All Chapters of You May Now Kiss The Billionaire: Chapter 11 - Chapter 20
73 Chapters
Chapter 11
KASAMA ni Mari sina Gianni at Epiphania sa mall at katatapos lang nila mag-grocery. Pumasok sila sa loob ng restaurant para mag-lunch. Ilang sandali pa ay biglang nakita ni Mari ang Ate Vina niya na tantya niyang galing ito sa cr. “Ate?” gulat niyang sambit dito. Nanlaki ang mata ni Vina at napangiti itong makita ang kapatid after six years. “Mari!” Excited nilapitan niya si Mari at niyakap ito. Humiwalay ng yakap si Mari habang nakangiti siya. “It’s good to see you, Ate Vina. Kumusta ka? Ba’t nandito ka sa Baguio?” “Actually, nandito kami ni Kate ngayon sa Baguio dahil sa business meeting. At kung gusto mo malaman ang buhay ko ngayon, Mari. Ito sunod-sunuran pa rin sa kanila.” Mari rolled her eyes at bigla na lang siya naging seryoso. Hindi niya alam kung bakit mas pinapaboran ng daddy nilang si Robert si Kate kahit hindi naman talaga itong dugong Harrington. “Balita ko na engaged na si Kate?” Napataas ng kilay si Vina. “Hindi pa, Mari, pero malapit na. Teka. How did you kno
Read more
Chapter 12
TULALA nang titigan ni Clarence si Mari habang naglilinis ito ng opisina niya. Hindi niya kasi maintindihan kung bakit naging asawa niya ito sa papel. Paano nangyari ‘yon? Bumuntong-hininga si Clarence saka tumindig. Lalapitan niya sana si Mari pero parang pinipigilan siya ng kanyang paa na gawin ‘yon. Nanlaki na lang ang mata ni Clarence nang magtama ang mata nila nang lumingon ito sa direksyon niya. “S-Sir? M-May problema po ba? O baka may gusto kayong ipalinis pa sa akin?” Nahihiyang marahang tumawa si Mari. “Pasensya na po pala do’n sa vase niyo. Kung alam ko lang na mahalaga pala ‘yon, hindi na ako naglinis sa mesa niyo.” Umiling si Clarence. “No. Ako dapat ang mag-sorry dahil nasigawan kita. Salamat pala sa pagbuo ng vase ko. Alam kong mahirap pero ginawa mo. I didn’t expect that pero salamat.” Napakamot na lang ng ulo si Mari. “Ah. Hehe. Ginawa ko lang naman ang nararapat. At saka kasalanan ko naman talaga ‘yon.” Huminga muli nang malalim si Clarence, iniisip niya kung ano
Read more
Chapter 13
SIX YEARS AGO Clarence sat alone at the bar while nursing his drink. Panay tingin niya sa cell phone kung may reply na ba si Jacob. Magkikita sana sila dahil may ibibigay siyang importanteng dokumento dito. Ilang sandali pa ay tumawag sa kanya si Jacob kaya napatindig siya. “Why is it taking so long, Jacob?” [I’m sorry, Clarence, pero hindi ako matutuloy ngayon d’yan. Na-admit kasi ngayon si mommy at kailangan niya ako. Siguro bukas na lang.] Huminga nang malalim si Clarence. “Ipapadala ko na lang ‘to sa law firm mo.” [Pasensya ka na, Clarence. Hindi ko pa kasi ma-no-notaryo ‘yang marriage certificate ng ate mo. Ibibigay ko na lang kaagad ‘yan kay Atty.Salino.] Bagong pasa lang kasi si Jacob sa bar exam at matagal pa dumating ang Certificate of Authority for a Notarial Act niya. “It’s okay, dude, no worries. Regards ako kay tita, ah? Sabihan mo na magpagaling siya.” [Sure. Thanks bro!] He was about to leave the place when he saw a stunning woman in a red backless dres
Read more
Chapter 14
NANLAKI ang mata ni Mike nang mabasa niya ang marriage certificate ni Clarence. “S-Sir? What’s the meaning of this? Kasal ka na pala kay Marigold Harrington?” gulat niyang tanong habang hawak ang papel. Tumango si Clarence at napahilamos siya ng mukha. Nakaupo lang siya sa couch ng office at malayo ang iniisip. “But how? Paano nangyari ‘yon?” Kinuwento ni Clarence lahat ng nangyari sa kanila ni Mari six years ago. “At dahil sa katangahan ko ay nilagay ko pala ‘yong marriage certificate namin sa envelope. Nasama sa notaryo na dapat kay Ate Diane lang ang natatakan.” “Paano ang engagement at wedding mo kay Kate Harrington?” Huminga nang malalim si Clarence. “I don’t know, Mike. Maybe I have no choice but to ask Mari for an annulment.” Napataas ng dalawang kilay si Mike because he expected that answer. “Hindi ko pwedeng i-delay ang engagement ko kay Kate. Kailangan ko na siyang mapakasalan sa lalong madaling panahon.” “Bakit hindi na lang si Marigold, Sir Clarence?” Napatingi
Read more
Chapter 15
“WHAT are you doing?” pabulong na sabi ni Mari kay Clarence. “Sabayang mo na lang ako kung ayaw mong mapahiya ang anak mo,” mahinang boses na tugon ni Clarence. Tumingin si Clarence sa mga umaaway kina Mari at Gianni. “You don’t have the right na pagsabihan niyo si Mari na nabuntis lang siya sa lalaking hindi niya kilala. That’s only a rumor. We are already married for six years, gusto niyo pa ba ng pruweba? And Gianni is my son.” Kaagad na napalingon si Mari kay Clarence. Hindi niya alam kung talagang may laman ba ang sinabi nito? O baka naman nasabi lang ‘yon para tulongan ang anak niya? Nanliit ang mata ni Clarence sa mga ito. “Now, you have to say sorry sa mag-ina ko. Or else I’ll take legal action.” Napabuga ng hangin ang isa pang babae. “No way! Hindi namin gagawin ‘yon!” Tinaas ni Clarence ang cell phone niya at seryoso niyang tinitigan ito. "I just recorded your conversation as evidence. If you won't apologize to my wife and son, be prepared to hire a lawyer. I’ll mak
Read more
Chapter 16
MAG-IISANG oras nang naghihintay si Kate sa binook niyang restaurant ngunit wala pa ang nobyo niyang si Clarence. Muling lumapit ang waiter para kunin ang order ni Kate. “Ma’am, may I take your order na po?” Kumunot ang noo niya at tiningnan ang waitress. “Hindi ba’t sinabi ko na sa’yo na mag-o-order ako kapag nandito na kasama ko? Don’t you get it?!” inis niyang sabi rito. “O-Okay po, Ma’am, pasensya na po,” nauutal na tugon nito saka umalis. Huminga nang malalim si Kate at saka tinawagan niya muli si Clarence. Pang-limang tawag na niya ito pero di parin ito sumasagot. Ilang sandali pa ay biglang tumawag ang sekretarya ni Clarence. “Hello, Mike? Kasama mo ba si Clarence ngayon?” “Actually po, Ma’am Kate, nagka-emergency meeting kasi si Clarence ngayon. Hindi matutuloy date niyo.” Napatindig sa galit si Kate at tinaas ang boses niya. “What?! Ang sabi niya ay naka-clear ang schedule niya para ngayon. Bakit gano’n, Mike?” galit na tonong tanong niya. “I’m sorry, Ma’am
Read more
Chapter 17
MAAGANG pumunta si Kate sa opisina ni Clarence dala ang niluto niyang breakfast. Alam niya kasing hindi ito nag-b-breakfast bago pumasok sa work. Nanlaki ang mata ni Clarence nang makita niyang nasa opisina na si Kate. “Good morning, hon,” maligayang pagbati ni Kate kay Clarence. Lumapit siya rito para halikan sa labi ngunit umiwas si Clarence. Kumunot ang noo ni Kate. “What’s wrong? Nag-toothbrush naman ako. Bakit ayaw mo magpahalik sa akin?” inis na tanong ni Kate. Natikhim si Clarence at hinarap niya ito. “I was in hurry kaya nakalimutan ko ang mag-toothrbush. I’m sorry, hon,” rason niya rito kaya marahang tumawa si Kate. “That’s so cute, honey. Ayos lang. Come here.” Hinila ni Kate ang braso ni Clarence papunta sa maliit na mesa sa gitna ng mga couch. “I made breakfast for you,” excited na sabi ni Kate. Napalunok si Clarence nang makita niya ang pagkaing inihanda ni Kate. Isang fried egg, limang slices ng bacon, rice and a cup of coffee. “W-Wow! T-That’s sweet of you,
Read more
Chapter 18
PALINGA-LINGA si Clarence habang naglalakad siya sa lobby ng hotel. Hinahanap niya si Mari para humingi ng tawad sa ginawa ni Kate kanina. Clarence asked the concierge on duty na si Lina. “Have you seen Mari?” tanong niya. Umiling si Lina. “Hindi ko po siya nakita. Ang alam ko kasi pinapaglinis siya sa opisina niyo, wala po ba sya do’n?” Ngumiti si Lina at hinawi ang buhok niya dahil sa kilig. “Uhm, ano po pala sasabihin niyo kay Mari? I-re-relay ko na lang po sa kanya.” Pinilig ni Clarence ang ulo nya. “Don’t worry, hahanapin ko na lang siya mamaya.” Ilang sandali ay nag-ring ang cell phone niya. Kaagad niyang sinagot ang tawag ni Mike. “Sir, nasa labas na po ako.” “Wait for me, Mike.” May lakad silang dalawa ni Mike dahil pupunta sila department store para simulan ang pagiging ama niya kay Gianni. Aalis na sana siya nang bigla niyang nakita si Mari kausap si Manager Patricia. Lumapit si Lina kay Mari. “Mari! Nandito ka na pala. Hinahanap ka ni Sir Clarence,” wika ni Lina ha
Read more
Chapter 19
NAKATUNGANGA lang si Mike habang pinagmamasdan niya ang boss niya. Hindi siya makapaniwala sa kinikilos ni Clarence ngayon. Masyado na itong nagiging overacting pagdating sa anak nito. Right. This is his first daddy duty—ang bilhin lahat ng mga gamit sa department store para kay Gianni. “Here you go. Your-five-big-carts, Sir Clarence,” Mike emphasized those words. “Ibigay mo na sa kanila ang four carts. Atin ang isang cart dahil pupunta tayo sa toys area.” Napabuka ng bibig si Mike. Hindi pa nakuntento si Clarence sa pang-ho-hoard sa kids wear and accessories, at kailangan pa nilang pumunta sa toy area. Kung sabagay, hindi makukumpleto ang regalo kung walang mga laruan. Nanlaki na lang ang mata ni Mike nang sunod-sunod na ipinasok ni Clarence ang mga nahahawakan nitong laruan sa cart nila. Pinulot ni Mike ang isang laruan na para lang sa two to three years old. “Sir? Mukhang mali po ang nakuha niyo. Pang toddler to, e? Mag-se-seven na po si Gianni.” “Oh right! Sorry. Tulungan m
Read more
Chapter 20
PINAKILALA ni Mari kina Clarence at Mike ang Lola Epiphania niya. Imbis na kamayan ng matanda ang mga ito ay muli siyang nagsalita.“E hindi ba’t birthday din ng anak mo ngayon? Bakit nandito ka?” tanong muli ni Epiphania. Napalunok si Clarence at nanginginig ang buo niyang katawan sa kaba. Napatingin na lang siya kay Mike. Bakas sa mukha ni Clarence na kailangan niya ng tulong mula sa secretary niya. Samantala, hindi naman makapaniwala si Mari sa narinig niya mula sa kanyang lola. Totoo nga bang may anak na si Clarence? Tumikhim si Mike. Sinubukan niyang maging confident sa harap ng matanda para hindi sila pagdudahan. “Uhm, mali po kayo ng narinig. Hindi niya talaga anak ‘yon.” Kumunot ang noo ni Epiphania dahil klarong nadinig niya ang sinabi ni Clarence kahapon na birthday ng anak nito ngayon. “E paanong mali? Ang sabi niya sa akin ay anak niya raw?” Marahang tumawa si Clarence. Katulad ni Mike, he is also trying to act confident. Huminga siya nang malalim at napawi ang kaba
Read more
PREV
123456
...
8
DMCA.com Protection Status