Share

Chapter 118.3

Pagkatapos maligo ni Annie kahit papano naman ay medyo mas naging komgportable na ang pakiramdam niya. Pero pagbangon niya mula sa bathtub ay bigla na lamang siyang nahilo nagsikap siyang kumuha ng suporta mula sa dingding ng banyo habang binibihisan siya ng kasambahay kaya lang ay pagkatapos siyang mabihisan ng mga ito ay doon na siya tuluyang nawalan ng malay.

Agad na nagsisigaw ang kasambahay sa sobrang takot. "Sir! Sir! Bigla na lang pong nawalan ng malay ang dalaga!" sigaw nito.

Nang marinig naman ito ni Lucas ay dali-dali siyang tumakbo at pumasok sa banyo. "Anong nangyari?" puno ng pag-aalalang tanong niya at pagkatapos ay mabilis na dinaluhan si Annie.

Agad na binuhat ni Lucas si Annie at dali-daling inihiga sa may kama. Pagkatapos ay mahigpit niyang hinawakan ang mga kamay nito at kasabay ng pagtawag niya kay Kian.

"Nasaan na ang doktor? Bakit hindi pa kayo dumarating?” tanong kaagad ni Lucas pagkasagot na pagkasagot nito ng tawag.

"Sir, may traffic jam sa kalsada at naipi
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status