Lahat ng Kabanata ng ANG LIHIM NA ASAWA NG BILYONARYO: Kabanata 171 - Kabanata 180
258 Kabanata
Chapter 88.2
Dahil birthday party nga niya iyon at inayos ni Lucas para sa kaniya. Inaasahan niya na masasaktan ito dahil sa ginawa ni Lucas at magmumukmok sa isang tabi. Hindi niya inaasahan na magkakaroon talaga ito ng lakas ng loob na pumunta doon.“Aalis ako kung gusto mo.” sabi ni Annie rito.“Hindi mo ba alam na birthday party ko ito?” tanong ni Trisha sa kaniya at pinagkrus pa ang mga kamay sa dibdib nito habang nakatingin sa kaniya.“Alam ko.” malamig na tugon niya.“Kung ganun, alam mo ba kung sino ang nag-organisa ng engrandeng birthday party na ito para sa akin?” tanong nito sa kaniya.“Ang aking asawa.” malamig na sagot niyang muli rito.Sinadya niyang sabihin iyon at kitang-kita niya kung paan nagbago ang itsura nito at bumakas ang galit sa kanyang mukha.“Yes, tama ka. Nag-ubos si Lucas ng oras at lakas niya para ayusin ito para lang sa akin. Isa pa ay napakarami niya ring business partners na inimbitahan para lang dumalo sa birthday party ko.” sabi pa nito sa kanya.Ngumiti si Annie
Magbasa pa
Chapter 89.1
Nang maisip niya iyon ay biglang pumasok sa isip niya kung ano kaya ang magiging reaksiyon ni Lucas kapag nakita niyang ang eksenang iyon. Biglang umahon ang excitement sa kanyang dibdib. Natitiyak niya na hinid nito magugustuhan iyon.Biglang napakurba ang kanyang labi ng isang ngit, ngiting tagumpay.Samantala, pagkatapos naman uminom ni Annie ng maligamgam na tubig ay medyo guminhawa na ang pakiramdam ng tiyan niya. Pero sa kabila nun ay wala na sa isip niya na magtagal pa doon. Kung hindi lang dahil sa pagsakit ng tiyan niya ay baka kanina pa siya umalis.Sa kabila ng tapang na ipinakita niya sa harapan ni Trisha ay siya lamang ang nakakaalam kung paano nanlambot ang puso niya at nasaktan dahil lang sa mga sinabi nito sa kaniya. Pinilit lang niya ang sariling maging kalmado sa harapan nito para hindi siya maging katawa-taw sa harap nito.Ayaw niyang isipin nito na sobrang naapektuhan siya sa mga salitang binitawan nito sa kaniya. Humugot siya ng isang malalim na hininga. Baka kun
Magbasa pa
Chapter 89.2
Nang magising si Annie ay nakaparada na ang sasakyan sa harapan ng kanilang bahay. Nang mapagtanto niyang nakatulog pala siya ay napahimas na lamang siya sa kanyang ulo dahil sa matinding hiya na naramdaman niya. “Pasensiya ka na kung pinaghintay kita, sana ay ginising mo na lamang ako.” sabi niya kay Greg na hiyang-hiya pa rin hanggang sa mga oras na iyon.“Ano ka ba, okay lang iyon. Nakita ko kasi na mahimbing ang tulog mo kaya napagpasyahan ko na huwag ka na lang gisingin.” kaagad namang sagot sa kaniya nito.“Maraming salamat sa paghahatid mo sa akin.” sabi niya at pagkatapos ay muling nilingon ito nang akma na sana siyang bababa. “Nga pala, paano mo nalaman na dito ako nakatira?” tanong ni Annie rito.Sa katunayan, gusto sanang isagot ni Greg na alam na niya ang lahat-lahat tungkol sa pagkatao nito na, isa siyang manugang ng pamilya Montenegro at alam niya rin siya ang asawa ng tagapagmana ng pamilya na si Lucas Montenegro ngunit sa huli ay ipinikit na lamang niya ang kanyang mga
Magbasa pa
Chapter 90.1
Habang naglalakad palayo si Annie ay nakasunod lamang ng tingin sa kaniya si Greg. Ang payat nitong pigura ay natatakpan ng maliwanag na sinag ng buwan na dumadagdag lamang sa kagandahan nito. Hindi siya nagsalita o ni umimik man lang habang nakasandal pa rin siya sa kanyang sasakyan.Ang kanyang payat na pigura ay nagmistulang isang puno ng jade na nakatayo sa gitna ng maliwanag na buwan. Maliban sa pagkamatay ng kanyang ama ay wala siyang pinanghinayangan ngunit sa mga sandaling iyon ay nakaramdam siya ng matinding panghihinayang.Labis siya nanghihinayang na hindi niya ito nakilala ng mas maaga. Kung sana lang ay nagkakilala lang sila ng mas maaga e di sana ay hindi ito nasasaktan ng katulad ng nakikita niya sa mga mata nito. Hindi man nito sabihin na nasasaktan siya ay kitang-kita niya ang lungkot sa mga mata nito kahit na nakangiti ang mga labi nito.Samantala, bandang alas-diyes ng gabi ay natapos na ang birthday party ni TRisha. Sadyang napaka-engrande ng kanyang birthday part
Magbasa pa
Chapter 90.2
“Tita…” mapait na sambit i Trisha at pagkatapos ay biglang bumaba sa knaiyang wheelchair at lumuhod sa harapan nito. “Tita, wala akong balak na ilihim sa harapan ninyo. Talagang mahal na mahal ko po ang anak niyo at ganun din siya. Nagmamahalan po kaming dalawa kaya please po, sana ay tanggapin niyo kami.” sabi niya habang umiiyak.“Kahit ano po ang hilingin niyo ay gagawin ko, basta tanggapin niyo lang ako.”dagdag pa niyang sabi rito.Umiyak si Trisha sa harapan ni Lian na animo’y binugbog siya ni Lian. huminga ng malalim si Lian dahil hindi niya akalain na ganito pala talaga kakapal ang mukha ng babaeng ito, hindi niya ito inaasahan.“Isa lang ang hinihiling ko, ang layuan mo ang anak ko.” malamig na sambit niya.Pagkatapos sabihin ni Lian ang mga salitang iyon ay nilingon niya ang mga bodyguards na kapapasok lang. “Gawin niyo na.” sabi niya sa mga ito.Hindi nga nagtagal ay tuluyan nang naglakad ang mga ito palapit sa kaniya pagkatapos ay hinawakan na ang braso ni TRisha at pagkata
Magbasa pa
Chapter 91.1
Pagkatapos niyang sabihin ang mga iyon ay talagang naramdaman niya ang labis na pagkatalo. Bago ang kaarawan ni TRisha ay nag-isip siya ng isang libong beses o hindi nga lang yata kung dadating ba si Annie sa opisina niya para kwestyunin ang ginawang party para kay Trisha o makiusap ito sa kaniya na huwag siyang magdaos ng party para sa ibang babae at ipa-cancel nito lahat ang kanyang plano.Kaya lamang au naghintay siya sa wala. Naghintay siya hanggang sa bago magsimula nag party ngunit wala man lang siyang narinig na kahit na isang salita mula rito. Nakaya pa rin nitong pumunta doon sa handaan na iyon na tila ba wala lang sa kanyang ito kung saan ay ipinapakita nito sa kaniya kung gaano ito kawalang pakialam.“Paano mo nasabi na wala siyang pakialam? Sinabi niya ba sayo mismo?” tanong ng kanyang ina sa kaniya.“Kailangan pa ba na sabihin niya sa akin mismo kung halata naman sa mga kilos niya?” balik niyang tanong rito at pagkatapos niya lamang sabihin iyon ay tinalikuran niya ito at
Magbasa pa
Chapter 91.2
Pinanatili ni Annie na nakatitig rito isa pa ay ayaw niyang magpadala sa mga sinabi nito. “Pero Lucas, pasensiya ka na pero wala na akong dahilan para maniwala pa sayo.” malamig na sagot ni Annie sa kaniya.Sa ilang kadahilanan ay bigla na lamang naalala ni Lucas ang tungkol sa suit na binili ni Annie at pagkatapso ay sumagi rin sa kanyang isipan na ang walang katulad na gwapong mukha ng Greg Marasigan na iyon. Itinaas niya ang kanyang mga kamay at hinawakan si Annie at pagkatapos ay tinitigan ng malamig. “Kung ayaw mo akong paniwalaan ay sino ang pinaniniwalaan mo na ngayon?” malamig din ang boses nitong nagtanong sa kaniya. “Ang Greg ba na iyon?” dagdag pa nitong tanong nito sa kaniya.Nang marinig ni Annie ang pagbanggit nito ng pangalan ni Greg ay bigla na lamang nagsalubong ang kanyang mga kilay.Nang makita ang reaksiyon ni Annie ay mas lalo pang nagalit si Lucas. “Naaalala mo ba ang sinabi ko sayo na huwag na huwag ka ng lalapit sa kaniya? Hindi mo ba narinig ang sinabi kong i
Magbasa pa
Chapter 92.1
“Sinabi ko na sayo na simula noong pumayag ako sa hiling ni lolo ay mananatili ako sa tabi mo hanggang sa tumanda tayong dalawa at wala na sa isip ko pa nag hiwalayan ka Annie. Simula ngayon ay hindi na ako papayag pa na sabihin mo ang mga salitang iyon.” sabi ni Lucas kay Annie. Napatitig naman siya rito. “Lucas alam mo ba na bata pa ako at may mga expectation ako? Ang gusto kong pagsasama ay yung lalaki ay na-inlove sa babae kung saan ay nagmamahalan silang dalawa kaya sila nagpakasal hindi pagsasama na walang anumang emosyon kundi dahil lang sa kahilingan ng sinuman.” walang ganang sabi niya rito. “Dibale na nga…” sabi niya na lamang kahit na may mga gusto pa sana siyang sabihin. “Pagod ako at gusto kong magpahinga.” sabi niya rito at pagkatapos ay tuluyan ngang itinulak ito palayo sa kaniya. Sa pagkakataon iyon ay hindi naman na siya pinigilan ni Lucas at hinayaan na siya nito. Agad na nakatayo si Annie at pagkatapos ay pumunta sa cabinet upang kumuha ng kumot at lalabas na sana
Magbasa pa
Chapter 92.2
Kung tapos na ang kani-kanilang mga gawain ay pwede na rin namang umalis ang mga ito. Pero nang araw na iyon ay naiwan sa kanilang bahay ang pinaka-matanda nilang kasambahay. Nang umupo nga siya sa mesa at nag-umpisang magsandok ng kanyang makakain ay doon naman ito naglapag ng isa pang ulam na kaluluto lamang nito ng mga oras na iyon.“Hija, kailangan mong kumain ng kumain. Tingnan mo ang katawan mo ang laki na ng ibinagsak. Payat ka na dati pero mukhang pumayat ka pa lalo.” sabi nito sa kaniya. Hindi na lamang siyang sumagot rito at bahagya na lamang itong nginitian.“Ibinilin kasi sa akin ni sir na dapat ay marami dawa ng kainin mo tuwing kakain ka at isa pa ay dapat palagi daw may sabaw ang ilulutong pagkain mo para kahit papano ay makabawi-bawi ka man lang.” dagdag pa nitong sabi sa kaniya.Nilingon niya ito. “Talaga bang ibinilin po ako ni Lucas sa inyo?” tanong niya rito.Paulit-ulit namang tumango ang matanda sa kaniya. “Oo, sabi nga niya ay dadagdagan niya raw ang sahod ko ba
Magbasa pa
Chapter 93.1
Ilang segundo pa na nakalagay sa tenga ni Lucas ang kanyang cellphone at pinapakinggan ang tunog ng pagpatay ng tawag at pagkatapos ay napabuntung-hininga siya bago niya ibinaba ang kanyang cellphone sa kanyang mesa. Pagkababa niya ng kanyang cellphone niya sa mesa ay kaagad iyong tumunog kaya pinulot niya ito at nang tingnan niya kung ano iyon ay isang paalala tungkol sa panahon ng araw na iyon.Sa mga oras na iyon ay doon din naman pumasok sa loob ng kanyang opisina si Kian. “Sir mukhang uulan ng malakas ngayon. Gusto niyo bang ayusin natin ulit ngayon ang schedule ninyo?” tanong nito sa kaniya.Agad naman na tumango si Lucas. “Kailangan mo talagang baguhin.” sabi niya rito. “Tyaka, ikuha mo ako ng malaking payong.” bilin niya rito.Iniisip niya kasi na susundan niya si Annie sa sementaryo. Bagama’t kaya niyang magmaneho ng sasakyan sa labas ng sementeryo ngunit sigurado siya na hindi ito makakapasok sa loob. Bukod pa doon ay may kalayuan pa ang mismong nitso ng ina ni Annie sa mism
Magbasa pa
PREV
1
...
1617181920
...
26
DMCA.com Protection Status