Napakaliit talaga ng mundo. Sa dami-dami ng taong makikita niya ay ang mga ito pa talaga. Biglang umahon ang matinding inis sa dibdib niya ng mga oras na iyon. Nakita niyang naupo ang mga ito sa pinadulong mesa dahil kahit na may sari-sariling silid ay transparent na salamin ang naghihiwalay sa bawat room kaya malinaw niyang nakita ang mga ito, pero marahil ang mga ito ay hindi siya napansin. Bigla siyang napasulyap sa mga pagkaing nasa harap niya ng wala sa oras at bigla siyang nawalan ng gana. Ngunit bigla na lamang pumasok sa isip niya na kailangan nga pala ng saggol sa tiyan niya ng nutrisyon kaya pinilit niyang kumain ng kumain.Lalo na ang mga hipon na sa pakiramdam niya ay medyo malansi ang kinain niya ng kinain at halos hindi na nginuya at nilunok nalang ng nilunok. Pagkatapos niyang kumain ay bigla siyang napatingin sa kanyang tapat kung saan ay nakaupo si Kian.“Kian matanong ko nga, gaano ka na katagal nagta-trabaho para kay Lucas?” biglang tanong niya rito.Nag-isip naman
Magbasa pa