All Chapters of ANG LIHIM NA ASAWA NG BILYONARYO: Chapter 41 - Chapter 50
177 Chapters
Chapter 23.1
“O siya sige na, nag-aapura ako.” sabi ni Lucas sa kaniya.Hindi naiwasan ni Annie na hindi mapakuyom ang kanyang mg kamay.“Isinagawa ang mga lab ni Trisha ngayon at hindi maganda ang mga resulta ng mga ito. Masama ang kalagayan niya ngayon.” sabi nito sa kaniya nang hindi siya sumagot.Tiningnan niya ito ng malamig at pagkatapos ay walang ganang sumagot. “Okay.” saad niya.Ayaw niya ng marinig pa ang mga susunod nitong sasabihin pa kung tungkol lang din naman kung paano ito mag-alala kay Trisha. Dahil nakapili naman na ito kung sino ba talaga ang mahalaga rito ay hindi na nito kailangan pang magpaliwanag sa kaniya.Pagkaalis ni Lucas ay tumulong siyang bumati at sumalubong sa mga dumarating na mga bisita na mga kaibigan at ibang kamag-anak ng pamilya Montenegro. Ngunit dahil siguro sa pagbubuntis ni Annie ay nakaramdam siya kaagad ng pagod dahil siguro sa pagtayo niya ng ilang sandali, lalo na ang kanyang mga paa ay masasakit na at halos hindi na niya kayang tumayo pa ng matagal.Na
Read more
Chapter 23.2
Sinubukan niyang kumawag para hindi siya lumubog sa tubig sa takot na baka malunod siya ngunit lumubog pa rin siya. Ramdam na ramdam niya na rin ng mga oras na iyon na sumasakit na ang mga paa at kamay niya, ipinikit niya ang kanyang mga mata.Napagtanto siguro ng isang babae na nagkamali siya sa ginawa nitong pagtulak sa at kaagad itong nataranta dahil nakita siguro nitong hindi siya marunong lumangoy ay kaagad itong humingi ng tulong.“Tulong! May nahulog sa pool!” malakas na sigaw nito at maging ang isang babae ay sumigaw na rin. Bago pa man mawalan ng malay si Annie ay mabilis na nagsitalunan sa pool ang mga bodyguard ng pamilya Montenegro at iniahon siya doon.…Agad na nagtatakbo si Lian nang marinig niya ang malakas na sigaw na nanghihingi ng tulong at ang mga naiwan na mga bodyguards nila ay inutusan niya na tumulong ang mga ito sa pag-aayos ng mga bisita nila. Siya ang in-charge sa buong birthday matter, mula sa harap, sa likod, sa loob at labas, siya lang mag-isa.Tungkol n
Read more
Chapter 24.1
“Mommy pwede bang ikaw na muna ang mag-alaga sa kaniya? Alagaan mo muna siya para sa akin. Uuwi ako kaagad pagkatapos ng iba pang exam ni Trisha.” rinig na rinig niyang sagot ni Lucas.“Lucas ang asawa mo ang pinag-uusapan dito. Umuwi ka na kaagad at unahin siyang kaysa ang babaeng—” hindi na nito natapos pa ang sinasabi nito dahil tuluyan ng ibinaba ni Lucas ang tawag.“Ang lalaking iyon, tingnan lang natin pag-uwi niya.” inis na inis na sabi nito at pagkatapos ay ibinalik sa bulsa ang cellphone nito.Samantalang siya ay naibaon niya ang kanyang mga kuko sa kanyang braso. Bumaon ang mga ito doon ngunit ang nakakatawa ay wala man lang siyang naramdaman na sakit o hapdi. Ito na siguro ang pagkakataon na sumuko na talaga siya.Sa kanilang dalawa ni TRisha ay nakapili na ito nang hindi man lang siya nito iniisip. Napaka-delusyunal niya naman kasi masyado at umaasa pa siya na pipiliin at uunahin siya nito kahit minsan lang. nakapab*b* niya talaga.Dapat ay matagal na niyang alam ang sagot
Read more
Chapter 24.2
“Sure, basta ikaw.” sagot naman rito ni Lucas.Pagkatapos sumagot ni Lucas rito ay muli niyang narinig ang tinig nito. “Kung wala ka namang kailangan ay papatayin ko na ang tawag.” sabi nito sa kaniya.Kung dati ay kaagad siyang sasagot rito ng sige ngayon ay hindi niya ginawa. Lumunok siya at pagkatapos ay huminga ng malalim. Hindi niya alam kung anong pumasok sa isip niya pero, tila ba nagkaroon siya ng lakas ng loob na sabihin rito ang nararamdaman niya.“Wait!” sabi niya at pagkatapos ay mas inilapit niya pa ang kanyang cellphone sa kanyang tenga. “Giniginaw ako at binalot ko na ang sarili ko sa kumot at pinipilit na ibsan ang lamig na nararamdaman ko pero mukhang hindi ito effective. Kailangan kita, kailangan ko ng yakap mo para hindi ako ginawin.” sabi niya rito at pagkatapos lang niyang magsalita ay walang sumagot mula sa kabilang linya kundi pawang katahimikan lamang.Tanging ang paghinga lamang ni Lucas ang naririnig niya mula sa kabilang linya. Lumipas ang isang segundo, dal
Read more
Chapter 25.1
Biglang nataranta ang puso ni Annie at hindi niya alam kung ano ang gagawin niya ng mga oras na iyon. Nagpasya si Lucas na dadalhin nito doon si Trisha dahil hindi niya ito matiis, huwag nitong sabihin na ipakikilala na nito si Trisha sa lahat ng kamag-anak nito?Pero paano siya? Ano ang magiging papel niya doon at ano siya ni Lucas kapag nagtanong ang mga tao kung sino siya? Agad na nawalan ng kulay ang mukha ni Annie at ramdam na ramdam niya na tila ba nawawalan siya ng lakas bigla at hindi sinasadyang dumulas ang hawak niyang cellphone sa kanyang kamay at nahulog sa sahig ng wala sa oras.Agad siya nilingon ng kanyang Tita Malou at pagkatapos ay mabilis na lumapit sa kaniya nang makita nitong namumutla siya. “Hija anong nangyari? Bakit ganyan ang mukha mo? May sinabi ba sa iyong hindi maganda si Lucas?” nag-aalalang tanong nito at pagkatapos ay yumuko upang pulutin ang nalaglag niyang cellphone sa sahig.Umiling siya at pagkatapos ay tiningnan ito. “Wa-wala naman po Tita.” nauutal
Read more
Chapter 25.2
Yuyuko sana si Cathy nang mapadako ang tingin niya sa pinakadulo ng lamesa kung saan may kausap itong babae at nakita niya kung paano ngumiti ang matanda. Bahagya siyang nagulat nang mamukhaan niya ang babaeng kausap nito, walang iba kundi ang babaeng itinulak niya sa pool kani-kanina lang. Habang nakatitig sa mga ito ay hindi niya maiwasang hindi makaramdam ng sobrang galit.Nagulat siya nang bigla na lamang may nagsalita sa tabi niya at halos mapatalon pa siya sa sobrang gulat kaya napalingon siya rito. “Sino ang babaeng iyon na nasa tabi ni lolo? Bakit parang ngayon ko lang siya nakita at bakit nasa tabi siya ni lolo?” tanong ng kanyang ina sa kaniya.Hindi siya sumagot at pagkatapos ay muling itinuon ang tingin sa dalawang masayang nagkwe-kwentuhan at pagkatapos ay agad na nagsalubong ang kanyang mga kilay. Umismid ang kanyang ina na nasa kanyang tabi at pagkatapos ay pinag-krus ang mga kamay sa dibdib.“Tingnan mo ang babaeng iyon, napakalapit niya sa lolo mo at nakakausap pa hind
Read more
Chapter 26.1
Bago pa man matapos ng babae ang pagsasalita ay mabilis na ibinagsak ni Lucas ang mga kubyertos na hawak nito kaya natigil ito sa pagsasalita at nakita niya ang masamang tingin na ipinukol nito sa babae na tila ba kutsilyo. Kung nakamamatay lamang ang tingin ay tiyak na kanina pa nakahandusay ang babae sa sahig at duguan.Nagresulta ng malakas na tunog ang ginawang pagbagsak ni Lucas ng kubyertos sa lamesa kung saan ang lahat ay naging tahimik. Maging ang babaeng nakamata lang ay hindi nagawang magsalita. Ilang sandali pa ay dahan-dahang tumayo si Lucas mula sa kinauupuan nito at itinaas ang kamay at itinuro ang dalawang babaeng magkatabi.“Paalisin niyo ang dalawang yan dito ngayon din!” malamig at punong-puno ng awtorisasyon ang tinig nito.Napadako ang tingin niya sa dalawang babae. “A-ano?” nauutal na tanong ng babaeng nagtulak sa kaniya sa pool at bakas sa mukha nito ang hindi makapaniwala dahil sa narinig nito.…Nanlalaki ang mga mata ni Cathy habang nakatingin sa kanyang pinsa
Read more
Chapter 26.2
Hinila niya ang kanyang braso mula rito at pagkatapos ay tiningnan ito. “Tama ka, ilang taon din kitang laging nakikita at nakaka-bonding pa kung minsan at isa pa ay kailangan kong kilalanin ang mga kamag-anak ng asawa ko kaya lang,” tumigil siya sandali at pagkatapos ay sumulyap sa anak nito. “Naisip niyo ba ng anak mo kung sino ang inalipusta niya kanina?” tanong niya rito.Hindi ito nagsalita kaya nagpatuloy siya. “Nung tinawanan niyo ang asawa ni Lucas ay parang tinawanan niyo na rin si Lucas mismo at maging ako.” sabi niya sa mga ito.Kung sana ay sumunod na lamang ang mga ito sa mga bodyguards at tahimik na sumunod ay hindi na niya kailangan pang ipahiya ang mga ito sa harap ng mga tao pero sadyang matigas ang mukha ng mga ito kaya wala siyang pagpipilian.Biglang na lamang itinulak ni Cathy ang isa sa mga bodyguards na nasa likod nit at pagkatapos ay nagtatakbo patungo sa harap ng kanilang Papa at pagkatapos ay lumuhod.“Lolo please, huwag niyo itong gawin sa amin. I’m begging
Read more
Chapter 27.1
Pagkatapos ng napaka-busy na araw sa wakas ay nakabalik na rin muli si Annie sa kanilang silid para makapagpahinga pagkatapos na pagkatapos ng hapunan. Nang mga oras na iyon ay ramdam niya ang kanyang pagod sa maghapon pati na rin ang antok niya pero kailangan niya munang maligo bago man siya matulog. Kaaagad siyang dumiretso sa banyo upang maligo.NAPAKUNOT ang noo ni Lucas nang makarinig ng katok sa pint habang nakahiga siya sa kama samantalang si Annie naman ay nasa banyo para maligo. Kaagad siyang tumayo upang buksan ang pinto at kamuntikan pa siyang masubsob dahil medyo nahihilo siya sa dami ng nainom niya kanina.Pagbukas niya ng pinto ay kaagad niyang nakita ang kanyang Tita Alex na nakatayo sa labas ng pinto at may hawak na tray na may dalawang tasa na nakapatong doon. “Lucas ipinapabigay ito ng Mommy ninyo, siya raw ang nagtimpla nito para sa inyo ni Annie. Itong tsaa ay kay Annie at ito namang kape ay sayo dahil para daw kahit papano ay mabawasan ang kalasingan ninyo dahil a
Read more
Chapter 27.2
Napalunok siya nang hindi sinasadyang mapatitig siya sa mga abs nito at kahit sino naman sigurong babae ang makakakita doon ay maglalaway. Bukod na nga sa gwapo na ito ay napakaganda pa ng pangangatawan nito kaya kung sakali man ay sino ba naman ang tatanggi sa katulad nito?Habang iniisip niya iyon ay hindi niya maiwasang hindi mamula ang mukha, kung ano-ano ang naiisip niya. Pakiramdam niya ng mga oras na iyon ay wala na yatang hangin sa paligid niya at init na init siya. Kasalanan ito ni Lucas dahil inutusan siya nitong hubaran ito.“Sa ganyang galaw mo ay baka madaling araw na ako makakaligo.” sabi ni Lucas na ikinagitla niya.Upang pagtakpan ang kanyang pagkapahiya ay mabilis siyang napabuntung-hininga. “Bakit ba kasi napaka-perfect ng katawan mo? Hindi ko tuloy maiwasang hindi tingnan.” bulong niya sa kanyang isip.“Will I take that as a compliment Mrs.Montenegro?” biglang tanong nito pagkatapos ay sumandal sa dingding ng banyo.Bigla siyang nagulat dahil sa naging tanong nito?
Read more
PREV
1
...
34567
...
18
DMCA.com Protection Status