Lahat ng Kabanata ng The Cold Billionaire's Secret Wife: Kabanata 51 - Kabanata 60
68 Kabanata
Chapter 51
“UMALIS na ang loko. Sino kaya ‘yon?” maktol ni Aniza nang makabalik ng tindahan. Hindi na mapakali si Liza. Nagpaalam na siya kay Aniza na uuwi na sila. Tinulungan naman siya nito sa paglipat ng mga mais sa echo bag. “Mukhang may nag-iispiya sa atin,” sabi niya kay Midnight. Lulan na sila ng kotse pauwi ng condo. Nakatulog na sa backseat si Samara. Hindi pala ito natulog ng hapon ayon kay Aniza at naglaro lang. Upang hindi magatungan ang gigil ni Richard sa kanila ni Midnight, nagpanggap si Liza na mabait dito. Sinunod niya ang payo ni Midnight na kaswal lang niyang pakitunguhan si Richard. At katulad ng gusto nito, related lang dapat sa business ang usapan. Wala siyang ideya sa binabalak ni Midnight pero wala siyang choice kundi magtiwala. Maaga siyang pumasok sa hotel gamit ang kaniyang scooter. Kabisado na niya itong imaneho. Todo iwas siya sa ibang katrabaho upang huwag siyang ma-intriga pero dinig pa rin niya ang tsismis. Marami na ang nagduda sa relasyon nila ni Midnight.
Magbasa pa
Chapter 52
HINDI maka-get over si Liza sa sinabi ni Midnight. Ayaw paawat ng puso niya sa kaba. Kaya pagkatapos ng hapunan ay naisip niyang kausapin si Midnight. Kaso busy pa ito sa paperwork sa study room. Nakaligo na siya at nakahiga sa kama. Kahit inaantok na’y tiniis niya sa kagustuhang makausap ang asawa.Papikit-pikit na siya nang biglang dumating si Midnight. Napamulagat siya para mapansin siya nito.“You didn’t sleep yet?” untag nito. Naghubad ito ng pajama at t-shirt.Titig na titig siya rito at inalipin ng pagnanasa ang kaniyang sistema, lalo nang humiga sa kaniyang tabi si Midnight.“What?” matigas nitong tanong. Nagsasalubong ang mga kilay nito.“Uh…. w-wala naman,” naiilang niyang sabi.Kumislot siya nang hawakan siya nito sa braso at hinatak palapit dito. Umisod naman siya at isiniksik ang sarili sa katawan nito. Lalong nag-init ang pakiramdam niya nang yumakap siya sa matipunong dibdib ng asawa. Banayad niyang ikiniskis ang isang paa sa mabalbong binti nito.“Aralin mo ang operati
Magbasa pa
Chapter 53
NABALING ang tingin ni Liza kay Richard na siyang umabala sa kaniya. “Let’s dine?” anito. Tumango siya pero mayamaya ang sipat niya kay Midnight. Napanatag siya nang lumayo ito kay Mica at tuluyang umalis. Itinuloy na lamang niya ang pamimili ng pagkain. Gusto niyang iwasan si Richard pero naunahan siya ng takot. Nang lumipat sila sa bakanteng cocktail table ay nilapitan sila ni Mica. Sumasayaw ito habang hawak ang baso ng cocktail. “Are you two dating?” tanong nito. Hindi kumibo si Liza. Nagpatuloy siya sa pagsubo ng pagkain. “Mica, you’re drunk. Umuwi ka na kaya,” sita rito ni Richard. “No, I can’t leave without seeing Midnight!” Tumawa nang pagak si Richard. “Don’t waste your effort on the man who doesn’t care about you.” Nanlisik ang mga mata ni Mica kay Richard. “Stop teasing me, Richard. Sabihin mo na sa akin kung sino ang babaeng kinababaliwan ni Midnight! He keeps on lying to me!” Kumabog na ang dibdib ni Liza. Pakiramdam niya’y inaapuyan ang kaniyang katawan. “I’ll
Magbasa pa
Chapter 54
NAPATILI si Liza nang makitang bumulagta sa sahig si Richard matapos suntukin ni Midnight sa mukha. Awtomatikong tumugo ang ilong nito. Nagkagulo na sa party at nakiusyoso ang mga empleyadong nakakita.Pinigil niya sa kanang braso si Mindight na gusto pang sundan ng suntok si Richard. Nakatayo naman si Richard at pinahid ng panyo ang dugo sa ilong. Pero kahit nasaktan na, nagawa pa nitong ngumisi.“Para saan ang suntok, Midnight?” tanong nito kay Midnight.“You trespassed my teritory, bastard!” makahulugang tugon naman ni Midnight.“Really? You assumed that you owned Liza?” Tumawa si Richard.Nag-panic na si Liza. Nakapalibot sa kanila ang mga empleyado. Tumigil ang tugtog kaya rinig na rinig ang mga sinabi ni Richard.“Richard!” awat dito ni Midnight.Pero nawalan na ng kontrol si Richard. “No! People deserve to know their boss’s hidden business here.” Humarap pa si Richard sa mga empleyado. “Hey, people! Listen to me. Alam ko nagduda kayo sa amin ni Liza, pero ang totoo, wala kaming
Magbasa pa
Chapter 55
SI Samara nga ang kumatok. Umiiyak ito habang yakap ang malaking teddy bear. Nilapitan niya ito at binuhat.“Bakit ka umiiyak, ha?” tanong niya rito.“Ang bad ng dream ko, Mommy. Iniwan n’yo po ako ‘tapos mag-isa na lang ako,” humihikbing sumbong nito.“Hindi ka namin iiwan ng daddy mo. Gusto mo bang matulog dito?” aniya.“Opo.” Umiyak na naman ito.Humiga na sila sa kama. Si Midnight ay pumasok pa sa banyo.Tumigil din sa pag-iyak si Samara nang kuwentuhan niya ng nakakatawa. Alanganin ang tulog nito kaya papikit-pikit na. Lumabas naman si Midnight at nagsuot na ng itim na pajama at t-shirt. Humiga ito sa gawing kaliwa at napagitnaan nila si Samara. Kinintalan nito ng halik sa noo ang kanilang anak.“Sleep well, baby,” bulong nito kay Samara.“Good night, Daddy!” sabi naman ni Samara.“Good night.”“Good night din po, Mommy!”“Good night.” Hinagkan din niya ito sa noo. Hinaplos niya ang ulo nito para mabilis makatulog.Habang pinagmamasdan niya ang maamong mukha ng kaniyang anak, may
Magbasa pa
Chapter 56
NAGUGUTOM na si Liza pero nag-aalangan siyang lumabas para kukuha ng pagkain. Isang oras na lang ay tanghalian na. Tiyak na busy na ang staff sa kusina at hindi rin siya masyadong mapapansin. Nang hindi matiis ang gutom ay lumabas siya. Lahat ng empleyadong nasasalubong niya ay binabati siya. Kinikilabutan siya sa nangyayari. Pagdating sa kusina ay bumati rin ang lahat sa kaniya. “Uy, huwag naman kayong ganyan sa akin,” aniya. Pati si Lara ay naiilang na sa kaniya. Pero nilapitan naman siya nito. “Ano po ang maipaglilingkod ko sa inyo, Ma’am Liza?” nakangiting sabi nito. Natawa siya. “Sira, tigilan mo nga ako kaka-ma’am mo riyan.” “Hindi nga, seryoso ito. Ano pa ba ang itatawag ko sa ‘yo. Asawa ka ng boss namin.” “Wala namang nabago.” “Anong wala? At teka nga, magsabi ka sa akin ng totoo. Nabanggit ni Sir Midnight na may anak kayo. Don’t tell me na si Sir Midnight ang ex-husband mo?” Inusig na siya nito. Wala na siyang kawala kundi magsabi ng totoo kay Lara. Malayo naman sila
Magbasa pa
Chapter 57
AKMANG susuntukin ni Midnight si Richard ngunit maagap itong napigil ni Liza sa braso. Hinatak niya ito palayo kay Richard.“Get out of my sight, bastard!” singhal ni Midnight kay Richard.“Tama na!” awat niya. Pilit niyang inilalayo si Midnight kay Richard.Nagawa pang tumawa ni Richard. “Your game has over, Night. Maghanda ka na,” anito bago lumisan.Pakiramdam ni Liza ay sasabog na ang puso niya sa nerbiyos. Pumiksi siya nang iwaksi ni Midnight ang kaniyang kamay. Naglakad ito patungong lamesa at itinukod ang mga kamay roon. Hinahapong napayuko ito, pilit pinakakalma ang tensiyon sa katawan.“Bakit narito si Richard, Liza?” namumurong tanong niya.“Pumunta siya at kinausap ako. At napilitan akong sabihin sa kaniya ang totoo,” anya.“Anong totoo?” paasik nitong tanong, saka pumihit paharap sa kaniya.“N-Na ako ang may gustong magpakasal sa ‘yo at hindi mo ako pinilit. At sinabi ko rin ang dahilan ko, na mahal kita kaya ako nagpakasal ulit sa ‘yo.”“And why you ended up hugging him,
Magbasa pa
Chapter 58
PABALIK-BALIK si Liza sa harap ng lamesa matapos mabasa ang chat ni Midnight. Nalaman na umano ng lola nito ang tungkol sa kaniya at galit na galit ang matanda. Tinatawagan niya si Midnight pero hindi sumasagot.Hindi rin naman siya maka-focus sa trabaho kaya umalis siya ng opisina at umuwi. Pakiramdam kasi niya’y atakehin siya sa puso. Sinabi na rin niya kay Aniza ang nangyari upang makahingi siya ng payo rito.Mamaya’y nagpasya siya na puntahan si Aniza sa bahay niya at isinama niya si Samara. Nag-taxi lang silang mag-ina. Kailangan niya ng kausap kung hindi ay baka atakehin na siya ng nerbiyos.Pagdating pa lang sa bahay niya’y inalok na siya ni Aniza ng tubig na maiinom. “Kumalma ka nga! Nahahalata ni Samara na nagpa-panic ka,” ani Aniza.Pinaglaro niya si Samara sa hardin upang hindi siya nito mapansin. Panay ang buntonghininga niya habang nakaupo sa couch.“Hindi ako mapakali, Aniza. Hindi sinasagot ni Midnight ang tawag ko. Ano na kaya ang nangyari sa kanilang maglola?” balisan
Magbasa pa
Chapter 59
NAKATATLONG dial na si Midnight sa numero ni Liza ngunit hindi ito sumasagot. May missed call ito, sa oras na nasa meeting siya. Lunch time na pero hindi pa tapos ang pinipirmahan niyang papeles. Dapat ay nasa hotel na siya nang mga oras na iyon dahil nag-set siya ng meeting after lunch. Hindi na niya pina-report si Richard sa hotel sa inis niya. Kung anu-ano ba naman ang naikuwento nito sa lola niya. Dahil sa tensiyon ay pinabalik ng nurse sa ospital ang lola niya dahil tumaas ang presyon. Richard didn’t care about his grandmother’s health condition. Alam niya na may sama ng loob ito sa lola nila dahil sa hindi naibigay rito ng ginang ang gusto nito. At pipilitin ni Richard ang lola niya na bawiin sa kaniya ang hotel, kaya patuloy siya nitong sinisira. Bumiyahe na siya papuntang hotel at muling tinawagan si Liza. May sumagot pero boses ng bata. “Samara?” untag niya. “Daddy?” “Yes, it’s me. Where’s your mommy?” “Uh…. she’s sleeping.” “What? Hindi ba nasa grape farm kayo?” “Opo
Magbasa pa
Chapter 60
NANG sabihin ni Liza kay Midnight ang tungkol sa lola nito ay biglang umalis. Bumiyahe ito pabalik ng Maynila pagkatapos nilang naghapunan. Inatake na naman ng nerbisyos si Liza. Hindi na siya nakatulog kakaisip sa sitwasyon nila. Natitiyak niya na nahihirapan na rin si Midnight. Kinabukasan na bumalik si Midnight at nagpasya si Liza na uuwi na sila ng Maynila. Wala rin namang nagbago sa nararamdaman niya. Lalo lang siyang na-stress. “Babalik na lang ako sa trabaho,” sabi niya nang lulan na sila ng kotse pabalik ng Maynila. “You need more rest, Liza,” ani Midnight; nagmamaneho ito. “Mas lalo akong stress na walang ginaggawa. At saka sabi mo maraming trabaho sa hotel.” “Are you sure? Kaya mo nang magtrabaho?” “Oo naman.” Malapad siyang ngumiti upang maitago ang pagkabalisa. “Okay, but you will stay in my office and don’t work much.” Tumango lang siya. Pagdating sa condo ay umalis din kaagad si Midnight. May meeting pa umano ito at gabi na makauuwi. Ang sabi nito, okay naman da
Magbasa pa
PREV
1234567
DMCA.com Protection Status