Share

DL 5

'Siya si Mr. Ramos? Paano nangyari 'yon? Sa pagkakaalam ko ay driver lang siya sa isang app na binook ni Diane.' Isip ni Fe habang naglalakad na katabi si Atlas.

Pangiti-ngiti lang si Atlas na ka-holding hands si Fe at hindi nagsasalita.

'Ang lambot ng kamay niya. Sarap hawakan.' Isip ni Atlas at may waitress na lumapit at binati sila.

"Table for two," sabi ni Atlas sa waitress. Naglakad sa harap ni Atlas ang waitress para sundan siya. Nagpasalamat naman si Atlas sa waitress pagkarating at magkatabi sila ni Fe sa upuan. Hindi pa rin binibitawan ang kamay ni Fe.

"Alam kong marami kang tanong kaya itanong mo na," mahinang sabi ni Atlas pagkaupo nila. Tumingin si Fe sa kanya at hinila ang kamay pero hindi binitiwan ni Atlas.

"Let go of my hand. Lilipat akong puwesto," sabi niya pero hinigpitan naman ni Atlas.

"Hindi maaari wife ko. Dito ka lang sa tabi ko."

"No! This is unprofessional. How can we have a meeting if I'm sitting beside you? And besides, hindi tayo mag-asawa. Stop calling me 'wife'," reklamo ni Fe.

"Bago 'yon, kain muna tayo. Ano gusto mong kainin?" Hindi niya pinansin ang sinabi ni Fe at tumingin sa menu sabay tinawag ang waiter. Napasimangot si Fe.

"Nothing. I don't eat breakfast." Napatingin si Atlas kay Fe na pilit tinatanggal ang hawak sa kamay niya pero hindi binibitawan ni Atlas.

"That's no good. Breakfast is an important meal of the day,"seryosong sabi kay Fe. "I'll have two orders of your Combo meal, two cups of coffee with no milk, six pieces of egg tart, and two pieces of slice cheesecake. That is all. Thank you!" Napanganga si Fe sa in-order ni Atlas at nagsalita pagkaalis ng waiter.

"Hindi ka ba kumakain at ang dami ng in-order mo?" Tumawa naman si Atlas na ikinatingin ng ibang customers.

"I eat a lot wife." Nag-wink si Atlas na dinedma ni Fe.

"Lower your voice and stop calling me wife. Fe is my name," seryosong sabi ni Fe na nakatitig kay Atlas. "Anyway explain."

"I am Atlas Jude Ramos. I am the CEO of Arki Company. Arki Company was the one that Diane used to book a driver," at marami pa siyang pinaliwanag bago dumating ang in-order.

"Why pretend to be one of your employees then?"

"Hobby."

"What a weird hobby."

"Weird nga pero nakilala kita. My future wife."

Tiningnan ni Fe ang pagkain at ang kamay niya na hawak pa rin ni Atlas.

"My hand, please?" sabi ni Fe pero hindi binitawan ni Atlas at kinuha ang kanyang kape.

"Paano ako kakain?"

"Susubuan kita." Tumaas ang isang kilay ni Fe at uminom naman si Atlas.

"Are you insane? Let go. Marunong ako kumain." Hindi niya binitiwan ang kamay ni Fe at binanaba ang tasang iniinom at tinusok ang longganisa sa kanyang plato.

"Bite," sabi ni Atlas pero tinikom ni Fe ang bibig. Napangiti si Atlas sa asal ng babae. Para kasi itong bata.

"Kagatin mo at bibitiwan ko na." Nagningning ang mata ni Fe at kinagat kaagad ang longganisa. Natawa si Atlas pero hindi binitawan ang kamay niya.

Tumingin si Fe sa kamay niya at sinundan naman nang tingin din ni Atlas. "Subuan mo muna ako at makakakain ka na with your hand."

"You tricked me. I won't believe you anymore." Sumimangot si Fe na ikinangiti ulit ni Atlas.

"Alam mo, ang ganda mo pa rin kahit nakasimangot." Inangat ni Atlas ang nakaholding hands na kamay at hinalikan. Lumaki ang mata ni Fe sa ginawa ni Atlas at hinihila pero ayaw bitiwan.

"Subuan mo ako at totoong bitiwan ko na. Unless gusto mong halikan ko ulit." Akmang hahalikan ulit ni Atlas ang kamay ni Fe pero dali-dali namang tumusok ng hotdog si Fe at isiningit sa labi ni Atlas at kamay niya na hawak.

Natawa nang malakas si Atlas at sinubo ang hotdog at binitiwan na ang kamay ni Fe.

"Ang sweet naman ng wife ko. Sinusubuan ako," malakas na sabi ni Atlas na ikinalingon ng ibang customers na nandoon.

Namula si Fe at itinatanggi na asawa niya si Atlas.

"Kainis ka! Hindi mo ako asawa!" mahinang sabi ni Fe at yumuko para tusukin ang longganisa.

Tumawa naman si Atlas at tinusok ang hotdog sa plato niya at kinagat. "Mas masarap ang hotdog na binigay mo kaysa dito. Subuan mo ako ulit."

"Kumain ka mag-isa mo. Arte mo!" Napasubo ng fried rice si Fe na ikinatawa ni Atlas at kumain na din.

Ang combo meal ng Tabelle Cafe ay marami ang ulam. May longganisa, hotdog, scrambled egg, corn beef at tapa. Pero naubos lahat 'yon ni Fe at kumain pa ng cheesecake at ininom ang kape.

Nakatitig si Atlas kay Fe habang iniinom ang kanyang kape. Napansin 'yon ni Fe at binaba ang iniinom.

"'Yan pala ang hindi kumakain ng breakfast," pang-aasar ni Atlas. Namula si Fe at hindi sumagot. Binigyan ni Atlas ng egg tart si Fe at tumanggi na dahil busog na siya.

Tinawag ni Atlas ang waiter at um-order ng two slices of cheesecake to go, fifteen pieces egg tarts and pinabalot ang natirang tatlong egg tarts. Nakita ni Atlas na tumayo si Fe kaya tiningnan niya ito.

"Saan ka pupunta?" hawak ni Atlas sa kamay ni Fe.

"Lilipat ng upuan so we can discuss formally." Inalis niya ang kamay ni Atlas. "I did what you want. So now, let me do my work." Umupo sa katapat na upuan ni Atlas.

"What's the event you want me to do?" Pagbukas sa notebook niya at ballpen.

"Our wedding." Isusulat na sana ni Fe nang marealize ang sagot ni Atlas.

"'Yong totoo kasi. Mapapagalitan ako sa ginagawa mo," seryosong sabi ni Fe.

"Okay. It is for my company. Next Saturday will be our company's annual celebration of what you call acquaintance party," marami pang sinabi si Atlas na sinusulat nang sinusulat ni Fe.

Katulad ng sinabi ni Brian kanina ay napakametikuloso niya. Ibang-iba sa Atlas na makulit at nilalandi siya. Kahit ang uri ng musika na gagamitin at kakainin ay inusisa niya din. 'Yong mga gagamitin sa events at iba pa.

Pagkatapos nilang mag-usap ay nagtungo na sila sa parking lot. Ayaw sana ni Fe sumakay na at mag-commute na lang pero hindi pumayag si Atlas at ihahatid si Fe na lang. It's already 9:05 in the morning at ang tagal ng usapan nila.

"You're a very meticulous guy. Your attention to detail is admirable. Siguro mahal na mahal ka ng trabahador mo kasi may boss silang kagaya mo na concern na concern sa welfare nila," puri ni Fe ng makapasok na sa sasakyan.

As usual, nasa backseat siya nakaupo habang si Atlas ang nagmamaneho. Kahit alam na ni Fe na si Atlas ang CEO ay gano'n pa rin ang pakikitungo niya sa lalaki.

"Thanks. Mahal nga nila ako, ikaw kaya? Kailan mo ako mamahalin wife?" Hinila ni Atlas ang pintuan ng driver seat.

"Stop flirting with me, Atlas. I told you before, wala akong intensyon magmahal ngayon," seryosong sagot niya.

"Bukas ba? Pwede mo na ba ako mahalin?" pangungulit ni Atlas na nakangiti at tumingin sa salamin para makita reaksyon ni Fe.

"Never akong magmamahal." Tumingin siya sa bintana sa gilid niya at pinagmasdan ang ibang sasakyan na dumadaan.

"Talaga ba?"

"Oo."

"Hindi ako papayag. Mamahalin mo ako kahit ano mangyari." Napakagat-labi siya at tumingin sa harap ng seryoso bago sumagot.

"You'll just waste your time."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status