Lahat ng Kabanata ng The Remarried Perfect Housewife: A Mafia Boss Proposal: Kabanata 51 - Kabanata 60
90 Kabanata
Kabanata 51
“Luca, don't be rude. Eat your vegetables.” mahinang bulong ni Valentina sa kanyang kapatid nang makitang nilalaro-laro lamang nito ang pagkaing nasa harapan nito.Bumulong si Luca pabalik sa kanyang ate. “I don't get it. Rice and vegetables as breakfast? Para na ‘tong lunch.”“What? It's a typical Filipino commoner style. Kanin sa umaga, tanghali, at gabi. Learn to adapt, since this isn't our place. Eat your food.”Napapanguso na walang nagawa si Luca na tikman ang gulay kasama ng kanin. Akala niya ay hindi masarap. Subalit nang malasahan niya ay agad siyang napahanga. “Wow, what kind of gulay is this?”Nadinig ni Lordes ang batang si Luca at napatugon sa kabila ng pakikipag-usap kina Celeste. “Adobong talbos ng kamote iyan, anak.”“What? Akala ko meron lang adobong manok at baboy. Meron din palang ganito?”“Oo naman, iho, naku! Kung dito ka sa probinsya marami ka pang malalamang iba't-ibang klase ng putahe! Masasarap kahit na hindi kamahalan ang mga pampalasa!”“Really?” naputol ang
Magbasa pa
Kabanata 52
At Semion's Residence…“Pinatay nila lahat.” nanlalambot na naiusal ni Celeste matapos ibigay sa kanya ni Diego ang isang dokumento sa pag-uutos ni Semion.“Yeah, mukhang ang pagkitil ng buhay ang pinakamadaling solusyon para sa mga Allegra.” saad ni Semion habang umiinom ng red wine. “Your family lawyers, estate planners, accountants, and financial advisors, lahat sila patay na. At imposibleng coincidence lang ‘yun, dahil ayon sa mga autopsy and investigations, ang kinamatay nila ay car accidents—drunk driving, brake failure, rollover accidents, and even distracted driving. All are ridiculously related! Hindi man lang nila sinubukang baguhin ang strategy nila.”“Pati magulang ko at si kuya car accidents din.” Nahilot ni Celeste ang sintido. “Paano na ‘yan? Sila ang kailangan natin para sa mga dokumento ng mga properties and assets ng pamilya namin. Paano mapapatunayan na sa amin ang probinsya kung walang legal na mga dokumento?”“Well bago ‘yan,” sinenyasan ni Semion si Diego para ma
Magbasa pa
Kabanata 53
[MAKIBAKA, ‘Wag Matakot!][Patalsikin ang mga Allegra sa lupang hindi sa kanila!][Hindi niyo na kami mapapatahimik!][Hustisya! Hustisya! Hustisya para sa lahat ng magsasakang minasaker nila!][LALABAN, hindi na aatras!]Ilang beses na napakurap-kurap si Governor Demetrio Allegra habang naiwang nakaawang ang kanyang bibig. Kasalukuyan ngayong inuulat sa balitang umaga ang pagra-rally ng mga magsasaka sa lupang kinatitirikan nila at ito pa nga'y live na nangyayari at pinalabas sa telebisyon!“Gobernor!” napasaklolo sa kanya ang babaeng sekretarya nang mahilo siya at mawalan ng balanse.Napakapit si Demetrio sa kanyang office table habang alalay ng sekretarya. “P-Patayin mo, patayin mo ang screen ngayon din!” galit niyang utos.“Opo!” dali-dali siyang binitawan ng babae para kunin ang remote at patayin ang telebisyon.Ang malaki at malapad niyang dibdib ay panay ang taas-baba na animo nahihirapan na sa pagkuha ng hangin sa ere. Malakas ang pagdagundong ng puso niya at pakiramdam niya’y
Magbasa pa
Kabanata 54
“We absolutely cannot do that. Hindi natin pwedeng patayin si Celeste, Dad.” matigas na pagtutol ni Darson sa kanyang ama.Nagningas ang mga mata nito sa kanya. “Anong sinabi mo? Bakit? May nararamdaman ka ba sa babaeng ‘yon? Are you fuckin' kidding me right now?”Bago pa siya sugurin ng kanyang ama para pagbuhatan ng kamay ay kaagad na siyang nakapagpaliwanag. “Sa tingin mo ba talaga matatahimik sila kung sa ganitong klase ng sitwasyon pa biglang mawawala si Celeste? Lalo lang magkakagulo at lalo lang tayong malalagay sa alanganin. Gamitin mo ang utak mo ngayon; hindi itong nagpapadalos-dalos ka sa pagdedesisyon. Mas lalo lang tayong mapag-iinitan ng mga Lombardi at hindi malayong tayo pa ang mapapatumba sa huli!”Nakita niya ang pagtiim-bagang ng kanyang ama na hindi niya kinatakot.Dahil kung iisipin, totoo naman talaga ang sinabi niya. Pinagbantaan na sila ng pamilyang Lombardi matapos pahiyain sa harapan ng maraming tao, tanda ng pagiging seryos ng mga ito sa pagprotekta kay Cele
Magbasa pa
Kabanata 55
*BANG*BANG*BANG*“Clean everything here now.” malamig na utos ni Semion sa kanyang mga tauhan matapos iputok ang baril sa tatlong mga lalaking nagtangka ng kanyang buhay.“Opo, Boss!” masigasig na sumunod ang mga tauhan para iligpit ang mga bangkay.“Hold my gun, Diego.” inabot niya kay Diego ang kanyang baril at napapagod na nagtungo sa opisina ng kanyang underground hideout.Hindi tulad sa napakagalante niyang opisina sa sariling mansyon at kumpanya na nagkikinangan sa ginto at dyamante, ang opisina ng kanyang hideout ay siyang kabaliktaran. Walang ibang desenyo at puro itim na kulay lamang ang makikita dahilan kung bakit madilim sa loob. Naka-display din sa mga pader ng silid ang iba't-ibang klase ng mga armas at gamit pang torture.Wala kagana-ganang naupo si Semion sa malaking itim na leather chair. Pinatong niya pa ang mahahaba niyang binti sa lamesa bago naglabas ng kulay itim na sigarilyo at lighter.Sandali siyang nanatili sa ganoong posisyon na animo nirerelax ang sarili, ng
Magbasa pa
Kabanata 56
““Kaliwa't kanan na mga kaso at court hearings ang kinakaharap ngayon ni Governor Allegra dahil sa isyu ng mga pagnanakaw ng mga lupain, misteryosong pagkawala ng ilang mga residente at daang magsasaka, maging ang ilegal na pagpapatayo ng mga infrastructure.””““Mainit ngayon sa mga netizen si Governor Allegra. Maraming kabataan ngayon ang humihingi ng hustisya at katarungan para sa mga magsasaka sa pamamagitan ng pagra-rally, pagbisita sa kinaroroonan ng biktima, at pag-abot ng mga kaunting tulong pinansyal at relief goods.””““Nananawagan naman ang spokesperson, lawyer, at partido ni Governor Allegra na huwag magpakalat ng mga hindi makatotohanang bintang tungkol sa kanya at sa kanyang pamilya. Ayon sa kanilang estamento, gagawin nila ang lahat para patunayan na malinis ang kanilang konsensya, at ang isyu na kumakalat ngayon ay walang iba kundi isang black propaganda lamang laban sa kanila. Nananatiling tahimik si Governor Allegra dahil anumang sabihin nito ay gagamitin laban sa kany
Magbasa pa
Kabanata 57
Matagal na nakatulala si Celeste sa harapan ng salamin wari'y mayroong malalim na iniisip.“Senyora, ayos ka lang ba?” pukaw sa kanya ni Lisa.Kasalukuyan siyang inaayusan ng buhok at itsura nila Lyn at Lisa, habang siya'y tahimik na nakaupo sa harapan ng vanity table.Walang kagana-gana siyang tumango. “Ayos lang naman, bakit?”“Hmm? Sigurado ka po? Para kasing hindi naging maayos ang tulog mo kagabi at wala kang enerhiya ngayong umaga. Napuyat po ba kayo?” masusing tanong pa ni Lisa.Napaisip si Celeste at malakas na napabuntong-hininga. “Hindi ko alam… parang maraming nangyari kagabi habang natutulog ako pero sa sobrang gulo hindi ko na maalala.”“Kaya po ba malalim at namumula ang mga mata niyo ngayon. Senyora?” pagtatanong naman ni Lyn na siya ring nakapansin sa hindi pangkaraniwan niyang temperamento.“Namumula ang mga mata ko?” natauhan si Celeste at muling pinukusan ang mukha niya sa salamin. Nagulantang siya nang makita kung gaano namamaga ang mga mata niya na pinagbibidahan
Magbasa pa
Kabanata 58
‘Dalawang buwan versus halos dalawang dekada.’ Napatawa si Diego sa kanyang isipan.Naiintindihan ni Diego na hindi madali para kay Celeste na burahin ang nararamdaman nito para sa dating asawa lalo na sa ikli ng panahon. Siguro nga ay kahanga-hanga na rito ang hindi pagpapakita ng emosyon sa tuwing nababanggit ang pangalan ng lalaking iyon.Ang pagmamahal, sakit, trauma, hinanakit, at poot sa dati niyang asawa ay naghalo-halo na. Kahit sino naman siguro na maranasan ang sinapit niya ay pipiliin na lang na tigasan ang puso.Kahit din si Diego na single buong buhay ay nauunawan ang mga ganoong bagay. Lalo na't lumaki siya sa kanyang ina noon na ilang beses niloko ng kanyang ama. Naalala pa ni Diego ang pang-aabusong pisikal ng kanyang ama sa kanyang ina, maging ang paglalason sa isipan nito. Para sa kanya noon na musmos na taong gulang pa lamang, ay talaga namang trauma ang inabot niya resulta kung bakit ayaw niya ng katuwang sa buhay ngayon.Sa huli ay pinili ng kanyang ina na wakasan
Magbasa pa
Kabanata 59
“Primo Semion!” nagulat si Lisa, isa sa personal na alalay ni Celeste nang makita si Semion na pumasok sa loob ng mansyon hating gabi na. “Uuwi ho pala kayo ngayong gabi.”Tumango siya. “Where's Celeste? Natutulog na ba siya?”“Opo, Primo! Maagang natulog si Senyora dahil hindi naging maganda ang tulog niya kagabi at napagod siya sa mga gawain niya ngayong araw.”“Is that so? Alright, I'll head up. Lock the door.”“Opo, Primo!”May malalaking hakbang siyang nagmartsa patungo sa mahabang hagdanan at may pagmamadaling tinungo ang kwarto nila ni Celeste.Sa katunayan ay hindi naman talaga dapat siya uuwi ngayong gabi dahil abala siya sa pamumuno sa kanilang organisasyon, at sinayang pa iyon ni Diego nang dalhin siya sa bar na iyon. Kaya naisipan na lang niyang umuwi tutal nasira na ang gagawin niya.Nang makarating siya sa silid ay maingat niyang binuksan ang pintuan upang pumasok sa takot na baka magising niya si Celeste. Hindi siya gumawa ng anumang tunog hanggang sa maisara ang pintua
Magbasa pa
Kabanata 60
“I'm sorry, I didn't know…” napayuko si Celeste sa kanyang mga daliri sa sandaling iyon.Wala siyang kamalay-malay na nangyayari sa kanya ang bagay na iyon sa pagtulog. Wala siyang ideya na pinapanaginipan niya ang mga magulang niya at umiiyak siya sa pagtulog!“S-Sorry!” napatakip siya bigla ng mukha gamit ang dalawa niyang palad. “Hindi ko talaga alam, Semion. Paniguradong naiistorbo ko ang pagtulog mo! Sorry talaga!”Sa loob ng isang buwan nilang magkasamang natutulog sa gabi? Nakakahiya na hindi niya namamalayang nagpapakita siya ng ganoong klase ng kahinaan kay Semion!“Please don't get me wrong, Celeste.” dinig niyang malumanay na sabi ni Semion. “Hindi ko sinasabi sa'yo ‘to ngayon para pahiyain ka o idiskrimina, gusto ko lang na malaman mo at mapagaling ang kondisyon mo.”Binaba niya ang mga kamay niya at may mahabang ngusong tiningnan muli si Semion. “May mai-rerekomenda ka ba sa aking tao na makakatulong sa akin? Kasi kahit anong isipin ko, wala naman talaga akong naaalalang b
Magbasa pa
PREV
1
...
456789
DMCA.com Protection Status