Lahat ng Kabanata ng The Remarried Perfect Housewife: A Mafia Boss Proposal: Kabanata 41 - Kabanata 50
85 Kabanata
Kabanata 41
Sumilip ang sinag ng araw sa kwarto kung saan magkayakap sina Semion at Celeste sa kama. Parehong mga walang saplot ang katawan, may panlalagkit man ngunit napakakomportable nila sa ganoong posisyon.Nang gumalaw si Celeste at tangkaing bumaling ng pagkakahiga palikod kay Semion ay hindi siya nito hinayaang makagalaw, sa halip ay mas lalong pumulupot ang mga braso ni Semion sa kanyang katawan.“Mmm,” napareklamo si Celeste sa pagtulog, iniisip kung anong mabigat ang nakadagan sa kanya at pawang pumipigil sa kanyang gumalaw.Hindi lang ‘yon, napakiramdaman niya ang sariling katawan na parang dinaanan ng isang truck, partikular sa kanyang pribadong parte. Malagkit at hindi komportable, gusto niyang magbanyo nang makaramdam din ng pagkaihi.“Don't move, sleep more.” malambing at antok na boses ang bumulong sa kanyang tainga kasabay ng pagmudmod ng kanyang mukha sa isang matigas na dibdib at pagpatong ng isang mabigat na binti sa kanyang nakatagilid na katawan.“Uhm!” hindi nakahinga ng m
Magbasa pa
Kabanata 42
Nakailang kain na ng hotdog at itlog si Celeste bago niya lamang mapansin ang mga matang nakatitig sa kanya sa hapagkainan. Ngingiti-ngiti ang kanyang Tita Isabella, Tito Alessandro, at maging si Ate Val.“May gusto mo po ba kayong sabihin?” nahihiya pang tanong niya.“Ay, wala naman, wala,” umiling-iling si Tita Isabella. “Mukhang napagod ka kagabi, kaya sige’t kumain ka pa ng marami!” hindi nawala ang ngiti nitong iyon na parang mayroong pinapahiwatig. “Selya! Maglagay ka pa rito ng mga putahe nang makakain pa si Celeste.”“Opo, Senyora~”“Ah, pabusog na rin po ako, Tita, baka hindi ko na kayanin!” napatanggi siya dahil hindi siya sanay na marami ang kinakain. Sa katunayan ay sanay siyang ang kinakain lamang na pagkain ay kung ano ang nasa harapan niya sa hapagkainan dala ng etiquette. Ngunit sa kasalukuyan ay inaabutan siya ng mga pagkaing malalayo sa kanya.“You eat so little, iha,” pagsasalita ni Primo Alessandro. “Hindi ka mabubusog ng ganiyan. Look how skinny you are! Kailangan
Magbasa pa
Kabanata 43
“Isa-isa nang napadala ang mga formal invitations sa gaganaping wedding natin.” blangkong ekspresyong saad ni Semion. “Kabilang na roon ang pamilyang Allegra. Nandiyaan ang listahan ng mga imbitado. Mayroon ka pa bang gustong idagdag?”Binasa ni Celeste sa mga piraso ng papel ang mga pangalang imbitado sa kasal nila ni Semion. Naroon na ang mga peke niyang kaibigan at ang mga taong minsang tinapakan ang pagkatao niya nang bumagsak ang kanyang pamilya.“Um, Semion, kung puwede sana, mayroon pa akong gustong imbitahan sa kasalan na ‘to.”“Sure, who are they?” napasandal si Semion sa itim na kutson sa sala.“Mga farmers sila ng pamilya namin. Dahil masyado akong nagluluksa nitong mga nakaraang taon at buwan, hindi ko na sila nababantayan. Ayaw ko naman isipin nila na tuluyan nang nawala ang mga Costa gayong nandito pa naman ako. Halos kapamilya na rin kasi namin sila kaya gusto ko na sa kasal na iyon ay hindi puro pakitang tao lang ang makikita ko.” paliwanag ni Celeste.“Hmm, sure. Shoul
Magbasa pa
Kabanata 44
“I-Ito na ba ang probinsya niyo, Celeste?” utal na pagtatanong sa kanya ni Valentina.Tanaw-tanaw nila ang isang lugar na halos tinuyuan na ng mga puno't halaman. Halos kalbo na ang noo'y may nagtataasang mga damo at palay. Wala na rin ang kagandahan ng mga natayo roong mga gusali na halos lahat ay abandona na.Nagmamadaling nagtungo si Celeste sa tabing ilog kung saan noon naipapamalas ang kagandahan ng lugar. Ngunit laking gulat niya nang makita ang mga basurang nakatambak sa paligid niyon. Mayroong nakaharang na mga bakal bago pa man makapasok ng tuluyan sa tabi ng ilog doon na animo ginawang pribadong lugar paliguan.“A-Anong nangyari dito?” hindi siya makapaniwala sa nakikita. Wala ang inaasahan niyang ganda ng unang lugar sa kanilang probinsya na kanilang pinuntahan.Ito ay lupain ng pamilya Costa na nakapangalan mismo kay Celeste. Kung kaya't alam niya na hindi ito basta-bastang maaagaw ng kamag-anakan nila, lalo na't buhay na buhay pa siya.“Hali kayo, puntahan natin sina Nanay
Magbasa pa
Kabanata 45
“Pagpasensyahan niyo na at hindi naging maganda ang unang impresyon ko sa inyo mga iha at iho.” paghingi ng paumanhin ni Lordes sa mga galanteng tao na kasama ni Celeste ngayon sa kubo-kubo niya.Nag-unahan ang tatlo sa pagtugon at nangibabaw ang boses ni Valentina. “Tita, ‘wag niyo po ko kami masyadong intindihin. Nauunawaan namin ang sitwasyon niyo ngayon. Wala po kami rito para pagsilbihan niyo, dapat nga'y kabaliktaran no'n dahil ang pakay namin ay makuha ang pabor niyo.” magandang ngiti ang pinakita ni Valentina.Hindi iyon pamilyar na pag-uugali ni Valentina para kina Luca at Semion. Hindi rin sila sanay sa mababang tono ng boses ng kanilang ate.“Ay, naku! Kayo ay mga bisita ko, natural lang na pagsisilbihan ko kayo,” gusto sanang tumayo ni Lordes mula sa kinauupuan sa kahoy na upuan nang may mapagtanto. Nahihiya siyang napakamot sa ulo. “Pero pasensya na, wala kasing kinita ang anak ko na si Felip sa bukid ngayon, kaya wala rin akong maihahanda sa inyo.”“Tita, hindi niyo po k
Magbasa pa
Kabanata 46
Nang muling mahimasmasan sina Lordes at Celeste mula sa paghagulgol ng iyak, pagdadamayan, paghingi ng kapatawaran, at pagpapaliwanag sa mga nagdaang pangyayari upang magpalitan ng impormasyon, ay kalmado at napreskuhan na sila ngayong nakaupo habang umiinom ng malamig na juice---na itong pang iniutos ni Semion sa mga tauhan niya na ihanda.“Kung gayong alam mo na ang kasamaan ng mga Allegra nang inabandona ka ng demonyinto mong asawa, tiyak na talagang hiwalay na kayo, hindi ba?” paniniguro pa ni Lordes kay Celeste kapagkuwan.Sunod-sunod na tumango-tango si Celeste. “Dalawang buwan na mula nang maghiwalay kami. Kahit pa sobra kong pinagsisisihan na hindi ako namulat noong una pa lang, ay masuwerte parin akong hindi pa huli ang lahat para sa akin.”Nakahinga pa lalo ng maluwag si Lordes. “Mabuti! Mabuti kung gano'n! Salamat naman at ligtas ka na mula sa mga Allegra!” natutuwang bumaling ng pansin si Lordes sa katapat na upuan kung nasaan sina Semion. “Iho, Semion, maraming salamat sa
Magbasa pa
Kabanata 47
“‘Nay!”Sa kalagitnaan ng pag-uusap at tawanan nila Semion, Celeste, Valentina, at Lordes, ay isang boses ng lalaki ang nangibabaw sa loob ng kubo.Pumasok sa kahoy na pintuan ang isang lalaki, suot ang marungis na damit pambukid, at balanggot sa ulo. May dala-dala itong dalawang maduduming sako na punong-puno at mukhang mabigat.“Nanay?” ang kayumanggi nitong balat ay mukha pang nasunog dahil sa sikat ng araw sa pinanggalian nito. Binitawan nito ang dalawang sako na may pagtatakang tinitingnan ang mga malalaking tao sa maliit nilang kubo.“Felip, anak!” Natutuwang napatayo ang kanyang ina na si Lordes mula sa kinauupuan katabi ang napakagandang babae para salubingin siya. “Mabuti at nakauwi ka na rin sa wakas!”“Ah, opo, ‘Nay. Tapos na ang trabaho namin. T'saka nagpamigay nga pala si Kapitan Pablo ng mga mais at kamoteng kahoy, pang ilang linggo na rin nating pangtawid ‘to.”“Wow, nagpasalamat ka naman ba? Kahit ganoon ang kapitan, mabait na tao parin ‘yon.”Napatawa si Felip. “Syemp
Magbasa pa
Kabanata 48
Ilang segundong nagtitigan ng masama sina Semion at Felip na animo dinadaluyan ng kuryente ang titigan nilang iyon. Parehong napatiim-bagang ang dalawa ngunit nanatiling tahimik.“Ay hala!” nagugulat na bigkas ni Celeste nang maproseso ang biglaang pangyayari ngayon-ngayon lang. Naramdaman niya ang tensyon sa dalawa at hindi maiwasang magtaka na kumapit sa braso ni Semion.Samantalang kinapitan naman ni Lordes ang anak niya nang may kaguluhan. “Ano ka ba naman? Hindi ka dapat magsalita ng ganyan sa bisita!” puno ng paumanhin niyang hinarap sa si Semion. “Pasensya niya, iho! Wala pa kasi siyang alam sa nangyayari kaya kung ano-ano na’ng pinagsasabi!”Doon lamang natauhan si Semion at pinutol ang sama ng tingin sa lalaking iyon para bumaling sa nanay nito. “It's okay, ‘Nay---"“Ano ba kasing dapat kong malaman?” walang pasensyang putol ni Felip kay Semion. “Dahil sa anggulo na nakikita ko ngayon, hindi dapat mag-asawa si Celeste agad matapos ng nangyari dahil kailangan niyang magdoble i
Magbasa pa
Kabanata 49
Ang akala ni Celeste ay magiging madali lang para kay Felip na magbago ang pakikitungo kay Semion nang ikwento niya ang ‘pekeng’ love story nila ni Semion, subalit sa halip ay mas lalo lamang sumama ang loob nito sa hindi malamang dahilan.“Hindi ba kapani-paniwala ang ginawang love story natin, Semion?” takang tanong niya sa lalaki, habang pinapatuyo ang kanyang basang buhok gamit ang tuwalya.Katatapos lamang niya maligo sa loob ng maliit na banyo ng inuupuhan nilang maliit na apartment sa lugar. Naupo siya sa kama, tiningnan si Semion na kanina'y nangangalikot sa cellphone, at ngayo'y may blangkong itsurang bumaling ng pansin sa kanya.“Why though? Does it matter?” tanong nito sa kanya. “Ano naman kung hindi maniwala ang lalaking ‘yon? May magagawa ba siya para mapigilan ang kasal?”Bahagyang natigilan si Celeste. Guni-guni niya lang ba? O masama talaga ang mood ni Semion magmula kanina pa?“Hindi naman sa gano'n,” aniya. “Pero kasi para ko na rin siyang pamilya, kaya mas nakakagaa
Magbasa pa
Kabanata 50
“D-Darson… h-huwag…”Kagaya ng nakasanayan at karaniwang nangyayari tuwing alas kwatro ng madaling araw, nagising si Semion dahil sa mga mahihinang halinghing ni Celeste habang ito'y malalim na natutulog.Tumagilid siya ng higa para pakatitigan ang mukha ni Celeste. Mayroong malamig na pawis ang namumuo sa noo nito kasabay ng naipong mga likido sa mahahaba at makakapal na pilik-mata nito.“Darson…” mas nalukot ang mukha ni Celeste at pinanginginigan ng katawan.Malamig ang mukha at walang ekspresyong pinanood ni Semion ang kalagayan na iyon ni Celeste. Matagal niyang hinayaang ganoon si Celeste hindi katulad noon, bago niya muling niyakap ang katawan ni Celeste at kinulong sa kanyang mga braso.“I'm here.” walang ganang aniya saka sinuklay ang likod ng buhok ni Celeste.“Hmm…” doon lamang pawang nakahinga si Celeste. Natigil ang panginginig at natigil ang mga halinghing.Muling pinikit ni Semion ang kanyang mga mata.Noong unang gabi na nagkatabi sila ni Celeste sa iisang kama, ay tan
Magbasa pa
PREV
1
...
34567
...
9
DMCA.com Protection Status