All Chapters of ANG LIHIM NA ASAWA NG BILYONARYO: Chapter 131 - Chapter 140
228 Chapters
Chapter 68.1
Bigla na lamang nagulat si Annie nang marinig niya ang pag-ring ng kanyang cellphone. Kaagad niyang dinukot ito mula sa kanyang bag upang tingnan kung sino ang tumatawag at doon nga niya nakita na si Lucas pala ang tumatawag. Dahil rito ay mabilis niyang pinatay ang tawag nito nang hindi man lang pinag-iisipan.“Bakit hindi mo sinagot?” tanong naman sa kaniya ni Olivia bigla.“Ayokong sagutin dahil kapag ginawa ko iyon ay baka makaapekto lang iyon sa mood ko sa halip na masaya ako e.” sabi niya rito.Napatango naman kaagad si Olivia dahil sa sinabi niya. “Tama nga ang naisip mo.” pagsang-ayon naman nito sa kaniya.Samantala nang patayin ni Annie ang tawag ni Lucas ay bigla na lamang umahon ang galit niya rito. Dahil sa sobrang inis niya ay muli lang niyang tinawagan ito sa pangalawang pagkakataon ngunit muli nitong pinatay ang kanyang tawag kaya hindi pa rin siya tumigil at tinawagan niya itong muli sa pangatlong pagkakataon.Sa huli ay pinatay lahat ni Annie ang kanyang tawag ng wal
Read more
Chapter 68.2
Bigla na lamang nahiya si Annie dahil sa papuri nito sa kaniya. “Salamat Via, pero alam kong napakalayo ko kumpara sayo no. isa pa ay masaya pa rin ako sa sinabi mo, salamat.” sagot naman niya rito kaagad.“Ano bang sinasabi mo, ang ganda-ganda mo kaya. Maswerte lang talaga ako at nakapasok ako sa entertainment industry pero sinong may sabi na lahat ng mga pumapasok doon ay mga magaganda? Sa katunayan nga ay mas marami pang maganda na hindi artista e at syempre isa ka sa kanila.” dagdag pa nitong sabi.“At…” tumigil ito at pagkatapos ay bigla na lamang nitong hinawi ang kulot nitong buhok at ibinaba ang salamin nito at pagkatapos ay matamis na ngumiti sa kaniya. “Isa kang kamahal-mahal at mabuting babae samantalang ako ay—”“Via ano ka ba mas maganda ka pa nga sa akin at higit sa lahat ay napaka-seksi mo pa dahil halos wala pa akong nakitang mas seksi pa sayo?” putol niya sa sinasabi nito. “At isa pa ay kaakit-akit ka rin at napakalakas ng dating mo.” dagdag pa niya rito.“O siya tama
Read more
Chapter 69.1
Napangiti si Annie ng palihim katulad ni Olivia kanina. “Kung hindi mo sasabihin sa akin ang dahilan ng pagngiti mo ay ililihim ko rin sayo ito.” palihim niyang bulong sa kanyang sarili habang nasa harap ng counter.Ang suit ay napakaganda ng pagkaka-pack at ibinalot sa isang napakagandang kahon. Nang kunin ni Annie ang invoice para bayaran ang bill ay bigla na lamang napasimangot si Olivia dahil sa totoo lang ay nagustuhan niya talaga ang suit na iyon noong una pa lang na dumapo ang mga mata niya rito.Kung sakaling maisuot ni Tristan ang kulay asul na suit na iyon ay tiyak na magiging elegante itong tignan at hindi magiging isang normal lang na tao. Ngunit nang maisip niya iyon ay bigla na lamang siyang napaisip bigla kung bakit nga ba niya dapat ibigay ang suit na iyon rito?Napakagat siya sa kanyang labi ng wala sa oras at pagkatapos ay napaisip.Samantala nang mabayaran naman ni Annie ang suit ay agad-agad na siyang lumabas mula doon at dali-daling inabot kay Olivia ang hawak niy
Read more
Chapter 69.2
Pagkatapos nga ng ilang pagbabago ang kuha ay kaagad na nag-iba na mas lalo pang gumanda at pwede na itong pang magazine.“Wow Annie, bakit hindi ka na lang pumasok bilang isang model? Para lahat ng makakita sayo ay mamatay sa inggit bigla.” tuwang-tuwa na sabi nito sa kaniya.Hindi siya kaagad na nakapag-react sa sinabi nito dahil wala siyang alam sa sinasabi nito. Nalilito siya. At dahil nga wala siyang maintindihan ay kaagad na tumunog ang cellphone niya at nang tingnan niya ito ay kaagad niyang nakita ang mga larawang galing kay Olivia. Agad niyang binuksan ang mga iyon at pagkatapos ay hindi makapaniwalang napatitig siya sa mga iyon isa-isa.“Ako ba talaga ito?” hindi makapaniwalang tanong niya kay Via habang tinitingnan niya pa rin ang mga ito.“Wala ng iba pa.” masayang sagot naman nito sa kaniya.“Paano mo ito ginawa?” tanong niya rito.“Ipinaayos ko yan sa mga kasamahan ko.” sagot naman ni Olivia sa kaniya.“Via, napakaganda ko…” bulong niya.Samantala ay kaagad na pumili si
Read more
Chapter 70.1
Dahil nga sa impormasyon sa text message ay nalaman ni Lucas kung nasaan si Annie nang mga oras na iyon at madali na lamang itong hanapin doon. Alam niyang hindi pa ito nakakalayo mula doon. Agad siyang tumayo at kinuha ang coat niya at handa na sanang lumabas ngunit pagbukas niya ng pinto upang hanapin na sana si Annie ay eksakto namang nasa tapat na ng kanyang pinto si Kian.Agad na nagsalita ito at napagtanto niya na mas importante pa iyon kaysa ang hanapin si Annie. Hindi niya pwedeng ipagsawalang bahala iyon. Nang matapos siyang makinig sa sinabi nito ay kaagad niyang inutusan ito. “Magpatawag ka kaagad ng meeting kasama ang mga board of directors.” sabi niya rito.“Masusunod po sir.” agad na sagot nito at pagaktapos ay tumalikod na rito. Dahil nga doon ay naudlot ang plano niya na paghahanap kay Annnie ng mga oras na iyon.Samantala nagpatuloy naman si Annie at si Olivia sa pamimili maliban na lamang sa unang palapag na pawang mga tindahan ng mga alahas. Sa mga ibang palapag ay
Read more
Chapter 70.2
Ngumiti si Olivia sa kaniya at pagkatapos ay inilabas ang card nito mula sa kanyang bad. “Ito ang pangbayad mo ng sa akin. Maghiwalay na lamang tayo ng bayad.” sabi nito sa kaniya samantala ay napanguso naman siya bigla dahil sa sinabi nito sa kaniya.“Bakit ayaw mong pumayag na bayaran ko ang kwintas? Ibibigay ko ito sayo bakit bigla na lang nagbago ang isip mo?” tanong niya rito bigla.“Kalimutan mo na yun. Okay lang yan. Ayokong gastusin ang pera ni Lucas para lang may masabi siya sa akin kung sakali o kaya maisumbat ganun hindi ba?” hindi siya nakaimik bigla sa sinabi nito.“Isa pa ay hindi ko siya bibigyan ng chance para suhulan ako no.” dagdag pa nito sa kanya.Nang marinig niya ang sinabi nito ay hindi na lamang niya ipinilit ang gusto niya at hinayaan na lamang ito. Isa pa ay alam niya namang mahirap baguhin ang desisyon ni Olivia lalo na kung napag-isipan na niya ang desisyon niya. Nagbayad silang dalawa ng bill ng magkahiwalay.Akmang paalis na sana sila ng jewerly store nan
Read more
Chapter 71.1
Nang makita ni Olivia ang eksena sa kanyang harapan ay dali-dali siyang lumapit sa mga ito at bago pa man dumapo ang kamay ng babae na kasama ng haliparot na si Trisha sa mukha ni Annie ay bigla na lamang gumalaw si Trisha at pinigilan ito.Agad naman na nanlaki ang mga mata nito at pagkatapos ay napasigaw sa kaniya. “Bitawan mo ako!” galit na galit na sigaw nito sa kaniya at nanlilisik pa ang mga matang nakatingin kay Annie ngunit hindi siya binitawan nito.“Cathy, huminahon ka. Huwag kang sumigaw.” saway naman kaagad ni Trisha rito at agad din namang kumalma ang babae. Cathy pala ang pangalan ng talipandas na ito na gustong manakit sa kaibigan niya.Pagkasabi ni Trisha nito ay bigla na lamang niyang binitawan ang kamay nito at dahan-dahan din naman nitong ibinaba iyon pagkatapos ay hindi ito makapaniwalang napatingin kay Trisha. “Ate bakit mo ako pinigilan?” tanong nito.“Dahil ayokong mapahamak ka.” seryoso namang sagot ni Trisha rito.“Anong ibig mong sabihin na mapahamak ako ate?
Read more
Chapter 71.2
Mabilis siyang nagpunta sa counter at nanghingi ng upuan at mablis din naman siyang binigyan ng mga ito sa kaniya. Ilang sandali pa ay mabilis niyang hinila si Annie at pagkatapos ay pinaupo na muna doon. “Ako na na lang muna ang haharap sa kanila at para makapagpahinga ka. May baby ka pa naman sa tiyan mo kaya hindi ka pwedeng mapagod o magalit man lang.” sabi niya rito.Kaagad naman na ngumiti si Annie at pagkatapos ay tumango sa kaniya. “Salamat.” sabi nito sa kaniya at pagkatapos ay tumango lamang siya rito at nagmartsa na palapit kina Trisha at sa kasama nitong babae na si Cathy.Alam niyang buong-buo ang tiwala sa kaniya ni Annie at hindi niya bibiguin ito. Nakarating na siya ng tuluyan sa tapat ng mga ito at tiningnan niya ang mga ito. Si Trisha ay nakaupo sa wheelchair at mukhang mahina na kung titingnan ay aakalain mo pang may sakit sa puso dahil sa itsura nito.Sunod naman niyang tiningan ang alipores nito na mas maliit kaysa sa kaniya at walang sinabi sa tangakd niya. Saman
Read more
Chapter 72.1
Bago pa man mahawakan ni Cathy ang kamay ni Olivia ay kaagad niya nang naabot ang kamay nito at pagkatapos ay mabilis niyang dinala sa likod nito at dahil sa kanyang ginawa ay napasigaw sa sakit si Cathy at nakita niya pang tumulo ang luha nito.“Napakasakit! Bitawan mo akong babae ka!” sigaw nito sa kaniya na may kasamang pagdaling.Malamig naman siyang tinapunan ng tingin ni Olivia. “Masakit?” nanunuyang tanong niya rito. “Ngayon alam mo ang salitang masakit pero hindi mo yan inisip kanina nang susugurin mo ako.” sabi niya rito. “Ang lakas din ng loob mo, bata.” dagdag pa niyang sabi rito.“Bitawan mo ako!” muli nitong sigaw sa kaniya. “Pinsan ako ni Kuya Lucas baka hindi mo alam!” dagdag pa nitong sabi sa kanya. Nagmamalaki pa talaga ito sa kaniya at wala pang balak aminin ang pagkakamali nito at dahil rito ay mas lalo lamang niyang hinigpitan ang pagkakadiin niya sa kamay nito kaya mas napasigaw pa ito sa labis na sakit.“Bitawan mo ako sabi! Kapag hindi mo pa ako binitawan ay sin
Read more
Chapter 72.2
Maya-maya nga ay bumalik na ang teller dala-dala ang resibo at pagkatapos ay kaagad namang inabot ni Trisha ang card niya rito upang bayaran na ang singsing. Abala siya sa pagtitig sa singsing na nasa kanyang harapan nang ilang beses na sinubukan na i-swipe ng teller ang kanyang card ngunit talagang ayaw nitong gumana hanggang sa ilang minuto pa nga ang lumipas at tuluyan na ngang natukoy ng teller kung ano ang problema.Agad na nag-angat ito ng ulo at ngumiti sa kaniya. “Ma’am pasensiya na po pero mukhang kulang po ang balance ng card ninyo para mabayaran ang singsing. May iba pa po ba kayong card?” magalang na tanong nito sa kaniya.Nang marinig niya ang sinabi nito ay kaagad siya naakunot ang noo ay nagsalubong pa ang kanyang mga kilay ng wala sa oras. “Ano?” hindi makapaniwalang tanong niya rito dahil napaka-imposible ng sinasabi nito.Mayroon siyang higit dalang milyon sa kanyang cars na natitirang ipon niya nitong mga nakaraang taon at kung hindi nga lang sana dahil sa singsing
Read more
PREV
1
...
1213141516
...
23
DMCA.com Protection Status