Lahat ng Kabanata ng Ruthless Series 1: Jonathan McKinney, The CEO: Kabanata 31 - Kabanata 40
66 Kabanata
Chapter 31
Kimberly Ann MartinezNanibago ako sa mga kasamahan ko. Ang tahimik nila ngayon. Nawala ang ingay nila na nagsisilbing musika ko sa araw-araw na nandito ako kasama nila. Pansin ko rin nag pasimpling tingin nila sa akin. Kaya napakunot ang noo ko. Gusto kong baliwalain ngunit parang may mali talaga. "Aling Rita, may nangyari ba?" tanong ko sa katabi kong si aling Rita. Umiwas naman siya ng tingin na mas lalong nagpakunot ang noo sa akin. "May problema ba?""Pasensya na dai Berlyn pero nagtatanong si sir Jonathan kung sino ka ba talaga," sagot niya sa akin. Kinakabahan naman ako sa nalaman. "Eh, anong sagot nyo?" tanong ko sa kanya. "Sinabi kong matagal ka na dito," sagot naman nito. Nakahinga naman ako ng maluwag sa sagot niya ngunit mas namutla ako sa sunod niyang sinabi. "May pinakita siyang litrato sa amin. Kamukhang kamukha mo noong unang dating mo dito samin." "Wala ka na sigurong sinasabi na iba diba?" Tanong ko pa. "Tinanong din niya kung sino ang mga kapatid at sinabi kong
Magbasa pa
Chapter 32
Kimberly Ann MartinezNagising ako na parang inuga-uga ang higaan namin. Napatingin ako sa katabi ko at nakita ko anak ko na parang kinukombolsyon. Nataranta akong napabangon. "Anak… Anak!" Sigaw ko at niyugyog siya. Nakita kong namumuti ang mata niya at putlang-putla ito. "Kyla, gising!""Ate?" naalimpungatan ito dahil sa pag yugyug ko sa kanya. "Gisingin mo si Karillo, dali! Dalhin natin si Kj sa ospital!" natarantang bumangon ang kapatid ko at tumakbo sa labas. Binihisan ko kaagad si Kj matapos lumabas si Kyla. Di naman nagtagal ay bumalik ito kasama ang kapatid ko pang si Karillo. "Karillo, magbihis ka dali. Dalhin natin si Kj sa ospital."Agad naman silang tumalima sa utos ko. Nang matapos ay mabilis kaming lumabas ng bahay. Napansin kong may tinawagan si Karillo sa cellphone nito. Kung sino ito yon ang di ko alam. Lakad takbo ang ginawa namin para makarating agad sa kalsada. Sobrang aga pa kaya wala pa halos na sasakyan. Mabuti na lang at dumating ang isang kaibigan ni K
Magbasa pa
Chapter 33
Kimberly Ann Martinez Tatlong araw na kami dito sa hospital. Tudo iwas ako na makausap si Jonathan. Kahit halos araw-araw naman siyang nandito. Kung ano-anong pagkain ang dinala niya na hindi naman mauubos ni Kj kaya ang resulta ay kami ni Kyla ang taga-ubos. Tulad ngayon may dala na naman siyang chowking take outs. Kahit ilang beses kong sinabi sa kanya na wag nang bumili ng kung ano-ano ay hindi ito nakinig. Rason niya pambawi daw niya sa mga panahong wala ito. "Wag na kasing kung ano-ano ang bibilhin mo. Di naman ito mauubos ng anak mo," sabi ko sa kanya. "Babe, para sa ating lahat yan," rason niya. "Mag-away na naman ba tayo? Ilang beses ko nang sinabi sayo na hindi na kailangan," giit ko sa kanya. "Bumabawi lang naman ako," rason niya. "Sa anak mo ikaw babawi pero sa amin hindi," sagot ko sa kanya. Napabuntong hininga nalang siya sa sinabi ko. "Just eat, please…" sabi niya. Napa buntong hininga na lang din ako. At di na siya pinansin pa. Wala rin namang mangyayari ka
Magbasa pa
Chapter 34
Kimberly Ann MartinezTulad ng inaasahan ay nakalabas na kami ng hospital kinabukasan. Sakay kami ngayon ng sasakyan ni Jonathan. Binaybay namin ang daan papunta sa hacienda. Nasa driver's seat si Jonathan, samantalang ako sa harap habang kalong si Kj. Si Kyla sa likod kasama ang ilang mga gamit namin mula sa hospital. Nadaanan pa namin ang ilang mga trabahante na binusinahan at hilagpasan lang namin. Di na nag-abala pang huminto si Jonathan. Di nagtagal ay nakita ko na ang daan patungo sa bahay namin. "Diyan na lang kami sa may maliit na daan ibaba," sabi ko kay Jonathan."What?" medyo naguguluhan pa siya. "Ang sabi ko dyan mo kami ibaba. Hindi na kasya ang sasakyan mo dyan," sabi ko sa kanya. "No, sa mansion tayo diretso," kontra niya sa akin."Jonathan," warning ko sa kanya ngunit nilagpasan lang ang daan patungo sa bahay namin. "Jonathan!"Nagulat ang anak ko sa biglang pag sigaw ko. Maging si Jonathan ay biglang inapakan ang preno ng sasakyan. Mabuti na lang at lahat kami
Magbasa pa
Chapter 35
Kimberly Ann MartinezPagdating namin sa maliit na daan patungong bahay namin ay nakatambay na si Karillo. Marahil ay sinabihan si Kyla na bibili ako ng bigas kaya sinasalubong niya kami. Siya ang bumuhat at kumarga nito pauwi sa bahay namin. Si Jonathan ang bumuhat ng ilang pinamili namin. Samantalang ang tanging dala ko na lang ay ang isda at pasayan. "Hindi ka pa ba uuwi?" tanong ko sa kanya. "No. I'll stay with you," sagot niya sa akin. "Ang liit lang ng bahay namin, di ka pwede doon," giit ko sa kanya. "Then, sa mansion na lang tayo," sagot naman niya. "Mahal ko pa buhay ko, ayaw kong mamatay ng maaga sayo," sabi ko naman sa kanya."Bakit ka naman mamatay ng maaga sa akin?" tanong naman niya. "Baka bigla na lang akong sugurin ng asawa mo. Hindi pa ako handang iwan ang anak ko," sabi ko naman sa kanya. "I can explain with that part," sabi naman niya sa akin ngunit umiling lang ako. "Hindi na kailangan. Wala rin naman akong balak manggulo sa inyo. Ikaw lang tong lapit ng
Magbasa pa
Chapter 36
Kimberly Ann MartinezBalik na ako sa pagtatrabaho sa tubohan. Okay na ang anak ko kaya pwede na siyang iwan ulit kay Kyla. Si Jonathan ay hindi na nagpapakita matapos noong araw na nagmamadali siyang umalis ng bahay. Mas okay nga yon, tahimik ang buhay namin. Yun nga lang ay hinahanap siya ng anak niya. Gumagawa na lang ako ng alibi upang hindi tuluyang malungkot ang anak ko. "Mamaya, sa bahay tayong lahat maghapunan, ah? Birthday ng apo ko, naghahanda ang anak ng konting salo-salo para sa ating lahat," anunsyo ni aling Rita sa amin. "Naku, aling Rita, pasensya na pero mukhang hindi yata ako makakapunta alam mo namang hindi pwedeng maiwan ang anak ko ng matagal kapag gabi," hinging paumanhin ko sa kanya. “Abay, bakit? Dalhin mo ang anak at kapatid mo. Pwede naman yon,” sabii ni Aling Rita.“Bawal pa kasing mahamugan si Kj, baka magkasakit ulit,” sabi Ko a.“Ah, okay. Sige, padalhan ko na lang kayo ng pagkain sa bahay nyo,” sagot naman ni aling Rita. “Kahit wag na ho. Nakakahiya
Magbasa pa
Chapter 37
Kimberly Ann MartinezHalos buong araw kami sa mansion ni Jonathan. Kung hindi pa ako naggalit-galitan sa anak ko ay hindi ko siya maaya na umuwi. Halos nawili ito sa mga laruan niya. Ang amang konsintidor ay hinayaan lang siya sa kung ano man ang gusto niya. Ako, matapos ang insidente sa banyo pinilit kong baliwalain ang presensya niya. Ayaw kong mahulog muli sa mga bitag niya kahit na harap-harapan niya akong inakit. Ayaw kong mag paapekto sa kanya. “Babe, let’s eat,” aya niya sa amin ng anak ko. “Ang gusto ko ay umuwi na. Anong oras na oh? Baka hinahanap na kami sa bahay," sabi ko sa kanya.“I’ll bring you back to your house later. We will eat first. Don’t worry, Kyla knows that you and my son are here. So, nothing to worry about,” sabi niya sa akin. Inirapan ko naamalang siya. “Ikaw lang naman ang may gusto na dito kami," sbi ko sa kanya. “Kung ako ang masusunod, gusto ko wala ka na lang sa buhay namin.”“Babe, I know, it’s my fault but can you give me a chance to prove tha
Magbasa pa
Chapter 38
Jonathan McKinneyNapatingin ako kay Kimberly ng tumunog ang cellphone ko. Alam kong nakita niya kung sino ang tumawag sa akin. Nakita ko ang disappointed sa mukha niya. Hindi ko sinagot ang tawag noong una ngunit tumawag ulit. Sinagot ko na lang dahil napansin na naman ni Kimberly.“What do you want now?” wika ko sa kabilang linya. “Where are you now, Jonathan?” tanong naman ng nasa kabilang linya. “And why do you care, Mara?” balik tanong ko sa halip na sagutin ko ang tanong nia. “Pinaghahanap mo na naman ang kapatid kong sampid?” tanong naman niya. Alam kong habang sinasabi niya yon ay galit naman siya. “Ano ngayon kong hinahanap ko siya?” tanong ko naman.“Jonathan, hanggang ngayon ba naman siya pa rin? It’s been five years already,” sabi naman niya.“Wala kang pakialam kung hanggang ngayon ay siya pa rin. Kung hindi sana kayo umeksena ang pamilya ay sana nandito pa rin siya. Sana hindi sila naglayas ng mga kapatid niya. At isa pa kapatid mo naman sila. Wala kang concern s
Magbasa pa
Chapter 39
Jonathan McKinneyFLASHBACK…Malalim na ang gabi ng matapos sina Mara sa party ng kaibigan niya. Kaya hindi na rin ako nakabalik pa sa opisina. Napailing na lang ako dahil panigurado naghihintay si Kimberly sa akin ngunit hindi ako nakabalik kaagad. Nag-iisip na lang ako na babawi na lang sa kanya kinabukasan. Hinatid ko si Mara sa bahay nila. Inaya pa niya akong pumasok ngunit tumanggi na ako. Di na rin niya ako pinilit pa. Dahil masyadong malalim ang gabi. Agad naman akong nag byahe papunta sa condo ko. Nang makarating sa condo ay agad kong kinuha ang envelop na nasa drawer ko. Napatingin ako sa envelop na ibinigay sa akin ni Andrius ang kaibigan kong secret agent slash detective upang alamin ang buong pagkatao ni Kimberly. Ito ang pangalawang beses na tiningnan ko ito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na kapatid siya ang dati kong fiancee. Kaya pala sa una ko palang niyang tingnan ay nakikita ko sa kanya si Mara. Ngunit magkaiba lang talaga personality nila.
Magbasa pa
Chapter 40
Jonathan McKinneyFLASHBACK…Hindi ko muna pinansin si Kim nang makarating ako ako sa opisina. Agad akong pumasok sa loob at dumiretso sa banyo na narito sa kwarto ng opisina ko. Nang matapos ay inaya ko si Kim na mag-lunch. Pinagbigyan naman niya ako kahit alam kong nagtatampo ito sa akin. Ganyan naman siya kahit nagtatampo ay pagbigyan ka pa rin. Agad naman kaming bumalik ng opisina matapos mag-lunch dahil naalala kung pupunta ang daddy nila dito sa opisina. “Miss Joville, si Kim na lang ang utusan mong mag bigay ng files sa accounting department. May Ipapagawa ako sayo,” sabi ko sa isang assistant ko sa intercom. Sinadya ko ito upang hindi mapang-abot ang mag-ama. Kakatawag lang ni Mara na nasa lobby na sila.“Noted, sir,” sagot Joville sa kabilang linya. “Alright,” sagot ko at ibinaba ang tawag. Huminga ako ng malalim dahil alam kong may hihilingin na hindi maganda ang magulang ni Mara. Nakarinig ako ng katok mula sa labas ng opisina ko. Iniluwa ito ni Paolo.“Sir, nandi
Magbasa pa
PREV
1234567
DMCA.com Protection Status