Share

My Sister My Lover
My Sister My Lover
Author: Ansh Marie Toperz

Prologue

"Anong ginagawa niyo?!" Sambit ni Tanya ng madatnan niyang magkapatong ang magkapatid sa kama. Agad namang umayos ang mga ito.

"Ah wala Mom," tila kinakabahang sagot ni Leiluna.

"Naghaharutan kasi kami ng ma out of balance si Lei," sagot naman ni Dennise na kalmado lang.

"Handa na ang dinner. Kanina ko pa kayong tinatawag na dalawa. Bumaba na kayo," turan ni Tanya saka tumalikod kasabay ang pagsara ng pinto.

Sumunod ang nakakabinging katahimikan. Abala ang bawat isipan ng dalawa patungkol sa kaninang kaganapan. Hindi maiwasan ng mga ito ang mapaisip dahil tila may kakaiba.

Napasulyap si Leiluna sa kanyang kapatid na agad na umiwas sa kanya kasunod ang ," Tara na. Gutom na'ko!" ngumiti ito sabay ang pagtayo mula sa kama.

Sumunod na lang din sa paglabas si Leiluna kay Dennise.

Naunang pumanik ng kwarto si Leiluna habang nanatili naman si Dennise sa sala para manuod ng TV matapos nilang mag dinner.

Hindi mapirmi sa kama si Leiluna at paulit ulit sa utak niya ang kaninang pangyayari sa kanilang magkapatid. Pakiramdam nito nahuli sila sa akto.

Natataranta itong umayos ng higa ng mapansing may paparating. Batid niyang ang kapatid nya na ito.

Tila wala sa sariling nagkabanggaan pa ang dalawa sa pagpasok ng banyo. Iwas ang mga matang nagpaubaya si Dennise sa kapatid.

Si Leiluna naman ay napaglapat ang itaas at ibaba ng kanyang labi habang papasok ng banyo. Pinagmasdan ang sarili sa salamin, napahawak sa magkabilang pisngi nya na tila mainit. Hindi niya maipaliwanag ang kakaibang nararamdaman.

Naiwang balisa naman si Dennise at naging palaisipan sa kanya ang mga naging tingin sa kanya kanina ni Leiluna nung magkapatong sila at magtama ang kanilang mga mata.

Comments (4)
goodnovel comment avatar
Ansh Marie Toperz
how about revenge lgbt nabasa mo na ba?
goodnovel comment avatar
Ansh Marie Toperz
thank you ...
goodnovel comment avatar
Marlon Delos Santos Torres
pwde congrats
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status