Share

DL 4

"Atlas?" tanong ni Fe pagkabukas ng pintuan ng apartment niya. Papasok na kasi siya sa trabaho at bumalik na sa apartment niya sa Pila.

"Good morning, Fe!" nakangiting bati ni Atlas. Tiningnan lang siya ni Fe mula ulo hanggang paa. Nakita niya naka-green suit ito, white T-shirt sa loob at naka maong pants.

"Bakit ka nandito sa Pila? Bakit ganyan suot mo? Anong meron? Paano mo nalaman ang bahay ko? Sinusundan mo ba ako? Stalker ka ba? " sunod-sunod na tanong ni Fe.

Sinarado niya ang pintuan ng apartment niya at tumingin kay Atlas habang hinihintay itong sumagot.

"Na-" Bago pa matapos ni Atlas ang sasabihin ay biglang nag-ring ang cell phone ni Fe sa bulsa ng palda niya.

"Hold that thought. I need to answer this." Hindi hinintay ang sagot ni Atlas at kinuha ang cellphone at in-accept na ang tawag.

"Good morning, boss! Aga mo ata tumawag. It's 5:45 in the morning." Tumingin siya kay Atlas emphasizing the time. Pero ngumiti lang si Atlas.

"Good morning too, Fe. Boss talaga at hindi Brian? Wala tayo sa opisina." Hindi naman pinansin ni Fe ang sinabi ng kausap.

"Bakit ka ba tumawag? I'm in a hurry. Hinahabol ko 'yong time ng bus. Get to the point already," seryosong sabi niya at napatingin kay Atlas ng tangkain nitong hawakan siya sa mukha. Napalo kaagad ni Fe ang kamay ni Atlas upang tanggalin.

"Suplada sa umaga. Meron ka ba?"

"Kung hindi importante sasabihin mo, kausapin mo na lang ako sa office mamaya. I need to go na. Malayo apartment ko sa office." Papatayin na sana ni Fe ang tawag ng sumigaw si Brian para huminto siya kaya napalayo sa tenga ni Fe ang cell phone.

"Sandali! Binibiro ka lang. I have something to say related to work. Where are you now?"

"Kakalabas lang ng apartment. Papasok na, bakit?" Nakita niya si Atlas na ngumiti ng nakakaloko kaya nag-iwas siya ng tingin.

"Dumiretso ka na sa Tabelle Cafe. The meeting with Mr. Ramos was rescheduled today, 7:00 in the morning at the said location. Kakatawag lang ng secretary niya today. Malapit apartment mo sa location at doon ka na dumiretso at hindi dito sa office." Napasimangot si Fe sa narinig. Biglang napatingin si Fe nang makitang hahawakan ni Atlas mukha niya kaya pinalo niya ito nang mahina.

"This is the only time na available si Mr. Ramos today. Full schedule na kasi siya sa susunod na araw," duktong ni Brian.

"He is the one who canceled before because of a health problem then now he's working. Is he okay na ba?"

"Ayos na daw siya sabi ng secretary niya. Kaya in-arrange ang meeting today morning."

"I see. Pupunta ako." Pinalo ni Fe kamay ni Atlas na hahawakan siya sa kamay.

"Breakfast meeting ito kaya maaga. I heard he is a meticulous guy kaya umayos ka. Behave," paalala ni Brian.

"Hindi na ako bata para sabihin mo 'yan. I know my job, BOSS. Just send me the details." Pinatay niya na ang tawag. Ayaw niya ng makipagdiskusyon sa kausap.

Tahimik lang siyang nag-iisip pagkapatay ng tawag. Magsasalita na si Atlas ng pinatahimik niya ito. Buti na lang at hindi nangungulit si Atlas at tahimik na tinitingnan siya.

"Dala mo ba ang sasakyan mo? Let me rent it for the whole day. I'll pay you."

Naguguluhan man sa nangyayari ay sumagot na lamang si Atlas. "Dala ko pero hindi pwedeng arkilahin. Kasama dapat ako."

"I want to argue with you but I don't have time for it. I need to be somewhere now this instant. Halika na." Naglakad na si Fe at nilagpasan si Atlas.

Huminto si Fe at nilingon si Atlas. "Bilisan mo! Saan ka ba nakaparada?"

Tumakbo naman si Atlas sa tabi ni Fe at sinabi kung saan siya nakaparada at sabay naglakad.

"Saan ka ba pupunta? Gano'n mo ba talaga kausapin boss mo?" Tanong ni Atlas pagkapasok sa kotse at pinaandar.

Umupo kaagad si Fe sa backseat at kinuha ang notebook at ballpen sa bag niya. "Tabelle Cafe and oo," simpleng sagot niya na lang.

"Close siguro kayo. Manliligaw mo? I'm jealous." Napatingin si Fe kay Atlas sa sinabi nito.

"Ano bang paki mo? Besides, hindi mo pa nasasabi ang paliwanag mo kung bakit ka nandito at paano mo nalaman bahay ko." Narinig ni Fe na napatawa si Atlas sa sinabi niya pero tumigil at nagseryoso.

"Na-miss ko kasi future wife ko kaya pumunta ako dito. Hiningi ko kay Diane ang address mo at binigay naman," paliwanag ni Atlas habang nagmamaneho.

"Diane gave my address sa'yo?" Napatingin siya kay Atlas na nakatutok ang mata sa daan.

"Oo kasi na-miss ko ang aking future wife," inulit ni Atlas ang sinabing na-miss niya ito kaso hindi pinansin ni Fe at kinuha ang cellphone at nag-text. Tumingin na lang si Atlas sa salamin at nakitang abala si Fe sa kanyang cell phone.

"Ako naman. Sino ang boss mo? Matagal mo na ba siya kakilala? Paano kayo nagkakilala? Nobyo mo ba? Kayo na ba?" Hindi sumagot si Fe at abalang nagtitipa sa cellphone niya.

Napahigpit na lang ang hawak sa manibela ni Atlas at seryosong nagmamaneho. Hindi na sila nag-usap pagkatapos. Mabilis at tahimik ang buong byahe nila. Patingin-tingin si Fe sa relo niya.

"Nandito na tayo." Lumiko siya at pumarada sa mabatong parking lot ng Tabelle Cafe.

Tumingin si Fe sa bintana at binulsa ang cell phone. Kinuha ang notebook at ballpen at tumingin kay Atlas.

"Thank you. Hintayin mo ako dito sa sasakyan na lang. If you let me rent the car sana, hindi ka na maghihintay." Lumabas na si Fe at hindi hinintay sagot ni Atlas pero nagulat siya nang marinig na sumara ang pintuan ng sasakyan sa side ni Atlas.

"Saan ka pupunta?"

"Sasama sa'yo," simpleng sagot ni Atlas at tumingin kay Fe.

"This is a business meeting. Hindi ka pwede sumama."

"Hindi ko nasabi kanina pero mas lalo kang gumanda sa work attire mo," puri ni Atlas at tinalikuran siya. Naglakad na papasok.

"Hey wait, Atlas!" sigaw ni Fe ng makitang naglalakad papasok na si Atlas sa Tabelle Cafe. Hindi tumigil sa paglalakad si Atlas kaya dali-daling naglakad si Fe sa mabatong parking lot upang habulin ito. Ang lalaki kasi ng hakbang niya.

"Atlas, stop! Huwag makulit." Hinawakan niya ito sa wrist upang pigilan. Huminto naman si Atlas at tiningnan ang kamay ni Fe na nakahawak sa kamay niya.

"This is a business meeting so butt out! This is not a casual meeting. My boss summoned me to go here. This is my client," mahabang sabi ni Fe kay Atlas na kinangiti ng lalaki. Hinawakan niya kaagad ang kamay ni Fe upang mag-holding hands sila.

Napatingin si Fe sa ginagawa ni Atlas at hinila ang kanyang kamay pero hinila naman ni Atlas papalapit si Fe sa kanya.

Nagkadikit ang katawan nila at malapit ang mukha sa isa't isa. Kaagad napatakip ng bibig si Fe na ikinatawa ni Atlas.

"Hindi kita hahalikan, Fe. Sinabi ko sa'yo na hindi kita hahalikan nang walang permiso mo." Nagseryoso ang mukha niya.

"At..." pabiting sabi nito. Pilit kumawala ni Fe kay Atlas pero yumuko ito at bumulong. "Ako nga pala ang sinasabi mong business meeting." Nanigas ang katawan ni Fe.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status