Share

DL 6

"Ma'am Fe!" Tawag sa kanya na kakababa lang ng kanyang cell phone. Nilingon niya ito.

Nakita ni Fe na mahinhing naglakad si Candice papalapit sa kanya at may dalang papel. Nasa Arki Hall sila sa Q.C. Ayaw sana ni Fe na gawin kaso dahil trabaho niya ay wala na siyang magawa.

Naalala pa niya ang pag-uusap nila ni Brian ng nakaraang Martes. Biyernes na kasi at bukas na ang event.

"Bakit ako? Hindi ba may branch naman tayo sa Q.C.? Pwede namang sila na ang maghandle ng event ni Mr. Ramos." Nasa opisina siya ni Brian at nagmamaktol.

"This is your task Fe, remember? And besides...." binitin niya at pumunta sa desk niya. May kinuha kasi siyang portfolio sa bookshelf ng opisina niya. "Mr. Ramos wants you to handle this."

"Brian I mean boss naman. Nasa Pila ako nagtatrabaho. Q.C. is a 4-hour drive away. Malayo," reklamo ni Fe at sumimangot. Ayaw niya sa ideya na babalik siya ng Q.C.

"You can do it, right? Or is there some reason that you won't do it?" Napatahimik si Fe. Alam niya kasi ang sinasabi nito.

"It's been years since that happened. It's not your fault, Fe. He - " bago pa matapos ni Brian ang sasabihin ay kaagad pinutol ni Fe ang sasabihin.

"BOSS, nasa company tayo. No personal issue conversation." Tinalikuran ni Fe si Brian at naglakad patungong pintuan ng opisina upang lumabas.

"No personal issue? But why is your reasoning personal? This is about work we're talking about."

Napahinto si Fe sa paglalakad. Tama si Brian sa sinabi niya. Siya lang naman kasi ang ginagawang big deal ang usapan nila.

"Eto po 'yong listahan na hinihingi ni'yo." Inabot ni Candice ang papel na hawak. Napabalik sa kasalukuyan si Fe nang marinig ang boses ni Candice.

Nagpasalamat si Fe sa kanya at tiningnan ang papel. Report kasi 'yon na ibibigay niya kay Brian pagbalik niya ng Pila mamaya. Uwian kasi siya kahit inaalok siya ng kanyang kapatid na sa kanila muna siya pansamantala.

"Ayoko," matigas na sagot ni Fe sa kapatid.

Hindi na lang pinilit ni Manny si Fe sa pagtira sa kanila pero may sinabi ito.

"Naiintindihan ko ang gusto mo, Ate. Pero ipapaala ko sa'yo nang paulit-ulit na hindi mo kasalanan ang nangyari. Nagmahal ka lang."

"Good morning everyone!" sigaw na bati ni Anna. May lalaki naman siyang katabi at may dalang supot sa magkabilaang kamay. Napatingin si Fe, si Candice at ang iba pang empleyado na nandoon at may kanya kanyang ginagawa.

"Ang ganda naman ng ginawa ni'yo dito. The event will surely be successful this time. Pinabibigay nga pala ni Sir." Sumenyas siya sa katabing lalaki para mamigay ng burgers and a bottle of C2.

Lumingon siya kay Fe. "Miss Anonuevo, Mr. Ramos is summoning you to his office."

Nagpasalamat si Fe at lumapit kay Anna upang sabay silang umalis. Naiwan ang lalaking namimigay pa.

Sinusundan ni Fe si Anna at nakikitang maganda at malaki ang Arki Company. Pumasok sila sa isang opisina at nakita si Atlas na abalang nagtitipa sa laptop niya at may hawak na papel.

"Mr. Ramos, Miss Anonuevo is here," sabi ni Anna pagkahinto nila. Lumingon si Atlas at nagpasalamat kay Anna. Tumango ito at lumabas.

Lumapit naman si Fe kay Atlas. "May ipapadagdag ka pa ba? My team is finalizing everything now for tomorrow's event."

Hindi nagsalita si Atlas at nakatitig lang kay Fe. Kumunot ang noo ni Fe at naghalukipkip ng kamay.

"Kung wala kang sasabihin ay aalis na ako. We're kind of busy right now." Tumalikod na si Fe at maglalakad palayo nang magsalita si Atlas.

"You're office attire is so damn sexy to you. Sarap mong titigan." Lumingon si Fe at nakitang malapit si Atlas sa kanya at nakatitig. Napaatras ng bahagya si Fe pero kaagad siyang hinila ni Atlas.

Magsasalita si Fe ng takpan ni Atlas ang kanyang bibig at nilapit ang mukha. Itinutulak niya si Atlas palayo sa kanya pero lalo niyang dinikit ang katawan niya kay Fe.

Nanlaki ang mga mata ni Fe at nagpupumiglas pero hindi siya binibitawan ni Atlas. Bigla niyang naalala ang araw na 'yon na pilit isinasantabi sa isip. Hinipan ni Atlas ang kanyang tenga dahilan para tumaas ang balahibo ni Fe.

Naghihisterikal na si Fe at umiyak na kinagulat ni Atlas. Binibiro niya lang si Fe pero hindi niya inakala na magiging ganoon reaksyon nito. Buti ay soundproof ang kanyang opisina.

'Hindi naman ganito ang reaksyon niya dati sa Tabelle Cafe.' Isip ni Atlas habang hinahaplos ang likod ng dalaga.

"Niloloko lang kita, Fe. Please, huwag ka na umiyak." Pinapakalma niya si Fe at nararamdaman ang panginginig ng kanyang katawan habang pilit pa ring kumakawala.

Niyakap lalo ni Atlas si Fe at pinapakalma. Paulit-ulit humingi ng tawad habang hinahaplos ang likod ni Fe. Humina ang pagsisigaw ng dalaga hanggang sa mawalan na ito ng malay.

Nang maramdaman ni Atlas na hindi na gumagalaw at nagsisigaw si Fe ay tumingin siya. Nakita niyang walang malay si Fe at may luha pa. Pinunasan ni Atlas ang kanyang luha at binuhat para ihiga sa sofa sa kanyang opisina.

'Bakit?' tanong ni Atlas sa isip habang pinagmasdan ang maamong mukha ni Fe na walang malay. Hindi niya talaga 'yon inaasahan at na-curious sa reaksyon ni Fe.

Naglakad siya sa desk niya at may pinindot.

"Come here, Anna now!" utos ni Atlas at konting minuto pa ay may kumatok sa pinto. Pinapasok ni Atlas kaagad at nakita si Fe na nakahiga sa sofa at walang malay.

"What happened to Miss Anonuevo?"

"Biniro ko. Sumobra," paliwanag niya sa secretary niya.

Anna and Atlas are close to each other like Fe and Brian. Different is, alam kila Atlas samantalang kila Fe ay hindi.

"Poor girl." Tumingin siya kay Atlas. "Ikaw naman kasi. Hindi ko alam takbo ng utak mo. Nagpapanggap ka pang driver sa company mo. Ngayon naman, hinimatay si Miss Anonuevo dahil sa'yo. May lumuwag atang turnilyo sa utak mo." Lumapit si Anna at tumingin kay Fe.

"Pumunta ka do'n at sabihin mong nahimatay si Fe sa pagod and eto." May inabot si Atlas na papel. Hindi pinansin ang pang-aasar na ginawa ni Anna.

"Dagdag sa event bukas. Ibibigay ko kay Fe pero nahimatay naman. Busy ako ngayon kaya hindi ko maabot. Marami akong inaasikaso para sa extension sa Cebu," utos niya sa kanya. Tumango di Anna at tumingin kay Fe nanatutulog bago umalis.

...

Nakabalik na si Fe sa Pila kahit gabi na sila natapos. Hindi na siya nagpaalam kay Atlas. Pabagsak umupo si Fe at nakatitig sa kawalan. Naalala niya ang nangyari kanina at huminga nang malalim at umiling para kalimutan ito.

Naalala niya na ay nagising siya sa opisina ni Atlas pero wala ito. Pagkabalik sa kanyang kasamahan ay inulan siya nang mga tanong. Hindi sinabi ni Atlas ang totoong dahilan na ikinagalak ng loob ni Fe. Ayaw niya kasing malaman nang iba ang totoo dahil ayaw niyang mabalikan ang nakaraan ulit.

"Fe, kaya mo yan. Pakatatag ka pa," pagpapalakas ng loob sa kanyang sarili. Hindi niya inakala na gano'n ang epekto pa rin sa kanya ng nakaraan. Alam niyang matagal na ang nangyari pero para sa kanya ay parang kahapon lang ito naganap.

Tumayo na siya para umakyat sa kwarto at maglinis ng katawan at matulog na.

...

"Good morning everyone!" bati ni Brian na ikinatingin ng lahat. Binati din naman siya.

"Today is the day that I will announce who is chosen for the relocation in Q.C. branch of William events company," marami pang sinabi si Brian pero may tumawag sa cellphones ni Fe.

Hindi niya sinabi kay Brian ang nangyari talaga sa kanya. He knows well na mag-aalala si Brian at sasabihin pa sa kapatid ni Fe. Bagay na ayaw niya mangyari.

The relocation is done once in a while for the company's employees to expand their knowledge of work. The relocation is more of an exchange of employees.

"Sige po. Tomorrow I will be there to check the location around 10 in the morning." Inaasikaso ni Fe ang wedding event for next week. Kaya half listening siya kay Brian.

Alam kasi ni Fe na hindi siya tatawagin nito. Kaya trabaho ang inuna niya pero pinapakinggan niya pa rin si Brian. Boss niya kasi ito.

"Marife Anonuevo."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status