Share

Chapter 75.1

Hindi maiwasan ni Annie na matigilan nang makita niya si Lucas na nasa harapan na niya ng mga oras na iyon. Kahit na isang araw pa lang silang hindi nagkikita sa hindi malamang dahilan, pakiramdam niya ay nasa ibang mundo siya.

Humakbang ito pasulong ay lumapit sa kaniya pagkatapos ay hinawakan nito ang kamay niya at pagkatapos ay hinila siya nito sa tabi nito at agad na ipinulupot ang kamay nito sa beywang niya. Hindi niya naman akalain na gagawin nito ang bagay na iyon at hanggang sa tuluyan na nga niyang nagawang magsalita.

“Bakit ka nandito? Anong ginagawa mo rito?” sunod-sunod na tanong niya rito at hindi niya alam kung ano ang kanyang mararamdaman ng mga oras na iyon.

Bakit ito naroon? Para ba sunduin siya? Pero noong mga panahong kailangang-kailangan niya ito ay hindi ito dumating, ngunit ngayong hindi niya inaasahang dadating ito ay bigla na lamang itong dumating. What a coincedence. Hinila niya ang kanyang kamay mula rito at tahimik na itinulak niya si Lucas palayo sa kaniya.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status