Samantala ay pinunasan naman ni Lucas ang mga sulok ng kanyang bibig pagkatapos siya nitong masubuan at tiningnan siya nito sa mga mata. "Hindi ka kumain ng isang araw at walang nutrisyon ang pumasok sa iyong katawan.dahil nga ayaw mong kumain ay wala akong choice kundi ang gawin ito para lang makakakain ka Annie. Ngayon ay ikaw ang pumili para sa sarili mo kung kakain ka ba ng sarili mo o ako ang magpapakain sayo." sabi nito sa kaniya na halos magningning pa ang mga mata habang sinasabi ang mga bagay na iyon."Baliw. Baliw ka talaga." Galit na sambit ni Annie. "Hindi ako pipili. Bakit sana ako pipili? Lumabas ka na." sabi niya at pagkatapos ay itinulak si Lucas paalis sa kama.Samantala binigyan na siya ni Lucas ng pagpipilian ngunit hindi ito nakinig kaya sa sobrang inis ni Lucas ay mabilis niyang ibinuka ang bibig nito at pinahigop rito ang buong mangkok ng sopas na hindi ito makakapanlaban sa kaniya. Sinubukan nitong isara ang bibig nito ngunit wala iyong silbi.Naramdaman ni An
Pagkatapos maligo ni Annie kahit papano naman ay medyo mas naging komgportable na ang pakiramdam niya. Pero pagbangon niya mula sa bathtub ay bigla na lamang siyang nahilo nagsikap siyang kumuha ng suporta mula sa dingding ng banyo habang binibihisan siya ng kasambahay kaya lang ay pagkatapos siyang mabihisan ng mga ito ay doon na siya tuluyang nawalan ng malay.Agad na nagsisigaw ang kasambahay sa sobrang takot. "Sir! Sir! Bigla na lang pong nawalan ng malay ang dalaga!" sigaw nito.Nang marinig naman ito ni Lucas ay dali-dali siyang tumakbo at pumasok sa banyo. "Anong nangyari?" puno ng pag-aalalang tanong niya at pagkatapos ay mabilis na dinaluhan si Annie.Agad na binuhat ni Lucas si Annie at dali-daling inihiga sa may kama. Pagkatapos ay mahigpit niyang hinawakan ang mga kamay nito at kasabay ng pagtawag niya kay Kian."Nasaan na ang doktor? Bakit hindi pa kayo dumarating?” tanong kaagad ni Lucas pagkasagot na pagkasagot nito ng tawag."Sir, may traffic jam sa kalsada at naipi
Pagdating ng doktor ay sinabihan siya nitong paliguan niyang muli si Annie sa maligagam na tubig upang kahit papano ay mas bumaba pa ang temperatura ng katawan nito na mabilis niya namang sinunod. Binihisan niya rin ito kaagad ng preskong damit pagkatapos.Hindi niya alam kung ano ang dahilan ng pagkakaroon nito ng lagnat, hindi niya lubos maisip kung bakit. Pagkatapos niyang mapaliguan si Annie at mabihisan ay ibinaba niya ito sa kama at agad-agad itong sinuri ng doktor. Sinabi nito sa kaniya na sipon lamang iyon ngunit mas komplikado dahil magiging mainit ang katawan nito pagkatapos ay magiging malamig.Bukod doon ay kakalabas lang ng ospital ni Annie dahil aksidenteng kinasangkutan nito. Alam niya na mahina pa ang kanyang katawan nito at hindi pa siya lubusang gumagaling. Idagdag pa na hindi ito kumain ng isang buong araw at halos nanigas dahil sa lamig nang manatili ito sa bintana kaya nasisiguro niya na sobrang nahihirapan si Annie ng mga oras na iyon.Agad nila itong pinainom n
Pagkarinig niya ng mga sinabi ni Finn ay bigla na lamang siyang natigilan. Ang kamay niyang nakahawak ng sigarilyo ay biglang tumigil sa ere. Sa mga sandaling iyon ay bigla siyang napaisip ng malalim. Dati ay ni hindi man lang iyon sumagi sa isip niya pero ngayon dahil sa sinabi ni Finn ay bigla siyang napaisip. Mula nang makipagkasundo siya kay Annie na bigyan pa ng isa pang pagkakataon ang pagsasama nila dahil sa hiling ng lolo niya ay hindi na pumasok pang muli sa isip niya na makasama si TRisha.Lalo na ngayon, kahit na maghiwalay man sila ni Annie ay hindi na niya pipiliin pa ang makasama pang muli si Trisha, pero napakalaking tanong sa isip niya ng mga oras na iyon kung bakit nga ba? Bakit nga ba ayaw niya? Mukhang gusto niyang sabihin na totoo nga ang hula ni Finn na kung sakali man na maghiwalay sila ni Annie ay hindi ba at sobrang saya niya sana dahil magkakabalikan na silang muli ni TRisha?Pero bakit patuloy niyang tinatanggihan ang pakikipaghiwalay ni Annie sa kaniya? Iyon
Samantala, nang magising naman si Lucas, bago pa man niya idilat ang kanyang mga mata ay kaagad na niyang iniunat ang kanyang kamay upang kapain ang katabi niya. Ngunit nang maramdaman niya na wala siyang katabi ay agad-agad na napamulat ang kaniyangg mga mata at mabilis na napabangon ng wala sa oras."Annie?!" sigaw niya pagkabangon niya kaagad at dali-dali siyang bumaba mula sa kama at hinanap ito aagad sa banyo. Ngunit wala ito doon at wala rin ito sa buong silid. Dahil sa nangyari kahapon ay talaga namang umahon ang takot sa didbib niya. Mabilis siyang lumapit sa mga bintana at hinawi ang mga kurtina ngunit maging doon ay wala ito doon."Annie!" sigaw niya ngunit walang sumagot sa kaniya. Nang makita niya na sarado ang mga bintana ay medyo nakahinga siya ng maluwag, iniisip niya kasi ay baka tumalon na ito doon ngunit mukhang hindi naman. Bago pa man siya makapag-isip ay dali-dali siyang lumabas ng silid at tumakbo pababa ng bahay upang doon ito hanapin.Nang makita niya ang isang
Agad naman na iniunat ni Annie ang kanyang kamay at dahan-dahan niyang inilagay ang mga ito sa kanyang tiyan at mahinang nagsalita."Alam mo ba dati ay may dalawang buhay rito? Naririnig ko ang bawat tibok ng mga puso nila at nakita ko pa sila mismo sa ultrasound. Alam mo ba kung gaano ko sila kamahal at napakarami pang bagay na handa akong isakripisyo para lang sa kanila? Pero ngayon…” muli siyang napakagat-labi. “Wala na sila…” sambit niya."Wala na sila… ayaw na nila sa akin…" sa huli ay hindi napigilan ni Annie na hindi mapaiyak. Nanginig ang kanyang mga labi dahil sa pagpipigil niya ng pag-iyak. Yumuko siya upang hindi nito makita ang sakit sa mga mata niya dahil sa pagkawala ng mga anak niya.Samantala ay halos hindi naman makagalaw si Lucas at para siyang na-estatwa dahil sa narinig niya. Mga baby? Ibig sabihin ay totoo ang sinabi nito noon sa kaniya. Totoo rin ang sinabi ni Greg sa kaniya? Ibig sabihin ay hindi kasinungalingan lahat ng iyon at totoong buntis ito nang maaksiden
"Sa huli ay wala na akong ibang maisip kundi ang mamatay na lamang dahil sa kawalan ng pag-asa.” pagatapos sabihin ni Annie ang mga iyon ay bigla na lamang siyang natahimik habang umiiyak at pagkatapos ay pinunasan niya ang kanyang mga luha at tumayo mula sa kanyang kinauupuan at tumalikod na rito dahil ayaw na niyang makita pa nito na umiiyak siya. Ayaw na niyang makita nito ang pagluha niya.Nang makatalikod siya rito ay doon bumalong ang luha sa mga mata niya at halos sumasakit na rin ang mga iyon dahil sa labis na pag-iyak niya. Ayaw na niyang umiyak. Pagod na siyang umiyak ngunit ayaw pang tumigil ng mga mata niya sa pag-iyak. Humakbang siya ngunit tumigil rin."Sa huli ay si Greg ang dumating para iligtas ako kung hindi siya dumating ay baka namatay na sana ako." sabi niya rito."Ngayon isipin mo na lang na isa na akong malamig na bangkay." dagdag pa niyang sabi rito. Matapos niya lang sabihin ang mga salitang iyon ay ramdam na ramdama niya ang pagkaubos ng lakas niya. Sobrang h
"Gusto mo ba talaga na maghiwalay tayo?" tanong ni Lucas sa kaniya habang nakatitig sa mga mata ni Annie at ang bawat pagbuka ng kanyang bibig ay napakahirap talaga para sa kaniya."Oo nga." mabilis na sagot nito sa kaniya at kitang-kita niya sa mga mata nito na wala man lang itong pagdadalawang isip na umoo sa kaniya. Dahil doon ay gumuhit ang sakit ng puso niya. Sobrang sakit. Sa totoo lang ay nagdadalawang isip pa rin siya pero ano pa nga ba ang magagawa, ayaw na siyang makasama nito.Humugot siya ng isang malalim na buntung-hininga. "Papayag ako sa isang kondisyon…" sabi niya rito habang nakatitig rin sa mga mata niya."Anong kondisyon?" kaagad na tanong nito sa kaniya."Kapag magaling ka na ay samahan mo ako sa bayan ng lolo't lola ko." sagot niya rito.Kaagad naman na tumango si Annie sa kaniya. "Okay, sige." sagot nito sa kaniya.…Ilang araw lang ang nakalipas ay tuluyan na ngang naka-recover si Annie at nag-hire pa talaga ng nurse si Lucas para personal na alagaan ito pati na