Hindi naiwasan ni Annie na hindi mapatitig sa mukha nito lalo na sa mga mata nito, wala naman siyang mabasang kahit na anumang emosyon sa mga mata nito. Isa pa ay pinilit niya rin ang sarili niyang maupo ng tuwid sa kanyang kinauupuan upang hindi nito makita na sobra siyang kinikilig ng mga oras na iyon.Matapos punasan ni Lucas ang gatas gamit ang kaniyang mga daliri ay dumampot ito ng tissue sa mesa at pinunasan muli ang bibig niya. Habang nakayuko ito at nagpupunas ng kanyang mga labi ay nakayuko lamang ito at hindi nagsasalita.Nang matapos nitong punasan ang kanyang labi ay tumayo na si Lucas ng tuwid pagkatapos ay bahagyang ngumiti. “Hindi ka na bata pero, meron ka pa ring gatas sa iyong labi hanggang ngayon.” sabi nito sa kaniya."E ano naman? Cute pa rin naman ako at maganda kahit na may gatas pa sa labi." Sadyang sabi ni Annie rito.Agad naman niyang nakitang tumango si Lucas nang hindi siya kinokontra. "Well, totoo naman ang sabi mo, maganda at cute ka pa rin kahit na may g
Dali-daling tumayo si Annie mula sa kinauupuan niya nang hindi nagsasalita at mabilis na nagtungo sa kusina upang kumuha ng isang basong tubog. Pagbalik niya sa harap nito ay kaagad niyang inilapag ang baso sa harapan nito. "Inumin mo na yan at sabihin mo na sa akin kaagad ang gusto mong sabihin. Lumalakad ang oras mo, mayroon ka na lang siyam na minuto.” walang ganang sabi niya rito.Sa mga oras na iyon naman ay pakiramdam ng tatay ni Annie ay inaapi siya nito dahil sa inaasal nito sa kaniya. Agad niyang dinampot ang baso sa harapan niya at mabilis na ininom ang laman nito. Nang maubos niya ng tuluyan ang laman ng baso ay dali-dali niyang kinuha sa kanyang bitbit na bag ang isang brown envelop at inilagay sa harapan ni Annie.Agad namang napatitig si Annie sa inilapag nitong brown envelop. Kahit na hindi niya pa nakikita kung ano ang laman nito sa loob ay nahulaan niya na kaagad na mga larawan iyon. Ilang sandali pa ay tiningnan niya ang kanyang ama ng malamig at pagkatapos ay nagtan
Kinabukasan nang makita ni Lucas ang balita ay hindi niya maiwasan na mamula ang kanyang mukha dahil sa sobrang galit niya. Agad na tumabi si Kian sa kaniya at hindi ito nangahas na huminga. Ang balita ay mabilis na kumalat sa internet. Napakuyom ang kamay niya habang nakatitig at binabasa ang mga kabi-kabilang artikulo hinggil sa kaniya.ANG BILYONARYONG SI LUCA MONTENEGRO, MAY ASAWA PALA?!LUCAS MONTENEGRO, NILOKO ANG ASAWA.DALAWANG TAONG PAGSASAMA, PINAGPALIT SA BABAENG BALDADO?!LUCAS MONTENEGRO, MANLOLOKO!Kahit saan siya mapadpad ay patuloy na kumakalat ang balita na para bang kabute na nagsasalputan ppagkatapos ng malakas na ulan. Tila isang paputok na sumabog sa internet at wala siyang magawa kundi ang mapahilot na lamang sa kanyang sentido habang nakatitig sa mga iyon."Kailangan mong i-check kaagad kung sino ang nagpakalat ng balita, lalo na yung mga pictures. Kailangan mabura kaagad ang lahat ng ito." Galit na galit na sabi ni Lucas at halos muntik na siyang mabaliw.Nap
"Bakit mo sinasabi ngayon sa akin ang lahat ng ito?” tanong ni Lucas sa kanya."Alam ko kasi na kahit hindi ko sabihin sayo ay malalaman at malalaman mo pa rin dahil sa mga koneksiyon mo. kayang-kaya mong malaman iyon ng walang kahirap-hirap." sabi niya rito at pagkatapos ay muling nagsalita. "Isa pa ay siya pa rin ang tatay ko. Kahit na hindi ko siya palaging nakakasama at pinabayaan niya ako noon ay hindi ko pa rin naman maaatim na panuorin siyang makulong na lamang basta.” dagdag pa niyang sabi rito.Ilang segundo itong hindi sumagot, kaya labis-labis ang kaba niya ng mga oras na iyon. Iniisip niya kasi na baka hindi pumayag si Lucas sa pakiusap niya sa sobrang galit nito sa kanyang ama. "So, tumawag ka sa akin sa pag-asang patawarin ko siya at palampasin ang ginawa, ganuon ba?" tanong nito.Napalunok siya. "Ganun na nga." mabilis na sagot niya rito. Nang matapos siyang magsalita ay talaga namang napahigpit ang hawak siya sa kanyang cellphone habang naghihintay ng sagot mula rito.
"Anong sabi mo, ako makukulong?" Hindi makapaniwalang tanong nito kay Annie. "Hindi ako posibleng makulong dahil lang sa ginawa ko. Wala naman akong ginawang mali, ipinakita ko lang sa publiko ang ginagawa ng magaling mong asawa, kaya huwag mo akong takutin." dagdag pa nitong sabi sa kanya. "Hindi kita tinatakot, binabalaan lang kita. Dahil sa ginawa mo ay nasira ang reputasyon ni Lucas idagdag pa na dahil sa ginawa mong to ay baka bumaba pa ang investments ng kompanya ni Lucas dahil sa pagpapakalat mo ng mga larawang iyon. Tandaan mo na napakayaman nya kaya tiyak na magagaling ang mga lawyer team ni Lucas dahil kilala ang mga ito sa buong bansa. Sa oras na kumilos sila ay sinisiguro ko sayo na baka makulong ka." dagdag pa niyang banta rito. Napangisi lang naman ito sa kabilang dako at pagkatapos ay ngumiti. "Huwag mo akong takutin Annie. Bakit sa tingin mo ba kung tatakutin mo ako na makulong ako ay matatakot mo talaga ako? Nagkakamali ka. Wala akong dapat ikatakot." puno ng kumpiy
Tumango si Annie rito. "Eh parang mahilig ka kasi sa western food e." sabi niya rito pero ang totoo ay medyo nagsinungaling siya. Gusto niya sanang magluto ng korean food pero nang mag-search siya ng recipe ay nakita niya na napakaraming side dish na dapat ihanda at iba-iba rin ang mga seasonings na ginamit na ang ilan ay hindi niya naman lang kilala kaya iyon nag western food na lamang siya at talaga namang nag-search pa siya ng pinaka the best na pagluluto nito. Naisip niya kasi na ang steak ay kailangan lamang na iprito nang isang beses at may mga kagamitan naman sila sa kusina at kumpleto rin ang kusina ng pampalasa kaya iyon na lamang ang naisip niya para hindi na siya masyadong mahirapan pa. Nang makita ni Annie ang kanyang inahandang pagkain ay hindi niya maiwasang hindi makaramdam ng kasiyahan dahil sa matagumpay na pagluluto niya. Nakaupo na si Lucas sa harapan ng hapag at maging sya ngunit habang nakatitig siya sa mesa ay pakiramdam niya ay may kulang sa mga iyon. Doon niy
"Tikman mo." Sabi ni Lucas nang mapatingin siya kay Annie. Agad naman na umupo si Annie at pagkatapos ay dali-daling dinampot ang mga kubyertos.Naghiwa si Annie ng isang maliit na piraso at mabilis na isinubo sa kanyang bibig. Halos mapapikit siya nang malasahan ang lasa ng karne sa bibig niya. Grabe, napakasarap nito. Ninamnam niya ang bawat pagnguya niya at pagkatapos niyang lunukin ito ay nagmulat siya ng kanyang nga mata at nilingon si Lucas na nakatitig sa kaniya, naghihintay ng sasabihin niya. "Masarap.” sabi niya rito "Masarap lang?" May himig na pagkadismaya ang tinig nito. At dahil doon ay dali-dali siya napakunot noo.“Sa totoo lang ay napakasarap ng luto mo, pwede ko ng sabihin na pang first class restaurant na ito.” Nakangitig sabi niya rito. Ewan niya na lang kung hindi pa masiyahan ito sa papuri niyang iyon.Nagtaas lang ito ng kilay sa kaniya at pagkatapos ay dali-dali nang inumpisahang hiwain ang steak nito sa plato kaya maging siya ay naghiwa na lang din ng isang pi
"Bakit mo nga ako tinititigan?" muling tanong nito sa kaniya dahil hindi niya nasagot ang tanong nito kanina. Ngunit sa halip na sumagot ay nag-iwas na lamang siya rito ng tingin at hindi sumagot, hindi niya rin kasi alam ang isasagot niya rito sa totoo lang.Paano ba niya sasabihin rito? O sasabihin nga ba niya? Hindi ba masyadong nakakahiya pag nagkataon? Pero kung pipigilan niya iyon ay baka mabaliw siya."Uhm, ano kasi…" Muli siyang tumingin sa TV at pilit na naghanap ang isang pinakamagandang dahilan para tigilan siya nito. "Sa tingin ko lang medyo katulad ka ng lalaking bida sa TV." sabi na lamang niya."Kung ganun ay may problema na ang mga mata mo." sabi sa kaniya bigla ni Lucas.Sasabihin sana ni Annie rito na tama na dahil artista ang mga iyon at mga sikat. Kahit na gwapo si Lucas ay hinding-hindi siya magiging artista, sasabihin niya sana ngunit pinigil niya ang sarili niya. Hanggang sa ilang sandali pa ay narinig niya ang tinig nito bigla. "Tingnan mo nga ang mukha niya.