Share

DL 8

Nasa Grand Hotel na siya kasama ang ibang katrabaho. Mamaya na kasi ang event. Gumagalaw siya para sa trabaho pero wala naman ito sa tamang pag-iisip.

Kahapon niya pa nakausap ang matanda pero para kay Fe ay pakiramdam niya ay kanina lang. Hindi niya kasi inaasahan ang engagement na 'yon ni Atlas na sinabi.

'Ikakasal na pala siya pero nilalandi pa ako.' Isip niya habang nakaupo at may tinitipa sa kanyang laptop.

'Pero bakit apektado ako?' Kontra ng kanyang isip. Buburahin niya ang tinipa at magtitipa ulit. Buburahin at magtitipa ulit. Paulit-ulit niya itong ginawa hanggang isarado na ang kanyang laptop.

"Kayo muna bahala dito, alis na ako. May delivery pala ngayon sa bahay. Nakalimutan ko. Ako na bahala sa report. Sinend ko na kay Brian - I mean Sir Brian," pagsisinungaling ni Fe at kinuha ang kanyang bag. Wala namang delivery at wala siyang sinend. Gusto niya muna mapag-isa upang isipin ang dapat niyang isipin.

"Sige po Miss Fe. Kami na bahala. Finalizing naman na ng gagamiting soun
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status