Share

BROKEN HEARTS AND PROMISES
BROKEN HEARTS AND PROMISES
Author: SEENMORE

1. TRAPPED SERIES#5

(This story is TRAPPED SERIES#5)

Pwede ninyong basahin ang iba kong TRAPPED SERIES, punta lang kayo sa profile ko at hanapin ito.

1. TRAPPED WITH HIM

2. HIS INTENTION

3. THE LONELY BILLIONAIRE AND HIS MAID

4. TRAPPED IN HIS WRATH

RED FLAG ANG MALE LEAD! Kung hindi mo gusto ang ganitong klase ng story ngayon palang ay tigilan mo na po ang pagbabasa. Pero may characters development naman ang ating bida. Patunay na kayang magbago ng isang tao kapag nagmahal♥️

*****

"I TOLD YOU TO BREAK UP WITH THAT MAN, MARIAN! Masyado ka pang bata para makipagrelasyon! Besides, wala akong tiwala sa lalaking iyan, sisirain lamang ng lalaking iyan ang buhay mo. Mabuti pa ay tutukan mo na lang ang pag-aaral mo, alam mo naman na balang araw ikaw ang magmamana ng lahat!"

Nagkatinginan sina Gail at Zera, nakasandal sila ngayon at nakadikit ang tenga sa pintuan ng kwarto ng kanilang nakatatandang kapatid para makiusyuso.

Pareho silang napalunok ni Zera. Mukhang galit na galit talaga ang kanilang ama. Nalaman kasi nila na hindi na pumapasok si Marian sa unibersidad, pinili nitong sumama sa nobyo, napapabayaan na nito ang pag-aaral.

"Nagkulang ba ako sa paalala sa'yo anak? Binigay ko naman ang lahat sa inyo magkakapatid, hindi ba? Sabihin mo sa akin, anak! Ganon ba kahirap sundin ang utos ko!" Puno ng hinanakit ang boses ng kanilang ama, naroon din ang pagkadismaya sa ginawa ng kanilang kapatid.

"I love Junli, dad! Hindi ko siya hihiwalayan, handa akong iwan ang marangyang buhay na ito para makasama lang siya. Kahit ilang beses ninyong sabihin sa akin na iwan siya, hindi ko magagawa, paulit-ulit na siya ang pipiliin ko—"

Mahina silang napa-oh ni Zera nang marinig ang malakas na sampal ng kanilang ama.

"You are just eighteen years old! Kaya mo bang pakainin ng pag-ibig na iyan balang araw!"

Muli silang nagkatinginan ni Zera, pumikit sila at mahina na bumilang ng tatlong segundo bago nagmadaling tumakbo palayo.

Natatakot sila ngayon sa kanilang ama. Sa loob ng sampung taon na kasama nila ito, ngayon lang ito nagalit ng husto.

"Manang, I want fresh juice and cookies please! Pakidala sa kwarto ko!" Malakas na utos ni Zera na hinihingal pa.

Pagdating sa kwarto, agad itong sinara ni Zera. Nanggagalaiti nitong binato ang unan sa dingding ng kwarto.

"Kainis talaga si Ate! Wala ba siyang utang na loob? Ang gusto lang naman ni Daddy ay hiwalayan niya si Junli na 'yon para makapag-focus siya sa pag-aaral. Pwede naman siyang lumandi pagkatapos niyang grumaduate ng kolehiyo. Hindi ba pwedeng unahin at piliin niya ang kinabukasan niya?!"

Bumaling si Zera sa kanya.

"Ikaw, magtapos ka muna bago ka lumandi! Tandaan mo, ito lang ang maigaganti natin sa lahat ng kabutihan na ginawa ni Dad sa atin!"

Hindi siya kumibo.

"Are you listening to me, Gail!" Sikmat nito, nagsimula na naman itong mainis nang mapansin na parang balewala lang sa kanya ang mga sinasabi nito. "You're just fourteen, Gail. You should listen to me, dahil hindi lang naman 'to para sa akin. Wag kang gagaya kay Ate Marian na inuuna ang sarili. May utang na loob tayo na kailangan bayaran, at mababayaran lang natin 'yon kung magiging mabuting anak tayo kay Dad!"

Sa pagkakataong ito, tumango na siya.

"Tandaan mo ito, Gail! Lahat ng gusto ni Dad ay kailangan natin sundin, iyon lang ang paraan para mabayaran natin ang ginawa niyang pag-alis sa atin sa ampunan!"

'Utang na loob'

It ingrained in her young mind; to finish her studies and help their father to repay a debt of gratitude. Ito ang pangako nila sa sarili ng kanyang Ate Zera. Iyon lang naman ang gusto ng daddy nila, ang makapagtapos sila para balang araw ay makatulong sila sa pamamalakad ng mga businesses nito. Hindi lang 'yon para sa kumpanya, o sa ama nila, para rin kasi iyon sa kanila.

Oo, mga ampon silang tatlo, hindi sila magkadudo. Walong taon si Marian, anim na taon si Zera, at siya naman ay apat na taon nang ampunin sila ni Hector Floresca at nang asawa nitong si Geda, mag asawang negosyante.

Napakaswerte nilang tatlo dahil hindi lamang sila binusog sa materyal na bagay ng taong umampon sa kanila, binusog din sila ng mag asawa sa pagmamahal.

Napahinto si Gail sa paghakbang nang makita nito ang ama na nakatingala sa malaking picture sa dingding, kung nasaan nakasabit ang wedding picture nilang mag asawa.

"G-Geda, kung narito ka lang sana ay natutulungan mo akong gabayan ang mga anak natin... b-bakit mo kami iniwan? B-bakit mas pinili mong umalis? B-bakit hindi ang pamilyang ito ang pinili mo? Geda, b-bakit?"

Humigpit ang pagkakahawak ni Gail sa strap ng sling bag niya nang marinig ang hagulhol nang ama, mukhang lasing na naman ito.

'Bakit nga ba, mommy?' Masaya naman sila pero mas pinili nito ang lalaki nito kaysa sa kanila.

"P-Pati si Marian ay pinili ang lalaking 'yon kaysa ang sundin ang gusto ko... w-wala naman akong hinangad kundi ang mapabuti ang mga anak natin! N-naging masama ba akong ama?!"

Tuluyan nang pumatak ang luha sa mata niya nang banggitin ng daddy niya ang tungkol sa Ate Marian niya.

Kasalanan niya ito!

Nagpatulong ito sa kanya na mag alibi sa daddy nila. Tinulungan niya ito at sinamahan pa sa mall dahil kunwari ay may kailangan siyang bilhin. Pero palusot lang pala iyon nang Ate Marian niya. Nang mismong araw na 'yon ay iniwan siya nito at nakipagtanan sa nobyo nitong si Junli.

"This is all your fault!" Paninisi ni Zera. "Kung hindi mo tinulungan na tumakas si Ate Marian ay hindi na malulungkot at masasaktan ng ganyan si daddy! Hindi na nga siya sumaya simula nang mawala si mommy, lumayas pa si Ate Marian! Peste talaga ang babaeng 'yon! Walang utang na loob!!!"

Simula nang araw na 'yon ay tinatak niya sa isip na hindi na siya magkakamali pa. Hindi siya gagawa nang bagay na ikakakasama, o ikalulungkot nang daddy nila. Magtatapos siya nang pag aaral at tutulong sa kanilang family business. Hindi siya gagaya sa Mommy at Ate Marian niya. Hindi niya iiwan ang pamilya nila.

"Abigail!!!!" Ang malakas na boses ni Nerissa ang umalingawngaw sa buong hallway ng kanilang university. "Oh my god!!! Si Miguel magmamall tour this week!!!"

Her design is perfect! All she has to do is prepare the material she needs. Madali na lang tapusin ang pagbuo nito sa oras na—

"Gail, are you listening to me?! I said Miguel will be having a mall tour this week! Akin na nga iyan, hindi ka nakikinig sa akin dahil dito eh!" Inagaw nito ang sketch pad na palagi niyang dala.

"So?" Nakataas ang kilay niyang tanong, na ikinasimangot ng cute nitong mukha.

"Nakakainis ka naman, Gail! Akala ko ba susuportahan mo ako sa lahat ng gusto kong gawin?" Kumibot-kibot ang labi nito, sinimulan din nitong papungayin ang mata.

Ganito ang kaibigan niya kapag gustong magpaawa o humingi ng pabor sa kanya.

"Hindi mo ako madadala sa ganyan mo, Nerissa. Hindi ko nga kilala ang mukha ni Miguel na iyan. Saka ikaw lang naman ang fan sa ating dalawa, 'di ba? Kung hihiling ka na may kinalaman sa lalaki, huwag mo nang ituloy dahil alam mo na ang sagot di'yan." May pinalidad sa boses na wika niya.

Tinutulungan niya si Nerissa na magpalusot sa magulang nito kapag gusto nitong gumala. Pero kapag may kinalaman sa lalaki o date, hindi niya ito tinutulungan. Abala at sayang lang sa oras.

"Kaya wala kang boyfriend, eh! Ang sungit mo kasi!"

Ilag ang mga kalalakihan sa kanya dahil sa 'ugali' kuno niya na hindi makain ng aso— in short, napakasama daw ng ugali niya. Mga lalaki nga naman, hindi lang mapagbigyan o mapansin, masasabihan ka agad na masama ang ugali.

At seventeen pa lang siya. Masyado pang bata para makipagrelasyon. Mas mabuti pa na pagtuunan niya ng pansin ang pag-aaral, matutuwa pa ang ama niya. Fine arts ang course niya. Gusto niya kasi na matuto pa tungkol sa crafting.

"Sige na, tulungan mo akong magpaalam kay mommy at daddy." Umupo ito at umakbay pa sa kanya. "Sige na, bff, please. Hindi nila ako papayagan kapag hindi kita kasama, maawa ka sa maganda mong kaibigan..." Pinagkiss pa nito ang dalawang palad para magmakaawa.

Hindi pa ito nakuntento, nilabas pa nito ang picture ni Miguel kuno na hindi niya makita ang mukha dahil tadtad ito ng kiss mark lipstick.

"Pagbigyan mo na ako na makita si Miguel, Gail. Sige na, please!"

"No... and that is my final answer." Aniya.

Pagdating sa Villa, agad siyang humalik sa pisngi ng daddy nila. "Evening, dad. Ang aga mo naman pong dumating ngayon." Pabagsak siyang naupo sa sofa. Pakiramdam niya ay naubusan siya ng energy dahil sa walang tigil na pangungulit ni Nerissa. Hindi talaga siya nito tinigilan, akala ay mapapapayag siya.

"Good evening, baby." Ganting bati ng ama. "Don't tell me nakalimutan mo kung anong araw ngayon?" May bahid ng pagtatampo ang tanong nito.

Kumunot ang noo niya.

Bumuntong hininga ito. "It's your mother's birthday, baby."

Tumaas ang kilay niya. "Ano naman po?"

"Gail!" May pagbabanta sa boses na sita ng Ate Zera niya na kadarating lang. "She is still our mother—"

"Ate Zera, move on, okay?" Umusbong ang galit sa dibdib niya na matagal na niyang kinikimkim. "She left us, remember?" Saka bakit nagagalit ito ngayon? Hindi ba galit rin naman ito sa ginawa ng kanilang ina?

"Gail!" Nakabalatay sa mukha ng kanilang ama ang sakit, halata na hindi nito gusto ang inasta niya patungkol sa kaarawan ng asawa nito.

Pero wala siyang pakialam. Iniwan sila nito, mas pinili nito ang ibang tao kaysa sa pamilya nila.

'Hinding-hindi ko kayo ipagpapalit sa kahit anong bagay'

Pinahid niya ang luha nang kusang tumulo ito. Naalala niya ang pangako nito sa kanilang tatlo ng mga ate niya.

"S-sige po, dad. Aakyat na po ako sa kwarto ko." Hindi na niya hinintay na magsalita pa ito, umalis na siya na tila mayro'ng mabigat na bato na nakapatong sa dibdib. Mabuti pang umakyat na siya dahil sigurado na mapapagalitan lang siya, lalo na ni Ate Zera niya.

Bumuntong hininga siya.

Bakit inaalala pa ng mga ito ang taong nang iwan sa kanila? Hindi niya maintindihan. Para sa kanya ay hindi na dapat inaalala pa ang mga taong pinili kang iwan at saktan.

Kinuha niya ang cellphone at agad na tinawagan ang kaibigan. "Pumapayag na ako. Kailan kita ipapaalam kila tita?"

"Oh my god!!! Talaga?!!!"

Nilayo niya ang cellphone sa tenga. Pakiramdam niya ay mabibingi siya sa lakas ng tili ni Nerissa sa kabilang linya.

"Pwede bang ngayon na?!"

"Masyado kang atat. Kakauwi ko lang kaya. Bukas na lang, baka hindi rin ako payagan ni daddy na ihatid di'yan sa inyo ngayon." Sigurado siya na iiyak na naman ito dahil sa pag-aalala sa mommy niya, at sigurado din na bawal silang umalis ng bahay ng Ate Zera niya ngayon.

Kinabukasan, maaga siyang nagpahatid sa bahay nila Nerissa.

"Ikaw ang may kasalanan ng lahat ng ito! Kung hindi ka nabuntis, hindi ako makukulong sa walang kwentang pamilyang ito!" sigaw ng ama ni Nerissa.

Nagkunwari siyang walang narinig at nagpatuloy sa pagpasok sa kwarto ni Nerissa. Katulad ng dati, walang pakialam ang kaibigan niya sa away ng magulang nito. Sanay na kasi ito. Pero aaminin niya, nakakaramdam siya ng awa rito.

Harap-harapan ay halos isuka ito ng sariling ama. Mas masaklap pa ang kayang gawin ng daddy nito kaysa sa mommy niya. Hindi lang kasi isang beses nambabae anh daddy ni Nerissa, maraming ulit na. Nasasaktan pa nito ang kaibigan niya madalas.

"Paano ako magpapaalam sa parents mo kung nag-aaway sila?" Humiga siya sa tabi ni Nerissa.

"Ouch!!!" Daing nito nang batukan niya nang malakas.

Nag-aaway na ang magulang, pero heto ang kaibigan niya, busy sa panonood ng video.

Napailing na lang siya.

Trenta minuto ang hinintay nila bago nagpaalam sa mommy nito na aalis sila next Saturday.

"Tigilan mo nga ang kakagawa ng design, Gail. Nandito tayo sa mall ngayon para gumala, hindi para mag-drawing!" Napipikang turan nito.

Narito sila ngayon sa Z-mall. Pagkatapos magpaalam sa magulang ni Nerissa, tumuloy sila rito. Bibili kasi sila ng bagong relo. Heto ang isa sa rason kung kaya madali silang nagkasundo. Pareho sila na mahilig sa iba't ibang klase ng relo.

Luminga-linga siya. Kanina lang katabi pa niya si Nerissa, pero bigla na lang itong nawala. Hindi talaga ito mapakali sa isang lugar. Sigurado na bumibili na naman ito ng bagong album ng paborito nitong artista, singer, dancer—ah basta, lahat ng katangian nandoon na.

Ano nga pala ang pangalan ng idol nito? Miggy? Medel? Arghh! 'Di bale na nga.

Napa-ohh ang labi niya nang dumako ang mata sa estante kung nasaan ay mayro'ng napakagandang relo.

Ang limited edition na Z-watch!

Tamang-tama, malapit na ang kaarawan ng daddy niya. Tatlo lang ang mayro'n nito sa buong mundo. Kaya sigurado na matutuwa ang daddy niya kapag nabili niya ito.

Hmm. Magkano naman kaya ito?

"Fvck you, fvcker! Bakit mo dinisplay ang relo ko rito?! Gusto mong pasabugin ko itong mall mo? Damn you!!!"

Nalukot ang kanyang mukha nang marinig ang malulutong na mura ng lalaking katabi niya.

Hindi ba nito nakita na may bata?

"Ughh! I'm gonna kill you later, fvcker!"

Hindi niya mapigilan ang lingunin ito. Napakalaki kasi ng boses nito—lalaking-lalaki ang dating, nakakapanindig balahibo.

Muntik na niyang makagat ang dila nang pagtingin niya rito ay napakalaki pala nito—para itong bakulaw.

Ang tangkad, parang kapre!

Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin, hindi niya inaasahan na nakayuko pala ito at nakatingin sa kanya.

The man standing in front of her was six feet two inches tall. She knew this because she was good at estimating sizes. He had pale white skin like a vampire and beautiful amber eyes that she was certain captivated all the women around him. His curly faded black hair suits his handsome face, making him look more like a Greek god.

May ganitong kagwapong tao pala sa Pilipinas? Akala niya'y nasa Hollywood lang ang ganitong klaseng mukha.

Hindi niya mapigilan ang mapangiwi nang madako ang mata niya sa labi nito. Medyo maitim, na halatang malakas manigarilyo.

Yuck.

Binalik niya ang tingin sa relo. Muling kuminang ang mata niya—pero agad din na nawala ang kinang sa kanyang mata nang basagin ng lalaking katabi niya ang estante.

"Hoy, teka!" Hinawakan niya ang kamay nito para kunin ang relo. "You jerk! That is illegal! You shouldn't break a glass like that, you thief! Security!!! May magnanakaw!!!!" Malakas niyang sigaw.

Napansin niya na napapalunok ito habang nakatingin sa kamay niya na nakahawak sa kamay nito.

"Let go of my hand, kid," nag-angat ito ng tingin. "Release it if you don't want me to hunt you."

Bigla siyang napabitaw nang tumingin ito sa labi niya. Bigla na lang siyang nakaramdam ng kaba. Para kasi itong handang sakmalin siya anumang oras.

Pumaling ang mukha nito sa lakas ng sampal niya. "Ikaw na nga ang nagnakaw, ikaw pa ang galit?! Ang tigas naman ng mukha mo—" Naiwan sa ere ang iba pa niyang sasabihin nang tumayo ito nang tuwid sa harapan niya.

Namutla siya dahil nagmukha siyang duwende sa harapan nito. Madilim na nakatunghay ang gwapong mukha nito sa kanya, napansin niya na nakatingin ito sa kanyang leeg— hindi kaya... balak siyang sakalin nito?!

Napalunok siya sa takot kasabay ng paggalaw ng mabilis ng kanyang katawan— mabilis siyang tumakbo papalayo.

Ano ba ang pakialam niya sa store na 'to? Hindi naman niya kaano-ano ang may-ari nito. Bahala nang manakawan ito... mas mahalaga ang buhay niya kaysa sa relo na iyon. Dahil kung hindi pa siya tatakbo at aalis... baka masakal na nga siya ng tuluyan ng lalaki.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Elleboj
sa wakas... andito na ang pinakahihintay na story ni miguel... so excited... thanks miss a!
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status