Rita sa kitchen department at bigla itong nagprotesta. “But, sir, I just appointed as kitchen manager last year
Magbasa pa
Chapter 27
MAAGANG nag-out sa hotel si Liza dahil nag-adjust lang naman sila sa trabaho. Dahil wala na si Rita sa kusina, gumaan ang daloy ng trabaho at maraming staff ang natuwa. Maliban na lang kay Chef Greg na obvious hindi masaya dahil malapit na ang asawa nito kay Richard. Tinaon niya na busy ang lahat upang hindi siya mapansin ng ibang staff. Nilakad lang niya mula hotel hanggang sa pinakamalaking condominium ni Midnight. May biyente minuto lang naman ang nilakad niya. Hindi na niya kailangang dumaan sa secutiry ng condo dahil may private driveway sa gilid ng gusali kung saan dumadaan si Midnight. May CCTV doon pero si Midnight lang ang may access. Malayo ang nilakad niya bago nakarating sa likuran ng condo na merong gate. Nang mai-swipe ang card sa maliit na machine sa may gilid ay bumukas ang maliit na gate na itim at napakataas. Pumasok siya. Kung nakasakay siya sa kotse ni Midnight, may pinipindot lang ito sa cellphone at bumubukas ang gate. Parking lot ang kasunod ng gate, at doon n
Magbasa pa
Chapter 28
LATE nang nakatulog ulit si Liza kaya nang magising siya’y alas siyete na ng umaga. Alas nuwebe pa naman ang pasok niya sa trabaho pero nag-apura siyang mag-asikaso sa sarili. Wala na si Midnight sa kuwarto. Pagkatapos maligo ay nagbihis na siya ng bagong uniform. May dress code kasi ang mga departments OIC ng hotel. Dark blue na ang skirt niya at white sa top na blouse na merong collar. Hindi na rin siya obligadong magsuot ng three inches shoes o sandals. Paglabas niya ng kuwarto ay naabutan niya sa dining ang kaniyang mag-ama na nag-aalmusal. Hindi pa nakaligo si Midnight, suot pa rin ang pantulog na puting pajama at t-shirt. “Good morning, Mommy!” bati sa kaniya ni Samara. “Morning!” Umupo naman siya sa tapat ng mag-ama. Sinipat lang siya ni Midnight, ni hindi ngumiti. “Mommy, punta raw tayo sa farm sa Sunday sabi ni Daddy!” batid ni Samara. Ngumiti siya. “Talaga? Pero may duty ako. Monday pa ang off ko,” aniya. “You can settle all your works on Saturday,” sabi ni Midnight.
Magbasa pa
Chapter 29
PAKIRAMDAM ni Liza ay inapuyan ang kaniyang mukha at labis na uminit. Hiyang-hiya siya kay Midnight. Iniwasan naman siya nito at pumasok ito sa banyo. Naiinis siya at ayaw mamatay-matay ng init sa katawan niya, lalo’t napakalapit sa kaniya ng tukso.Tumataas ang libido niya, at ayon sa kaniyang research, normal lang daw iyon sa tuwing malapit na ang period o kaya ay pagkatapos. Ang malas niya. May asawa nga siya, hindi naman siya basta makapagpagalaw rito. Wari kinikiliti ang laman niya at hindi siya makapali sa kama.Natapos na lang maligo si Midnight ay balisa pa rin siya. Nagkunwari siyang tulog pero mayamaya namang gumagalaw na tila kinikiliti. Nai-imagine niya ang napanood niyang sex video na merong tutorial kung paano mapainit sa pagnanasa ang asawa. Gusto niyang subukan pero nauunahan siya ng takot. Hindi naman kasi normal na asawa si Midnight. Baka magalit lang ito kung aakitin niya.Ikinuskos niya ang mga paa sa isa’t isa upang malibang.“Liza,” sambit ni Midnight. Nakahalata
Magbasa pa
Chapter 30
NASORPRESA si Aniza sa pag-uwi ni Liza sa kaniyang bahay. Nakausap na niya si Samara nang tumawag siya kay Aleng Patty. Inabisohan na niya ito na gagabihin siya ng uwi at huwag siyang hintayin. “Samahan mo ako, Aniza,” sabi niya sa pinsan matapos sabihin ang kaniyang pakay. “Saan kita sasamahan?” ‘takang tanong nito. Papasok na sila sa bahay. “Sa bahay ni Richard. Inimbita kasi niya ako para sa wine party at celebration ng yumao niyang mama.” “Ha? Bakit kailangan ko pang sumama?” “Hindi papayag si Midnight na ako lang ang pupunta kaya dapat kasama kita.” “Teka. Ano ba ang nangyayari? Nililigawan ka ni Richard, ano?” Matabang siyang ngumiti. “Alam mo na ‘yon.” “Pero paano si Midnight? Aware ba siya?” “Oo.” “Eh, bakit pumapayag siya na magpaligaw ka kay Richard?” Dumiretso sila sa kaniyang kuwarto upang mamili ng damit na isusuot. Marami pa rin siyang damit na naiwan doon, iyong hindi niya madalas isinusuot. “Hindi pumayag si Midnight. Ayaw niya na iwasan ko si Richard para
Magbasa pa
PREV
1234567
DMCA.com Protection Status