Share

DL3

Buong byahe ay kwento nang kwento si Atlas tungkol sa kanya. Hindi naman siya iniimikan ni Fe. Hindi kasi siya interesado sa buhay ng lalaki.

"Malayo pa ba?" tanong ni Fe sa inip. Rude na pagputol niya sa sinasabi ni Atlas.

"Malapit na tayo, Fe," sagot ni Atlas habang nagmamaneho. Tumingin naman si Fe sa bintana at nakita ang guard house sa malayo.

Kaagad niyang binuksan ang sling bag at nagsalita. "Okay, how much is it?"

"Libre lang para sa future wife ko," pang-aasar na tugon ni Atlas habang nakatuon ang tingin sa kalsada. Napatigil naman si Fe sa paglalabas ng pera at tumingin kay Atlas.

"Future wife?" Natawa na lamang si Fe. "Dream on. I don't have time for jokes. How much is it?" Pinagpatuloy ang paglabas ng pera.

"Libre nga lang para sa future wife ko," ulit ni Atlas pero seryoso na. "Para sa kaalaman mo, inaabot ko ang pangarap ko at ginagawa lahat ng paraan," duktong pa niya.

"Really? Then your dream won't come true if it involves having me. I don't intend to love or fall in love right now. Sasayangin mo lang oras mo sa akin." Naramdaman ni Fe na bumagal ang sasakyan at huminto sabay baba ng bintana ni Atlas.

"Good morning, Sir! Saan po punta natin ngayon?"

Tumahimik si Fe at nakikinig.

"Sa clubhouse. May order kasing cake and bread for the birthday." Tinuro ng guard ang direksyon ng clubhouse at nagpasalamat si Atlas bago nag-drive ulit.

"You've been here," ani Fe pagkasara ng bintana ni Atlas at pag-andar ng sasakyan. Tumingin naman ito sa mirror upang tingnan si Fe.

"Oo. Dito kasi madalas magpa-book ang ibang kliyente namin." Nakatuon sa daan ang tingin ni Atlas.

"At sinabi sa'yo ni Diane na pang-birthday itong dala ko?" tanong na naman ni Fe.

"Yes, Fe. Kaya ingatan daw kita at mga dala mo," simpleng sagot at pinihit ang manibela pakaliwa upang lumiko.

"Si Diane talaga. She easily trust others." Binuhat ni Fe ang box na may cake. "By the way, stop calling me Fe. Masyado kang feeling close."

Napatawa na lang si Atlas sa sinabi ni Fe instead na ma-offend sa insulto nito sa kanya. "Bakit naman? Mapapangasawa naman kita kaya I want to be closer sa'yo."

Tumawa nang malakas si Fe sa narinig niya.

"Dream on, Atlas. I told you na I don't intend to love or fall in love right now," seryosong wika ni Fe.

"Nandito na tayo, Fe." Dahan-dahang huminto ang sasakyan at pagkatapos ay pumarada na si Atlas at bumaba upang kunin ang ibang boxes na dala ni Fe sa backseat.

"Sabi ko rin sa'yo na inaabot ko ang pangarap ko at ginagawa ang lahat ng paraan para makuha ito." Nginitian niya si Fe at may kinuhang cap sa likuran ng ulunan ni Fe.

Nagulat si Fe sa ginawa ni Atlas. Sobrang lapit bigla ng mukha niya habang kinukuha ang cap. Naaamoy pa ni Fe ang menthol sa hininga ni Atlas at ang pabango nito.

"Ang bango mo," nasabi bigla ni Fe na ikinangiti ni Atlas at tumingin sa mga mapupulang labi ng babae.

Naitulak ni Fe ng bahagya si Atlas nang mapagtanto ang sinabi at nakita ang pagtingin ni Atlas sa kanyang mga labi. Tumawa nang malakas si Atlas nang makitang namula si Fe at sa pagtulak na ginawa sa kanya. Sinuot ni Atlas ang cap bago kunin ang boxes of cinammon rolls.

Binuksan kaagad ni Fe ang pintuan sa kabilang side ng kotse at lumabas dito. Ramdam na ramdam ni Fe ang mabilis na tibok ng kanyang puso at pamumula niya.

Sumandal muna siya sa kotse para magpahangin at pakalmahin ang puso. Hindi niya kasi inaasahan 'yong nangyayari kanina.

'Ang bango mo! Sinabi ko ba talaga 'yon kay Atlas? Gawa siguro 'yon ng cheese bread kanina. Oo tama! 'Yon nga!' pagkausap ni Fe sa kanyang sarili.

'At bakit kailangan gano'n kalapit ang mukha niya habang kinukuha ang cap?' Naalala ni Fe ang mukha ni Atlas kahit saglit lang. Matangos ang ilong ng lalaki at walang pores sa mukha, maputi, may balbas at mahaba ang buhok na nakatali. Halatang maalaga sa sarili kahit may balbas ito. Kulay abo rin ang mga mata.

Narinig ni Fe ang tawa ni Atlas at pagsara ng pintuan ng sasakyan. Iniisip kasi ni Fe ang mga mata ni Atlas. Hindi niya maunawaan sa sarili pero gusto niyang titigan ito.

"Ang ganda mo pala lalo kapag namula," pang-iinis ni Atlas na hindi pinansin ni Fe. Pinapakalma niya kasi ang sarili.

"Huwag ka mag-alala, hindi kita hahalikan kapag walang permiso mo. I respect you," seryosong wika ni Atlas na nakatingin sa likod ni Fe na nakasandal sa kotse.

"Tara na," pagyaya ni Atlas at dahan-dahan na humarap si Fe at nagseryoso bago naglakad na papasok.

'May puso pa pala ako.' Isip ni Fe habang naglalakad. Humabol si Atlas sa tabi niya para sumabay.

"Why the cap pala?" Tanong na lang ni Fe bigla.

"Protection," simpleng sagot ni Atlas na ikinataas ng isang kilay ni Fe. Na-curious sa isinagot ni Atlas.

"From what exactly?" tanong ni Fe pero hindi sumagot si Atlas. Hindi na lamang kinulit ni Fe hanggang makapasok sila sa venue.

"Good morning po! Ako po ang pinadala ni Diane Anonuevo for the orders." Nilingon siya ng isang babae na ikinuyuko ng ulo ni Atlas.

Napansin 'yon ni Fe at lalong na-weirduhan sa ikinikilos nito. Artistahin ang mukha ng babae ng makita ng malapitan. Wavy ang buhok na shoulder-length ang haba, maputi at mapula-pula ang labi. Matangkad at sexy. Bagay na bagay sa kanya ang suot na red flowy dress at red heels.

"Good morning din. I'm Sydney Ramos, the one who ordered. Is this the vanilla cake and the cinnamon rolls? Put it here." Hawak niya sa lamesa sa gilid niya.

Nilapag ni Fe ang cake at nilagay din ni Atlas ang boxes of cinammon rolls at nagpaalam kaagad.

"Sa sasakyan na lang ako maghihintay." Dali-daling umalis si Atlas ng lumingon si Sydney kay Atlas.

Tatawagin sana ni Sydney si Atlas pero nagsalita si Fe. "Masarap po ang mga 'yan and freshly baked po."

"Who was that guy?" Nakita ni Fe na nakatingin si Sydney sa pinaglabasan ni Atlas at tumingin din bago sumagot.

"Driver from an application that Diane booked ma'am. Should I call him back po?" Nakita ni Fe ang pag-iling ng babae.

"He sounds familiar kasi. Anyway, kunin ko lang ang bayad." Umalis na ito para kunin ang kanyang wallet.

Inilibot na lang ni Fe ang paningin sa loob ng clubhouse habang hinihintay bumalik si Sydney.

"This place is really lovely. My company hosted and organized a birthday party here once or twice." Nagulat si Sydney sa narinig nang makabalik at iniabot ang bayad.

"Really? What's your company's name?" tanong ni Sydney at kaagad kinuha ni Fe sa bag ang dalang lagayan ng business card niya.

"Here is my business card po. I'm Marife Anonuevo of Williams events company." Inabot niya ito at nagpakilala.

Nanlaki ang mata ni Sydney. "Williams events company?" Tumango na lang si Fe bilang tugon.

"But I never heard that they are into cakes and bread." Napangiti si Fe sa narinig.

"Sa asawa po ng kapatid ko ang cakes and bread business. Ako lang po ang nag-deliver ngayon." Tumingin si Sydney sa calling card.

"Sayang at hindi kayo kinuha. I heard that your company is amazing. Kapatid ko kasi. Anyway, I'll recommend you." Nagpaalam na si Fe pagkakuha ng bayad at kaagad umalis.

"Ang tagal mo." Nagulat si Fe nang may magsalita sa gilid pagkalabas niya. Kaagad niyang nilingon at nakita si Atlas.

"Hinintay mo ako? I thought nasa sasakyan ka na."

"Tara na." Hindi sumagot si Atlas at naglakad na kaagad siya. Sumunod na lang si Fe. Nakakailang hakbang pa lang siya ay bigla tumigil si Atlas at nilingon siya.

"Bakit nasa likod kita? Tumabi ka nga sa akin." Nagkunot noo naman si Fe sa narinig pero sumunod na lang.

"Demanding," normal na sabi ni Fe na hindi sinagot ni Atlas.

Tahimik lang silang naglakad hanggang sa pinaradahan ng sasakyan. Kaagad nagtungo sa backseat si Fe.

Pinapaupo nga siya sa tabi ni Atlas pero ayaw ni Fe at nagmatigas sa likod siya. Wala ng nagawa si Atlas sa gusto ni Fe at binuksan ang pinto.

"Para kang babae. Paiba-iba ka ng mood," kaagad sabi ni Fe bago pumasok sa loob ng kotse.

Ngumiti naman si Atlas at pumasok na ng sasakyan.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status