"Kung ano-ano ang sinasabi mo. pumunta ka na nga doon, napakagulo mo lang rito." sabi niya at pagkatapos ay bahagya pa itong itinulak dahil sa sobrang pagkapahiya niya sa harapani ni Annie. Napakadaldal talaga ng kapatid niyang ito at halos wala man lang kapreno-preno ang bibig nito."Sa totoo lang kuya ay ngayon lang kita nakitang ganito ka-gentle at maingat sa isang babae. May mga babaeng humahabol sa iyo noon, pero tinanggihan mo silang lahat ng walang kaawa-awa." sabi nito sa kaniya. Dahil sa sinabi nito ay halos hindi na niya alam kung may mukha pa ba siyang ihaharap kay Annie ng mga oras na iyon.“Pumunta ka na sa sasakyan." sabi niya rito na may halong banta na ang tinig at talaga namang sinamaan na niya ito ng tingin, yung tipong sa isang tingin lamang ay makukuha na nitong matakot sa kaniya at sa wakas ay nagawa na ni Kenna na bumalik sa kotse at pagkatapos ay naglakad siya pabalik sa harapan ni Annie.“Pasensiya na at pinaghintay kita." sabi niya at pagkatapos ay bahagyang
Pagdating sa bahay ay kaagad na naligo si Annie para hindi siya magkasakit. Dahil sa ulan ay hindi niya maiwang hindi mag-alala na baka magkaroon siya ng sipon kaya't mas matagal siyang nagbabad sa mainit na tubig dahil gusto niyang mawala ang lamig sa kanyang katawan.Nang makapagdesisyon siya na sa wakas ay lumabas siya ng banyo ay siniguro niya talaga na mainit na siya at maluwag at komportable na ang pakiramdam niya. Pero hindi niya inaasahan na agad niyang makikita si Lucas pagkalabas na pagkalabas niya ng banyo.Kapapasok lang din nito ng pinto at mukhang katatapos lang din nitong magshower at nakasuot din ito ng pajama katulad niya at ang itim niyang buhok ay tumutulo pa dahil sa pagligo nito.Habang nakatitig rito ay hindi niya maiwasan na hindi makita nag kagwapuhang taglay nito habang nakausot ito ng pantulog na talaga namang nagpalutang sa kagwapuhan nito. At sa ilalim ng liwanag ng ilaw ay mas lalo pang lumakas ang appeal nito. Wala man lang siyang makitang konting kapan
Hindi namalayan ni Annie na gumalaw na pala ang kanyang mga kamay at yumakap kay Lucas at hindi lang basta yumakpa dahil bigla na lamang itong gumalaw upang tanggalin ang pagkakatali ng suot nitong roba. Ilang sandali pa nga ay tumigil si Lucas sa paghalik sa kaniya at pagkatapos ay isinandal nito ang noo sa kanyang noo at tumitig sa kaniya na may kaakit-akit na ngiti sa kanyang mga labi. "Annie, mukhang hindi ka na makapaghintay. Kahit ang damit ko ay unti-unti mo ng tinatanggal." tukso nito sa kaniya.Nang marinig ito ni Annie, hindi niya naiwasan na manginig ang buo niyang katawan, dahil nga halos hindi na niya nakayang mapigilan ang kanyang sarili. Ilang sandali pa nga ay narinig na niyang tinatanggal na nito ang butones ng pantulog niya kaya mabilis na yumuko si Annie upang tingnan ito. Sa pagkakataong iyon ay doon niya nakita na ang suot ngang roba ni Lucas ay wala na talagang tali at tumambad na sa kanyang paningin ang dibdib nito at tiyan na mayroong abs. Nang makita niya it
Samantala, sa mga sandaling iyon ay naisip ni Annie na palagi na lamang siyang napapahiya kapag nagtatanong siya rito tungkol sa nararamdaman nito para sa kaniya. Hinayaan na lamang niya itong gawin ang gusto nito sa katawan niya, tutal naman ay ang katawan lang naman niya ang gusto nito.Nang tingnan ni Lucas ang mga mata ni Annie ay napakalamig na wala man lang mababakas na kahit na anumang emosyon hindi katulad kanina kaya habang nakatitig rito ay hindi niya maiwasang maramdaman na tila ba may nagbuhos sa kaniya ng isang balde ng malamig na tubig mula ulo hanggang paa na dahilan kung bakit nagising ang buong sistema niya.Kumurap siya dahil baka nagkakamali lamang siya ng nakikita ngunit nang muli niyang itaas ang kanyang ulo upang tingnan ito ganun pa rin ang mga mata nito, wala pa ring kahit na anong emosyon ang mababakas rito at hindi niya tuloy maiwasan na hindi mag-isip ng kung ano-ano. Isa pa ay bigla na lang din nanlamig ang tingin niya rito dahil sa mukhang kawalan ng inte
Agad na pumasok si Lucas sa kabilang sildi upang magbihis ng kanyang damit at pagkatapos ay dumiretso siya sa garahe at dali-daling sumakay ng kotse. Sa kabila ng malakas na buhos ng ulan ay pinatakbo niya ang kanyang kotse sa madulas na kalsada att kasabay nito ay nagdial siya sa kanyang cellphone. Hindi naman nagtagal ay kaagad na sinagot ng nasa kabilang linya ang tawag niya."Gising ka pa ba? Tara, labas tayo.” agad na sabi niya rito ng hindi na nagpaligoy-ligoy pa.Samantala sa kabilang banda ay napatingin naman si Tristan ng wala sa oras sa kanyang cellphone upang tingnan kung anong oras na at hindi niya naiwasan ang mapakagat sa kanyang mga labi dahil sa inis niya rito. "Lucas alam mo ba kung anong oras na? Alas dos na ng madaling araw at ikaw na nga lang ang sumagot ng tanong mo.” inis pa rin na sambit niya rito at pagkatapos ay napakamot pa sa kaniya ulo. Sino ba naman ang hindi maiinis kung naalimpungatan ka mula sa iyong pagtulog hindi ba? Kahit sino naman siguro."Diba
Noong nakaraan na umulan ng malakas? Biglang napatanong si Lucas sa isip niya at pilit na inaalala kung kailan iyon. Hindi nagtagal ay naalala niya na rin sa wakas. Iyon ang araw na tinawagan si Trisha dahil naroon ito sa ospital at dali-dali niya itong pinuntahan dis-oras ng gabi.Lagi niyang iniisip na umalis siya pero hindi alam ni Annie. Bago kasi siya umalis ay pinapakiramdaman niya muna ito kung tulog na ba ito at lagi sa isip niya na meron namang paraan para hindi nito mapansin na hindi siya umalis sa gabi basta't bumalik siya sa madaling araw at humiga ulit sa tabi nito at pagkatapos nun ay maaari na siyang kumilos na para bang walang nangyari.Ngunit hindi niya inaasahan na ang mga ginawa niyang pagtakas rito ay alam ni Annie. Alam nito ang lahat ang lahat ng iyon pero hindi nito sinabi sa kaniya.O baka sa mga gabing iyon ay hindi talaga ito nakatulog kaya alam nainito kaagad na umalis siya sa tabi nito.Kaya kinabukasan ay napakatahimik at napakalungkot itong nakatingin sa k
"Gising na ako kaya bumangon na ako. Kung naistorbo kita sa pagtulog mo ay pasensiya ka na. Pwede ka nang matulog ulit." sabi niya rito at pagkatapos ay muling pinilit na tumayo upang makaalis na sana siya doon ng tuluyan. Kaya lang, hinila siyang muli ni Lucas sa kama na ang kanyang mga kamay ay nakapulupot pa rin sa kanyang baywang. "Pwede bang dito ka muna sa tabi ko? Hindi ako makatulog nang wala ka sa tabi ko." sabi nito sa kaniya na namamaos pa rin ang tinig.Nang marinig ito ni Annie ay bigla na lamang bumilis ang tibok ng kaniyang puso. Sa totoo lang ay ito ang madalas niyang sabihin rito dati sa tuwing aalis ito sa kanyang tabi. Ngunti ngayon ay hindi niya akalain na sasabihin naman nito sa kaniya ang mga salitang iyon ngayon, pero naisip niya, bakit? Para saan? Para ba paglaruan siya at ang damdamin niya?"Lucas ano bang klaseng kalandian ito? Napaka-aga.” sabi niya sa himig na pabiro. Baka kasi magalit ito sa kaniya."E ano naman?" mahinang sabi nito na halos ikapanlaki ng
Hindi naiwasan ni Annie na hindi mapatitig sa mukha nito lalo na sa mga mata nito, wala naman siyang mabasang kahit na anumang emosyon sa mga mata nito. Isa pa ay pinilit niya rin ang sarili niyang maupo ng tuwid sa kanyang kinauupuan upang hindi nito makita na sobra siyang kinikilig ng mga oras na iyon.Matapos punasan ni Lucas ang gatas gamit ang kaniyang mga daliri ay dumampot ito ng tissue sa mesa at pinunasan muli ang bibig niya. Habang nakayuko ito at nagpupunas ng kanyang mga labi ay nakayuko lamang ito at hindi nagsasalita.Nang matapos nitong punasan ang kanyang labi ay tumayo na si Lucas ng tuwid pagkatapos ay bahagyang ngumiti. “Hindi ka na bata pero, meron ka pa ring gatas sa iyong labi hanggang ngayon.” sabi nito sa kaniya."E ano naman? Cute pa rin naman ako at maganda kahit na may gatas pa sa labi." Sadyang sabi ni Annie rito.Agad naman niyang nakitang tumango si Lucas nang hindi siya kinokontra. "Well, totoo naman ang sabi mo, maganda at cute ka pa rin kahit na may g