Share

DL2

Nagising si Fe ng 7:45 ng umaga at nakitang siya na lang ang nakahiga mag-isa. Napagtanto niyang pumasok na si Honey sa paaralan. Araw ng Sabado noon ngunit may klase ang bata. Bagay na ikinahiwaga ni Fe dahil pumayag ang mag-asawa sa gan'ong set-up para sa anak nila.

Bumangon na siya at inayos ang kama bago lumabas sa kwarto. Dumiretso sa banyo para maghilamos at magtoothbrush. Pagkatapos ay sinuklay ng daliri ang kanyang buhok bago lumabas sa banyo at bumaba na.

Dumiretso siya sa kusina at kumuha ng tubig sa ref para uminom.

"Good morning Fe!" masiglang bati ni Diane ng makita si Fe na umiinom ng tubig. Tumingin lang si Fe habang inuubos ang laman ng baso.

"Tamang-tama ang paggising mo. Kumain ka na at pumunta kaagad sa shop. May mga order na 40 pieces cinnamon roll at vanilla cake para ihatid," ani Diane.

"Kaya pala amoy tinapay ka na kahit ang aga," wika ni Fe pagkaubos ng tubig at hinugasan ang ininuman.

Humarap siya kay Diane ulit, "Pero ang dami naman ng order. Ano meron? Isang tao lang ba?"

"Isa lang. Birthday daw kasi ng Tita niya. Favorite daw cinnamon. Ang aga ko nga nagising kanina para mag-bake na at maghanda ng baon ni Honey at ni love," paliwanag ni Diane na ikinatango na lang ni Fe.

"O siya, una na ako para ayusin orders. Tingnan ko kung luto na last batch. Iniwan ko muna kasi para gisingin ka." Tumalikod na siya pero nagsalita kaagad si Fe.

"I don't eat breakfast. Magbibihis lang ako. Hintayin mo ako at sabay na tayo pumunta. I will help you." Dali-daling umakyat si Fe para magbihis. Hindi hinintay ang sagot ni Diane.

May shop si Diane. Gumagawa kasi siya ng cakes, bread, and other pastries. Her shop is located beside their house kaya nakakauwi kaagad siya.

.....

"Where is Linda?" kaagad na tanong ni Fe ng makita ang empty front desk. Hinintay siya ni Diane at sabay nagtungo sa shop.

"Wala siya. Tumawag kagabi at nag-text. Siya ang magbabantay sa tatay niya sa hospital. Inatake daw kasi kagabi. Silang dalawa na lang ang nandito sa Pilipinas at patay na nanay niya." Lakad nang lakad si Diane habang si Fe ay nakasunod lang.

"Ah. That is why you need my help?"

"Oo. Hindi ko pwedeng iwananan ang shop at may nakasalang pa ako na cakes. And there are walk-in customers." Tumigil siya sa front desk at kumuha ng box. Ipinatong sa desk at pumunta sa kusina.

Sumusunod lang si Fe sa likuran ni Diane habang pinagmamasdan ang kilos nito. "Anong gagawin ko? I don't know how to bake or make bread."

Tumigil si Diane sa paglalakad at tumuwad para silipin ang oven.

"Ayos na 'to," sambit ni Diane at binuksan ang oven. Sinuot ang pares ng gloves bago buksan at ilabas ang tray.

"Pakikuha 'yong box kanina sa front desk. Nalimutan kong dalhin tapos bumalik ka dito at tulungan mo ako i-pack ito." Sumunod na lang si Fe sa inutos ni Diane.

Pagkatapos ng isang oras na pag-pack ay lumapit si Diane kay Fe at may inabot na papel. "Eto ang address ng pupuntahan mo. Eto naman ang pera para sa pamasahe mo."

Napakunot ng noo si Fe sa narinig habang nakatingin sa papel na binigay.

"Kuha ka na lang ng tinapay na gusto mo. Bagong luto 'yong ibang cinnamon rolls at cheese bread," nakangiting sabi ni Diane. "Alam kong paborito mo ang cheese bread."

"Teka," biglang salita ni Fe na kinatahimik ni Diane.

"You're saying ba na ako mag-de-deliver?" Tumango na lang si Diane habang nakangisi at tinanggal ang apron at gloves.

Binigay kay Fe ang boxes ng cinnamon rolls at kinuha naman niya ang baskets na may cheese bread at ibang cinnamon rolls. Naglakad na sila palabas ng kusina at nagtungo sa front desk. Buti ay wala pang customers at sarado pa ito.

"Nasaan ang driver mo at bakit ako mag-de-deliver?" tanong ni Fe pagkalabas sa kusina na bitbit ang boxes ng cinnamon. Nilapag sa lamesa na katabi ng cake na dadalhin rin niya.

"Mang Jun is in the grocery, may pinabili ako. Mamaya ang balik kasi marami akong pinabili."

"You trust him with your groceries and money?" tanong kaagad ni Fe habang kumuha ng cheese bread sa basket at kinain.

Tumango si Diane bago nagsalita, "Yes, I trust him pero hindi 'yon ang gusto ko marinig sa'yo."

Nilunok muna ni Fe ang kinakain bago sumagot. "Paano ko i-de-deliver kung wala pala si Mang Jun?"

Ngumiti si Diane at niyakap si Fe. "Thank you at pumayag ka! About the car, huwag ka mag-alala. Nagpa-book na ako kanina pa ng masasakyan mo. On the way na as we speak."

Napanganga si Fe sa sinabi ni Diane. Planado na pala lahat at siya na lang kailangan.

Nilagay sa sling bag ang papel at pera na binigay ni Diane. Fe is wearing jeans and orange polo shirt, and a sling bag. Lagi kasi siyang presentable kung manamit.

"By the way, you want me to deliver, right? Pero hindi pa ako nakakaligo." Natawa si Diane sa sinabi ni Fe.

"Hindi makakaapekto ang amoy mo sa i-de-deliver mo. Besides, hindi ka naman mabaho. Actually, you smell like vanilla. Maligo ka na lang pag-uwi mo," paliwanag ni Diane at tumunog ang kanyang cell phone sa bulsa ng suot na floral dress.

Pagkabasa ng mensahe ay kaagad lumabas. Binuhat dahan-dahan ni Fe ang cake at maya-maya'y narinig ang pagbukas ng pintuan.

"Fe, nandito na ang sundo mo." Napansin niya kaagad ang lalaking katabi ni Diane dahil maputi ito at sobrang tangkad. Mahaba rin ang buhok na nakatali.

"Kuya, pakikuha na lang po 'yong boxes. Kasama din po kasi sa dadalhin niya," utos ni Diane sabay turo kay Fe.

"Yes, maam." Maglalakad na sana ang lalaki upang kunin ang boxes ngunit nagsalita si Fe.

"Are you really my driver? You look like a dangerous guy. I don't trust you." Naglakad na siya palabas ng shop at nakita ang sasakyan habang hawak-hawak ang box ng cake at tumingin sa front door ng shop.

"Pagpasensyahan mo na, Kuya. Ako na humihingi ng tawad sa inasal ni Ate Fe," paghingi ng paumanhin ni Diane.

"Trust issue," duktong niya pa at sumabay nang lakad sa lalaki.

"Ayos lang po." Ngumiti ang lalaki at kinuha ang boxes kaagad at lumabas na ng shop.

Nakatingin si Fe sa lalaki at kay Diane na lumabas na sa shop. Naunawaan kaagad ng lalaki ang nais ni Fe at dali-daling naglakad upang buksan ang pintuan ng sasakyan para makapasok.

"Kuya sa Rich Village Clubhouse tayo," banggit ni Fe ng makaupo. Napatigil ang lalaki sa narinig habang nilalagay ang boxes ng cinnamon.

"Kuya ingatan mo si Fe ha at ang dala niya. Ingat sa pagmamaneho," paalala ni Diane na kinagalaw ng mabilis ng lalaki bago isara ang pinto sa backseat.

"Eto pala kuya." Lumingon naman ang lalaki at nakitang may hawak na plastic si Diane at nakangiting inaabot sa kanya.

"Cheese bread kuya. Freshly baked. Mainit-init pa, bagong luto."

"Naku, maam. Nakakahiya po," tanggi ng lalaki.

"Ano ka ba, ayos lang. Masarap 'yan. Walang lason." Nakangiting inaabot ni Diane ang plastic na may tinapay.

Tinanggap naman ng lalaki at nagsalita ulit si Diane. "I'm curious, driver ka ba talaga? Para ka kasing model sa magasin at mukhang mayaman. Hindi mukhang driver."

Napangiti na lang ang lalaki sa narinig. "Salamat sa papuri pero driver lang po talaga. Foreigner po kasi ang ama ko kaso MIA simula 1-year-old ako."

Tumalikod na siya para pumasok sa kotse pero nilingon ulit si Diane.

"Don't worry Maam, iingatan ko po ang future wife ko," pabirong sabi ng lalaki at nilingon si Fe na may kausap sa cell phone.

Kinilig naman si Diane sa narinig at tumingin kay Fe na abalang nakikipag-usap sa kanyang cellphone.

"Ganda niya no? Single na single siya," mahinang sabi ni Diane na ikinangiti ng lalaki at tumango.

"Alis na po kami Maam at salamat po sa cheese bread. Favorite ko ang cheese bread." Naglakad na siya papuntang kotse at sumakay.

"Sandali kuya!" sigaw ni Diane na kinalingon ng lalaki at ni Fe.

"'Wag n'yo siya susukuan kahit ano mangyari. I hope you can change her back. Simula kasi ng mangyari 'yon ay-" Nakita ni Diane na nakatingin si Fe sa kanya at narinig na nagpapalam sa kausap kaya dali-dali niyang iniba ang sinasabi.

"Basta kuya, ang sinabi ko. Ingat sa pagmamaneho. Dahan-dahan ah. Alam ni'yo naman po ang Rich Village 'di ba? 10 am ang sinabing party pero dapat daw before 10 daw delivery. Alis na po kayo," palusot at paliwanag ni Diane. Naintindihan kaagad ng lalaki ang nangyayari at nakisakay na lang sa pagpapanggap na ginagawa.

"Makakaasa po kayo sa akin at alam ko po kung saan. Salamat po ulit maam sa binigay n'yo." Tinaas niya ang plastic na may tinapay at umalis na.

Medyo nakalayo na sila sa shop nang magsalita ang lalaki.

"Ako nga pala si Atlas," pagpapakilala sa sarili habang nakatuon ang tingin sa daan.

Tumingin lang si Fe sa kanya. Hindi niya kasi inaasahang magpapakilala ito. Ngumiti naman si Fe. "Nice to meet you Atlas!"

Ngumiti din ang lalaki pero kaagad nagseryoso si Fe, "Now drive."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status