Share

DL 10

Pagkatapos ng meeting ni Fe kay Misis Villanueva ay dumalo pa siya sa iba't ibang meetings ng umagang iyon at pagkatapos ay naisipan niyang pumunta rin sa inaayos na event sa Rich Village. May nagpa-book kasi sa kanila ng birthday at katrabaho niya ang nag-handle.

Naalala ni Fe ang unang pagkikita nila ni Atlas habang nagmamaneho papasok sa village. Napapangiti siya nang kaunti habang pumarada at lumabas sa kanyang sasakyan upang magtungo na sa venue. Napatigil na lang siya sa paglalakad at kaagad nawala ang ngiti nang mapagtantong si Atlas ang naiisip.

"Stop thinking about him Fe. Engage na 'yong tao," mahinang paalala ni Fe sa sarili at nagpatuloy sa paglalakad.

Alas tres na ng hapon no'n kaya mainit pa. Hinaharangan ni Fe ng braso niya ang sinag ng araw habang naglalakad. Nasisilaw kasi siya.

Pagliko niya sa swimming area kung saan gaganapin ang kaarawan ay nakita niyang patapos na ang ibang kasama niya sa trabaho. Lumingon siya kay Candice at nakitang may kausap ito pero dahil sa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status