All Chapters of Kapag Ako Ay Nagmahal [Book 2]: Chapter 71 - Chapter 80
84 Chapters
Ika pitumpung kabanata
“I want to clarify everything, Zac, alang-alang sa mga anak ko ay pakiki-samahan pa rin kita na parang walang nagbago. Pero huwag mo akong pakikialaman sa mga plano ko sa buhay at ganun din ako sayo, hindi kita itatali sa relasyong ito kaya ibinibigay ko ang kalayaan mo, because I’m not a selfish person. At sana ay maging klaro sayo ang lahat.” Labis akong naguguluhan sa mga pinagsasabi ng aking asawa. Sa tono ng pananalita nito ay parang akala mo ay tinatapos na niya ang ugnayan namín bilang mag-asawa. Ilang araw ng malamig ang pakikitungo niya sa akin na para bang estranghero ako sa paningin nito. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko kaya binalewala ko na lang ang malamig na pakikitungo niya sa akin. Ngunit ng marinig ko ang mga salitang ito ay labis akong naalarma at hindi ko na ito pwedeng balewalain dahil ramdam ko na seryoso siya sa kanyang mga sinasabi.Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa utak ni Vernice at labis akong nababahala na baka tuluyan siyang mawala sa akin
Read more
Ika pitumpu’t isang kabanata
Alas dos ng hapon ay kasalukuyan akong nakaupo ngayon sa sala’s kausap ang aking mga tauhan. “Sir, na detect po namin kahapon mga bandang five thirty ng hapon ay nakalabas na ng bansa si Ma’am Vernice kasama ang kanyang ama na si Mr. Aiguo at ang mga anak ninyo.” Lalong nagdilim ang mukha ko dahil sa report na natanggap ko mula sa aking tauhan. Kung ganun ay talagang iniwan na ako ni Vernice at mas pinili nito ang bumalik ng China.“Sir may tao po na naghahanap sa inyo, nais daw po kayong makausap, Atty, Salazar daw po.” Magalang sabi ng katulong na nakatayo sa bungad ng pintuan. Nagtataka na lumingon ako sa direksyon nito maging si Olga na nakaupo sa aking tabi at napalingon din dito. Simula kahapon ay hindi na umalis si Olga sa aking tabi upang damayan ako sa problemang kinakaharap ko.Ilang sandali pa ay pumasok ang isang may edad na lalaki na may bitbit na isang itim na attache case. Tahimik na lumapit ito sa akin hanggang sa huminto sa mismong harapan ko. “Good afternoon, Mr.
Read more
Ika pitumpu’t dalawang kabanata
“Hmmmm…” walang humpay ang mga ungol na lumalabas sa bibig ni Olga habang patuloy siya sa pagtaas baba sa ibabaw ng katawan nang natutulog na si Zac. Hindi siya makapaniwala na darating ang pagkakataon na ito na matitikman niya ang kanyang pinsan na kay tagal na niyang inaasam. Akala niya ay hanggang pangarap na lang ang lahat ngunit ngayon ay malaya niyang nilalasap ang init ng katawan nito. Kahit wala siyang natatanggap na anumang tugon mula sa lalaki ay kuntento na siya basta kapiling lang niya ito. Pagkatapos ng ilang minuto na pagtaas baba sa kahabaan nito ay naramdaman niya na malapit na niyang marating ang rurok ng kanyang matinding pagnanasa.“Zac!” Ang matinding kaligayahan na nilalasap ni Olga ay sandaling naudlot ng marinig ang isang malakas na boses ng babae mula sa labas ng kwarto na sinundan nito ng magkasunod na malakas na katok sa dahon ng pintuan. Naulinigan din niya ang ilang mga yabag na tila natataranta ang mga tao sa labas ng kwarto. “Ang susi, bilis!” Natataran
Read more
Ika pitumpu’t tatlong kabanata
Vernice Point of viewKasalukuyan akong nakatayo sa harap ng isang malaking bahay kasama ang aking Ama at ang aking mga anak. Kahit na may kalumaan na ang bahay ay hindi ito naging hadlang para hindi ito hangaan. Historical ang bahay na ito dahil nagmula pa ito sa mga ninuno ng aking mga Lolo. Nakakamangha ang disenyo ng dalawang malaking dragon na magkaharap sa magkabilang gilid ng bahay na ayon sa kanilang paniniwala ay sumisimbolo ng lakas, karunungan, pagpapala at kapangyarihan. Masasabi ko na ang istilo ng bahay ay naaayon sa personalidad ng aking Abuelo, matanda na ngunit nanatili pa ring matatag.Napaka payapa ng buong paligid dahil malayo ito sa kabihasnan. Wala kang ibang maririnig kundi pawang mga huni ng ibon at pagaspas ng mga dahon. Ang malamig na simoy ng hangin na dumadampǐ sa aking balat ay nakaka-tulong upang mapawi ang matinding kabâ na nararamdaman ko ng mga oras na ito.Ngayon ay nasa harap ako ng ancestral house ng aking angkan kung saan ay naninirahan ang aking m
Read more
Ika pitumpu’t apat na kabanata
“What the oldman’s problem today?” Nang-aasar kong tanong sa matandang Chinese na si Mr. Chen. Pagpasok ko sa opisina nito ay ang nakasimangot niyang mukha ang kaagad na bumungad sa akin. “You don’t how to respect me? Who’s old?” Galit na tanong niya sa akin ngunit imbes na matakot ay natawa pa ako sa mukha nitong halos hindi na maipinta. Kahit na masungit ang matandang ito ay magaan pa rin ang loob ko sa kanya at nagagawa kong makipag-usap na parang kaedaran ko lang siya. Kinatatakutan ng lahat ang masamang ugali nito kaya labis na humanga sila sa akin kung paano ko raw natatagalan ang ugali nito.“Oh’ your son was so handsome, I think he’s lucky because he did not inherit from you.” Anya bago nang-aasar na ngumiti. “Stupid, it’s me.” Sagot naman niya sa akin habang patuloy na nakatingin sa mga papeles na hawak nito. Abala siya sa kanyang lamesa habang ako naman ay naka de watro na nakaupo sa harapan nito.“I am just thinking if you are really the granddaughter of Yuay, because you
Read more
Ila pitumpu’t limang kabanata
Isang mabigat na buntong hininga ang aking pinakawalan habang matamang pinagmamasdan ang patay-lasing na si Vernice na nakahiga sa kama. Kasalukuyan akong nakatayo ngayon sa paanan nito habang naka pamewang. Walang kamalay-malay ang asawa ko na nasa paligid lang ako at nakabantay sa bawat kilos nito. Kung nahulǐ ako ng dating marahil ay may hindi na magandang nangyari sa pagitan nito at ng babaeng iyon. Hindi ko yata maaatim na masayaran ng ibang kamay ang katawan aking asawa dahil pag-aari ko ito.Umupo ako sa gilid ng kama at hinawi ang ilang hibla ng buhok na kumalat sa kanyang mukha saka inayos ang pabalagbag na higa nito. Ilang linggo pa lang kaming hindi nagkita pero kay laki na ng pinagbago ni Vernice. Lalo siyang gumanda sa paningin ko, medyo kampanti lang ako na hindi siya maaagaw sa akin ng ibang lalaki dahil sa character nito. Simula ng iwan ako nito ay napansin ko na bumalik ang dating siya.Natuklasan ko na nagtatrabaho ito sa matandang Chinese na kalaban ng kanyang lol
Read more
Ila pitumpu’t anim na kabanata
Narinig ko ng magbukas-sara ang pintuan ng opisina ni Mr. Chen ngunit hindi ko ito pinansin dahil ang utak ko ay kasalukuyang nililipad sa dako pa roon. Wala ako sa aking sarili dahil ilang araw na ang lumipas ay hindi ko pa rin makalimutan ang mga nangyari sa amin ng baklang iyon. Hindi ko talaga matanggap ang lahat at hanggang ngayon ay naiiyak pa rin ako dahil ang hiyas ko ay nalawayan na ng iba. Wala na talagang mas sasaklap pa roon. Sinubukan kong kausapin ang anak ni Mr. Tsai ngunit mukhang pinagtataguan na ako nito dahil hindi na niya ako hinaharap. Lagi rin itong wala sa kanyang opisina kaya hindi na nabigyang linaw pa ang namagitan sa aming dalawa. Muli akong nagpakawala ng magkasunod na buntong hininga bago nanghihina na sumandig sa sandalan ng sofa.Maya-maya ay bigla akong nag tika-tikâ at nahihirapan na akong huminga, dahil ang magaling na matanda ay naglagay sa aking harapan ng tatlong stick ng incenso na nakatusok sa isang mangkok na puno ng bigas.“You finally woke u
Read more
Ika pitumpu’t pitong kabanata
“Hello, Mrs. Hilton, according to Sir. Hilton, there is something wrong with the report that you’ve sent yesterday, you need to report to the office right now.” Malumanay na sabi ng Secretary ni Zac mula sa kabilang linya kaya halos magusot ang mukha ko dahil sa matinding inis. Halata naman kasi na nananadya ang lalaking ‘yun. Napaka imposible kasi ng sinasabi nitong maling report ko dahil makailang ulit kong sinuri iyon bago ipinasa sa kanya.“Correction, Zhōu. okay? Ms. Zhōu.” May diin kong bigkas na para bang kay hirap umintindi ng aking kausap.“I’m so sorry, Ma’am but I don’t want to lose my job.” Iyon lang bago ito tuluyang nagpaalam sa akin. Wala na akong magawa kundi ang mamuntong hininga na lamang. Naiinis na tumayo ako mula sa aking kinauupuan at nagdadabog na lumabas ng aking opisina upang tumungo sa opisina ni Zac na nasa kabilang dulo lang ng pasilyo.Nakabusangot na binuksan ko ang pintuan ng opisina nito ni hindi man lang ako nag-abalang kumatok. Naiinis na hinarap ko a
Read more
Ika pitumpu’t walong kabanata
“Are you really going to leave me?” Malungkot na tanong ni Mr. Chen kay Vernice. Sa maikling panahon na kasama niya ang apo ni Mr. Yuay ay nagkaroon na ng puwang sa kanyang puso ang makulit na si Vernice na kung tutuusin ay lagi lang naman silang nag-aaway. Iyon kasi ang paraan niya kung paano maglambing sa mga anak ngunit nakakalungkot isipin na hindi ito alam ng kanyang mga anak at tanging si Vernice lang ang nakakaunawa sa kanya, ito rin ang nakatuklas ng totoo niyang ugali at kung paano siya maglambing.“Why? don't tell me you'll cry when I leave.” May pang-aasar na sagot ni Vernice habang naka de kwatro sa harapan ng matanda. Para siyang lalaki na walang pakialam habang naka-bukaka na nakaupo paharap sa matanda.“And why should I cry? can you adjust your seat, it's like you haven't been taught proper manners in acting as a woman.” Irritable na sagot ng matanda bago niya sinita ang upo ni Vernice. Natawa naman si Vernice dahil batid niya na nagkukunwaring galit lang ang matanda u
Read more
Ika pitumpu’t siyam na kabanata
Mula sa kahabaan ng highway ay tinutumbok ko ang daan pauwi. Mag ta-takipsilim na kaya nag-aagaw ang liwanag at dilim sa buong paligid. Saglit na itinigil ko ang sasakyan sa gilid ng kalsada, bumaba ako ng kotse at sumandal sa gilid nito saka malungkot na pinagmasdan ang haring araw na kasalukuyang pa-palubog na. Masama talaga ang loob ko dahil sa mga nangyayari sa buhay ko, bakit ba kasi kung kailan masaya na kami at maayos na ang lahat saka naman nagkakaroon ng problema? Kahapon lang ay para akong nakalutang sa alapaap dahil sa labis na kaligayahan pero ngayon pakiramdam ko naman ay para akong namatayan. Parang natatakot na tuloy akong sumaya dahil sa huli kaakibat nito ay sakit at kalungkutan.Kailan ba ako magiging masaya? Nakakapagod na kasi ang paulit-ulit kang masasaktan, okay lang sana kung sakaling nasaktan ka ng isang beses ay magiging manhid kaagad ang puso mo. Kaso hindi eh, dahil sa tuwing masasaktan ka ay nag-iiwan ito ng pilat sa puso mo at maging ang panahon ay hindi
Read more
PREV
1
...
456789
DMCA.com Protection Status