Share

Chapter 72.2

Maya-maya nga ay bumalik na ang teller dala-dala ang resibo at pagkatapos ay kaagad namang inabot ni Trisha ang card niya rito upang bayaran na ang singsing. Abala siya sa pagtitig sa singsing na nasa kanyang harapan nang ilang beses na sinubukan na i-swipe ng teller ang kanyang card ngunit talagang ayaw nitong gumana hanggang sa ilang minuto pa nga ang lumipas at tuluyan na ngang natukoy ng teller kung ano ang problema.

Agad na nag-angat ito ng ulo at ngumiti sa kaniya. “Ma’am pasensiya na po pero mukhang kulang po ang balance ng card ninyo para mabayaran ang singsing. May iba pa po ba kayong card?” magalang na tanong nito sa kaniya.

Nang marinig niya ang sinabi nito ay kaagad siya naakunot ang noo ay nagsalubong pa ang kanyang mga kilay ng wala sa oras. “Ano?” hindi makapaniwalang tanong niya rito dahil napaka-imposible ng sinasabi nito.

Mayroon siyang higit dalang milyon sa kanyang cars na natitirang ipon niya nitong mga nakaraang taon at kung hindi nga lang sana dahil sa singsing
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status