Share

Chapter 101.2

"Bakit mo sinasabi ngayon sa akin ang lahat ng ito?” tanong ni Lucas sa kanya.

"Alam ko kasi na kahit hindi ko sabihin sayo ay malalaman at malalaman mo pa rin dahil sa mga koneksiyon mo. kayang-kaya mong malaman iyon ng walang kahirap-hirap." sabi niya rito at pagkatapos ay muling nagsalita. "Isa pa ay siya pa rin ang tatay ko. Kahit na hindi ko siya palaging nakakasama at pinabayaan niya ako noon ay hindi ko pa rin naman maaatim na panuorin siyang makulong na lamang basta.” dagdag pa niyang sabi rito.

Ilang segundo itong hindi sumagot, kaya labis-labis ang kaba niya ng mga oras na iyon. Iniisip niya kasi na baka hindi pumayag si Lucas sa pakiusap niya sa sobrang galit nito sa kanyang ama. "So, tumawag ka sa akin sa pag-asang patawarin ko siya at palampasin ang ginawa, ganuon ba?" tanong nito.

Napalunok siya. "Ganun na nga." mabilis na sagot niya rito. Nang matapos siyang magsalita ay talaga namang napahigpit ang hawak siya sa kanyang cellphone habang naghihintay ng sagot mula rito.
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Bendz Torres
parang mukhang Pera na ang author Dati may pa bunos Ngayon wala na ....hahahaha....
goodnovel comment avatar
Analyn Buenvenida Puig
more update po. author...bakit hindi ko na magamit ang mga bunos like dati para tuloy tuloy ang pagbasa ng episode?
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status