Hello po. Sana inaabangan niyo ito. Heheheh. Ayokong ma-discourage hahaha. Update na lang ako kahit ilan na lang nag-aabang nito. Bahala na kayo kung basahin niyo pa ito. Hahahah
RUTH’S POV MAINGAT na inilapag ko ang cellphone ni Jade sa mesa niya pagkuwa’y naglakad na papuntang pintuan. Pero hindi pa ako nakakarating nang biglang pumasok si Jade. “Tita Ruth, aalis na po si Ninong! Nakakatampo siya! Sabi niya po dito siya mag-stay while Daddy is away!” Awang lang ng labi ang nagawa ko habang sinusundan siya nang tingin na pasampa sa kama. Mayamaya lang ay nagtalukbong siya at doon na umiyak. “Jade.” Napalingon ako sa pintuan nang marinig ang boses na iyon ni Sir Benrick. “I’m sorry, umiiyak siya dahil sa akin,” ani ni Sir Ben. Naglakad siya kapagkuwan papalapit sa kama. Narinig ni Jade ang boses ni Sir Benrick kaya napaupo siya. “I hate you, Ninong! Sabi mo sasamahan mo kami dito para hindi kami malungkot. Pero bakit aalis ka?” “Hey, dadalaw naman si Ninong lagi. Kailangan lang kasi si Ninong sa bahay. Naalala mo ang kinuwento ko sa ‘yo na mga pamangkin ko? They need me.” Alam kong nagsisinungaling si Sir Benrick para lang makumbinsi si Jade na kaila
RUTH’S POV TALIWAS sa mga naiisip ko ang mga ginagawa ko. Heto, naka-pangalumbaba ako habang naghihintay na maglabasan sila Jade. Si Jamila naman ay nandito na sasakyan, himbing na. Hindi mawala-wala sa isip ko ang sinabi ni Sir Benrick na may girlfriend siya. Kahit saan ko tuloy siya nakikita sa loob ng bahay. Kaya sabi ko ngayon kay Manong agahan namin ang pag-sundo. Mas gusto kong tumambay dito sa tapat ng school ng mga bata, pero mali ako. Habang hinihintay ang dalawa kanina, si Sir Benrick ang nasa isip ko. Kaya naiinis ako sa sarili ko. Hindi yata effective ang mga dasal ko na ilayo ako sa tukso. Napaayos ako nang upo nang matanaw si Jade na papalabas na. Kaagad kong binuksan ang pintuan ng van at kumaway sa kanya. “Tita Ruth!” Hindi talaga nauubusan ng energy ang batang ito. Sinalubong ko siya at kinuha ang bag pati ang bitbit niyang envelope. “Anong mga ginawa niyo ngayon?” masayang tanong ko sa kanya. Nakasanayan ko na siyang tanungin niyan. Masaya naman niyang sinasago
BENRICK’S POV “YES!” Hindi ko maiwasang mapasigaw nang makarating sa loob ng aking sasakyan. Masaya ako dahil n*******n ko lang naman si Ruth! “Sh*t!” Sinapo ko pa ang dibdib kong mabilis ang tibok. Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong kilig. Lahat ng babaeng n*******n ko ay hindi gano’n ang epekto sa akin. Saka sila ang nauuna hindi ako. Ano ba kasi ang ginawa ni Ruth sa akin? Kaya lang naman ako lumalapit sa kanya dahil curious ako kung bakit siya mag-madre at nasagot naman na niya pero hindi ko ako kontento. Saka ginulo na ni Ruth ang aking laman. Mas lalo ngayong natikman ko ang labi niya. Patawarin nawa siya ng Diyos pero hindi ko mapigilan ang sarili ko kay Ruth. Natulog ako nang gabi na iyon na may ngiti sa labi. Inspired din akong pumasok sa opisina na ipinagtataka ng mga empleyado ko. Laging mainitin ang ulo ko dahil sa dami nang ginagawa. Maliban sa kompanya ng ama kasi kompanya ng ng kakambal ang inaasikaso ko. Kaya hati ang oras ko sa isang araw. Ramdam ko ang m
RUTH “SINGLE pa pala ‘yan si Sir Benrick mo, anak.” Napatingin ako kay Nanay na noo’y nagsasangag ng kanin. “Alam kong gusto mong mag-madre, anak, pero hindi na ba magbabago ang isip mo? Mukhang gusto ka ni Sir.” Ngumiti pa siya kapagkuwan. Pinanlakihan ko si Nanay ng mata. Naghuhugas ako noon ng basong ginamit ko. Pagkagising ko kasi, deretso kape na ako. Pero si Sir Benrick, tulog pa sa sala. Medyo nahihirapan siya kagabi nang silipin ko dahil mas mahaba pa ang katawan niya sa sala namin. Naawa nga ako sa kanya kaso wala na kaming ibang kuwarto. Okupado ng dalawa kong kapatid ang isang silid at tulog na nang dumating si Sir Benrick. Hindi ko na ginising. Ang silid naman nila Nanay ay hindi rin pwede. “Paano niyo po nagawang sabihin ‘yan, ‘Nay?” Tumingin pa ako sa sala, tulog na tulog pa rin si Sir. Sa mahina nga lang kasi baka marinig niya. “Anak, hindi ako ipinanganak kahapon. Hindi ‘yan pupunta dito nang gano’ng oras kung wala siyang nararamdaman sa ‘yo. Sabi mo kanina nakasa
RUTH’S POV “BEN, ano ba!” ani ko nang balingan siya sa aking tabi. Ngahuhugas ako noon ng plato na ginamit namin nang mag-lunch kami. Oo, nandito pa siya sa bahay namin. Ang buong akala ko nga uuwi na, hindi pa pala. Inalok kasi ni Nanay na dito na daw mag-lunch, at ayon pumayag naman siya. Nakiligo na rin siya. Saka prepared sin Benrick, may baong damit sa sasakyan. “Ang kamay mo!” ani ko pa kay Benrich nang hawakan niya ang kamay ko at pinagsiklop. Tinanggal niya pa ang sponge sa akin kamay. Ang lakas ng loob niya dahil naki-birthday si Nanay, apat na bahay mula sa amin kasama ang bunso kong kapatid. “Naiinis ka?” tanong ni Benrick nang tingnan ako. “Obvious?” Hindi ko na napigilan ang sarili ko. “Oh, my Ruthy… Bad ang mainis. Pero okay lang ‘yan. Para magbago ang isip mo dahil marami ka ng kasalanan. You’re too bad para sa kumbento,” anitong nakangisi. Nakatikim tuloy siya ng siko sa akin. “Ah, Ruthy, bukas na ako uuwi. Hindi naman pala uuwi ang Tatay mo.” “Ano?” “You he
RUTH’S POV HINDI na ako nakaimik pagkatapos sabihin iyon ni Ben. Kinabig na lang niya ako lalo at niyakap nang mahigpit. Naramdaman ko ang paghalik niya sa buhok ko. “Hihintayin ko na lang kung kailan ka handa,” aniya. Alam kong nalungkot siya. Wala naman kasi talaga akong masabi. “S-salamat, Ben,” ani ko nang balingan siya. Bahagya siyang ngumiti. “Okay lang ba kung magkatabi tayo ngayon matulog? Promise, wala akong gagawin na hindi mo gusto.” Napatitig ako sa kanya. Tumango din ako mayamaya sa kanya, pero matagal din. “Thank you, Ruthy.” Wala naman kaming maisip na gawin kaya nag-movie marathon na lang kami. Dahil wala naman akong alam na title, hinayaan ko na lang si Benrick na mag-play ng gusto niya. Naaupo kami sa sahig. At ang posisyon namin, nakapaloob ako sa hita niya habang nakasandal sa kanya. Siya rin nakasandal sa sofa. “B-Ben,” “Hmm,” aniya nang banggitin ko ang pangalan niya. “F-forward mo nga,” utos ko. “Bakit?” aniyang natatawa. Paanong hindi ko sasabihin,
BENRICK ILANG na nagpabalik-balik ako sa telepono kong naka-charge. Hindi na nag-chat si Ruth. Baka mamaya iniisip nitong nagalit nga ako. Hindi ko naman magawa kung tutuusin. Hindi ko siya kayang tiisin. Bigla lang kasing namatay ang telepono ko pagkatapos kong magsalita. Saktong nasa r***k ako ng inis pa naman. Tinanggal ko muna sa pagkakasaksak at nagtipa ulit ng mensahe kay Ruth. Sinabi ko ring tatawag ako at may sinabi akong oras. Basta hindi ako matutulog ngayon nang hindi ko siya nakakausap. Nagpasya akong umidlip mayamaya. Sabi ko, mga isang oras lang para may lakas akong kausapin si Ruth. Siguradong tapos naman na siguro ang kasal. Imbes na isang oras, inabot ng limang oras ang aking tulog. Parang gusto kong magwala dahil nag-reply si Ruth na hihintayin niya ang tawag ko. Pero anong ginawa ko? Tinulugan ko siya. Napagod kasi ako sa maghapon ko dito sa San Jose. Pagkatapos ng dalawang meeting ay sinundo ko pa ang isa sa kambal naming bunso sa Meadowlands na ilang araw nan
RUTH’S POVSIMULA nang makita ko si Benrick at ang babae na iyon ay hindi na nawala sa isipan ko kaya minsan wala ako sa sarili. Kung hindi pa gugulatin ng dalawang bata ay hindi babalik sa kamalayan.“Tita Ruth, may sinasabi po si Daddy.”“Huh?” Tumingin ako kay Sir Kyrie na noo’y nakakunot ang noo.“Are you with us, Ruth?”“O-opo.” Napakagat ako ng labi kapagkuwan.“Magdala ka na lang extra damit ng mga bata dahil may dinner tayo mamaya.”“S-sige po.”Akmang tatalikod si Sir Kyrie nang may naalala. “Nga pala, ilang araw na kitang hindi ma-contact. Nasaan ang phone mo?”Ang totoo niyan, naka-off ang telepono ko para hindi ako tawagan ni Benrick. Buti na lang hindi siya pumupunta dito sa bahay.“Um, nawawala po ang simcard. Bibili na lang po ako mamaya pagkahatid po namin sa dalawa.”“Okay. Tawagan mo ako para malaman ko ang number mo.”“Sige po, Sir.”Bahagyang kumunot ang noo ni Sir Kyrie. “Kyrie, Ruth. Call me Kyrie. Ilang beses ko nang sinabi ‘yan.”Tumango ako. “K-Kyrie.”Natakot