Napahiya si Jenny sa iniisip kaninang hindi maganda. Pagliko nga niya ay may hospital. Ngayon niya lang napansin na maraming gusali sa bandang ito. Malapit lang din pala sa pinangyarihan kanina."Kuya, sorry ha, salta lang kasi ako sa lugar na ito at naliligaw. Huwag kang mag alala at babayaran ko lahat ng maging gastos at—ahh shit may kambing!" Naapakan niya ang prino ng sasakyan."Argh!" Nanlaki ang mga mata ni Jenny nang marinig ang nasasaktang daing ng binata. Nakalimutan niyang hindi ito nakasuot ng seatbelt. Pahamak na kambing, biglang tumawid ng daan. "Kuya, ayos ka lang ba?" Nakagat ni Jenny ang hintuturo nang hindi sumagot ang lalaki. Nanatili itong nakayupyop sa dashboard. Muli siyang kinabahan, mukhang lumala ang tama sa lalaki dahil sa kaniya. Hinawakan niya ito sa balikat upang pabalikin sa pagkasandal sa upuan. "P*ta, Jenny, anong kamalasan itong ginawa mo?" Natakot na naman siya at dumugo na ang bandang noo ng lalaki dahil napalakas ang umpog sa matigas na bagay. Mu
Magbasa pa